MAGKaharap ang magkatunggali sa ilalim ng sinag ng buwan. Parehas pinalakas ang kanilang mga kapangyarihan ng mga sandaling iyon. Parehas nagngangalit ang mga ngipin habang nag gigirian.
Si Haru, habang naka anyong lobo. Ang halimaw naman na lalong naging mabalasik ang anyo sa muling paghaharap nila ng lalaki.
"Natitiyak ko nang ikaw din ang lalaking nakaharap ko noon sa gubat na nagligtas sa bata." Malagom nitong sabi habang nanlilisik ang mga mata sa pagkakatingin sa kanya.
Isang angil lamang ang isinagot niya dito. Mula sa malayo,nakita ni Dondon ang girian ng dalawa. Nag-iisip kong lalapit ba siya o hahayaan nalang niya ang mga ito. Sa bandang huli,nanatili muna siyang nagmamasid sa maaring mangyari.
Unang sumugod ang puting lobo,hindi inaasahan ang gagawing pagsugod nito ng halimaw kaya bahagya na nitong naiwasan ang atake.
Muling sumugod ang puting lobo ngunit sa pagkakataong ito naging maingat na ang halimaw sa kanyang pag-atake. Napaigik ang puting lobo nang bumaon sa kanyang tiyan ang matutulis na kuko nito.
Dinilaan pa ng halimaw ang dugong naiwan sa mga kuko nito.
"Lasang dugo ng tao. Sino ka bang talaga?"
Hindi padin sumagot ang puting lobo,bagkus mabilis ito sumugod muli sa halimaw. Kagat sa iba't ibang bahagi ng katawan ang ginawa sa katunggali.
Hanggang sumuko ang halimaw. Ang dalawang paa niya ay nakadagan sa halimaw,nakalabas ang mga pangil na handang manila oras na magkamali ng kilos ito. Napaubo ng dugo ang halimaw,nasa mga mata nito ang pagkatalo.
Ito ang hudyat para lumapit si Dondon sa mga ito. Itinutok ang dalang baril sa halimaw,agad niyang itinali ito ng dalang lubid. Nang masiguro na nakatali na ang halimaw, bahagyang sumulyap sa kanya ang puting lobo.Agad din nilisan nito ang lugar at tumakbo papunta sa kakahuyan. Narinig pa nila ang pag-alulong nito.
Lumapit sa kanila ang matandang babaylan na bigla nalang lumitaw kung saan.Sinuri mula ulo hanggang paa ang halimaw bago ibinalik ang mga mata sa mukha nito.
"Dalhin mo siya sa likod ng bahay. Ako ang sisiyasat sa kanya,"utos nito kay Dondon. Agad naman tumalima ang lalaki.
Naiwan ang matandang babaylan na sinundan ng tingin ang direksyon na tinungo ng puting lobo.
PAREHAS pang nagulat ang magkaibigan nang biglang bumukas ang pinto at iluwa niyon ang matandang babaylan.
"Masyado bang nakakagulat ang mukha ko?" tanong nito na walang kangiti-ngiti. Kaya hindi nila malaman kung nagbibiro lang ba ito.
"Hindi naman po Lola," si Selene ang sumagot," nasaan na po iyong halimaw?"
"Huwag na kayong mag-alala,hindi na muling mang gagambala ang halimaw na iyon." Akmang tatalikod na ito ng magtanong si Margaret.
"Nasaan po si Haru?"
"Tumakbo siya papunta sa gubat." Maikling sagot nito saka tuluyan na silang iniwan.
"Susundan ko siya!" saad ni Margaret.
"Ano? Baka mapano ka pa sa labas. Mabuti pang hintayin mo nalang siya rito," sabi naman ni Selene na bakas sa mukha ang pagtutol sa balak niyang gawin.
Lumingon si Margaret dito," mauna kana sa silid natin. Kailangan ko lang talaga na sundan siya." Nahihimigan sa tono niya ang determinasyon.
Bago pa nakatutol si Selene, nakalapit na siya sa pinto at nabuksan ito. Bago tuluyan lumabas, lumingon pa siya sa kaibigan.
"Huwag kang mag-alala sa akin. Hindi ako mapapano,"
"Pero Margaret…" hindi na nito natuloy ang sasabihin nang lumabas na ito ng bahay.
"Sasabihin ko sanang magpalit ka muna ng suot." Nasabi nalang nito sa sarili.
Mukhang nakalimutan ng kanyang kaibigan na naka two piece bikini string lang ito. Ano kaya ang mangyayari kapag may isang babaeng gumagala na naka bikini lang sa gitna ng gubat? Napapailing nalang ang babae habang patungo sa silid nila sa taas.
