Lover's Moon Chapter 17

Nakatayo sa may verandah si Haru habang hawak ng kanang kamay ang mug ng kape na iniinum. Nag aagaw liwanag na ng mga sandaling iyon Kaya kitang kita ang magandang tanawin sa kanyang harapan.Nakatanaw siya sa malawak na karagatan na bahagyang hinahampas ng alon ang dalampasigan.

Napatingin siya sa parte ng gubat na tanaw sa kanyang kinatatayuan. Naalala niya bigla ang mga sinabi sa kanya ni Margaret tungkol sa panaginip nito. Iniwan niya itong natutulog pa sa sala,dun ulit nila naisipan matulog dahil ayaw narin mapag isa sa kwarto ang dalaga.

Mula sa kanyang likod may mga kamay na yumapos sa kanya,agad naman siyang napangiti.

"Ang aga mong bumangon..naunahan mo pa ko.. " anito na namamaos pa ang boses.

Hinarap niya ito nang hindi naaalis ang pagkakangiti.

"Ayukong maisturbo ang tulog mo.. para kang baby sa himbing ng tulog".

Ginawaran niya ito ng mabilis na halik sa tungki ng ilong.

Napapikit ito sa ginawa niya,napakaganda parin nito kahit bagong gising,magulo ang mahabang buhok, tanging ngiti sa mga labi ang nakapaskil sa mukha nito.

"May laman paba ang mug mo?" Kapagdaka ay tanong nito.

"Konti nalang.." bahagya niya pang pinakita ang laman." Ititimpla nalang kita". Tumalikod ito upang magtungo sa kusina.

Naiwan si Margaret sa verandah,tinanaw din ang malawak na karagatan. Lumanghap siya ng pang umagang hangin. Ang sarap sa kanyang pakiramdam ang pang umagang hangin na nasasamyo.

Agad nagbalik ang binata dala ang bagong timplang kape.

"Naisip kong maligo tayo sa dagat mamaya " Suhestiyon nito sa kanya.

"Magandang ideya iyan.. para masulit ang pagpunta natin dito." Inabot ng dalaga ang kapeng tinimpla ng binata para sa kanya, bahagya siyang sumimsim dito habang nakatingin sa kasintahan.

Ang plano na maligo sa dagat ay hindi natupad sapagkat habang inihahanda palang ang almusal nila ng biglang umulan ng malakas na may kasama pang malalakas na kulog at kidlat.

Napapaidtad pa ang dalaga tuwing kikidlat ng malakas, nakaupo siya sa sofa habang ang binata ay sinasarado ang salamin na pintuan sa may verandah,pumapasok na kasi ang apyas ng ulan sa loob sa lakas ng ulan.

Kasalukuyang hawak niya ang cellphone at katext ang ina. Nawala kasi sa isip niya na tawagan o itext man lang niya ang mga magulang ng dumating sila dito.

Nanunudyo naman ang kanyang mommy pag daw kasama si Haru lahat daw nakakalimutan niya na.. Tama naman ito sadyang nakakalimutan niya lahat basta magkasama sila. Humingi siya ng dispensa sa mga ito..ayos Lang daw basta huwag lang daw niya kakalimutan ang mga bilin nito. Masyado daw silang malapit sa tukso pero may tiwala daw sila kay Haru at sa kanya.

Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng binata.

"Sayang hindi tayo makakapag swimming sa dagat. Ang ganda naman ng panahon kanina ,nakakapagtakang biglang umulan." Aniya dito.

"Ou nga eh.." sang ayon nito" hindi kaba maiinip kung dito lang tayo maghapon sa loob ng bahay?"

"Hindi noh" sabay iling niya" basta kasama ka hindi ako maiinip."

Napangiti naman ito sa kanyang sinabi.

Naglaro nalang sila ng baraha na dala niya upang hindi mainip.

Tumayo sandali si Margaret at pumunta ng kusina para kumuha ng makukutkot nila habang naglalaro.

