Lover's Moon Chapter 1

Napabalikwas ng bangon si Margaret,hayun na naman ang panaginip na iyon.. bakit ba lagi na lang ganoon ang panaginip ko? Araw na araw ganoon ang laman ng panaginip ko! pagkausap niya sa kanyang sarili.

Tumingin muna siya sa orasan sa dingding ng kwarto.. 3:45 palang ng hapon mamaya pa ang pasok niya. Hindi pangkaraniwan ang klase ng trabaho niya sa gabi kasi ang pasok niya.

Isa siyang singer sa isang exclusive men's club kung saan puro mayayaman ang member nito. Kayamanan ng maituturing ang member ship ng men's club na kanyang pinagtatrabahuhan.

Isang kaibigan ang nagsama sa kanya sa club dahil kailangan daw ng singer at alam kasi na iyon ang talent niya. Noong una ayaw niya dahil narin sa hindi magandang reputasyon na pag alam ng ibang tao na sa ganung lugar nagtatrabaho ang isang babae. Saka may pagka conservative din ang kanyang pamilya pero isang araw siya na rin ang lumapit sa kanyang kaibigan para maipasok sa club na iyon.

Naalala pa niya ilang taon na rin ang nakalipas nasa 3rd year na siya sa college sa kursong hrm ng biglang ma stroke ang kanyang ama. Kailangan niyang huminto muna sa pag aaral, bilang panganay sa kanya nakaatang ang responsibilidad ng buong pamilya na dati ang ama ang gumaganap.

Ang sumunod sa kanya ang kapatid na si Christine nasa unang taon ng college ng mga panahon na iyon. At ang sumunod ay si Michael at bunsong kambal na sina Tac at Mac.

Simula nang mastroke ang ama napirmi na ito sa bahay. Hindi na rin kasi ito nakabalik sa construction firm na dating pinagtatrabahuhan, bilang project manager at hirap narin makahanap ng ibang trabaho.

Ang mommy naman niya walang alam na trabaho. Simula kasi na maging mag asawa sila ng kanyang ama, sa bahay lang ito at pamilya lang ang inaaaikaso nito.

Kung ano- anong trabaho ang pinasok niya. May tatlo siyang trabaho at nagpapaorder din siya ng iba't ibang pwedeng ibenta. Pero hindi pa rin sapat madalas kinakapos padin sila.

Gusto na nga din noon tumigil sa pag aaral ni Christine. Pero sabi niya gagawin niya lahat para wala lang mahinto sa pag aaral. Tama ng siya nalang ang ang tumigil muna sa pag aaral.

Minsan pinanghihinaan narin ng loob dahil sa sitwasyon nila. Kailangan niyang ipakita sa pamilya niya na ok lang siya. Ayaw niyang panghinaan din ng loob ang mga ito lalo na ang mommy niya na talagang dependent sa kanyang ama.

Kaya napilitan siyang tanggapin ang inaalok sa kanya na maging singer sa isang club. Nangako naman ang kaibigan na ang gagawin lang niya ay kumanta,at hindi siya pipiliting tumeybol sa mga customer.

Noong una tutol ang kanyang magulang lalo na ang kanyang ama. Nagalit pa ito sa gusto niyang mangyari pero napahinuhod narin niya sa bandang huli. Nangako na laging isasaisip ang pangaral nito at pagkanta lang ang gagawin niya.

Ang kinikita niya sa men's club ay hindi niya kinikita sa dati niyang mga trabaho. Sobrang saya niya dahil ang tip na natatanggap ay naiipon pa niya. Sa likod ng isip niya ipagpapatuloy niya ang pag aaral balang araw. Nasusuportahan niya ang pag-aaral ng mga kapatid, pangangailangan sa bahay at maintenance na gamot ng kanyang ama.

Ngunit isang dagok na naman ang dumating sa pamilya nila. Ang kapatid na si Christine nabuntis ng boyfriend at ang hinayupak na lalaki hindi na nagpakita pa ng malaman na nakabuntis ito. Sabi ng mga kaibigan umuwi ng probinsiya nila hindi naman masabi ng mga ito kung saan ang probinsya ng lalaki.

Bilang ate sobrang nanghihinayang man dahil isang taon na lang ay gagraduate na sana ang kapatid. Todo support parin si Margaret dito. Lalo na sa mga pangangailangan ng magiging baby niya.

Nang una syempre sobrang nagalit ang conservative nilang magulang. Akala nila aatakehin na naman ang kanilang ama buti napakalma ng kanilang ina.

Nang makapanganak si Christine nawala na ang galit ng mga magulang nila. Ang baby ni Christine ang naging source of joy ng pamilya kahit siya sobrang natutuwa. Kapag galing sa trabaho nilalaro niya muna ito bago matulog. Nakakawala ng pagod at isipin.

