Hindi makagalaw si Margaret, ultimo paghinga pilit niyang pinipigilan. Sa takot na sunggaban siyang bigla ng mga malalaking aso. Sa tantiya niya hindi bababa sa sampu ang nakapaligid sa kanya. Sa dami ng mga ito sandali lang ang gagawin sa kanyang paglapa at pagluray sa katawan niya. Ang mga mata ng mga ito'y nag aapoy sa pagkakatingin sa kanya. Nakalabas ang mga pangil na lalo nagpapasidhi sa takot na kanyang nararamdaman. Ang mga tindig animo'y handang umatake pag magkamali siya ng kilos. Ang isa na kulay kadiliman ng gabi unti unting lumalapit sa kanya.
Diyos ko ito na ata ang katapusan ko!
Ipinikit niya na lang ang mga mata, hinanda ang sarili sa kanyang katapusan.
Pero ang inaasahang pag atake sa kanya ay hindi nangyari. Isang ungol ang animo'y nasaktan at narinig din niya ang malakas na pagbagsak sa lupa. Minulat niya ang kanyang mata, nakita niyang ang nilalang na gustong umatake sa kanya ay nakahundasay na sa lupa. Nakapalibot dito ang ilang mga lobo.
Sa harap naman niya isang mabalahibong nilalang na kulay puti. Waring gusto siyang protektahan sa mga ito.
Sa sulok ng mata niya nakita niyang tumayo ang kanina lamang ay nakahandusay na gustong umatake sa kanya. Naniningkit ang mga mata nito. Isang alulong ang pinakawalan nito bago sumugod sa mabalahibong nilalang sa harap niya
Napaatras nalang si Margaret sa isang sulok. Nakita niya kung paano nag laban ang mga nilalang sa harap niya. Ang mga sumugod sa may puting balahibo ay walang nagawa sa lakas nito. Sa bawat sugod kinakagat niya sa leeg saka hinahagis sa malayo. Ilang sandali din ang lumipas, ang mga malalaking aso ay unti-unting nagsipag atrasan.
Pasugod naman sa kanila ang may puting balahibo. Ngunit isa-isang nagtakbuhan ang mga ito sa iba't ibang direksyon ng gubat saka naglaho sa kadiliman.Nang makita ng puting balahibo na umatras na ang mga nakasagupa hindi na nito sinundan pa.
Hindi pa rin normal ang tibok ng puso ni Margaret. Hindi pa rin makapaniwala sa mga nasaksihan. Nang lumingon sa kanya ang nilalang na may puting balahibo bigla na naman ang pagbilis ng tibok ng puso niya.
Matiim pagkakatitig nito sa kanya. Ang mata nito waring binabasa ang kanyang kaloob looban.
Napakislot pa si Margaret ng unti- unting humakbang ito sa kanya, natulos naman siya sa kanyang kinatatayuan. Nang ilang hakbang na lang sa kanya huminto ito at sa pagkagulat niya bigla itong nagsalita.
" Sinu ka at anu ang ginagawa mo dito sa gitna ng kagubatan"
"Nag-sa-salita _____'" hindi na natuloy ni Margaret ang sasabihin ng nagdilim ang kanyang paningin. Bago pa siya bumagsak sa damuhan. Isang matipunong braso ang sumalo sa kanya.
May naririnig na mga boses si Margaret parang nanggagaling sa malayo. Ayaw pa niyang imulat ang mga mata wari'y hinihila ang kanyang kamalayan sa dako pa roon. Pero may bahagi ng isip niya ang nag uutos na imulat niya ang mga mata. Nanaig ang kanyang isip unti unti niyang minulat ang mata.
"Nagkakamalay na siya."narinig pa niyang sabi ng boses babae bago siya tuluyang nagmulat ng mata.
Nabungaran niya ang isang matandang babae at sa tabi nito ay matandang lalaki,mag asawa marahil sabi ng isip niya.
Pilit siyang bumangon ngunit pinigilan siya ng matandang babae.
