Lover's Moon Chapter 27

"Ayos lang ba na magkasama tayo sa isang kwarto?" tanong ni Margaret kay Selene habang tinutulungan niya itong ilagay ang mga damit sa bakanteng aparador na nasa kanyang silid.

"Oo naman,kaysa doon mo ko patabihin sa babaeng tiger look kung makatingin."

Bahagya siyang natawa,ng mapatingin siya dito mataman na ang pagkakatitig sa kanya ng kaibigan. Nailang tuloy sya sa paraan ng pagtitig nito.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Sino iyong babae na mala tiger look ang pagkakatingin sa atin? Parang gusto na tayong lamunin kanina."

"Si Zari iyon,ang babaeng naghahabol kay Haru kahit wala itong gusto sa kanya."

"Bakit naghahabol siya ? Nabuntis ba siya ng fiancee mo?" namimilog pa ang mga mata ni Selene habang nagtatanong sa kanya.

"Hindi ganoon…" may kasama pang iling na sagot niya, " ang hirap kasing ipaliwanag eh."

"Ay siya sige! Kapag kaya mo ng ipaliwanag ang lahat saka mo sabihin sa akin."

Tumango naman si Margaret.

"Mabuti pa friend ipasyal mo nalang ako sa paligid nitong bahay. Punta kaya tayo sa tabing dagat mamaya. Mag night swimming tayo mamaya,ang saya noon sigurado,"turan nito na bakas sa mukha ang excitement sa mga gustong gawin.

"Pwede bang bukas na lang? Magpahinga kana lang muna." tugon naman ni Margaret dito.

"Hindi naman ako pagod sa byahe noh,huwag mo akong alalahanin. Basta mag night swimming tayo mamaya. May dala ako d'yan na mga bathing suit at two piece bikini. Isuot mo mamaya para lalong mainlove sa'yo si Haru. I'm sure luluwa ang mga mata noon sa pagtitig sa'yo." Tuloy-tuloy na salita nito na hindi na siya makasingit sa gusto niya sanang sabi.

Magsasalita na sana siya ng dumaldal ulit ito, "isuot mo ito..bagay sayo ang yellow na kulay," abot nito sa kanya ng two piece string bikini."

Nanlalaki naman ang mga mata niya sa pagkakatingin sa iniaabot sa kanya. Ngiting-ngiti ito sa kanya na parang may kalokohan na naiisip.

"Ayuko niyan!" nakangiwi pang sambit niya.

"Oh bakit naman? Galing pang Canada yan...dati naman nagsusuot ka niyan ah. Huwag mong sabihin dahil kay Haru ayaw mo ng magsuot ng mga revealing na ganito. Kaya mo nga isusuot ito para lalong mainlove sa'yo ang fiancee mo. Naku! Sigurado luluha mga mata noon pag nakita niyang suot mo ito." Winawagayway pa nito sa mukha niya ang hawak na two pieces bikini.

Namula ata siya hanggang talampakan sa mga pinagsasabi ng kaibigan. Saka parang hindi niya kayang isuot sa harap ng binata ang pinapasuot nito. Baka lumubog siya sa kinatatayuan niya oras na makita siya nito na naka two piece bikini string.

Walang nagawa ang mga pagtanggi ni Margaret sa kaibigan. Ito parin ang nasunod na mag swimming sila at isuot niya ang bigay nitong two piece bikini string.

Tinitingnan ni Margaret ang sarili sa whole body Mirror. Tama nga ang kaibigan,bagay sa kanya ang yellow string bikini. Lalong tumingkad ang makinis niyang balat na hindi naman kaputian pero hindi naman kayumanggi ang kulay.

"Wow friend! Sabi ko na nga ba lulutang ang kaseksihan mo d'yan sa suot mo." Papuri nito habang pinasadahan siya ng tingin,hindi niya namalayan na nasa likuran na pala niya ito. Binigyan niya ito ng alanganin ngiti.

Pinatungan niya ng puting roba ang suot niyang bikini. Nasa punong hagdan na sila ni Selene nang makarinig ng pagtatalo. Parang boses nina Haru at Zari.

"Pinayagan mo naman ang gusto ng babaeng iyon! Hindi pa kayo mag-asawa para siya ang masunod sa bahay na'to,basta na lang siyang magpapapunta ng ibang tao sa bahay mo!"

"Tama na!" Madiin na sabi ni Haru. Bigla naman natigilan ang babae. At nag iba ang tono ng pananalita nang muling magsalita.

"Gusto lang kitang protektahan kamahalan na hindi kayang gawin ni Margaret."

"Hindi mo ako kailangan protektahan,kaya kong pangalagaan ang sarili ko. Huwag mong kakalimutan sana kung saan ka nararapat tumayo."

"Pero kamahalan…"

"Tama na. Ayoko nang marinig ang anumang sasabihin mo." pinal na sabi ng lalaki bago sila nakarinig ng mga yabag na palayo.