Sa isip ni Margaret nagka ganoon man si Christine nandiyan pa si Michael. Malapit na rin ang pagtatapos nito. Civil engineer ang kinuha nito. Nangako sa kanila si Michael na tatapusin ang pag aaral, hindi daw nito sasayangin ang pagsasakripisyo niya sa kanila.

Labis siyang natuwa at pinanghawakan ang salita ng kapatid. Tinupad nito ang pangako at nagrereview na lang para sa board exam. Kahit papaano nakahinga na siya ng maluwag.

Ngunit isang umaga pagdating niya galing sa trabaho. Nadatnan niya ang kanyang buong pamilya na nagtitipon- tipon sa sala na parang hinihintay ang kanyang pag-uwi. At meron isang babaeng malaki ang tiyan na nakaupo sa pang isahang upuan. Nakayuko ito kaya di niya makita ang mukha. Si Michael naman hindi makatingin sa kanya ng diretso.

Malaking tiyan!! Biglang rumihistro sa utak niya. Biglang may kabang bumundol sa dibdib ni Margaret. Biglang naglaho ang antok na nararamdaman kanina.

Iginiya siyang maupo ng kanyang mommy. Hinayaan lang niya na magsalita at magpaliwanag ang ina sa nangyayari.

Seven months na palang buntis ang babae na girlfriend ng kapatid. Sa school na pinapasukan ni Michael sila nagkakilala. Ibang kurso nga lang ang kinukuha ng babae at nasa second year college pa lang ito na paaral ng inang domestic helper.

Ayon dito pinalayas ito sa boarding house na tinutuluyan dahil hindi na nakakabayad. Simula ng malaman daw kasi ng ina nito na buntis ang anak tinikis ng huwag padalhan. Kaya napilitan si Michael iuwi ang babae sa bahay nila. Nilihim daw ng kapatid ang sa kanila dahil nahihiya ito sa kanya, pero wala na daw siyang choice kundi sabihin na rin ang totoo.

Tinanggap nila ang babae sa bahay nila at nangako naman si michael na maghahanap ng trabaho. Para hindi maging pabigat sa kanya.

Bilang ate wala itong narinig na ano pa man sa kanya. Sinuportahan niya ang mga ito at binigay ang pangangailangan nila lalo na sa parating nilang baby.

Nakapanganak na ang asawa ni Michael na si lilet. Hindi narin ito naalala man lang ng ina. Hindi man lang kinamusta maging ang apo. Solong anak pala siya at hiwalay na ang mga magulang. May sarili na daw pamilya ang ama nito sa kanilang probinsya.

Sa kasalukuyang wala parin trabaho si Michael. Hindi din kasi ito nakapasa sa board exam kaya lahat ng gastusin kay Margaret nakaasa lahat. Iyong naitatago niyang ipon na sana na gagamitin niya sa muling pagbabalik sa pag aaral inilabas na din para dagdag ng gastos.

Sa kabila ng lahat nakita niyang masaya at parang bumata pa ang kanyang magulang dahil sa mga apo. Napuno ng halakhak ang bahay nila dahil kay Charlotte na tatlong taon na, anak ni Christine at baby mj na anak nila Michael at lilet.

Naputol ang pagbabalik tanaw sa nakaraan ni Margaret ng pumasok ang mommy niya sa kwarto.

" O akala ko'y tulog kapa. Kukunin ko lang sana ang mga madumi mong damit sa laundry basket." Anito

Bahagya pa siyang uminat bago bumaba sa kama.

" Nagising kasi ako mommy dahil sa panaginip ko." sagot ni Margaret

"Ano bang panaginip? " tanong ng ina. Lumingon pa ng bahagya sa kanya habang kinukuha ang mga maruming damit sa kanyang laundry basket.

"Nakalimutan ko na po eh." nagkibit balikat pa sya. Hindi na rin nagtanung pa ulit ang ina at sabay na silang lumabas ng kwarto.

Sa club na pinagtatrabahuhan pagkatapos ng tatlong kanta. Pumasok sa dresser room si Margaret, naabutan niya doon ang kaibigan. Nag kwentuhan muna sila at nakwento nga niya dito ang panaginip.

Tumitig muna ito sa kanya bago nagsalita." Napapadalas naman ata yang panaginip mo tungkol sa mga lobo"

"Ewan ko ba bakit ganun. Iba't ibang eksena pero mga malalaking aso ang umatake sa akin daw sa panaginip ko. Alam ko daw mga lobo iyon. "

Hindi na ulit sumagot ang kaibigan ng dumungaw si Mamu sa pinto. May naghahanap daw na regular customer nito. Nag paalam ng lalabasin muna ang customer na naghahanap. Saka na daw sila ulit mag kwentuhan.

Oras na ng uwian ng makapagpalit ng damit. Lumabas na ng club si Margaret. Wala pa ang grab taxi na pinatawag niya. Grab taxi lagi ang sinasakyan niya pag pauwi sa kanila. May isang oras din kasi ang biyahe.