"Baka hindi mo pa kaya." sabay alalay nito sa kanya. Ngunit pinilit niya na makaupo man lang.
Ginala niya ang tingin sa paligid, bahay na gawa sa kahoy at tabla. Ang ilawang nasa side table ng kanyang hinihigaan ay lampara na hindi niya matukoy kung saang material na gawa. Bumalik ang tingin niya sa dalawang matandang nasa harap niya, nagtataka ang mga tingin nito sa kanya.
Naalala niya ang nangyari sa gubat saka yung malaking asong nagsasalita. Bigla siyang sinidhan ng takot nakita naman ng dalawang matanda ang takot na rumihistro sa mukha niya.
"Wag kang matakot binibini ika'y ligtas sa aming tahanan."wika ng matandang lalaki.
"Tama.. ipanatag mo ang iyong kalooban." sigunda naman ng matandang babae.
Napataas naman ang kilay ni Margaret sa narinig na pangungusap na ginamit ng dalawa ngunit hindi siya umimik.
"Ako nga pala si Tibo at ito naman ang aking kabiyak si Isyang. Ikaw anu ang pangalan mo?" Tanong ng matandang lalaki matapos ipakilala ang mga sarili.
Inalis muna ni Margaret ang parang nakabara sa lalamunan bago nagsalita.
" Ako po si Margaret." maikling pagpapakilala niya sa sarili.
"Tiyak ikaw ay nagugutom na may hinanda akong pagkain para sayo." Sabi ni aling Isyang. Saglit na iniwan siya at pagbalik may dala ng mangkok ng pagkain. Marami sana siyang gustong itanong sa dalawang matanda. Pero ng malanghap niya ang masarap na amoy ng pagkain bigla siyang nakaramdam ng gutom. Hindi na siya nag dalawang isip inabot ang mangkok at inumpisahan kumain. Hmm masarap....sabi ng isip niya.
" Kayo po.. " alok niya sa dalawang matanda na mataman lagi ang tingin sa kanya.
"Kumain kalang iha hwag mo kaming alalahanin." Sagot ng matandang babae.
Ang matandang lalaki ay umupo sa isang upuang bilog na gawa sa kahoy. Ang matandang babae ay titig na titig sa kanya na puno ng kuryusidad ang mababanaag sa mga mata nito. Hindi tuloy maiwasan ng dalaga ang mailang.
Nang makatapos ng pagkain si Margaret umayos siya ng upo, marami siyang gustong itanung.
"Manang Isyang paano po ako napunta dto? " kapagdaka ay tanong niya. Kinuwento din niya ang nangyari sa kanya sa gubat. Ang muntik na niyang pagkahamak sa mga malalaking aso at pagsagip sa kanya ng isa ding aso. Ang pagkagulat niya bakit ito'y biglang nagsalita na naging dahilan bakit siya nawalan ng malay. Namimilog pa ang mga mata ni Margaret habang nagkukwento waring nangingilabot pa sa naging karanasan.
Nagkatinginan naman ang mag asawa ng makatapos siyang mag kwento.
"Si Haru ang nagdala sayo dito, bukas makikilala mo siya." Ang matandang lalaki ang sumagot kay Margaret. May mga katanungan pa siyang hindi nasasagot ngunit pinili nalang muna niya manahimik.
"Binibining Margaret pwede bang mag tanong sa iyo?" alanganin pa ang matandang babae.
Napangiti naman si Margaret sa magalang na pagsasalita ng matandang kaharap.
"Margaret nalang po." Sabi niyang natatawa pa sa kapormalan ng mga kaharap.
"Anu po bang itatanong niyo?" sabi na lang niya ng makita ang kaseryusuhan ng mga mukha nito.
"Paano kang nakarating sa gubat? Tingin ba namin sayo eh dayo ka lang dito dahil walang nakakakilala sa iyong taga rito. " May kaseryusuhang tanong ng matandang lalaki.