Isang tili naman ang narinig nila sa babae at sumunod ang pagkabasag ng kung anong bagay. Nagkatinginan naman ang dalawa. Nag-alangan pa kung tutuloy paba silang bumaba.

Nauna nang humakbang pababa ng hagdan si Margaret, sumunod na lang din si Selene sa kanya. Nakita nila si Zari na nakalupasay sa sahig habang nakatukod ang mga kamay sa sahig. Ang mahabang buhok nito ay tumabon na sa mukha,rinig din nila ang pag hikbi nito.

Ewan ba ni Margaret,imbes na maawa siya dito parang lalo lang nadagdagan ang inis niya dito. Dahil sa mga pinagsasabi nito kanina. Daig pa siya kung makaasta sa bahay ng fiancee niya. Lalapitan niya sana ito,nang hatakin siya ni Selene palabas ng bahay.

Kasalukuyan naglulublob ang dalawa sa dagat. Ang maliwanag na buwan ang nagsisilbi nilang ilaw ng mga oras na iyon. Napakaganda ng reflection ng buwan sa dagat.

"Sabihin mo nga friend,sino ba si Zari sa buhay niyo? Bakit ganoon na lang siyang makaasta? Gigil to death niya ko kanina huh. I know ganoon kadin kanina."

"Basta nalang siyang dumating dito. Tapos kung angkinin niya si Haru daig pa niya na pag mamay-ari niya to." inis na sabi niya dito.

"Eh bakit kasi hindi niyo pa paalisin? Mabigat ang dugo ko sa babaeng iyon sa totoo lang. Tingin ko hindi siya gagawa ng mabuti sa inyong dalawa ni Haru." Prankang sabi ni Selene.

Natigilan naman si Margaret, naalala ang mga ilang pagkakataon na hindi naging maganda ang kanilang paghaharap. Hindi siya susuko dito, hindi siya papayag na makuha nito sa kahit na anong paraan ang binata.

"Hoy...kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako lagi. Hindi kita iiwan dito, sasamahan kita hangga't gusto mo."

"Salamat Selene."

"Tingin ko ba sa'yo ang daming nakatago diyan sa dibdib mo. Sabagay wala ka naman mapagsasabihan dito. Mahirap naman kung sa pamilya mo ikaw magsasabi. Malamang pauwiin kapa nila." Buong sabi nito.

"Kaya nga nagpapasalamat ako kasi dumating ka. Ayuko naman iwan dito si Haru,baka kung ano pang gawin ni Zari,"tugon naman niya.

"Eh bakit hindi na lang kayo umalis dito? Iwan niyo ang babaeng iyan dito."

Nawalan siya ng sasabihin, paano ba niya ipapaliwanag dito ang lahat. Wala itong alam tungkol sa nakaraan ni Haru. Kahit nababanggit niya ang Arectia dito,akala nito biro lang niya at hindi talaga nag-e-exist ang mundong iyon.

Nagtataka naman si Selene sa biglang pananahimik niya.

"Meron kabang hindi sinasabi sa akin, friend?"

Ngumiti muna siya dito bago sumagot," saka nalang natin pag-usapan iyon. Marami pa naman araw. Sa ngayon mag-enjoy muna tayo."

"Sabagay,tama ka d'yan." Tumingin pa ito sa langit.

Nang mapansin ang ginagawa ng kaibigan,tumitig narin siya sa buwan.

"Parang binabantayan tayo ng buwan noh." saad niya dito.

"Oo nga noh,sa totoo lang ngayon ko lang na-appreciate ang ganda ng buwan,"ani Selene na hindi inaalis ang pagkakatingala sa langit.

Parehas nilang kinakampay ang mga paa sa tubig habang ang kalahati ng katawan ay nakalubog sa tubig.

WALANG kaalam-alam ang magkaibigan na may mga pares ng mata ang kanina pa sa kanila nakamasid. Kumukuha lamang ng tiyempo para makalapit sa kanilang kinaroroonan.

"Teka lang friend,kukuha lang ako ng beer,para may iniinom tayo dito." Paalam ni Selene. Mabilis na itong nagtungo sa mga gamit nilang nasa buhanginan. Kumuha ng dalawang beer in can sa ice box. Nang pabalik na siyang muli Kay Margaret,ay napatigil siya.

Napalingon siya sa kanyang likuran at nanlalaki ang mga mata sa nilalang na nakatunghay sa kanya. Nabitawan niya Isang ang hawak at malakas na tili ang pinakawalan ng babae. Agad na umalis sa tubig si Margaret, upang daluhan ang kaibigan.

Agad na yumakap si Selene sa kanya,ramdam niya ang panginginig ng buong katawan nito. Matalim niyang tiningnan ang halimaw. Nagpalinga-linga sa paligid,baka sakaling papalapit na si Haru sa kanila. Ngunit ni anino nito hindi niya makita. May kalayuan pa naman ang distansiya ng bahay mula sa kinatatayuan nila.

