Love, Lust and Cherry Knots Chapter 2

“Anong pangalan nung chick?” nakangising tanong ni Arthur Lance sa kaibigang si Klyde.

Kagaya niya ay doktor din ito sa St. Gabrielle International Hospital kung saan pareho na silang third year residents.

Nasa pediatric department siya, nasa surgery naman ito.

“Barbara,” sagot ni Klyde na may makahulugang ngiti sa mga labi.

“Magaling ba?” tanong naman ng bagong residente na si Cray. May dugong bunny din ito aka playboy.

Klyde grinned. “The best pare. I could give her a 10.5.”

“You probably wanna sleep with her again.”

Ngumisi si Klyde. “Nope. She’s not that lucky.”

Rule number one: Never sleep with the same woman twice.

Umangat ang kilay ni Cray. Hindi makapaniwala. “Even if she’s a 10.5?”

“Babae na naman iyan no?” sabad ni Georgina- ang babaeng minalas na ma-inlove sa walang balak ma-inlove na pinsan niyang si Leigh.

Nginitian niya ito.

“Ikaw, si Leigh na naman ang pinunta mo dito no?” panunukso ni Arthur Lance na agad namang nagpamula kay Georgina.

Siyempre pa, tinawanan iyon ni Klyde kaya nakitawa na rin siya. Nagtaas ito ng kilay at umupo sa tabi niya. Madaling araw na nun kaya nasa cafeteria sila at nagkakape. Madalang na rin naman kasi ang pagdating ng mga pasyente kapag ganoong oras.

“Pangit ba ako?” ani George kasabay panghahaba ng nguso. He raised a hand and tapped George’s back.

“Hindi naman masyado,” biro ni Arthur Lance na lalo namang nagpagusot sa mukha nito. “Kidding aside, maganda ka George. Papasa ka ngang girl friend ko.”

Umangat ang kilay ni George. Nanunuya. “Ilang araw naman na magiging tayo?”

Ipinatong ni Arthur Lance ang mga daliri sa ilalim ng kanyang baba at kunwari ay nag-isip muna bago sumagot.

"Pwede ka ng limang araw. Pero dahil magkaibigan tayo, sige, isang linggo akong magiging sa’yo.”

Sumimangot ang dalaga. Natawa lang siya.

“Buhay ka pa pala Arthur Lance?” pigil ang tawang pukaw ni Klyde sa kanya. Ininguso nito ang direksyon sa bahagyang likuran ni George.

Napangiti siya nang makitang nakatayo doon ang pinsan na madilim ang mukha habang nakatingin sa kanila. Muli namang nagsalita si Klyde.

“Kanina ka pa pinapatay ni Leigh ng tingin. Ikaw naman kasi, kung makatingin ka kay George-may halong malisya.”

“Anong malisya? Huwag ka ngang gumawa ng kwento Klyde.”

Nang balingan ni Arthur Lance si George ay nakatingin na ito sa pinsan niya. Si Leigh naman, agad na umiwas ng tingin.

Sabi ni Leigh, wala daw itong gusto kay George pero sa tuwing may kasamang ibang lalaki si George ay naba-bad trip naman ito.

Hay, ang hina ng pinsan niya pagdating sa mga babae. Hindi manlang ito nagmana sa kanya.

“So, gusto mo bang ipakilala kita sa babaeng tinutukoy ko bago sumulpot si George?,“ pag-iiba ni Klyde ng usapan. Umasim ang mukha niya.

“Bakit mo ako ipapakilala sa babaeng natikman mo na?”

“Wow. Sensitive!” bulalas ni Klyde. “Crush mo yata si George eh,” tukso pa nito.

Binigyan ni Arthur Lance ang kaibigan ng ngiting aso. Lalo lang itong natawa.

“Makaalis na nga. Nababawasan ang kapogian ko dito.” Bago umalis ay niyuko muna ni Arthur Lance si George. “Gusto mong pagselosin ang pinsan ko?”

“Huh?”

Walang sabi-sabing yumuko si Arthur Lance at ninakawan ng halik sa pisngi si George. Nanlaki ang mga mata ng babae.

“Arthur Lance.”

Napangisi siya nang marinig ang tila galit na boses ni Leigh. Kunwari pa itong walang pakialam kay George pero pasimple namang umaaligid at naninita kapag lumalapit siya sa dalaga.

Nilingon ni Arthur Lance ang pinsan at patay-malisyang binati.

“Hi pinsan! Andiyan ka pala.” Ipinatong niya ang kamay sa balikat ni George na masama pa rin ang tingin sa kanya hanggang ngayon. “Mukhang bagay kami. Ano sa tingin mo?”

Isang matalim na tingin ang naging tugon ni Leigh.

"Ang tingin ko, gusto ni Leigh na mawala ka sa paningin niya Arthur Lance," nataatwang singit ni Klyde. Tumango naman ang pinsan niya bilang pagsang-ayon.

“Grabe ka. Magkadugo tayo pero wala kang ginawa kundi apihin ako.” Pumalatak siya. “Kasalanan ko bang ipinanganak akong mas katakam-takam kaysa sa’yo?”

“Kaya pala nagbaba ng storm signal ang PAGASA, nandito pala ang haring habagat sa bansa,” si Rain iyon na bigla nalang sumulpot at numero unong tagasupalpal niya. “Doon ka nga maghasik ng lagim sa ibang bansa para hindi kami makaranas ng masamang panahon dito sa Pilipinas.”

Nilapitan ni Arthur Lance si Rain at inakbayan. “Kung ako ang haring habagat, ikaw naman ang reyna,” binigyan niya ito ng matamis na ngiti. “So ano, tayo na?”

“Hala ka Arthur Lance, sama ng tingin ni Kreishner sa’yo,” pananakot ni Klyde sabay nguso kay Kreishner na nagbabayad sa counter.