Hindi makaapuhap ng tamang sasabihin si Margaret. Kahit kasi siya naguguluhan kung paano nangyari na sa isang kisap mata ay nasa gubat na siya. Basta ang alam niya ang buwan at pulang liwanag ang dahilan kung bakit siya napunta sa gubat. Baka hindi rin siya paniwalaan ng mga ito kung iyon ang sasabihin niya. Pero pinili pa rin niyang sabihin na lang kong ano bang nangyari. Bahala na! sigaw ng utak niya!
Nagkatinginan ang mag asawa matapos marinig ang kanyang kwento. Namamangha din silang hindi niya mawari matapos marinig ang naging dahilan kung bakit siya napunta sa gubat na iyon.
Nakiusap din siya sa mag asawa na kong maaring ihatid siya sa sakayan at siya na ang bahalang umuwi sa kanila. Pihadong nag aalala na ang kanyang pamilya sa hindi niya pag uwi.
Nagkatinginan muna ang mag asawa bago sumagot at nangakong sila mismo ang maghahatid sa kanya sa kanilang bahay. Napanatag naman siya sa sinabi ng mga mag asawa.
Sandaling tumalikod ang matandang babae at pagbalik dala ang kanyang bag!
Omg! Muntik ko ng makalimutan. Ang bag ko nga pala! Anang isip niya.
Agad niyang tiningnan ang laman at hinanap ang cellphone pero nadismaya nang makitang walang signal.
"Mabuti pang mag pahinga ka na Margaret." Sabi ng matandang babae, "kung may kailangan ka tumawag ka lang at nasa labas lang ang aming silid"
Iniwan na siya ng mag asawa at ilang sandali lang nakatulog na siya marahil dala ng pagkahapo sa naging karanasan.
Habang sa kusina tumayo ang isang lalaki na kanina pa naghihintay sa paglabas sa silid ng mg asawa.
" Nasiyasat niyo ba?" tanong nito.
Tumango ang mag asawa.
"May palagay kaming siya na nga. Ngunit kailangan pa natin makatiyak." Sagot ng matandang lalaki.
Tilaok ng manok ang nag pagising kay Margaret,matagal ng panahon ng huli siyang nakarinig ng tilaok ng tandang. Sa lugar kasi nila wala naman nag aalaga ng mga manok.
Masiglang bumangon ang dalaga. Lumapit siya sa bintana ng kanyang silid. Naisipang manungaw kagaya ng ginagawa niya sa kanila pag nagigising sa hapon.
Nang buksan ang bintana tumambad sa kanya ang luntiang paligid. Sa kanan niya mga kabundukan at kagubatan, sa may kaliwa mga palayan. Ang mga bahay magkakalayo na gawa sa kahoy lahat, ang bubong yari sa pawid.
Wow!! San bang probinsya ako napadpad?
Napapailing na lang kaya pala walang signal ang cellphone niya, nasa isip nalang ni Margaret..
Naisipan niyang lumabas na ng kwarto, nakakahiya naman sa mag asawa kung magbabad pa siya sa higaan. Masyado na nga siyang abala sa mga Ito,baka kung ano ang isipin.
Nakita niya si aling Isyang sa kusina.
" Good morning po aling Isyang." Bati niya sa nagulat na matanda sa bigla niyang pagsulpot sa kusina.
"Ang aga mo naman nagising inaasahan namin mamaya kapa gigising.. " anito..
"Maupo ka muna at hahainan kita ng nilagang kape."
Naupo naman si Margaret. Naisip niyang hindi siguro uso ang instant at 3n1 dito. Nang mailapag ang tasa ng kape naamoy agad niya ang napakabangong aroma ng nilagang kape. Humigop siya ng bahagya. Nagulat siya sa sarap ng kape mas masarap pa sa kape ng Starbucks, marahil ng kahit anong coffee shop sa kanila.
Pakiramdam niya dinaduyan siya sa kape palang.
"Sarap po ng kape niyo pang world-class po ang sarap." Puri niya na kinatuwa naman ng matandang babae.
