Lover's Moon Chapter 10

Ngunit wala silang nakitang tao sa bawat kubong kanilang pinasok. Nagpaikot-ikot ang mga kawal ng hari maging ang mga lobong itim inaamoy ang paligid.

Hindi nagugustuhan ng hari ang nakikita niya sa kuta ng kalaban. Iba ang kanyang pakiramdam. Bakit wala ang aking kapatid?

Biglang kung saan umulan ng mga palasong may apoy ang dulo. Kung hindi nakaiwas ang hari maari siyang tinamaan nito.

Nakita niya ang kanyang mga kawal na halos lahat ng tinamaan ng apoy ay unti-unting nasusunog!

Hinanap niya kung saan nagmumula ang mga palasong may apoy. Ngunit muling nagpaulan ang mga kalaban ng sibat naman! Halos makalahati na ang hukbo ng hari.

Mga alulong ang umalingawngaw sa parte ng kalaban bago sila lumabas kasama si Ginoong Markis. Sina Eschaves,

Sardox, Rio at Maru ay mga lobong itim ang nilabanan. Ang mga kalalakihan naman ng Arectia ay mga kawal ng hari.

Sa gitna ng laban nagharap si Ginoong Markis at ang hari sa kanyang pagiging lobo.

" Muli tayong nag kita aking guro."

" Sa lahat ng tinuruan ko sa'yo ko lubos na nabigo."may pait na turan nito.

Nanlisik naman ang pagkakatingin nito sa kaharap.

"Kung gayon ihanda mo ang iyong sarili sayong katapusan!"

Sumugod ito,ngunit nahagip ito ng dulo ng espada. Pinaikutan nito si Ginoong Markis habang tumatakbo. Sa isang kisap mata nawala ito sa paningin niya. Nang tumingala siya sa kanyang ulunan huli na para makaiwas. Nahagip nito ang kanyang kanang balikat. Agad sumirit ang dugo mula rito magkagayon man tinaas niya ang espada at hinanda sa pagsalakay ng katunggali.

Muling sumugod ang kalaban kay Ginoong Markis. Nahagip ng espada niya ang tiyan ng hari ngunit nabitawan niya ang kanyang espada. Mas malubha ang naging pinsala niya sa kagat nito.

Pilit niyang inaabot ang espada ngunit ang haring lobo ay kinagat ang kanyang braso saka siya winasiwas. Humagis siya sa katawan ng puno, impit siyang napasigaw. Sa nanlalabo niyang paningin nakita niyang palapit ito sa kanya. Inihanda ang sarili sa magiging katapusan.

Ilang dangkal na lang ang layo nito sa kanya ng mula kung saan may lumabas na puting lobo. Nagpagulong gulong ang dalawang lobo sa lupa. Mga nagpambuno ang mga ito.

Ilang sandali pa bago bumagsak ang haring lobon. Muli itong nagbalik sa pagiging tao nito dahil sa pinsalang natamo.

Lalapitan sana ito ng puting lobo. Ngunit nahawi siya ng isang itim na lobo na lumapit dito at sinakay sa likod ang hari bago sinibad pa alis. Maging ang ibang kalaban ay mga umatras na.

Nagpalit ng anyo bilang tao si Haru, agad niyang nilapitan si Ginoong Markis.

"Guro.. gising wala na sila."

Pinilit naman imulat ang mga mata ng guro at bahagyang ngumiti ng makilala siya.

"Kasama ko ang itinakda. Nandito ng muli si Margaret. " Ngunit hindi na ito nakasagot pa dahil nawalan ito ng malay. Binuhat ito ng binata at dinala sa kweba para magamot.

Sa palasyo,sa harap ng inang reyna walang malay ang hari. Marami itong sugat at nabatid niya agad na natalo ito sa laban. Labis na habag ang nararamdaman niya para sa anak. Agad niyang pinatawag ang salamangkero upang makagawa ng gamot para mabilis maghilom ang mga sugat ng hari.

