Love poisoned Chapter 2

INGAY at usok ang sumalubong sa kaniya sa entrance palang ng Club na matagal na niyang hindi napuntahan. Naka soot siya ngayun ng Navy floral print mikmaid midi dress paired with high heeld gladiator sandal.

"Gen!" Napalingun agad siya sa sumingaw ng pangalan niya. Napangiti siya. Her bestfriend sunny. Nakasoot ito ng Bandage dress kaya kurbang kurba ang maganda nitong katawan.Kung hindi mo kilala ito ay aakalain mong isang modelo. Malapad ang ngiti nito at mabilis na nag lakad papunta sa gawi niya.

Hinalikan siya nito sa pisngi.

"Malaki na talaga ang pinagkaiba mong babae ka,"Pabiro siya nitong pinalo sa balikat  kaya mahina siyang natawa.

"Yeah,malaki na rin ang hinaharap." Natatawang tugon niya. Nay sarili silang mundo na kahit sa utak lang ay na ge-gets na agad nila.

"Nahiya 'yung saakin,"Tugon nito na na gets niya din kaya sabay silang natawa sa ka gaguhan nila.Their bonding.

"Anyway pumasok na nga tayu." Ani sunny at hinila siya papasuk sa Club.

"ANOTHER one shot of whiskey please."Umayos siya ng upo sa stool habang ipinagkrus ang braso. Pinagmamasdan niya lamang ang kaniyang kaibigan na walang ibang ginawa kundi ang sumayaw at makipag usap sa kilala nitong mga foreigners dahil na din sa trabahu nitong Flight attendant.

Hindi na siya nagtataka ng marami ang mga lalaking nagpakilala sa kaniya kanina at nag alok na sabayan niya ito sa pagsasayaw peru tinanggihan niya dahil gusto niya lang magpanhinga dahil na din sa pagod ng byahe niya kanina.

Kung hindi dahil sa kaibigan niya na gusto niyang makasama ay hindi na siya pupunta pa dito.

Ilang sandali lang ay parang nahihilo na siya, talagang natamaan na siya ng alak na ininom niya. Kahit umiikot na ang paningin niya ay pinilit niya parin maglakad patungo sa restroom para mag retouch.

Nagbaba siya ng tingin dahil

Baka may hidden cameras o paparazzi na nandito lang sa tabi-tabi at makita siya ng publiko na naglalasing at walang kasamang bodyguard. Ano nalang ang sasabihin ng ina niya?

Pagewang gewang siyang naglalakad habang nag baba ng tingin ng may bumonggo sa kaniya kaya nag isang linya ang kilay niya at nagtaas ng tingin sa taong gumawa nuon.

"Uh--I'm sorry miss," Pagpapaumanhin at ngumiti ang lalaki na kaharap niya peru binigyan niya lang ito ng blankong emosyon. This man is definitely handsome but she's not interested kaya inignora niya lang ito tsaka nagpatuloy sa paglalakad na parang wala sa sarili.

Hinanap ng paningin niya ang kaibigan na parang nag E-enjoy at may kausap na lalaki. Napailing siya. Hahayaan niya nalang ang kaibigan at mauuna nalang siyang uuwi dahil hindi niya na kaya pa baka mawala pa siya sa sarili at pagsamantalahan pa pag nagkataon. No way! Over my downright gorgeous body.

Pumikit na siya ng mariin ng na bunggo na naman siya sa isang pader.

Pader?

Matigas ang bagay na nabunggo niya kaya sigurado siyang pader ito kaya nag taas siya ng tingin at sa hindi inaasahang biglang bumilis ang tibok ng puso niya sa nakita.

Matangos ang ilong ng lalaking kaharap idagdag pa ang maninipis nitong labi. He has these deep Brown eyes that can make a woman swoon. Bumaba ang tingin niya sa katawan nito. Naka White plain t-shirt na fit ito  kaya she's wondering if he also have abs. His ripped muscles and well toned body made her salivate. She will admit that this man is downright gorgeous.

