Mataman siyang nakatitig sa kaniyang ginawang Hugis rosas. Nag pa-paint siya ngayun dahil kapag wala siyang ginagawa ay ito ang kaniyang naging libangan. Nakuha niya ito sa kaniyang namayapang ama.
"Ma'am claire? "Napalingun siya sa nagsilita. Ang kaniyang Assistant na si Kate.
Ngumiti siya saka inilapag ang paint brush.
"Mamayang 4:00 P.M po ang iyung flight at this week end po gaganapin ang Fashion show na nadadaluhan mo po sa Pilipinas. " Wika nito. Ang Assistant niya na naging kaibigan na din niya dahil sa tagal na din nitong nag ta-trabahu bilang Assistant niya.
"Okay. Uh Kate? " Humogot siya ng malalim na hininga saka marahan na pinakawalan.
" Pwede bang huwag mo na sabihin kay mommy na uuwi ako ng Pilipinas? Kasi gusto ko siyang i suprise. " Aniya. Tumango si kate ang kaniyang assistant. Dahil kapag hindi siya ma contact nang kaniyang mommy ay sa assistant niya ito tatawag.
"Okay po ma'am." Ngumiti ito. Napabuntong hininga siya.
"Anyway I already pack your things na ma'am claire" Dagdag nito kaya napangiti siya at tumango. Nang umalis na si kate ay tumayo siya at nagtungo sa balkonahe.
Nakatitig lamang siya sa kawalan na tila wala nang patutungohan ang buhay dahil simula noong iniwan sila nang kaniyang ama ay naging miserable na ang kanilang buhay. Hindi niya hahayaan ang mga walang hiyang pumatay sa ama niya at ang dahilan kung bakit naging miserable ang pamumuhay nila ay magiging masaya at payapa sa kanilang buhay. Hell no! She will make their life a living hell.
TINANGGAL niya ang seatbelt nang mag landing na ang eroplanong sinasakyan niya. Nasa Pilipinas na sila, Ang lugar na kinalakihan niya ngunit ito din ang lugar kung saan siya nangulila sa pagkawala ng kaniyang mahal na ama.
Hinanda na niya ang sarili sa paghaharap nila ng mga taong kinamumuhian niya, at isa na du'n ang Politikong may galet sa ama niya na dating Congressman o sabihin na nating dahil sa ingget kaya nito nagawa. Napakabuti nang kaniyang ama kaya napaka impossible naman na may kaaway ito.
Napangiti si claire sa nakita. Bumongad sa kaniya ang sandamakmak na mga tao na isinisigaw ang pangalan niya at may mga dala pa itong flyers kaya nasisiguro niyang taga hanga niya ito kay napangiti siya at nag flying kiss. Nahagip sa gilid ng mga mata niya ang mga flash nang camera at ang mga reporter na papalapit sakaniya.
"Miss claire bakit niyo po naisipan na bumalik dito sa Pilipinas? " Tanong ng isang reporter na na kanina lang ay tumatakbo. Ngumiti siya.
"May natanggap akong invitation ng isang fashionshow na gaganapin dito sa Pilipinas kaya naisipan kung tanggapin iyun at dumalo." Tumango ito.
"Miss claire, minsan ba naisip mong mag boyfriend o mag settle down gayung successful ka na at may naipundar ka na ding bahay at mga branches ng Restaurant sa asia at U.S?" Napalingun siya sa isang reporter dahil sa tanong nito na kumuha nang kaniyang atensiyon. Mahina siya tumawa at umiling.
" Wala pa sa isipan ko ang mga bagay na 'yan dahil ang mas priority ko sa ngayun ay ang mommy ko at ang career ko. Tsaka na 'yung lovelife kung merun mang dadating." Aniya at Napa "Woah" naman ang lahat.
"Ang swerte naman po nang magiging boyfriend mo miss claire!"
Mahina siyang natawa sa sinabi nang isa sa mga fan niya. Nang dumami pa nang dumami ang mga tao at media ay nagpatuloy na siya sa paglalakad hanggang sa makarating sila sa kaniyang sasakyan.
Pagud na ihinilig niya ang ulo sa head rest saka mariin na pumikit.
"Miss claire," Tawag sa kaniya ni kate, ang assistant niya. Nagmulat siya at binagyan ito nang nagtatakang tingin. Inabut nito sakaniya ang Ipad nito pery kahit naguguluhan man ay tinanggap niya parin ito at binasa ang laman nang balita.
Breaking news!
Senator fraulino echavez di umano tatakbo bilang isang Vice president nang Pilipinas.
Tatakbo?
Pagak siyang tumawa saka napairap sa hangin. Hindi niya maatim na ang maging Vice president nang pilipinas ay isang Corrupt at mamamatay tao.
"Tsaka ito pa Ma'am claire," Ni -swipe ni kate ang Ipad nito at inilahad uli sakaniya.
Tumaas ang isang kilay niya habang nakatitig sa binabasa.
Ang politikong si Senator Fraulino Echavez na nagmamay-ari ng Realstate company ay proud na sinabi sa media na ang kaniyang Nag-iisang anak na lalaki ang susunod na mamamahala sa kaniyang companiya ay walang iba kundi si Mr. Kielton Echavez. Hindi lang kilala bilang pinaka bata at pinakamautak na businessman sa asia kundi pati na rin sa mundo nang mga kababaihan. Nakapag-aral ito nang course na criminology for almost 2 years peru huminto ito at ang kinuha nitong kurso ay Business administration major of marketing management. Dahil sucessful , may matitipuno at makisig na katawan kaya ito habulin nang babae.
