Love, Lust and Cherry Knots Chapter 14

"Hindi ka mukhang thirty-three," ani Arthur Lance bago sumubo ng kanin at bacon. Iwinaksi na niya ang salitang diet. "Para ka lang twenty four."

Natawa si Guinevere. Napunta ang usapan nila sa edad nang magtanong si Arthur Lance kung ilang anak ang gusto niya. Ang sabi ni Guinevere, baka isa nalang ang makayanan niya kasi thirty three na siya pero heto at single ulit.

"Eh ako? Mukha ba akong thirty?" dagdag na tanong nito.

Umiling siya. Lumapad ang ngiti ng binata. "Mukha kang forty four."

Nagpatuloy ang masayang usapan nila. Nang matapos silang mag-almusal ay tinulungan siya ni Arthur Lance na maghugas ng pinggan. Pero maya't-maya naman ang pagnanakaw nito ng halik. Nilalagyan niya ng dishwashing soap ang mukha nito bilang ganti-kunwari.

"You know what? Soap bubbles looked good on you," ani Arthur Lance.

"Really?"

"Yes." Hinapit niya ang baywang ng dalaga at saka bumulong. "So why don't we go take a shower together and create more bubbles?"

----------------------------------------------------------------------

May medical mission at gift-giving activity ang departamento nina Arthur Lance. Niyaya siya nitong sumama. Hindi naman tumanggi si Guinevere. Maliban sa mahilig din talaga siya sa mga mata, gusto rin niyang sulitin ang mga sandaling pwede pa niyang makasama si Arthur Lance.

Because she was having this bad feeling that they won't be together long. Ramdam niya iyon sa mga titig nito, sa yakap, at maging sa mga halik. Tila nagpapa-alam ito kahit na wala naman itong direktang sinasabi.

Tanggap naman iyon ni Guinevere. Si Arthur Lance na rin mismo ang nagsabi na hindi pwedeng maging sila, na wala itong maipapangakong commitment.

But it was fine with her. She didn't even bother to ask why.

Kasabay yata ng pagkawasak ng puso ay ang pagkasira rin ng kanyang utak. Hindi siya ang tipo ng babaeng papasok sa isang sitwasyong umpisa palang ay alam niyang dehado na siya. Pero heto siya at nasa ganoong sitwasyon. Patuloy niyang minamahal ang lalaking hindi kayang ibalik ang pagmamahal na iyon. But she was happy with him. Kaligayahang kailanman ay hindi pa niya naramdaman. At ang kaligayahang iyon marahil ang dahilan kung bakit nananatili siya sa tabi nito.

Nang makarating sila sa bahay-ampunan ay tumulong siya sa programa. Saglit niyang nakalimutan ang pinagdadaanan dahil sa mga batang nagsilapitan at nakipaglaro sa kanya. Nang mapagod sa paglalaro ay pinakain na nila ang mga bata.

Isang dalawang-taong gulang na batang babae ang karga ni Guinevere. May tatlong-taong gulang na batang lalaki pa na nakaupo sa kanyang kandungan. Pareho niyang sinusubuan ng spaghetti ang mga bata. Iyon ang tagpong naabutan ni Arthur Lance.

"Dapat kasi nag family planning ka para nagkaroon ng tamang agwat ang panganganak mo," nakangiting biro ni Arthur Lance sa kanya. Kinuha nito ang batang lalaki at saka naupo ang mga ito sa harap niya.

"Sabihin mo iyan sa Mister kong hindi matiis ang alindog ko," pakikisakay naman ni Guinevere.

"Hindi ko rin naman masisi ang Mister mo. Kung ako rin naman ang nasa sitwasyon niya, baka taon-taon ring may laman ang tiyan mo."

"Buti nalang at hindi ikaw ang mister ko. Ang bilis ko sanang nalosyang sa'yo."

Napalitan ng simangot ang ngiti ni Arthur Lance.

"Mama, papa," biglang sambit ng dalawang taong bata. Sabay silang napatingin dito.

"Ang talino naman ng baby ko," natutuwang sambit ni Guinevere na tila proud mommy. Pinaliguan niya ng halik ang mukha ng bata.