LAkad takbo ang ginagawa ni Margaret. Walang katiyakan ang tinutugpa ng kanyang mga paa. Nang nasa kalagitnaan na siya ng gubat,malakas na tinawag niya ang pangalan ng binata. Ngunit walang tugon mula dito. Nagpatuloy siya sa paglalakad habang palinga-lingang tinatawag ang pangalan nito. Hanggang makarating siya sa gawing mataas na bangin kung saan kita ang bahay.
Napayakap siya sa sarili ng biglang umihip ang malakas na pang gabing hangin,noon lang niya napagtanto na naka two piece bikini lang siya. Matagal niyang tinanaw ang malawak na karagatan bago tumalikod. Sa ibang parte ng gubat niya hahanapin ang binata.
Patuloy siya sa paglalakad nang makarinig ng mga kaluskos sa gawing puno ng kawayan. Huminto siya sandali at pinakinggan ang kaluskos. Nakatingin siya sa puno ng kawayan, hinihintay ang anuman lalabas dito. Ngunit sa kanyang pagkamangha isa lamang palang kuneho ito.
"Akala ko kung ano na,isang kuneho lang pala." Pagkausap niya dito.
Nang biglang tumakbo palayo ang hayop,nakaramdam naman ng kakaiba ang dalaga. Mula sa kung saan,bigla siyang dinambahan ng isang mabalahibong hayop. Napahiga siya sa makapal na damo habang nasa ibabaw niya ito.
"Haru…" namutawi sa mga labi niya.
"Anong ginagawa mo dito habang suot mo iyan?" tanong nito na hinihingal pa.
"Sinundan kita ng malaman kong dito ka nagtungo."
Sa kanyang pagkamangha,nagpalit ito Ng anyo habang nasa ibabaw niya. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil alam niyang walang anumang suot ito at siya ay ang kakapirasong tela na tumatakip sa kanyang maselan na bahagi. Hindi rin siya komportable sa posisyon nila ng mga sandaling iyon.
Naglakbay ang mga mata ng binata sa kabuuan ng kanyang mukha na para bang kinakabisa ito. Nababanaag niya sa mga mata nito ang apoy na katulad niya ay pilit niyang nilalabanan.
"Kung alam mo lang ang idinudulot mo sa akin kapag ganitong napakalapit mo," anito na tila hirap na hirap.
Ilang beses din niyang nakitang lumunok ito. Ang balat nito na nakadikit sa kanyang balat ay tila apoy na tumutupok sa buong pagkatao niya.
Ang sensasyon na dulot ng paglalapit ng kanilang mga katawan ang pilit nagsasara sa matinong kaisipan na mayroon siya. Bago pa siya makahuma,sinakop na ng mga labi ng lalaki ang bahagyang nakaawang na mga labi niya.
Saksi ang mga puno,buwan at mga bituin sa langit sa nagaganap ng mga sandaling iyon. Dalawang taong pinag-isa ng wagas na pag-ibig.
"Maari bang magbigay ka ng impormasyon tungkol sa pagkatao mo?" tanong ng matandang babaylan sa halimaw.
Nakatali ito sa malaking puno na nasa likod ng bahay. Nasa kanyang tabi naman si Dondon na tahimik na nagmamasid. Nakatikom ang mga kamao at madilim ang mukha sa pagkakatitig sa halimaw.
"Bakit hindi niyo pako paslangin?" tanong nito na nakayuko lamang.
"Iyan ba ang kagustuhan mo?" matigas na tanong naman ng matandang babaylan. Inaasahan na niya ang ganitong kahirap na pagtatanong. Batid niyang hindi agad sila makakakuha ng impormasyon sa nilalang na ito.
"Hindi ko maunawaan bakit hindi pako tinuluyan ng taong lobo na iyon? Marami siyang pagkakataon para gawin iyon." Blanko itong tumingin sa kanila.
"Huwag mo siyang itulad sa'yo. Isa kang halimaw na pumapatay para maibsan lang ang gutom sa laman at pagkauhaw sa dugo ng tao!"
Isang ngisi ang namutawi sa labi ng halimaw. Nang makita ito biglang sulak ng dugo ni Dondon para dito. Inilang hakbang niya ang pagitan nila at sinakal ito.
"Wala ka bang konsekwensya huh? Kalahating tao kadin! Paano mo naatim na pumatay ng mga inosenting tao ng San Martin!" Hindi na naiwasan na hindi magtaas ng boses ng lalaki.
Napaigik ang halimaw sa ginagawa niyang pagsakal dito. Hindi pa siya nakontento,isang bigwas ang ibinigay niya dito. Muli pa sana niya itong bibigwasan ng inawat siya ng matandang babaylan.
"Tama na iyan,Dondon."