Isinuli niya kay kate ang ipad nito. Ihinilig niya ang ulo sa headrest nang makarandam nang antok.
Kielton Echavez, huh?
Napatango tango siya at biglang may kumawalang ngiti sa kaniyang labi.
She's looking forward to see him.
Minutes passed her Phone ring. Binuksan niya ang Kaniyang purse at inilapat ang phone sa kaniyang tenga habang Nakapikit parin.
"Hello? Claire speak--" Naputol ang sasabihin niya nang may tumili sa kabilang linya. Inilayo niya ang telepono sa tenga. What the! Masisira pa ata Pandinig niya dahil sa boses nito.
" Ikaw babae ka, bakit hindi mo sinabi saakin na uuwi ka ha? Kung hindi ako nag open nang social media account ko ay hindi ko pa malalaman na umuwi ka na pala nang pilipinas! "Marahan siyang natawa sa mala Mega phone na bibig nang kaniyang matalik kaibigan. Si sunny, ang matalik niyang kaibigan.
" Ang OA mo, Gusto kasi kitang i-surprise kasu wala ka pala dito, saan bang lupalop ka ba napadpad? " Naramdamdaman niyang natigilan ang kaibigan sa kabilang linya.
"Germany,"Anito.
"Gosh! You know what claire, may nakikilala akung baliw na lalaki dito! " May bahid na inis sa boses nito.
"Kilala mo?"
"Hindi! At wala akong balak na kilalanin siya," Alam niyang umiirap na ito sa kabilang linya.
Natawa siya sa tinuran nang kaibigan.
"Anyway I'm on my way back to Philippines, let's hang out tonight naman claire. Look almost 2 years noong last na nagkita tayu! Kaya namimiss ko 'yung bonding natin." Tila nagpapa kunsensya ang boses nito.
"I'm tired sunny, kailangan kung magpahinga. " Bomuntong hininga siya.
"Para namang nag a-assist ka at nakatayu palagi a?" Tanung nito. Nakangiti na Napairap siya.
"Okay, ikaw na." Flight attendant ang trabahu nito kaya nakakapagud talaga.
Her bestfriend used to it.
Nagtaka siya nang biglang nawalan nang imik ang kabilang linya.
Ilang sandali lang ay nag salita ito.
"Uh, claire?"
"Yes? Bakit?"
"Gagawin mo parin ba ang plano mo?"
Napawi ang ngiti niya. Napakuyom ang kaniyang kamao at napalitan nang blankong emosyon ang kaniyang mukha na kahit ang sariling ina niya ay hindi na siya makikilala dahil simula noong nawala ang ama niya parang nawalan na din siya nang buhay. Ang dating masayahin, mabait, at mapagmahal na claire ay tuloyan nang nawala peru ang pagmamahal niya sa mga taong palaging nasa tabi niya kahit anong mang-yari ay mananatili sa puso niya.
"Oo. Sa ayaw at sa gusto niyo ay gagawin ko. I'm sorry Sunny but i have to do this." Aniya.
"Okay, okay. I understand, but will you please, Please don't let your anger ruin you. Please?"
Nagmamakaawa ang boses nang kaibigan kaya mariin siyang pumikit. Nakita niya na ang sariling may lumandas isang butil nang luha sa kaniyang pisnge. Nanunubig na ang kaniyang mga mata. She may be strong outside but inside you can read her emotion through her teary eyes.
"I'm always here for you, okay?stop crying na kasi pumapanget ka lalo sige ka," Hindi niya alam kung matatawa ba siya sinabi nang kaibigan."Kidding. Seriously, You can do it girl. Nanditu lang ako and I'm willing to help you. You can ask me a help. Anything, as in anything you want me to do. I will gladly do it. " Parang hinaplos ang puso niya sa sinabi nang kaniyang kaibigan. Minsan lang ito mag seryuso kaya alam niyang sincere ito sa sinabi.
"T-thankyou .." Mas lalong lubakas ang hikbi niya sa kadahilanang may kaibigan siyang handang makinig at sumosuporta sa lahat nang gusto niya.
"Naku naku claire, Papanget ka talaga sige" Pananakut nang kaibigan niya.
"--For everything .. " Pagpapatuloy niya at hindi pinakinggan ang sinabi nito. Naramdaman niyang natigilan ang kabilang linya. Ilang sandali lang ay nakarinig na siya na umiingos na ito. Natawa siya sa kaibigan.
"Gusto kitang sabunotan claire alam mo 'yun, nasira tuloy make-up ko." Reklamo nang kabigan niya na alam niyang nag bibiro lang ito dahil gusto lang siya nitong mapasaya.
"Kidding. Bitaw seryoso that's what frienda are for no, kaya huwag ka nang umiyak at iinum nalang natin 'yan, okay ba?" Sabi nito. Nagpakawala siya nang malalim na hininga saka tumago kahit hindi naman nito nakikita.
"Okay."
"Sa Fren's club tayu, give me
10 mins and I'll be there." Sabi nito pagkatapus ay namatay ang linya.