Lover's Moon Chapter 18

"Sino ang batang iyan?" Tanung ng dalaga.

"Hindi ko kilala,natagpuan ko siya sa gubat." Sagot nito sabay tingin sa batang nangangaligkig na sa ginaw.

Para naman siyang nahismasmasan ng makita ang kalagayan ng bata.

"Pumasok na kayo.. baka mapanu ang bata." Agad niyang pinapasok na ang mga ito. Lumingon pa siya sa labas ng pinto bago ito tuluyan sinara.

Dinala ni Haru ang bata sa taas,sa isa sa mga bakanteng silid. Kumuha naman ng pamalit na damit ang dalaga. Hinayaan niya na ang binata ang magpalit dito. Naghanda naman siya ng cup noodles para maipahigop ang sabaw sa bata.

Awang awa siya sa bata kahit makapal na ang kumot na nasa katawan, nanginginig parin ito sa ginaw.

"Kaya mo bang umupo?" Banayad niyang tanung sa bata. Tumango naman ito. Inilapit niya dito ang hinandang noodles para mainitan ang tiyan nito. Patingin tingin pa ito sa kanila,mababakas sa mata nito ang pangingilag at takot.

"Susubuan nalang kita" Hindi naman ito tumanggi ng sinusubuan na niya ito. Napansin niya may mga galos ito lalo na sa parte ng leeg.

Nang lingunin niya ang binata upang magtanong sana wala na ito sa kanyang likuran na kanina lamang nariyan lang at nagmamasid. Napabuntong hininga nalang siya.

Nang makatapos Kumain,muli niya itong kinumutan at sinabing babalik para kunin ang first aid kit sa kanyang silid. Tanging tango lamang ang sinagot nito.

Paglabas niya ng silid,naghihintay sa kanya sa labas ang binata. Nakabihis na rin ito.

"Kumusta ang bata?"

"Ok na siya..nagpapahinga nalang. Kukunin ko lang ang gamot para malagyan ang mga sugat niya." Akmang lalagpasan niya ito ng pigilan nito ang braso niya.

Tumitig muna ito sa kanya bago magsalita. "Magpapaliwanag sana ako".

"Hinihintay ko nga". Seryuso niyang turan dito.

Iginiya siya nito sa kanyang silid na katabi lang ng silid na pinagdalhan nila sa bata.

Magkaharap sila habang hinihintay niyang magsalita ito.

"Kanina kasi parang kinutuban ako ng hindi maganda. May nag uutos sakin na kailangan kong mag tungo sa gubat. Doon ko nga nakita ang batang inaatake ng halimaw.".

Nanlaki naman ang mga mata niya sa huling sinabi ng binata. Rumihistro din sa kanyang mukha ang biglang takot na naramdaman.

"Bakit mahal?" Nababahalang tanung nito ng makita ang kanyang reaksyon.

"Yung bang halimaw na sinasabi mo ay kalahating lobo at tao.?"

Napamaang naman sa kanya ang binata sa sinabi niya.

"Ou.. tama ka ngunit panu___".

"Galing siya dito kanina."

"Anong sinabi mo!?" Kahit ito nakitaan din ng pagkabigla sa sinabi niya, lumapit pa ito sa kanya. Halos magdikit na ang kanilang mukha.. waring may hinahanap ito na kung ano sa kanya." Ayos ka lang ba? Hindi ka ba nasaktan?".

Umiling siya," Ni hindi nga nakapasok ang halimaw dito sa loob ng bahay."

Nakahinga naman ng maluwag ang binata sa kanyang sagot.

"Sinu kaya ang batang iniligtas mo? At bakit nasa gubat siya sa gitna ng malakas na ulan?"

"Ang bata lang ang makakasagot sa mga tanong natin". Sagot nito sa kanya.

Kinuha lang niya ang gamot sa kanyang silid saka.nila binalikan ang bata. Nagulat pa ito ng pumasok sila. Nanginginig pa rin ito, maaaring sa lamig o sa takot sa halimaw kanina.