Napalingon siya sa matandang babaylan na nasa likod niya. Unti-unti niyang binaba ang nasa ere pang kamao. Matalim munang tiningnan ng lalaki ang halimaw bago lumayo.
"Kaya kong malaman kung ano ang nasa kaloob-looban mo. Pero nais kong ikaw mismo ang magsabi ng mga bagay na nais namin malaman." Litanya ng matandang babaylan.
Tumingin muna sa kawalan ang halimaw bago ibinalik ang tingin sa kanila.
"Ang lahi namin ay isinumpa dahil sa bawal na pag-ibig."
Nagkatinginan naman si Dondon at ang matandang babaylan.
"Puwede mo bang ipaliwanag kung anong ibig mong sabihin?" tanong ng matandang babaylan. Lalong namuo ang kuryusidad nito.
"Hindi ko kagustuhan ang nangyari sa akin," may pait na sabi nito na napapikit pa ng mariin bago nagpatuloy," ang aking ina ay isang mortal,samantala ang aking ama ay isang itim na lobo. Mariin na ipinagbabawal sa lahi ng aking ama ang umibig sa mortal. Pero sa kabila ng babala sa puwedeng kahantungan ng kanilang bawal na pag-ibig, ipinaglaban parin nila ito." Mahihimigan sa tono ng boses nito ang tinatagong hinanakit.
Ilang sandali muna itong nanahimik bago nagpatuloy.
"Hindi ko kagustuhan kong naging ganito man ako!" galit nitong turan sa kanila habang matalim ang mga mata.
"Sino ang mga magulang mo?" mahinang tanong ni matandang babaylan.
Matagal na tumitig sa kanya ang halimaw bago ito tumugon sa tanong niya.
Nanlalaki ang mga mata ng matandang babaylan sa nalaman. Kita sa mukha nito ang labis na pagkabigla. Halos panawan na ito ng ulirat,kung maari sanang lamunin na ito ng lupa ng mga oras na iyon ay nahiling na sana nito.
Hindi naman nakaligtas sa paningin ni Dondon ang naging reaksyon ng matandang babaylan. Nais sana nitong magtanong kung kilala ba nito ang mga binanggit na pangalan ng halimaw. Ngunit sa nakikita niyang reaksyon nito,hindi pa ito ang tamang panahon upang mag-usisa siya.
"Ang pamilya niya ay bagong salta lamang dito sa San Martin. Ginagamit ang pakunwaring kabaitan para mapagtakpan ang kanilang tinatagong lihim." saad na lamang ni Dondon.
"Bukas sa kanilang kalooban ang ginagawang pagtulong." turan naman ng halimaw na nagpaismid sa lalaki.
"Nagagawa mo pang sabihin iyan? Hindi kayang bayaran ng mga ginagawa ng pamilya mo ang kasalanan nagawa mo!" Singhal niya dito.
Muli sanang lalapitan ng lalaki ang halimaw nang pigilan muli ito ng matandang babaylan.
"Tama na iyan Dondon. Ipagmaneho mo nalang ako papunta sa bayan."
Nagtataka naman ang tingin na ipinukol ng lalaki dito bago nagtanong," ano pong gagawin natin doon? Saka masyado ng malalim ang gabi."
"Gusto kong makausap ang mga magulang niya."
"P-pero…"
"Huwag ka ng maraming sinasabi,basta samahan mo ko sa kanila,"tatalikod na sana ito ng muling lumingon sa halimaw na nakatingin din sa kanya," pakawalan mo na siya."
Ginamitan ng mahika ng matandang babaylan ang halimaw para maging panatag ang kanilang biyahe. Para itong maamong tupa na tahimik na nakaupo lamang sa likod ng kotse. Habang nasa biyahe, makailang ulit na siyang napabuntong hininga. Napapatingin sa gawi niya ang lalaki ngunit hindi nagsasalita. Alam nitong may bago na namang matutuklasan kaganapan.
May bente minutos din bago sila nakarating sa bayan. Nakahinto sila ngayon sa malaking bahay na pag-aari ng pamilya Scott. Biglang bumukas ang pinto ng malaking gate at may lumabas doon na isang lalaki na sa hinuha nila ay ang mayordomo ng pamilya.
Lumapit ito sa driver seat. Lumabas ng kotse si Dondon.
Yumukod ang lalaki na tingin niya nasa mahigit sisenta na ang edad. Maputi na lahat ng buhok at kulubot na ang balat. Naka tuxedo ito ng itim na terno.
"Hinihintay na po kayo ng aking mga amo. Inaasahan nila ang inyong pagdating."
Sumulyap ito sa hulihan ng kotse kung saan naroon ang anak ng kanyang mga amo na prenteng nakaupo. Napataas ang kilay nito bago ibinalik ang tingin sa lalaking nasa harapan.