Ang halimaw na kalahating tao at lobo ay nakangisi sa kanila. Halos hindi ito matingnan ni Selene. Samantala siya tila nawala na ang takot dito. Ang nais niya ay maprotektahan ang kaibigan at huwag masaktan.

Napaatras sila nang humakbang sa kanila ang halimaw. Mula sa liwanag ng buwan, kumislap pa ang mga mata nitong matalim ang pagkakatitig sa kanila.

Ilang beses napalunok si Margaret,bago iginiya sa kanyang likod si Selene na tila gusto niyang protektahan laban sa halimaw. Isang hakbang pa muli palapit sa kanila ang ginawa ng halimaw.

Mabilis na dumukwang si Margaret,at dumakot ng buhangin saka ito isinaboy sa mukha ng halimaw.

"Takbo!" Sigaw niya kay Selene. Hinila ang kamay nito na nanginginig pa rin sa takot. Habang tumatakbo palayo,rinig pa nila ang atungal ng halimaw dahil sa ginawa ni Margaret na pagsaboy ng buhangin sa mga mata nito.

Sa direksyon ng bahay sila tumakbo,hindi nila nililingon ang halimaw. Paakyat na sila sa hagdanan bato nang makasalubong nila si Dondon.

"Ayos lang ba kayo?" tanong nito na bakas sa anyo nito ang pag-aalala.

Napatango na lamang sila dahil sa hindi magawang makapagsalita sa paghahabol ng hininga. Iginiya sila nitong pumasok na sa loob ng bahay.

"Si Haru?" tanong ni Margaret dito nang makapasok sa loob ng bahay.

"Malamang kaharap na niya ngayon ang halimaw," tugon nito.

"Saan siya nagdaan? Hindi naman namin siya nakasalubong," turan naman ni Selene habang tutop ang dibdib. Hinihingal pa rin ito at nanginginig.

"Sa likod siya nagdaan kaya hindi niyo nakasalubong,"ani ni Dondon. Tumingin pa ito ng makahulugan kay Margaret.

"Juice me Margaret,may halimaw pala dito. Alam niyo ba ang tungkol sa halimaw na iyon?" Pinaglipat-lipat pa sa kanila ang tingin sa kanila.

"Maiwan ko muna kayo dito. Kahit anong mangyari dito lang kayo. Baka kailangan ni Haru ang tulong ko." Biglang paalam ni Dondon. Palabas na ito ng pinto nang marinig pa nito ang sabi ni Selene.

"Hindi ba masyadong delikado na haharapin pa nila ang halimaw na iyon!"

Nasa labas na si Dondon ng magsalita si Margaret.

"Huwag kang mag-alala,Selene." Nawika nalang niya.

Sa kaibuturan ng puso niya nag-alala din siya sa kaligtasan ni Haru. Pero malaki tiwala niya dito na kaya nitong talunin ang halimaw.

Parang nahahapo naman na napaupo nalang si Selene sa sofa.

"Sa tingin ko marami kang kailangan ipaliwanag sa'kin Margaret," sabi ni Selene na mataman ang pagkakatitig sa kanya.

Naupo naman siya sa katapat na upuan nito. Pinagsalikop pa nito ang dalawang braso at sumandal.

"Sa tingin ko hindi mabuti na nandito ka," parang nakaramdam naman ng guilty si Margaret dahil sa muntik ng pagkapahamak ng kaibigan," bukas na bukas din ihahatid na kita."

"Ano ka ba? Lalong hindi kita iiwan dito noh. May halimaw na nga na gumagala dito,mayroon pang Zari na umaaligid sa fiance mo. Alam kong kailangan mo ng kaibigan na masasandalan ngayon,kaya hindi kita iiwan." Mahabang litanya nito sa kanya.

Labis naman siyang naligayahan sa mga sinabi nito. Parang gusto niyang sugurin ito ng yakap.

"Salamat friend. Kaya lang inaalala ko lang ang kaligtasan mo."

"Huwag mo kong alalahanin. Mabuti pang umpisahan mo ng ikuwento kung ano ba ang nangyayari dito?"

Huminga muna ng malalim si Margaret bago inumpisahan ang pagsasalaysay niya simula ng makarating siya ng Arectia. At kung paano tinawid ni Haru ang mundong ito para makasama siya. Maging ang mga pangyayari sa San Martin,ang pagdating si Zari. Ang mga pangamba niya sa pagdating ng babae sa mundong ito.

Namimilog naman ang mga mata ni Selene matapos ang kanyang pagsasalaysay.

"Parang kuwento sa isang libro. Ang kaibahan lang, totoo ang nangyayari sa'yo. Sana lang happy ending ang sa inyo."

Napayuko naman si Margaret. Ganoon din kasi ang nasasaisip niya.

"Huwag kang mag-alala. Tingin ko naman malalampasan niyong dalawa ang mga balakid sa inyong pagmamahalan. Hangga't nandito ka,hindi kita iiwan. Kaya huwag mo na akong pagtabuyan pauwi." Buong sabi nito.

May himig biro ang huling sinabi ng babae kaya napangiti na lamang si Margaret.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.