Pumalatak si Arthur Lance. “Pati ba naman si Kreishner may pagtingin saken?”

"Gusto mg batok?” ani Rain at saka sinampal ang braso niyang nakapatong sa balikat nito. “Arthur Lance Zaragosa Natividad, pwede bang bumalik ka na lang sa lungga mo at nang mabawasan ang kaguluhan dito?” bigkas pa ni Rain sa buong pangalan niya. Namaywang ito at nakataas ang isang kilay.

Tumayo na si Arthur Lance. “Ganyan talaga pag heartthrob, pinagkakaguluhan."

-------------------------------------------------------------------------------------------------

Tinanggal ni Guinevere ang suot na Christian Dior shades. Tiningala niya ang kulay asul na kalawakan. Isang mapait na ngiti ang lumarawan sa kanyang mukha.

I am so glad we’re not looking at the same sky, because you’re probably looking at the moon right now with that old woman, you idiot.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga bago isinuot pabalik ang salamin at naglakad palabas ng arrival area.

Nasa Pilipinas siya ngayon. Kailangan kasi ng puso ni Guinevere ng mahaba-habang bakasyon. And her mother’s country, she thought, would be a good place for making herself whole again. Isa pa, nandito ang bestfriend niya.

Habang nasa pila ng taxi ay panay ang sulyap ng mga tao kay Guinevere. Her five foot ten inches height probably got some attention.

Isa siyang modelo, sa runway, print at TV ads.

May sarili rin siyang clothing brand online, ang Kysses.

Putting up a preschool was her next goal. Then Guinevere could marry the love of her life and have beautiful kids.

Napalunok si Guinevere at wala siyang ibang malasahan kundi pait.

Oo, bitter siya.

Sino ba naman ang hindi magiging bitter kung ang lalaking nilagyan mo ng label na "love of my life" ay isa palang mukhang perang palaka?

Nakita niyang may pinapaligayang iba ang lintik na lalaki sa loob ng bago nitong kotse na bigay pala ng babaeng kaulayaw nito.

Ang hinayupak, di manlang siya hinabol pagkatapos. Pinagmasdan lang siya nitong lumayo bitbit ang pira-piraso niyang puso.

Ang apat na taong relasyon nila ay tinapos ni Frank sa isang text na ang tanging laman ay “sorry.” Ni walang “let me explain” na karugtong.

Wala na siyang narinig na kahit ano mula dito maliban sa nagpapakasasa ito sa yaman ng babae na biyuda pala ng isang business tycoon.

Oo, matanda na ang maharot na babaeng ipinagpalit sa kanya ni Frank. At may tatlong anak pa!

Ang relasyong inalagaan ni Guinevere ng ilang taon ay isa palang malaking biro.

God, she was hurt.

Still hurting actually.

And will probably feel the same pain until who knows when.

--------------------------------------------------

“I guess you’re right. He’s an asshole.” Iyon ang bungad ni Guinevere nang buksan ng matalik na kaibigan ang pintuan ng condo unit nito.

Kababata at matalik na kaibigan niya si Leigh. Nagkahiwalay lang sila nang sa Pilipinas nag-kolehiyo at eventually ay naging doktor na ito. Bumibisita ito minsan sa New York dahil doon din naman nakatira ang mga magulang nito.

Si Guinevere naman, napapadpad rin sa Pilipinas paminsan-minsan pero madalas ay dahil sa Philippine Fashion Week kung saan madalas siyang nai-imbitahan.

Hindi pinansin ni Guinevere ang gulat na pigura ng kaibigan. She threw herself at him. Then cried her heart out.

The thing about break ups and broken hearts is that they tend to bring the overly dramatic version of you.

Kagaya nalang ngayon.

"He cheated on me Leigh. And you know what's the worst part aside from the fact that the reason for this break-up is very unoriginal? I.Did.Fucking.Love.That.Idiot." She sneered. "And I probably still do." Mula sa paglibing ng mukha sa malapad na dibdib ng kaibigan ay iniangat ni Guinevere ang mukha. "May gamot ba para sa sakit sa puso? Morphine maybe? Or something stronger than that. Baka sakaling mawala ang sakit o kahit mabawasan manlang. Ang sakit-sakit eh."

"You Guinevere...," Dumampi ang likod ng kamay ni Leigh sa pisngi niya. Marahan nitong tinuyo ang mga luha niya. "...Is a lot stronger than this."

Malakas ba siya? Dati, oo. Sigurado siyang malakas siya. Until she experienced her biggest heartache.

Malay ba niyang talo pa ng pusong sawi ang kryptonite sa paghigop ng lakas na mayroon siya?

"That bastard, how could he hurt you?" halos bulong lang ang pagkakasabi ni Leigh pero dinig na dinig iyon ni Guinevere. She let out a bitter smile.

“Tanungin mo nga ang lokong iyon kasi ilang linggo ko nang tinatanong yan sa sarili ko.”

Oo, hindi kasinghaba ng buhok ni Rapunzel ang panahong pinagsamahan nila, pero apat na taon pa rin iyon. Apat na taon iyon ng buhay niya.

“Ano ba kasi ang nagustuhan mo dun?" Gusot ang ilong na tanong ni Leigh. "He's not even that good-looking. Mukha siyang exotic animal na dapat nae-extinct."

Sa gitna ng pag-iyak ay napangiti si Guinevere. Ah, it felt good to smile.

Pabiro niyang tinampal ang balikat ng kaibigang puno ng disgusto ang mukha para sa kanyang dating kasintahan.

"Mapang-lait kang nilalang Leigh Emmanuel Zarragosa."

"Wala ka namang taste sa lalaki Guinevere Therese Quintana."

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.