Nakaawang ang labi niyang pinagmasdan ang kabuoan ng lalaking kaharap. Marami na siyang nakitang mga matitipunong katawan dahil nadin isa siyang model peru ngayun pa siya nakaramdam ng kakaibang reakyon o paghanga.

"Hey," Tawag nito sa kaniya kaya bumalik siya sa realidad at binalingan ito. Walang emosyon siya nitong tintigan kapagkuwan ay marahan na natawa.

"Ganiyan naba talaga ako ka gwapo kaya kahit pagsasalita ay hindi mo magawa? "Tanung nito.Napalunok siya at huminga ng malalim.

"I'm sorry, ok?" Aniya saka napahawak sa ulo na biglang sumakit.

"Oh? Sorry? Anong magagawa niyang sorry mo sa damit ko?" Seryoso ang mukha nito kaya agad siyang nagbaba ng tingin at napaawang ang labi niya sa nakita.

Natapunan ng alak na dala nito ang damit nito kaya bumakat ang abs nitu na siyang nagpaawang lalo sa labi niya.

Parang may sariling isip ang kamay niya ng bigla niyang inilapat ang kamay sa basang damit nito at pinagpagan na akala mo ay dumi na matatanggal lang. Napailing ang lalaking kaharap niya saka hinawakan ang kamay niya kaya tila namanhid ang buo niyang katawan sa naramdaman ng Palad nito sa balat niya.

Naiirita siya sa nararamdaman kung epekto ba eto ng alak na nainom niya o talagang sira ulo lang siya.

Nakataas ang sulok ng labi ng lalaki. "Chansing eh?" May naglalarung ngiti sa mukha nito.

"Uh--I- i mean look, hindi ko sindaya ok? Kaya nga nag sorry ako--" Hindi niya natapus ang sasabihin nang bumaba ang tingin niya sa damit na natapunan niya.

"--Sa susunod tumingin ka sa dinadaan mo." Mahina kmngunit mariin ang pagkakasabi nito. Napakurap kurap siya kapagkuwan ay nakaramdam ng inis.

"Oo na po, titingin na."Aniya saka pinagkrus ang braso. Note the sarcasm please. Hindi niya naman ugali ang mag makaawa dahil sapat na na nagsorry siya kaya kung hindi nito tatanggapin ang sorry niya ay wala na siyang pake.

Napataas ang kilay nito kapagkuwan ay ngumisi na parang may naisip.

Humakbang ito papalapit sakaniya kaya nahugot niya ang hininga havang pinagmasdan ito. He smiled. His lips curved into a sexy smile.

Lumapit ito sa tenga niya at maybinulong.

" Ang isang magandang tulad mo ay hindi dapat nag-iisa," His husky voice make her knees weak. Oh darn it.

Tila nagtayuan ang balahibo niya dahil  sa sobrang lapit ng labi nito sa tenga niya na halos naramdaman na niya ang init ng hininga nito. Sobrang lakas din nang tibok ng puso niya at  naninigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Hindi 'to pwede. Hindi.

"--Anyway Nice to meet you Miss brat" Anito saka siya iniwan at naglakad na ito papunta sa kung saan na wala na siyang pakealam dahil ang kaninang kaba na nararamdaman ay napalitan ng inis. Paulit ulit na bumabalik sa utak niya ang sinabi nito.

Brat

Brat

Brat

Ni minsan walang nag sabi sa kaniya ng ganiyan. Peru ngayun? Nagawa pang mapalakas ang tibok ng kaniyang puso at ang nagpapainis sa kaniya na walang ibang nakakagawa kundi ang lalaking 'yun. 'Yun lang!

That jerk!

NAMIMILIPIT siya sa sakit na nanararamdaman niya. She's having headache again. Sinabi na nga ba e, sana hindi nalang siya naglasing ayan tuloy.

Bumangon siya sa kama at nagtungo sa kusina para  mag luto ng paborito niyang omelet. Nang matapos na ay inilapag niya ito sa island counter saka umopo sa Stool chair.