Isang chips ang kinuha niya na nilagay niya sa malaking bowl.

Muntik niya pang mabitawan ito nang biglang kumidlat ng malakas,kitang kita niya ang matalim na guhit nito sa may bintana ng kusina. Hindi niya napigilan ang isang impit na tili.

"Anung nangyari?" Humahangos naman si Haru na pumasok ng kusina.

"Nagulat lang ako sa kidlat." Sagot niya.

Napabuntong hininga naman ito.

Akma na sana itong lalapit sa kanya nang makita niyang bigla itong natigilan sa kinatatayuan. Napalingon ito sa may pinto ng kusina. Nakakuyom din ang mga kamao nito at nagtagis ang mga bagang sa hindi niya mawaring dahilan.

Tiningnan siya nito. "Kailangan kong magpunta sa gubat. Dumito kalang,isarado mo ang pinto paglabas ko. Huwag kang aalis."

Naguguluhan naman siya sa mga sinabi nito,pero bago pa siya makasagot agad na itong lumabas ng pintuan sa kusina.

"Haru.." nasundan niya na lang ito ng tingin, habang palayo hanggang tuluyan ng mawala sa ulanan.

Ilang sandali pa siyang nakatayo lang sa bukas na pinto, naguguluhan siya sa biglang pagbabago ng kilos nito,kung saan ito pupunta sa gitna ng malakas na bugso ng ulan. At bakit kailangan nitong pumunta sa gubat?

Natauhan lang siya ng maramdaman sa mukha niya ang apyas ng ulan. Muli siyang tumingin sa dakong tinakbo ng binata. Isang malakas na kidlat muli ang nagpa gising sa kanya. Agad na niyang sinara ang pintuan.

Naguguluhan naman siyang bumalik ng sala at naupo nalang. Wala sa sariling nailapag niya sa lamesita ang hawak na bowl ng chips na kanina pa niyang hawak. Muli na namang kumidlat, pilit niyang nilalabanan ang takot sa pag iisa sa bahay, napayakap nalang sa kanyang sarili at humalikipkip sa sofa.

Takot na takot na nagtago ang batang lalaki sa likod ng isang puno, hawak niya ang isang patpat na napulot niya kanina. Nanginginig ang buo niyang katawan sa pinaghalong takot at lamig, naririnig narin halos niya ang sariling paghinga. Nagpa linga linga pa siya sa kanyang paligid,sa lakas ng ulan wala na siyang maaninag.

Halos pigilan niya ang paghinga ng makaulinig ng nabaling sanga at mahihinang kaluskos mula sa kanyang pinagkukublihan. Lalo pa niyang isiniksik ang maliit na katawan sa mga nakausling mga ugat ng puno,mahigpit din ang kanyang hawak sa patpat.

Walang humpay ang ginagawang pagtakbo ni Haru sa gitna ng malakas ng ulanan. Hindi niya iniinda ang malamig na tubig ulan sa kanyang katawan. Huminto siya sandali,nagpalinga linga sa paligid. Mula kung saan malakas na sigaw ang narinig niya kasabay ng paghingi ng tulong. Agad siyang tumakbo sa direksyon kung saan narinig niya ang mga sigaw.

Natulos siya sa kanyang kinatatayuan,nakatalikod sa kanya ang isang nilalang na mas malaki pa sa kanya. Hawak nito ang leeg ng isang batang lalaki,nagpapapasag ang bata mula dito. Pinipilit na tanggalin ang kamay ng nilalang sa kanyang leeg.

Walang inaksayang sandali ang binata,dinaluhong niya ito sa likod dahilan upang mabitawan niya ang batang lalaki.

Humagis sa di kalayuan ang bata,nakita ng binata na bahagya itong gumalaw. Binalik niya ang tingin sa nilalang sa harapan niya. Nanlaki ang kanyang mata ng humarap sa kanya ito.

