Lover's Moon Chapter 11

"Maraming Salamat sa'yo binibining Margaret. Utang ko sa'yo ang aking pangalawang buhay." May sinseridad na turan nito.

"Wala po iyon Ginoong Markis. Tungkulin ko na rin pong pangalagaan kayo at ang mga mamamayan ng Arectia. " Sagot naman niya.

Muling nagtama ang mga mata nila ng binata,muli una siyang nag iwas ng tingin.

Kinabukasan,habang naglalakad- lakad sa paligid si Margaret. Bigla nalang sumulpot si Haru sa tabi niya at sumabay sa paglalakad niya. Hindi naman siya nagpahalata sa nararamdaman kilig.

"Akala ko nqgsasanay na kayo." Bahagya niya itong nilingon.

"Tapos na ang aming pagsasanay. Plano namin na salakayin ang palasyo."Huminto sila sa paglalakad at nagawi sa ilalim ng isang mayabong na puno.

"Alam kong para sa kabutihan ng lahat ang anumang plano niyo."

"Kailangan na naming kumilos para matigil na paghahasik ng kasamaan ng aking kapatid. Ito na ang panahon para bawiin sa kanya ang kaharian. Alam namin magwawagi kami dahil nasa panig ka namin. Nangangahulugang nasa panig din namin ang tagapangalaga ng Arectia."

Tumingin si Margaret dito ngunit nakatanaw ito sa malayo. May kirot sa damdamin sa kaalaman na iyon lang pala ang papel niya dito.

"Alam kong magwawagi kayo kamahalan."Parang may bikig sa lalamunan sabi niya. Akma na sana siyang aalis ng muli itong magsalita.

"May nais sana akong sabihin. Makapaghihintay kaba hangga't matapos ang laban ko sa aking kapatid? ".

"Oo naman." Sagot ng dalaga.

Sa sunod na mga araw hindi gaanong nakikita ni Margaret ang binata. Sabi ni aling Isyang naghahanda ang mga ito sa gagawing pagsalakay sa palasyo ng hari.Nalaman din niya na may mga kaanib ang hari na sumapi sa knila. Maging ang mga lobong itim ang ilan sa kanila muling nagbalik loob at nangakong tutulungan ang kanilang kamahalan. Upang mabawi ang kaharian at manumbalik ang dating katahimikan ng Arectia. Kaya lalong lumakas ang kanilang pwersa at siya bilang itinakda idudulog niya sa tagapangalaga na ligtas na makabalik ang lahat. Lalo na si Haru at maging matagumpay ang kanilang laban sa napipintong digmaan.

Dumating na ang sandaling pinakahihintay ng lahat. Ang lahat ay handa na sa gagawing paglusob sa palasyo ng pangkasalukuyang hari.

Bago lumisan ang hukbo ng kamahalan para sa gagawing paglusob sa palasyo muling nakipag- ugnayan si Margaret sa tagapangalaga. Hiniling niya ang tagumpay ni Haru at mga kasama nito. At bago nga ang gagawing pakikipagdigma isang pulang liwanag na nanggagaling sa dalaga ang bumalot sa hukbo parang itong nagsilbing balute ng lahat. Lalong nagkaroon ng kumpiyansa at tapang ang lahat sa gagawing pakikipaglaban.

Napapaligiran na ng hukbo ang buong palasyo. Isang hudyat mula sa kanilang kamahalan na lamang ang hinihintay. Mula sa pinagtataguan nakita ni Haru na dalawang kawal lamang ang nakabantay sa tarangkahan ng palasyo. Dalawang palaso ang kanyang hinanda, inasinta niya ang isang kawal.. sapul ito sa dibdib. Bago pa makahuma ang isa pang kawal isang palasong muli ang pinakawalan ng kamahalan.. sapul ulit sa puso.

Sumenyas ang kamahalan ng paglusob. Ang hukbo ni Ginoong Markis ang unang pumasok sa loob ng tarangkahan. Maririnig ang sigawan galing sa magkabilang panig.

Ang mga taong lobo sa pangunguna ni Haru ay nagpalit anyo at sabay-sabay mga umalulong bago sumama sa pakikipaglaban.

"Haru hanapin mo ang hari!" Sa gitna ng laban ay isinigaw ni Ginoong Markis. Agad naman tumalima ang binata.

Samantala sa isang silid magkasama ang hari at ang inang Reyna.

"Mga lapastangan!! Paano nila nagawang lumusob dito! Hindi ako papayag na makuha nila ang palasyo!"Pagtutungayaw n g inang reyna. Nakadungaw ito sa terasa kung saan kita ang kaganapan sa ibaba ng palasyo.

Nagngangalit na naman ang mga ngipin ng hari sa galit.

"Magbabayad ka ng mahal aking kapatid! Hindi ako makakapayag na makuha mo ang aking trono! Akin lang ito!!akin ang buong Arectia!". Sigaw naman nito, nagliliyab ang mga mata nito sa galit!. Halos madurog ang kamao sa pagkakakuyom nito.

