Love, Lust and Cherry Knots Chapter 1

Napatingin si Guinevere sa mga tangkay ng cherry na natira sa kanyang mga inumin. Kinuha niya ang isa at pinaikot-ikot iyon sa kanyang mahahabang daliri.

Sabi sa kanya dati, malalaman mo daw na good kisser ang isang tao kung kaya niyang pagbuhulin ang tangkay ng cherry. Dala marahil ng sobrang kalasingan ay sinubukan ni Guinevere ang kalokohang iyon.

Niligay niya sa loob ng bibig ang tangkay ng cherry. Gamit ang dila ay pinagbuhol-buhol niya iyon. Lumipas na yata ang tatlong minuto at nagkalasog-lasog na ang tangkay ng cherry ay hindi pa rin nagagawa ni Guinevere ang misyon.

Frustrated na kinuha ni Guinevere ang tangkay ng cherry at marahas na itinapon sa counter ng bar kung saan kasalukuyan siyang nagpapakalunod sa alak. She was a brokenhearted woman. Pati pride niya, durog na durog. Ipagpalit ba naman siya sa babaeng malapit nang magka-senior citizen’s card?

And alcohol, she thought, could be her best friend even just for a night.

Napatingin si Guinevere sa ilang tangkay pa ng cherry. Sinubukan niya ulit na pagbuhulin iyon. Sumakit na ang dila at nangalay ang panga niya pero wala pa rin.

“I probably don’t know how to kiss that’s why he dumped me,” anas ni Guinevere at saka nangalumbaba. Kahit pesteng cherries, di manlang pinagaan ang loob niya. May gusto pa yatang ipamukha.

“Don’t believe the cherries.”

Napalingon si Guinevere sa nagsalita. Isang lalaki ang kanyang nalingunan.

Nakaupo ito malapit sa kanya kaya malamang ay nakita at narinig ng lalaki ang kagagahan niya.

“Hi,” tumayo ang lalaki at naglahad ng kamay. “I’m Arthur.”

Tinanggap ni Guinevere ang pakikipagkamay ng lalaking Arthur daw ang pangalan. Now that he’s a little closer, she realized that the guy is handsome. “Gen,” sagot niya. Bumaba ang tingin niya sa labi nito.

She always liked lips. Kaya nga siya na in love sa gago niyang ex.

Her stupid ex had good lips but a bad taste. What a waste.

“Your name sounds like someone who could kiss so well,” sabi ng lalaking kasing-pula ng cherries ang mga labi.

Natawa si Guinevere. Oddly, her laugh went out real. “Oh please, the cherries said I’m not.”

Arthur was half-smiling with eyes that sparkled like champagne. “Decisions are too complicated for cherries.”

“You think so?” tanong ni Guinevere.

Inilapag ni Arthur ang hawak na whisky, itinukod ang braso sa bar counter at ibinaba ang tingin sa kanyang mga labi. “Cherries are brainless,” anito sa mababang boses na tila bulong na. "Hmm. Let me have a taste instead."

Bago pa man makapagsalita si Guinevere ay inangkin na ng lalaki ang mga labi niya.

Kissing a stranger wasn’t really new to her. But liking a stranger’s kiss was a different story.

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.