"Dala ko ang gamot," nakangiting sabi niya at umupo sa gilid ng kama. Nilabas niya ang bulak alcohol at betadine.

Umupo ang binata sa isang upuan na malapit sa kanila. Habang ginagamot niya ang sugat nito,panay ang sulyap nito sa binata.

"Anong pangalan mo bata?" Tanong ni Margaret nang matapos malinisan at malagyan ang mga sugat nito ng gamot.

Ilang beses munang lumunok ito at nakayukong sumagot.

"Adrian po ang pangalan ko."

"Paano ka napunta sa gubat Adrian? Nasaan ang mga magulang mo?". Si Haru naman ang nagtatanong.

Nangatal muli ito sa takot. Nang mag angat ng paningin sa kanila may namumuong luha sa mga mata at kita din ang takot.

"Pi-n-tay si-la ng halimaw..ang mama ko papa ko!" Pumalahaw na ito ng iyak.

Nakaramdam ng awa si Margaret sa bata,agad niya itong niyakap. Sa pagkakayakap niyang iyon lalo ito pumalahaw ng iyak.

Nakakuyom naman ang mga kamao ng binata habang nagtatagis ang mga bagang. Nagpupuyos ang kalooban na hindi pa niya tinapos ang halimaw. Naisip din ang mga naunang biktima nito.

Nakatulugan na ng batang si adrian ang pag iyak.

"Kawawa naman ang bata pero salamat parin sa diyos na nakaligtas siya sa kamay ng halimaw na iyon." Saad ni Margaret habang nasa sala sila.

"Ou nga.. mamaya pag nagising muli ang bata, kausapin ulit natin ito. Para makakuha ng iba pang detalye." Tugon naman ni Haru sa kanya.

Tumahimik sandali ang dalaga ng maalala na naman ang halimaw.

"Haru..pa-panu kung muling bumalik dito ang halimaw". Hindi maiwasan ng dalaga ang matakot.

"Pag bumalik siya dito hindi nako magdadalawang isip na paslangin siya." Matigas nitong sabi.

Napatitig nalang ang dalaga sa binata.

Magdidilim na ng magising ang batang si Adrian.

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Nakangitng tanong ni Margaret ng mapasukan nila itong gising na.

"Ok na po."

"Mabuti naman kung ganun. Gusto mo bang sumabay mamaya samin sa hapunan? Ok lang kung mas gusto mong dalhan nalang kita ng pagkain dito sa kwarto."

"Sasabay nalang po ako sa inyo." Waring nahihiyang sagot nito. Pinaglipat lipat pa nito ang tingin sa kanila.

Napangiti naman si Margaret dito.

Tumikhim muna si Haru bago nagsalita. " Adrian.. ayos lang ba kung sasabihin mo samin ngayon ang nangyari sa iyo?".

Nagkalambong na naman ang mga mata nito at ibinaling ang tingin sa ibang direksyon ng silid.

"Kung ayaw mo munang pag usapan ok lang naman." Sabi naman ni Margaret sa mahinahon salita.

Tumingin naman sa kanya ang bata. Nangingilid ang luha sa mga mata nito.

"Ang papa at mama ko pinatay sila ng halimaw!" Hysterical nitong sabi, tuluyan ng bumagsak ang luha sa mga mata nito.

Lumapit naman si Margaret dito,pinakalma niya ito at hinagod ang likod. Tahimik naman na nagmamasid sa kanila si Haru, puno ng pakikisampatiya ang tingin nito sa bata.

Hinayaan lang muna niyang umiyak ito. Ilang sandali pa ng tumahan na ito sa pag iyak,pinunasan muna ang mga luha sa mata bago tumingin sa kanila.

"Papunta sana kami sa santa ynez nang harangin kami ng halimaw na iyon. Naramdaman ko nalang bumangga kami sa isang puno. Pagkatapos nakita kong palapit samin ang halimaw. Sina papa at mama.. ". Parang maiiyak na naman itong muli. Sumigok sigok pa Ito.