Inabot naman ni Arthur Lance ang kamay ng bata at nilaro-laro iyon. "Siyempre, mana yan sa papa eh."

"Hindi mo to anak."

"Tinawag niya kaya akong papa," dahilan nito. "Di ba baby, ako papa mo?"

Para namang nakakaintindi na tumango ang bata.

"See? Kaya huwag ka nang kumontra. Anak natin to."

Nagdikit ang noo niya. Pinigil ang sarili na mamula. "Natin?"

Tumango si Arthur Lance, walang kasing-tamis ang ngiti. Pagkatapos ay nanggigigil na pinisil nito ang pisngi niya.

"Siyempre, ikaw ang pinaka-paborito kong baby."

Palubog na ang araw nang makabalik sila sa condo ni Leigh. Laking gulat nila nang makitang nandoon na ang kaibigan niya. Kasama nito si George. Natigil ang paglalambingan ng dalawa sa sala nang pumasok sila.

"Akala ko bukas ka pa uuwi?" agad na tanong ni Arthur Lance sa pinsan nitong biglang naging seryoso ang mukha.

"Bakit, nawiwili ka ba sa condo ko?" ganting-tanong naman ni Leigh.

Inalis nito ang kamay mula sa pagkaka-akbay kay George at mariing napatingin kay Arthur Lance na hawak-hawak pa rin pala ang kamay niya. Mabilis niyang binawi ang kamay. "Mag-usap nga tayo." Nagpatiuna si Leigh papasok sa silid nito.

Mabilis niyang nilapitan si George at naupo sa tabi nito. "Tingin mo, anong pag-uusapan nila?"

Nagkibit ng balikat ang girlfriend ng kaibigan niya. Saka napabuntong-hininga. "Sana nga usap lang ang nagaganap sa loob."

Pinagsiklop ni Guinevere ang mga kamay.

Lord, ayoko ng violence.

-------------------------------------------------------------

"Dammit Arthur Lance. Kagagaling lang niya sa break-up!" Kuyom ni Leigh ang mga kamay. "I trusted you!"

Tahimik na tinanggap ni Arthur Lance ang galit ng pinsan. Malaki naman talaga ang kasalanan niya. Masyado siyang naging kampante na kaya niyang i-handle ang sitwasyon. That he's in control of his feelings, of his desire.

"Anong balak mo ngayon?"

Hindi niya magawang sagutin ang tanong ni Leigh. Kasi hindi pa niya alam. He was being selfish the last two days. Sarili lang niya ang inisip niya. Pakiramdam kasi niya, may karapatan siyang maging masaya kahit saglit lang.

Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ni Leigh. "At least tell her the truth," pakiusap pa ng pinsan.

Ano ang sasabihin niya? Na ipinanganak siya sa maling pamilya? Na mas mahal pa ng kanyang ama ang mga constituents nito kaysa sa sariling nitong anak?

"I don't want to burden her with the truth Leigh."

"Then stop feeding her with lies."

"Hindi ako nagsisinunggaling sa kanya. Alam niyang wala akong maipapangakong relasyon o commitment. She didn't ask why."

Napailing si Leigh. Tila pagod nang makipag-argumento. Mariin itong napapikit habang tila hinihilot ang sentido. "I can't believe Guinevere put herself into this."

Napayuko nalang si Arthur Lance. Iniisip kung ano ang magiging sitwasyon nila ng dalaga.

Lalayo ba siya at kakalimutan nalang ang lahat?

Tila hindi sumang-ayon ang pagkatao ni Arthur Lance sa desisyon na iyon. Simula nang mamatay si Emily, nangako siyang hindi na siya magmamahal. Na gagawin niya ang anumang hilingin ng ama. Noong huling beses na tinangka niya itong suwayin, buhay ng babaeng minamahal niya ang naging kapalit.

Ngayon, isusugal na naman ba niya buhay ng babaeng hindi niya maitatangging naging napaka-espesyal para sa kanya?