"Ano po palang pangalan ng lugar niyo aling Isyang?" naisipan niyang itanung habang humihigop ng kape at ang matanda naman ay tinuloy ang niluluto. Lumingon ito sa kanya saka tinakpan muna ang malaking kaldero. Bago humarap sa kanya at maupo sa tapat niya tumitig ito sa kanya bago sumagot.
"Ito ang bayan ng Arectia"
Hinahanap sa isip kung saang parte ng Pilipinas ang binanggit na lugar ng matandang babae nang may dinagdag ito, "kung saan namumuhay ng sama sama ang mga tao at mga lobo."
Napatitig si Margaret sa kaharap sa huling sinabi nito.
" Iyong malalaking aso po ba ang tinutukoy niyong lobo? Iyong mga nasa gubat po ba na muntik nang umatake sakin?"
naguguluhan tanong niya. Sa isip niya masyadong mababangis ang mga iyon para makasalamuha ng mga tao.
Tumango ang matandang babae. Meron pa sana itong sasabihin ng dumating ang asawa nitong si mang Tibo.
"Maaga ka atang nagising. Kumusta na ang pakiramdam mo?" anito ng makita siyang nakaupo at nagkakape ng mga sandaling iyon. Pinaglipat- lipat nito ang tingin sa kanilang dalawa.
" Good morning po mang Tibo. Ok na po ako. Salamat po sa pagpapatuloy niyo sakin sa bahay niyo." Sagot naman niya ng nakangiti.
"Walang anuman binibining Margaret."
Pagkatapos makapag almusal nilang tatlo. Muling sinabi ni Margaret ang kagustuhang niyang makauwi na.
Nagkatinginan na naman ang mag asawa waring hindi alam kung anong sasabihin sa kanya. Napapansin niya tuwing babanggitin niya ang pag uwi laging nagkakatinginan ang mga ito.
Pakiramdam tuloy niya ay may tinatago sa kanya ang mag asawa.
Pakiwari ba niya napunta siya sa ibang mundo. Kakaiba ang nasa paligid niya parang sinaunang tao. Kakaiba ang mga bihis ng mga tao sa lugar na ito maging ang pagsasalita minsan. Hanggang ngayon wala pa rin signal ang cellphone niya. Labis na rin siyang nag-aalala sa mga magulang.
Kahit anong kalkal sa utak niya hindi niya malaman kung saang parte ng Pilipinas ang bayan ng Arectia. Saka pwede ba naman mamuhay na magkakasama ang mga wild dog at tao. Sa isip niya sa pelikula lang pwede mangyari ang ganun.
Nag papanic na siya at kung ano-ano na rin ang pumapasok sa isip niya ng mga sandaling iyon.. Nasaan bang bahagi ng mundo siya naroon!! sigaw ng utak niya.
Hindi na nakatiis pinuntahan niya si aling Isyang. Natanaw niya mula sa bintana na may kong anong ginagawa sa bakuran ng mga ito at si mang Tibo naman ay nagsisibak ng kahoy.
Dala niya ang bag at saka sinuot ang high heels bumaba at sigurado sa kanyang gagawin.
Nagugulumihan naman si aling Isyang sa pagkakatitig sa kanya. Maging si mang Tibo napatigil sa ginagawa.
"Maraming Salamat po sa inyong kabutihan pero aalis na po ako ngayon." Determinado ang tono ng boses niya nang magsalita.
" Sa paano ka uuwi sa inyo binibini?" sabi ng isang baritono na boses sa likod niya.
Nang lumingon siya nakita niya ang isang matangkad na lalaki na naglalaro sa anim na talampakan siguro ang taas nito. May kayumangging kulay,kitang kita ang magandang katawan nito dahil walang pang itaas na tanging kupasin pantalon at itim na bota ang suot. Mga matang kasing dilim ng gabi, makapal na kilay, matangos na ilong at makipot na mga labi.
Oh my!! Parang pamilyar sa akin ang mga titig niya!
Isang tikhim mula kay mang Tibo ang nag panumbalik ng isip niya. Namula naman siya saka iniiwas ang tingin.
" Haru nandyan ka na pala."