Love and Magic Series Chapter 37

“I am really okay. Thank you for everything, Kraven.”

“And you sleep well. Want me to sing a lullaby for you?”

Mahina siyang tumawa. “Iyan ang sinasabi kong bangungot.”

“Ang sabihin mo, mai-in love ka lang sa akin kapag narinig mo ang boses ko.”

Nawala ang ngiti niya sa labi. “Good night, Kraven.” Saka niya dali-daling pinutol ang tawag. She suddenly felt scared.

Dati-rati ay hindi naman siya nagpaapekto sa biro nito. Pero nakadama siya ng takot nang sabihin nitong maari siyang ma-in love dito.

This is not the right time for love. And I would never be the right girl for Kraven or any other man. Not until I know who I really am.

HUMAHAGINIT ang malakas na hangin sa mukha ni Aricka. Naramdaman din niya ang pagtama ng patak ng ulan sa kanyang mukha. Sinubukan niyang gumalaw lumalagablab na apoy ang nakatali sa paa’t kamay niya.

Sa harap niya ay si Kraven habang yakap ang babae sa kanyang panaginip. Si Yvanna. Pumapailanlang ang malamyos na boses nito kasabay ng kulog.

“Isang halik lang at mapapasaakin ka na, Victor,” wika ni Yvanna habang dahan-dahang inilalapit ang mukha dito.

“Hindi si Victor iyan. Si Kraven iyan!”

Gumalaw ang pulang tela na nakapulupot sa balikat ni Yvanna at sumakal sa leeg niya. “Tumahimik ka. Sa akin na siya. Mula ngayon ay magiging akin na siya. Ako na ang mamahalin niya!”

“Huwag!” sigaw niya. Humihingal siyang bumangon at iminulat ang mga mata. Isang masamang panaginip lang ang lahat. Nasa loob muli siya ng kuwarto niya. Taliwas sa kanyang panaginip ay maganda ang panahon sa labas. Mataas ang sikat ng araw at mukhang hindi uulan sa maghapong iyon.

“Aricka, it is about time you get up,” wika ni Mimosa at pumasok sa kuwarto niya. “Tanghali na.”

“Sorry, Mommy.” Kinusot niya ang mata. “Napagod po ako kagabi at…”

“I invited Kraven for lunch.”

“What?” Mariin niyang isinuklay ang daliri sa magulong buhok. Hindi pa siya handang harapin ito. Gaya kasi ng sinabi nito nang nagdaang gabi ay ito ang naging laman ng panaginip niya. “Pero Mommy…”

“Tapos na akong magluto. All you have to do is serve him.” Akmang ibubuka niya ang bibig para tumutol pero ikinumpas nito ang daliri at parang napagkit ng glue ang bibig niya. Hindi siya makapagsalita. “You have to thank him properly for saving you last night. So stop complaining.”

“That’s a dirty trick!” angal niya nang magawa ulit maibuka ang bibig. “You use your magic to shut me up.”

“Only when you complain too much. Mabuti nga hindi ko nilagyan ng gayuma ang pagkain ninyo.”

“Matchmaking, Mommy?” Sinagot lang siya nito ng halakhak.

Matapos mag-shower ay bumaba na siya. Narinig niyang nag-uusap sina Kraven at ang mommy niya. Tumayo si Kraven at ngumiti sa kanya.“Good morning!”

“Maaga ka yatang dumating,” komento niya at tiningnan ang wristwatch. “Alas onse pa lang, ah!”

“Maaga ko siyang pinapunta dito para magkakwentuhan kami,” sabi ni Mommy niya. Nag-ring ang phone. “Ako na ang sasagot. Excuse me.”

“So how are you feeling?” tanong ni Kraven nang umupo siya sa tapat nito.

“I feel better, actually. Nasobrahan lang ako sa tulog.” And that insane dream bothered her again. Bakit ba palagi niyang napapanaginipan si Kraven at ang kakaibang babae na si Yvanna?

“I’m sorry, Kraven,” wika ni Mimosa nang sumingit sa usapan nila. “I have to go to the gallery. Dumating ang isa sa pinaka-importante kong client. Kayo na munang dalawa ang mag-lunch. Susubukan kong sumunod.”

Binigyan niya ng nag-aakusang tingin ang mommy niya nang halikan siya nito sa pisngi.She didn’t know if it was real or just an alibi to leave her and Kraven alone.

“Take care, Tita,” sabi ni Kraven kay Mimosa at ihinatid nila ito sa labas.

“Want to continue our chat over lunch?” she asked. Mas gusto niyang may ibang mapagtuunan ng atensiyon lalo na’t silang dalawa na lang.

“Sure!” Nanlaki ang mata nito nang makarating sila sa table. Nakahanda na ang pagkain doon. “Wow! Mukhang masarap.”

“Gusto naming magpasalamat ni Mommy sa pagliligtas mo sa akin.”

“It is nothing.” Inalalayan siya nitong umupo. Mukhang excited na itong kumain nang biglang matigilan nang susubo na. “Wala itong gayuma?”

Tinaasan niya ito ng kilay. “Bakit naman kita gagayumahin? I am not interested. Sakit lang ng ulo kayo mga lalaki.”

He smiled sheepishly. “Good. Ayoko kasing ma-in love ka sa akin.”

Tinawanan lang niya ito. “Not in a million years, Kraven!”

Then she felt his tender look on her. “I am glad to hear that. Ayoko lang may babaeng masaktan dahil sa kaguwapuhan ko.”

Mukhang seryoso talaga ito sa sinabi. Idinadaan lang nito sa biro. Hindi tuloy niya maiwasang magtaka. Bakit parang ayaw ni Kraven na may magmahal dito? Ano ang kinalaman niyon sa panaginip niya? Or she was just thinking too much.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.