"Sina papa at mama nakita kong hindi sila makagalaw. Maraming silang dugo,si mama parang patay na hindi na siya gumagalaw. Nakita kong palapit na ang halimaw! Lumingon sa akin si papa,sinabihan niya kong lumabas ng kotse,sabi niya tumakas nako. Iniwan ko sila papa at mama!" Tuluyan na itong napahagulgol.

Awang awa naman ang dalawa sa bata. Hindi maiwasan ng dalaga ang hindi tumulo ang luha. Naiintindihan niya ang nadarama nito.

Pinaghalong takot at guilty na iniwan niya ang mga magulang sa kamay ng halimaw. Pero nauunawaan din niya ang ama nito,walang magulang na hahayaan nalang na mapahamak ang anak.

Hindi namalayan ni Margaret na lumabas ang binata ng silid.

Nasa verandah si Haru habang nakatanaw sa bahagi ng gubat. Nagpupuyos ang kanyang kalooban dahil sa nangyari sa bata at sa magulang nito.

Maaring malapit lang sa bukana ng gubat ang nangyaring panghaharang ng halimaw kaya sa kagubatan napatakbo ang bata. Santa Ynez? Sunod na bayan na iyon.

Napalingon siya ng maramdaman ang presensya ni Margaret. Lumapit ito sa kanya.

"Si Adrian?"

"Iniwan ko sandali sa silid niya,sinabi kong huwag mag alala at hindi makakapasok ang halimaw dito."napabuntong hininga siya bago muling nagsalita." Dadalhan ko nalang siguro siya ng pagkain sa kwarto niya mamaya."

Tumango naman ang binata." Bukas pupunta ko ng police station,baka may makalap akong impormasyon sa nangyari kay Adrian at sa mga magulang niya. Kailangan din natin ipaalam sa otoridad na nasa atin ang bata."

Bumakas naman ang pag aalala sa mukha ni Margaret."iiwan mo kami dito bukas?"

"Isasama ko kayo syempre. Hindi ako mapapalagay kung maiiwan kayo dito lalo na't posibleng bumalik ang halimaw na iyon dito."

Napanatag naman ang dalaga sa sinabi nito.

"Ay ou nga pala..sabi ni Adrian salamat daw sa pagliligtas mo sa kanya sa halimaw. Ang tapang mo daw para harapin ang halimaw."

Ngumiti ito saka lumapit sa kanya at umakbay.

"Bilib kana sakin noh. sabi ko naman sayo kaya ko ang halimaw na Yun."

"Asus..matagal nakong bilib sayo noh..nasa Arectia palang tayo."

Tumawa naman ito,hinalikan pa ang ibabaw ng ulo niya.

Nasa kusina ang magkasintahan, kasalukuyang inihahanda ng dalaga ang pagkain ni Adrian ng pumasok ang huli sa kusina. Napalingon sila dito, suot nito ang damit ni Haru,nagmistula itong duster sa haba nito,halos umabot na sa talampakan nito, tsinelas din ng binata ang suot nito.

"Kaya mo naba? Dadalhin ko na sana itong pagkain mo sa silid mo eh,gutom kana ba? Pasensya kana Kung natagalan." Sabi ni Margaret na bahagyang lumapit pa dito.

"Ay hindi po ate.. gusto ko lang po kasing lumabas na ng kwarto." Nahihiya itong tumingin sa kanya at sa binata.

"Ganun ba,mabuti pang sumabay kana samin kumain." Masiglang sabi naman ng binata. Ngumiti naman ito sa kanila.

Pinaupo na nila ang bata,habang naghahain ang dalaga. Patingin tingin naman sa kanila si Adrian.

"Mag asawa po ba kayo?" Tanung nito sa kanila, pinaglipat lipat pa sa kanila ang tingin. Nababanaag ang kuryusidad sa mga mata nito.

Napahinto naman ng pagsasandok ng kanin si Margaret,napasulyap sa binata na ang atensyon ay nasa bata.

"Ou." Muntik ng mabitawan ng dalaga ang hawak na bandehadong lalagyan niya sana ng kanin sa sagot ng binata.