Hinarap ng inang reyna ang mga umatras na mga kawal. Pinagpaliwanag niya kung anong nangyari. Labis ang galit na nararamdaman ng reyna dahil sa nabigong pagsalakay ng mga ito.

"Mga inutil! Mga walang silbi!! Sa dami nyo! hindi niyo man lang na protektahan ang hari!" Sigaw nito. Halos magsilabasan na ang litid nito sa leeg sa galit.

Sa palasyo habang nasa silid ng hari ang manggagamot. Ang inang reyna ay walang magawa kundi magparoot parito habang nakakuyom ang mga palad. Naiinip na siya sa paghihintay na lumabas ang manggagamot.

Pakiramdam niya taon ng binibilang ang kanyang paghihintay.

Nang sa wakas ay lumabas na ang manggagamot ay agad lumapit ang inang reyna dito.

" Iulat mo ang lagay ng hari. " Utos nito.

Yumukod muna ang kaharap bago magalang na sumagot. "Maayos na po ang lagay ng kamahalan. Nakatulong ang mahika ng inyong salamangkero upang hindi lumala ang mga sugat ng hari."

Nakahinga ng maluwag ang inang reyna sa narinig.

"Magaling. Maari kanang umalis ngayon".

Yumukod muna ito bago tumalikod. Pumasok naman ang inang Reyna sa silid ng hari. Lumapit siya sa gilid ng hinihigaan nito. Napatiimbagang bagang ang inang reyna nang napagmasdan ang mga sugat ng anak na may tapal ng kung ano-anung dahon.

"Magpagaling kana mahal kong hari. Pagbayarin mo sila sa kalapastanganang ito sa'yo. Muli mo silang salakayin at ubusin mo silang lahat!".

Gumalaw naman ang isang kamay ng hari na para bang narinig ang sinabi ng inang reyna. Agad namang nitong ginagap ang kamay.

Samantala naging malubha rin ang kalagayan ni Ginoong Markis sa naganap na sagupaan nila ng hari. Isang manggagamot ang tumitingin dito ng mga sandaling iyon.

Tahimik lamang nakamasid si Haru sa isang sulok ng silid.Samantalang abala sina aling Isyang at mang Tibo sa mga tinatapal na dahon na pwedeng igamot sa ginoo. Tanging ungol lang ang maririnig dito tanda ng hirap na nararamdaman. Hindi nakaligtas sa paningin ng binata ang pag iling-iling ng mangagamot. Labis naman siyang nabalisa. Hindi rin ito makatingin ng dretso sa kanya. Makikita rin ang pagkabalisa sa mag asawa.

" Anung lagay ng aking guro?"

Hindi parin makatingin dito ang manggagamot na yukong-yuko ito sa kanyang harapan.

"Ka-maha-lan.. batid niyo po ang pinsalang natamo ni Ginoong Markis. At batid din natin na may lason ang pangil ng haring lobo pag nasa ganoon siyang kaanyuan. Ang lason ay unti-unti ng kumakalat sa kanyang katawan. Patawarin niyo po ako kamahalan kung wala akong magagawa para iligtas ang inyong guro".

Mahabang paliwanag ng manggagamot. Napatimbagang nalang si Haru sa narinig. Kuyom ang kamaong tumalikod na nasundan nalang siya ng tatlo ng tingin.

Dumiretso ng burol ang binata at nagpalit anyo bilang lobo. Isang malakas na alulong ang kanyang ginawa na dinig hanggang sa ikatlong bundok!!

Napapitlag naman si Margaret Ng marinig ang isang alulong naisip niya bigla ang binata.

Malapit na sila sa kuta ng maramadaman ni Haru na may nagaganap na labanan. Mabilis itong nagtungo sa direksyon ng kuta na kanilang pupunthan. Nagbilin ito sa kanilang tatlo na magtago muna. Malayo palang ito nakita na niya ang pakikipaglaban ni Ginoong Markis sa haring lobo. Madami na itong pinsalang natamo bago pa niya ito nasaklolohan.