Pilit niyang inaalala ang nangyari kagabe. Ang tanging naalala lang niya ay nung naglalakad siya patungo sa restroom nang may bumangga sa kaniyang lalaki na hindi naman siya interesado. Ilang sandali lang sa paglalakad niya ay nabunggo na naman siya at akala ay pader dahil na din sa matigas iyun. May isang lalaking nakakuha ng atensyion niya walang iba kundi 'yung lalaking sinabihan siya ng brat.

Medyu nakalimutan niya nga ang mukha peru ang sinabi nito kagabe ang hindi niya makakalimutan.

The handsome jerk!

Crap- handsome? That jerk? Is handsome? Well okay, She admit that he's definetely handsome but when she remember the  fact that he's a jerk, she wanted to kill that bastard.

Naisipan niyang tawagan ang kaibigan na nasisiguro niyang tulog parin dahil mas nalasing ito kaysa sa kaniya. Ngunit laking gulat niya nang nasagut nito ang tawag niya. Well naalala niya ang Alchohol tolerance nang kaibigan na hindi nakalahati sa porsyento nang sa kaniya. Siya lang itong madaling malasing!

"Ang aga ah? Bakit?" Tanong nito sa kaniya at narinig niya ang pag open nang stove at pag On nang blender.

"Hey, i met a guy last night. " Tinusok tusok niya ang pagkain niya.

"Oh? And then? Gwapo ba? Wait- may nangyari ba sa inyu kagabi?" Tumaas ang boses nang kaibigan. Napakunot ang noo niyang uninom nang tubig.

"Wala no! Nakakirita lang siya. Akalain mo 'yun sinabihan akong brat. Okay na sana 'yung sinabi niyang maganda ako e ," Napanguso siya.

Nakaramdam siya nang irita nang tumawa ang kaibigan niya sa kabilang linya.

"Well, He's honest then--" Natigilan ito nang mag sink- in sa utak nito ang sinabi.

" Baka gusto mong pasabugin ko ang eroplanong sasakyan mo." Bira niya dito. As if she can do it.

"I want to kill that jerk for telling you A brat ," Bawi nito. Napailing siya.

"Anyway may gagawin pa ako, just call me later nalang ha?" Sabi nito saka namatay ang linya.

Naisipan niyang tawagan ang ina dahil hindi siya nakapag paalam dito at sigurado naman siyang alam na nito na naka uwi na siya dahil kahapun agad binalita ng media ang pag-uwi niya.

Walang limang segundo palang nang pag ri-ring ay sinagut na agad nito ang tawag.

"Anak! Bakit  hindi mo sinabi saakin na uuwi ka ha? Kung hindi ako tumingin nang balita ay hindi ko pa malalaman" Agad na bungad nang kaniyang ina. Napangiti siya. Kahit ang ina niya ay Australiana ay marunong na ito magtagalog. Sa loob nang labing limang taon na naninirahan ang kaniyang ina dito sa Pilipinas ay nasanay na rin ito mag tagalog. Maganda , mataas , at mapagmahal ang kaniyang ina. Isa ring kilala na modelo ang kaniyang ina noon sa U.S ngunit noong nakilala nito ang ama niya at nabuntis ito ay huminto na ang kaniyang ina sa pag mo-model at lumuwas sila dito sa Pilipinas upang dito magsimula at manirahan.

" I'm sorry mom, gusto kase sana kitang i-surprise kasu nag aya si Sunny at dahil no choice ako kaya pumayag akong pumunta sa Bar. Akala ko kase mom makakauwi ako agad so ayun, i forgot to tell you .." Nakaramdam siya nang guilt dahil hindi siya nakapag paalam. Ever since She always ask her mom first permission bago siya gumawa nang mga bagay bagay.

"Anak you know what, it's fine. Malaki ka na naman at alam mo na ang mga ginagawa mo. I'm just worried kung baka may nangyaring masama sa'yu, " May bahid na pag-aalala ang boses nang kaniyang mommy. Napangiti siya. She really love her mom. She can't lose her mother. She already lose her father. Not again.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.