"Kawal ilabas mo sa kulungan ang alaga kong lobo na may tatlong ulo! ". Utos nito sa isang kawal na nasa isang tabi at naghihintay ng utos. Agad naman itong tumalima sa pinag-uutos ng hari.

"Tutungo ako sa silid ng salamangkero. Hindi ako maghihintay na lamang dito. kailangan may gawin ako laban sa mga pangahas na yan!!".

Hindi na hinintay ng inang reyna na sumagot ang hari,agad na itong tumalikod at lumabas ng silid.

Samantalang patuloy ang nagaganap na sagupaan sa loob ng palasyo. Nakalalamang ang hukbo ni Haru laban sa hari.Kung magpapatuloy ang laban malilipol ang buong kawal ng palasyo.

Ang ilan sa mga bihag ay napakawalan ng mga tauhan ni Ginoong Markis. Kahabag-habag na tanawin sa piitan ng mga bihag madilim,nakasusulaok na amoy.. at halos buto't-balat na lamang ang mga ito.

Ang ilan sa mga kaaway ay sumuko na lamang sa pag-asang pwede pa silang mabuhay at batid din nila na wala na silang laban pa.

Ang ilan ay nagbubunyi na dahil sa nalalapit nilang tagumpay.

Habang ang reyna ay lakad takbo ang ginagawa habang papunta sa isang silid sa pinakamataas na tore. Lingid sa kanya nasundan siya ni Ginoong Markis.

Agad siyang pumasok sa loob ng saradong silid. May kadiliman ang loob nito at kung ano-anung kakaibang palamuti ang mga nakalagay sa silid. Agad yumukod ang salamangkero pagbungad ng inang Reyna.

"Gumawa ka ng salamangkang maaaring gamitin para maglaho ang mga kalaban." Agarang utos nito.

"Patawad kamahalan,ngunit hindi ganoon kadali ang inyong pinapagawa at matatagalan pa bago ako makagawa." Sagot naman ng salamangkero.

"Sundin mo na lamang ang iniuutos ko kung ayaw mong maging hapunan ng aking lobong may tatlong ulo!". Mabagsik na utos ng inang reyna.

Nahintakutan naman ang salamangkero sa banta ng inang reyna, tarantang tumalima ito.

Habang gumagawa ng orasyon biglang may lumabas na puting usok sa harapan nila.Nang mahawi ang usok isang matandang babae ang nakatunghay sa kanila. Napamulagat naman sa pagkabigla ang dalawa ng biglang sumulpot ang matandang babae sa harap nila.

"Sinu ka matanda at paano kang sumulpot na lamang dito?" Tanung ng inang reyna.

"Ako ang lagalag na babaylan,ang nakatagpo sa tinakda. At ako rin ang nagpdala sa kanya dito sa mundong to."

Pagkarinig sa sinabi ng kaharap agad nagpatirapa ang salamangkero.

"Patawad po dakilang babaylan!" Nahihintakutang sambit ng salamangkero. Batid niya kung bakit biglang nagpakita ngayon ang babaylan. Ang Reyna naman pinaglipat lipat ang tingin sa kanila.

"May kaparusahang naghihintay sayo. Hindi Tamang gamitin mo ang iyong mahika sa hindi mabuting gawain." Pagkasabi nito'y kumumpas ang kamay ng matandang babae at nawala ang salamangkero. Tanging puting usok na lamang ang naiwan.

Nahintakutan naman ang inang reyna sa nasaksihan at bahagyang napaatras ng sa kanya naman bumaling ang tingin ng babaylan.

"Parurusahan mo din ba ako?" Napapalunok na tanung Ng reyna sa kaharap.

Mataman muna siyang tinitigan nito bago muling nagsalita..

"May ibang magpaparusa sa'yong mga ginawang mga kasalanan."Tumingin ito sa pinto,sinundan niya ang tinitingnan nito. Nagulat siya ng mapagsino ang lalaking nakatayo sa hamba ng pintuan.

"Markis...paano___".

"Mamili ka aking Reyna ang mamatay sa oras na ito o ang sumuko ng matiwasay.. " Nakahamba sa harap nito ang espada ng ginoo.

May ngiting namutawi sa mga labi Ng inang reyna.

"Hndi mo magagawang paslangin ang babaeng iniibig mo hanggang ngayon Markis."

"Ang babaeng minahal ko dati ay may busilak na kalooban,ang babaeng kaharap ko ngayon walang kasing itim ang budhi."

Bigla naman naglaho ang ngiti ng inang Reyna sa narinig napalitan ng matalim na titig ang kanina'y ngiti ng pang aakit. Napapahiyang sumulyap sa kinatatayuan ng babaylan kanina ngunit sa kanyang pagtataka wala na ito roon.

Nagmamatigas pa din ang inang Reyna hindi matanggap na magiging talunan siya. Dumating ang ilang kawal ni Ginoong Markis at itatali sana ang dalawang kamay ng inang reyna nang magsalita ito sa mga kawal nito.