Sana ayos lang si Ginoong Markis at ang iba!

Kasalukuyan silang nasa loob ng isany kweba kasama ang ilan. Nakita niya si Zari na nasa isang tabi lang. Kanina ng makita siya nito wala man lang itong reaksyon pagkakita sa kanya. Tingin ba niya eh hindi ito natutuwang makita siyang muli. Nahihiya tuloy siyang lapitan ito para makipag kwentuhan sana.

Nagmukmok nalang din siya sa isang tabi katulad ng ginawa nito.

Ilang sandali pang nasa burol lang si Har. Nakaanyong tao na siya at nakatingin sa walang hanggang kagubatan. Nagpupuyos ang kanyang kalooban ng mga sandaling iyon. Ayaw niyang makita ang paglisan na naman ng isa niyang mahal sa buhay. May luhang nanungaw sa kanyang mga mata. Agad niya itong pinahiran nang maramdamang may paparating.

"Anu ang iyong kailangan mang Tibo o?" Tanung niya sa bagong dating ng hindi lumilingon dito.

Nagpatuloy siya ng hindi ito sumagot.

"Iwan mo ko kung wala kang mahalagang sasabihin nais kung mapag-isa".

"Kamahalan,may nais akong sabhin. Baka maari nating hingin ang tulong ng tinakda upang mapagaling si Ginoong Markis."

Halos mabali ang leeg ng binata sa pagbaling dito dahil sa kanyang narinig.

Humakbang siya palapit dito.

"Ipaliwanag mo kung anu ang ibig mong sabihin sa iyong tinuran?" Utos niya dito.

Tumingin aman sa kanya si mang Tibo.

"Ang tinakda ay may kakayanan tumawag sa tagapangalaga. Maari niyang hingin na pagalingin si Ginoong Markis. Katulad ng paano siya magbigay ng kapangyarihan para magapi ang mga kalaban. Napansin ko po kasi kamahalan pag nasa malapit lang si Margaret,madali natin matalo ang kalaban."

Hindi agad nakahuma ang binata. Maaring tama si mang Tibo sa mga tinuran nito. Sa loob ng ilang buwan pakikipagdigma ngayon lang ulit sila nagwagi laban sa kalaban. Madalas sila ang laging umaatras sa laban. Marami sa kanyang mga kasama ang nabawian ng buhay sa pakikipaglaban.

"Kung gayon pupunthan ko si____".

"Hindi na po kailangan kamahalan. Pinuntahan na po siya aking kabiyak." Putol ni mang Tibo sa sinasabi ng binata.

Agad na nagtungo ang dalawa sa kubo kung saan naroon ang kanyang guro.

Nadatnan nila ang dalaga na kausap ang manggagamot. Agad nagtama ang kanilang paningin unang umiwas ng tingin ang dalaga.

" Anu ang dapat gawin ni Margaret upang makausap niya ang tangapanglaga ng Arectia?"

Pinaliwanag naman ni mang Tibo. kung paano makikipg-ugnayan sa kanilang tagapangalaga.

"Ang tinakda at tangapangalaga ay may koneksyon na sa isa't-isa simula palang nan g siya'y mapunta sating mundo. Kaya mong makipg ugnayan gamit ng iyong isipan ng iyong busilak na puso. "

Nakikinig lang si Margaret at naalala minsan ang isang sandali noon. Bago siya ulit lamunin ng pulang liwanag at makabalik sa kanilang mundo. May mahiwagang boses na nakipag-usap sa kanya. Inakala lamang niya noon na dahil sa biglaang pagsama ng pakiramdam.

"Maari mo bang gawin alang-alang sa aking guro Margaret? "Tanung ni Haru habang nakatingin sa kanya, nakikiusap ang tono ng boses nito..

Tumango siya. Kahit siya ayaw niyang mawala si Ginoong Markis. Alam niyang tinuturing na itong pangalawang ama ng binata. Gagawin niya ang lahat para wala na ulit magbuwis ng buhay dahil sa kasamaan ng hari nila.