Habang naghihintay may nakita siyang matanda na nasa tabi at may dalang paninda. Basket ng balot na may mga nakasabit ditong mga chicharon at nakabalot na mga candy.

Alam niyang bawal ang may mga vendor sa paligid ng club. Mahigpit kasi ang may ari ng club. Hindi daw kasi magandang tingnan na may mga vendor sa paligid ng club nito. Nilingon niya ang security guard, abala ito sa sinusulat sa logbook nito.

Nilapitan niya ang matanda.

"Ay lola pasensya na po kayo strikto po kasi ang may ari ng club na ito. Bawal po ang vendor dito sa malapit baka po kayo masita ng guard." Nahihiya niyang sabi.

Tumingin ito sa kanya."ay ganoon ba.. pasensya na din at hindi ko alam iha."

Naisip niya na bumili ng paninda nito. Naaawa siya at ganitong oras eh nasa kalsada pa ang matanda.

" Lola my balot pa po ba kayo? "

"Anim nalang itong natitira." Sagot naman ng matandang babae sabay yuko sa basket ng paninda.

"Sige po lola bibilhin ko na lahat ng makauwi na kayo."

Nasisiyahang binalot ng matanda ang mga binili niyang balot. Nang iaabot na ni Margaret ang pera imbes na abutin ito ginagap ng matanda ang palad niya at tiningnan ito. Napakainit ng kamay ng matanda pero hindi magawang bawiin ni Margaret ang kamay na hawak nito. Tumitig sa kaniyang mga mata ang matanda. Para siyang nahihipnotismo sa pagkakakatitig dito.

" Ikaw ang tinakda ayon sa hula. Hindi mo ito matatakasan, walang makapipigil sa magaganap,malapit ng mag umpisa ang bagong kabanata ng buhay mo. "

Busina ang nagpanumbalik kay Margaret sa kasalukuyan. Lumingon siya sa sasakyan nang ibaling niya muli ang tingin sa matanda wala na ito sa harapan niya. Hawak parin naman niya ang supot ng balot at ang perang ibabayad niya sana.

Bakit biglang nawala ang matanda! Ang bilis naman niyang nakalayo at hindi man lang kinuha ang bayad ko sa balot.

Luminga linga pa sa paligid ang dalaga sa pagbabakasakali makita ang matandang babae. Ngunit ni anino nito hindi na niya matanaw. Napailing iling nalang siya.

" Ma'am nandito na po yung grab taxi na pinatawag niyo." hindi niya namalayan na nakalapit na pala ang security guard sa tabi niya.

Nilingon niya ito "Nakita mo ba iyong kausap ko ditong matandang babae?" tanong niya dito. Napakamot pa ito sa ulo bago sumagot.

" Wala po ako ma'am nakitang matandang kausap niyo."

Nagtataka man hindi nalang siya umimik. Nagpasalamat na lang siya dito saka sumakay na ng sasakyan.Habang nasa loob ng sasakyan hindi maiwasan magtaka ni Margaret sa nangyari kanina. Nakatitig siya sa balot na hawak at iniisip ang mga sinabi ng matanda sa kanya kanina.

Mahaba haba narin ang natatakbo ng sasakyan nang walang anu- ano ay biglang tumigil sila. Buti naitukod niya ang kamay kundi baka napunta siya sa unahan ng sasakyan.

"Pasensya na po ma'am." sabay lingon sa kanya ng driver.

"may aksidente po sa unahan natin.. " paliwanag ng driver dahil sa biglaang paghinto nila. May ilang sandali na ang lumipas pero hindi parin umaandar ang sasakyan nila. Napapakamot na rin sa ulo ang driver.

Tumingin si Margaret sa relong suot quarter to five na. Napabuntong hininga nalang siya saka tumingin sa labas ng bintana. Nakita niya ang bilog at maliwanag na buwan sa langit.Bakit ba sa paningin niya sobrang laki nito na parang nahihipnotismo siya sa pagtitig dito. Lumabas siya ng sasakyan para talaga siyang hinihigop nito. Isang pulang liwanag ang bigla nalang lumitaw mula kung saan ang sumakop sa kanya. Napapikit nalang siya sa biglang paghigop ng malakas na pwersa sa kanya.

Nang muling nagmulat ng mga mata si Margaret nasa gitna siya ng kakahuyan. Lumingon lingon siya sa paligid. Nagtatakang paano siyang nakarating dito? Kinurot niya ang braso sa pag aakalang panaginip lang ito ngunit bahagya siyang nasaktan sa ginawa.

Nang mula sa madilim na parte ng kagubatan. May narinig siyang angilan sa paligid, mga pulang mata ang nakita niya mula sa kadiliman.

Isa- isang lumabas ang mga nilalang sa dilim.

Mga lobo!! Naalala ang laging napapanaginipan....

PrevNext

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.