"Hindi na kailangan yan". At pagkasabi nagpatiuna ng lumabas ng silid. Hinawakan naman ng dalawang kawal ang magkabilang braso nito at pilit nilabas ng silid sa pagpupumiglas nito.

Habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya. Naisip ng inang Reyna ang hari kung nasaan na ba ito. Hindi maiwasang mag alalang baka nadakip narin ito.

Nan g mga sandaling iyon magkaharap ang magkapatid. Parehong nakaanyong tao,nasa tabi ng hari ang alagang lobong may tatlong ulo.

"Sa wakas nagkaharap tayong muli mahal kong kapatid."sabi ng hari na matalim ang pag kakatingin sa kapatid.

Hindi naman mabasa kung anu ang binabadya ng mukha ni Haru.

"Tapusin na natin ang laban." Walang emosyon sabi naman ni Haru sa kapatid.

"Wag kang magmadali kapatid." sinulyapan nito ang alagang may tatlong ulo na nakakaintindi naman sumugod ito sa direksyon ng binata.

Naiwasan ni Haru ang atake ng mga ito. Agad siyang nagpalit anyo bilang lobo. Nakita ng hari na may pulang liwanag na bumabalot dito.

Namangha naman siya sa kanyang nakita..

Hindi maari..ang itinakda...

Ilang sandali lang wala ng buhay na bumagsak ang kanyang alaga sa kanyang harapan.

Hindi makapaniwala sa ganoon kabilis natalo ito ng kanyang kapatid.

Nag ngingitngit naman sa galit ang mga mata nito habang nakatunghay sa alagang nasa harapan niya. Sa isang kisap mata nagbago ang anyo nito mula sa pagiging mabangis na lobo.

Agad ang pagsugod na ginawa nito kay Haru. Ang dalawang lobong walang kasing bangis na naglalaban para sa buhay , karangalan.. at sa paghahari ng Arectia.

Nang sandaling huminto ang dalawa. Parehas hinahabol ang paghinga na puro galos at sugat ang mga katawan ngunit walang gustong sumuko.

Nag giriang muli ang magkatunggali at sabay ang ginawang pagsugod.

Ngunit sa isang laban meron talagang magwawagi. Nagpaekis-ekis ang lakad ng hari hanggang sumuka ito ng dugo saka nagbalik sa pagiging tao.

Nagbalik din sa pagiging tao si Haru. Akmang lalapitan nito ang kapatid ngunit nawalan ng balanse ang hari na siyang dahilan para mahulog ito. Ngunit bago tuluyang mahulog nahawakan ni Haru ang kamay nito.

"Kumapit ka lang kuya.." pilit hinihila ng binata ang kamay nito para di tuluyang mahulog.

Napangiti naman ng mapakla ang hari.

"Sa kauna-unahang pagkakataon tinawag mo akong kuya.. napakasarap palang pakinggan".

"Patawad.. kung ngayon lang kita tinawag na kuya.. matagal ko ng nais kang___".

Umiling ang hari.

"Wala kang kasalanan kapatid ko. Kailangan mawala ang isa sa'tin. Iisa lang ang maaring mamuno sa buong Arectia at ikaw ang nararapat para mamuno."

Pagkasabi nito ay pilit inalis ang kamay ng kapatid sa pagkakahawak sa isang niyang kamay. Walang nagawa si Haru kundi panoorin ang pagbulusok ng kapatid pababa. Sa hardin ng palasyo bumagsak ang katawan nito..

"Kuya..!!!".

Mga ibong nagsiliparan ang sunod na maririnig sa mga sandaling iyon.

Nagbubunyi naman ang lahat sa pagkakapanalo laban sa hari. Sinalubong ni Ginoong Markis si haru habang papasok ng bulwagan.

"Nasaan ang hari?" tanong nito.

"Wala na siya,nahulog siya sa terasa ng kanyang silid habang kami naglalaban." May lungkot sa boses nito habang sinasalaysay ang nangyari. Hinawakan siya ng knyang guro sa balikat at bahagyang pinisil. Hindi rin gusto ni Ginoong Markis ang pagkawala ng isa sa naging mag aaral niya.

Napatili naman sa di kalayuan ang inang Reyna sa narinig. Akmang susugurin nito ang binata nang pigilan ng mga kawal.

"Pinaslang mo ang aking anak! Lapastangan!"

Ang pagtutungayaw nito na napalitan ng paghagulgol.

"Anong parusa ang nais niyong ihatol sa kanya kamahalan?" tanong ni Ginoong Markis.

"IKaw ang humatol sa kanya huwag lang kamatayan."

Tumango na lamang si Ginoong Markis.

May isang tore malapit sa dagat,dito iniutos ni Ginoong Markis na ipiit ang inang reyna. Tanging maliit na bintana lamang ang magsisilbing daanan ng pagkain nito at walang ibang lagusan kundi ito lamang. kaya nakatitiyak na hindi ito makakatakas. Habang buhay na pagkakabilanggo ang naging kabayaran sa lahat ng naging kasalanan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.