Pinagsamang tao at lobo ang itsura nito. Ang ulo ay sa isang lobo, maging mga kamay nito ay may matutulis na kuko. Ang buong katawan puno ng balahibong katulad sa isang lobo.

Nanlilisik ang mga mata nito sa pagkakatingin sa kanya. Isang alulong ang pinakawalan nito bago siya dinambahan ngunit nakailag siya sa pag atake nito. Nag iwan ng marka ang mga kuko nito sa lupa.

Hinawi niya ang basang buhok na tumabing sa kanyang mata. Nagtitigan sila nito ng mata sa mata,isang sanga ng puno ang tinamaan ng kidlat at bumagsak sa gitna nila. Ngunit ni isa sa kanila hindi man lang natinag.

Unang sumugod ang nilalang,mula sa taas ang ginawang pag atake nito. Nakahanda naman ang binata sa pagsugod nito. Nakakuyom na kamao niya ang sumalubong dito. Isang ungol ang lumabas dito bago bumagsak sa Lupa.

Hinihingal naman ang binata na lalapitan sana ang nilalang na nakasagupa. Ngunit nakita niya ang batang lalaki sa di kalayuan.

Agad niya itong nilapitan,may mga sugat ito sa katawan. At dumudugo ang sugat sa may leeg nito. Nanginginig rin ang buong katawan dulot ng pagkakababad sa ulanan.

Napalingon siya sa nakasagupang nilalang na unti unting tumatayo sa pagkakalugmok sa lupa. Babalikan niya sana ito nang may humawak sa kanyang braso.

"Hu-wag ni-yo po a-kong i-wan" sabi ng batang nanginginig pa ang boses. Makikita sa mga mata nito ang takot.

Mahigpit din ang pagkakahawak nito sa kanyang braso. Nang tingnan niya ulit ang nilalang,nakatayo na ito at mabilis na nakalayo,ngunit bago ito mawala sa kanyang paningin, nilingon muna siya nito. Isang nakakakilabot na tingin ang iniwan sa kanya bago nawala sa likod ng mga puno.

Naramdaman niyang pagluwag ng pagkakahawak sa kanyang braso. Nang muli niyang tingnan ang bata,nakapikit ito. Nawalan ito ng malay tao. Pinangko niya ito.

Pakiramdam ni Margaret napakatagal na ng kanyang paghihintay. Tumingin siya sa labas ng bintana,patila na ang ulan. Ngunit madilim parin ang labas,mag tatanghalian palang pero ang panahon ay parang magtatakip silim na dahil sa sobrang dilim sa labas.

Tuluyan ng tumila ang ulan ngunit wala padin ang binata. Hindi na siya mapakali,tatawagan na niya sana ang mga magulang ngunit nagpigil siya ng sarili,mag aalala lang ang mga ito.

Palakad lakad siya sa sala ng makarinig ng mga kaluskos sa labas ng bahay. Agad siyang nagtungo sa bintana upang silipin sana kung ang binata naba, ngunit wala siyang nakitang tao sa labas. Pero may naririnig siyang atungal galing sa isang hayop. Palakas ng palakas ang naririnig niya,sinidlan naman siya ng takot. Mula sa bintana kitang kita niya ang paglabas ng isang tao na parang hindi mula sa isang puno dahil malaking bulas ito,ng mapagmasdan niya ang itsura. Natakpan niya ang kanyang bibig sa gulat. Kalahating tao at kalahating lobo. Agad siyang umalis sa pagkakasilip sa bintana ng mapadako ang tingin nito sa dereksyon niya.

Ang halimaw na sinasabi nila nandito ngayon!

Halos pangapusan ng hininga si Margaret habang nakasandal sa pader na malapit sa bintana. Nanigas na ata siya sa pagkakatayo dun ng sa wakas marinig ang boses ni Haru na tinatawag siya.

"Buti naman duma____" natigilan siya ng pagbukas niya ng pinto,bumungad sa kanya ito na may buhat na batang lalaki.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.