-------------------------------------------------------------------------

Tatlong araw na simula nang bumalik si Leigh. Ganoon na rin katagal na hindi nakikita ni Guinevere ni anino ni Arthur Lance.

And there's no use denying it. Nami-miss na niya ang binata.

Gusto niya itong puntahan sa ospital pero alam niyang hindi iyon ikatutuwa ni Leigh. Hindi man nagsasalita ang kaibigan ay alam niyang disappointed ito.

"SI Arthur Lance ba ang iniisip mo?"

Mula sa pagkain ng mansanas habang nanonood ng TV sa sala ay umangat ang tingin ni Guinevere sa kaibigan. Hindi niya napansin ang pagdating nito. Lumapit ito sa kanya at inilapag ang dala. Vanilla ice cream iyon.

Saglit itong pumunta sa kusina at pagbalik nito ay may baso at kutsara na itong dala. Naglagay ito ng ice cream sa mga baso. Ibinigay nito ang isa sa kanya.

"Mag-usap nga tayo," simula ni Leigh nang makaupo na ito sa tabi niya.

Napalunok si Guinevere. Alam niyang darating ang sandaling to pero hindi pa yata siya handang umamin sa kaibigan. Lumantak nalang siya ng ice cream.

"Mahal mo ba ang pinsan ko?"

Nasamid siya. Grabe naman si Leigh, hindi manlang nagpasakalye. Sana nagtanong muna ito kung kamusta siya.

"Guinevere please sagutin mo ko," pakiusap nito. "Look at me and tell me how you feel."

Napilitang sinalubong niya ang mga mata ng kaibigan. Hindi alam ni Guinevere kung ano ang nakita ni Leigh dahil biglang nalaglag ang mga balikat nito at nasapo ang mukha.

"So you love him, huh?"

Hindi na siya nagkaila. "Oo, mahal ko siya."

Nabahiran ng lungkot at pag-aalala ang mukha ng kaibigan. Tila hirap na hirap ito. "Arthur Lance...he can't love you back." Pagsasatinig ni Leigh ng katotohanang alam naman niya pero ang sakit pa rin kapag naririnig.

"I-I know."

"Pero bakit mo pa rin siya minahal?"

Nagkibit siya ng balikat at napabuntong-hininga. "Sabi sa akin dati ng handler ko noong unang sabak ko sa runway, I don't choose what I wear. Kaya kung anuman ang ibigay sa akin, kailangan kong tanggapin at panindigan. Siguro ganoon din sa pag-ibig. Hindi ko mapipili ang taong mamahalin ko. I fell in love with Frank remember? At sa umpisa palang, sinabihan mo na akong isa siyang malaking bad news. I didn't really listen. Pinanindigan ko ang pagmamahal kong iyon. At oo, isang napakalaking heartache ang napala ko. Ang dami kong regrets at what ifs dahil doon. And now," napangiti siya nang mapait. "I fell in love with your cousin."

"At balak mo bang panindigan ang pagmamahal na iyan? Guinevere he can't love you back. Alam mo iyan." Nabahiran ng frustration ang mukha at boses ni Leigh. But she was determined to make Leigh understand. Or at least matanggap nito ang desisyon niya.

"He can't love me back but he made me happy. Iyong tipo ng saya na hindi mo basta-basta nararamdaman kung kanino lang o napupulot sa kung saan. And I don't want to let this pass."

Nakamasid lang si Leigh sa kanya. Alam niyang pinipilit siyang unawain ni Leigh. He always does. Pero ngayon ay tila hirap na hirap itong gawin iyon.

She gave him a reassuring smile bago nagpatuloy. "Mahal ko siya pero hindi naman ako bulag o bingi sa realidad. Hindi kami pwedeng magkatuluyan. Fine with me. Pero gusto ko lang siyang makasama, kahit saglit lang." Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan. "Trust me on this, will you?"

"I can't believe I'm hearing this."

"I can't believe I'm saying this either," natatawa niyang sabi. Nagkatinginan sila ni Leigh. Tila nahihirapan pa rin ito sa sitwasyon niya at ng pinsan nito.

Niyakap niya si Leigh. Feeling sorry for all the things she put him through.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.