"Haru.."

Natatawa naman ang binata sa reaksyon niya. Tinaas pa ang dalawang kamay.

"Hindi pa kami mag asawa pero doon narin kami papunta ng ate Margaret mo." Tumingin pa ito sa kanya sabay kindat. Namula naman siya sa sinabi nito.

Napangiti naman ng bahagya si Adrian ngunit may lungkot parin na maaaninag sa mga mata nito. Nauunawaan naman nila ang pinag dadaanan nito.

Samantala,sa kabilang bahagi naman ng kagubatan nagpalit na ng anyo bilang tao mula sa pagiging halimaw ang nilalang na naka engkwentro ng binata. Isinuot ang bagong damit at salamin sa mata. Parang walang anumang naglakad ito palabas ng gubat na animo'y isang pangkaraniwan tao lamang.

"Mabuti pang kumain na tayo kanina pa ko nagugutom. Masarap magluto ang ate Margaret mo, sigurado mapaparami ang kain mo." Masiglang sabi ng binata upang kahit paano ay makalimutan kahit sandali ni Adrian ang nangyari sa kanya.

Napangiti naman si Margaret nang may sumilay na bahagyang ngiti sa labi ni Adrian.

Habang nag hahapunan,paminsan minsan tinatanung ng dalawa si Adrian. Nalaman nila na solong anak lang ito, wala rin siyang kilalang kamaganak sa both side ng magulang.

Nakatira silang mag anak sa parteng Marikina. Nasa sampung taon pa lamang si Adrian. May isang taon na palang walang trabaho ang ama nito. At ang balak nilang pag tungo sa Santa Ynez ay upang tingnan ang bahay nila doon. Nabanggit daw ng magulang nito na baka doon na sila tumira. Hanggang doon lang ang naibigay na impormasyon nito sa kanila.

Nang gabing iyon maaga nilang pinatulog si Adrian. Binanggit din nila ang gagawing pagpunta bukas sa police station upang mangalap ng impormasyon sa nangyari sa kanila at upang ipaalam narin sa mga otoridad na nasa poder nila siya.

Maagang naghanda ang tatlo,muling pinasuot ni Margaret ang damit na hinubad nung araw na natagpuan si Adrian ng binata. Sinabi niyang dadaan sila ng bayan upang mamili ng mga damit at iba pang pangangailangan niya.

Habang nasa kotse, sinusulyapan nila ang bata. Tahimik lamang ito habang nakayuko. Habang nasa daan biglang napaangat si Adrian sa pagkakaupo saka tumanaw sa labas ng bintana.

"Dito kami hinarang ng halimaw!"

Nagkatinginan naman dalawa. Bago ibinalik ang tingin sa bata na nakatingin parin sa labas ng bintana.

Itinabi naman ni Haru ang kotse at saka bumaba. Sinuyod niya ang buong paligid. Wala na ang kotse ng magulang ni Adrian, maaring nakuha na ito ng mga police.

Muli siya nagbalik sa loob ng kotse.

" Maaring alam ng mga police kung saan dinala ang magulang mo." Sabi nito sa bata bahagya lang siya nito sinulyapan at muling tumingin sa labas ng bintana.

Pinaandar nang muli ang kotse ni Haru. Si Margaret naman mababakas ang pag aalala sa mukha para sa bata.

Ilang minuto lang nang marating nila ang police station ng San Martin.

"Nandito na tayo,ako nalang siguro ang bababa. Dumito nalang kayo." Saad ng binata sa kanila.

Tumango lang si Margaret. Sinulyapan muna ni Haru si Adrian bago bumaba ng kotse. Nasundan nalang ng dalawa ang binatang papasok sa police station.

May isang oras din sa loob ng police station ang binata bago sila binalikan sa kotse.

"Nainip ba kayo? Pasensiya na hinintay ko pa kasi iyong pulis na may hawak ng kaso."

Sabay naman umiling ang dalawa.

"Anong balita?"tanong ng dalaga.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.