Nasa labas ng kubo si Margaret. Napaiwan siyang mag-isa para makipag concentrate sa gagawin. Huminga muna siya ng malalim bago pinikit ang mga mata. Isinaicip ang sabi ni mang Tibo. Buksan ang isipan at hayaan ang puso ang makipag usap. Ngunit ilang sandali na wala paring boses siyang naririnig na nakikipag- usap sa kanya. Nawawalan na siya ng pag-asa na minulat niy a ulit ang mga mata.

Concentrate Margaret! bulong ng isip niya. Muli niyang pinikit ang mga mata.

Isinaisip ang kasalukuyan kalagayan ng Arectia. Ang mga inosenting taong nadadamay sa digmaan. Mga kababaihang ginagawang bihag. Mga batang walang awang pinapaslang. Gusto niya ng matapos ang paghihirap ng mga mamamayan ng mundong ito. Ayaw na niyang meron magbuwis ng buhay lalo na sa mga tinuturing na niyang kaibigan sa mundong ito. Naisip niya si Ginoong Markis at Haru. Ayaw niyang mawalan ng guro ang binata, ang kanyang kamahalan.

May nararamdaman siyang init na dumdaloy sa kanyang buong katawan. Ganito rin ang naramdaman niya noon bago siya makabalik sa mundo nila. Nakakapasong init! Nagmulat siya ng mga mata ngunit nasa ibang lugar na siya. Wala siyang makita kundi puting kapaligiran. Nagpalinga- linga siya ngunit wala talga siyang maaninag na anu paman.

Isang dumadagundong na boses ang kanyang narinig.

" MALIGAYANG PAGBABALIK SA DAIGDIG NG MGA TAONG LOBO! " .

Nagpalinga linga si Margaret, wala tlaga siyang makita kung sinu ang nagmamayari ng mahiwagang boses.

Ito na kaya ang tagapangalaga ng Arectia?

Wala padin maapuhap na tamang sabihin si Margaret.

"NABABATID KO ANG NASA IYONG KALOOBAN KAHIT HINDI MO SABIHIN..NALAGPASAN MO ANG MGA PAGSUBOK NA BINIGAY KO SAYO.. DAHIL DOON IKAW AKING GAGANTIMPALAAN.. HINDI NAGKAMALI ANG BABAYLAN SA PAGPILI SAYO".

"maraming salamat po. Nais ko sanang gumaling na si Ginoong Markis sa natamong mga sugat niya sa pakikipaglaban. Kaya ako po ay nakipg-ugnayan sa inyo. " nasabi ni Margaret ng masigurong ito nga ang tagapangalaga.

"AKING GAGAWIN ANG IYONG HILING".

"Maraming Salamat po."Hindi maipaliwanag ang saya ng nraramdaman ng mga sandaling iyon ng dalaga.

"Margaret! Margaret! "

"Huh". Para naman nagising sa mahabng pagkakatulog ang dalaga. Lumingon siya sa tumatawag sa kanya. Humahangos na papalapit sa kanya si aling Isyang.

"Anu po ang nangyari aling Isyang?" Tanung niya ng tuluyan itong nakalapit sa kanya.

"Nag tagumpay ka iha.. magaling na ang mga pinsala ni Ginoong Markis." Pagbabalita nito.

Labis naman siyang natuwa sa nalaman. Sabay na silang pumasok sa loob ng kubo kung nasan si ginoong markis.Nang makapasok sila nakita niyang pinag kakaguluhan ito nila Haru, Sardox, Rio ,Eschaves at Maru, maging ni mang tibo nasa may pintuan lang sila ni aling Isyang at masayang pinapanuod ang masayang tawanan nila. Parang musika sa pandinig niya ang tawanan ng mga ito lalo na ang kay Haru. Madalas kasi seryuso ito lagi, nang tumingin sa kanya si Ginoong Markis napadako din sa kanya ang lahat ng mga mata ng mga maroon.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.