Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 10

Hindi galit si Aiden pero hindi rin naman inaasahan ni Lexie na pagtatawanan lang siya nito. Siguro ay dina-downplay lang nito ang natuklasan niya para itago ang galit at takot nito. Maaring ituring siya nitong kaaway, isang banta.

“Sir, naiintindihan ko naman po kung gusto ninyong itago ang sekreto ninyo. Not everyone will understand.” Baka conservative ang pananaw ng mga taong nakapaligid dito. They might have expectations. “At para makatiyak kayo na di ko ipagkakalat ang tungkol sa sekreto niyo, I am willing to sign a non-disclosure agreement. Pwede po ninyong idemanda ako kapag nilabag ko iyon. Kakausapin ko po si Nylanna para pumirma rin ng agreement. Hindi naman po niya ipagkakalat ang napag-usapan namin. I swear.” Nanginginig niyang pinindot ang power button ng cellphone. “S-Sir, do you want me to call your lawyer about this?”

“Later maybe.” Ipinitik nito ang daliri. “Who’s idea is it that I am gay? Is it your friend?”

Umiling siya. “Naku, Sir! Hindi po. Kulang na lang halikan no’n ang sahig na nilalakaran ninyo. A-Ako po ang nakaisip no’n.”

Nang humakbang pa ito palapit sa kanya ay napaurong siya. “Do you really think I am gay? That I won’t like a woman like you?”

Napaupo si Lexie nang tumama ang likod ng binti niya sa sofa. Aiden didn’t stop there. He kept on coming. Napansandal siya sa sofa at itinukod ng lalaki ang palad sa sandalan ng sofa sa magkabilang gilid ng ulo niya. He hovered over her with a playful glint in his eyes. Oh, gosh! He looked delectable above her, like an alpha male who would ravish her.

Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “Akala mo ba hindi ako maa-attract sa iyo? That I prefer men?”

Nakiliti siya sa mainit nitong hininga. If he would kiss her, she would surely lose her mind. Walang duda na isusuko niya ang Bataan. Iyon ay kung interesado nga ito sa kanya bilang babae o sa buong populasyon ng kababaihan.

She was scared to think otherwise. Mas safe ang pakiramdam niya kung iisipin niya na bading ito. Na maa-allergy ito kapag hinalikan siya. Na gagalisin marahil ito kapag niyakap siya nito na may halong malisya.

Kinagat ni Lexie ang pang-ibabang labi. “W-Well, hindi naman halata, Sir. Pero may mga signs.”

“Gaya ng…?”

His voice was raspy as he stared at her with interest. Then she felt his lips against the top of her head. Nahigit niya ang hininga. Bakit nga ulit niya nasabi na bading ito?

She squirmed on her seat. She felt the urge to brush her body against his. Na parang may sarili itong utak. “Ahhhh… n-nakalimutan ko na, Sir.”

“I would really to test your hypothesis.” His thumb grazed her jaw. “So you can decide for yourself if I really don’t like women. Too bad I can’t give you full performance right now. I want to give my partner an experience to remember. I would love to give my lover my all.”

“L-Lover.” Gagawin ba siya nitong lover para patunayan na hindi ito bading? Shocks! Hindi niya kakayanin. Malulusaw siya kapag hinalikan pa lang siya nito. At kapag napatunayan nito na hindi ito bading, ano na ang mangyayari sa kanya?

Paano ba niya malulusutan ang sitwasyon na ito? Ano naman ang laban niya pagdating sa pang-aakit ni Aiden? Noon ngang kumbinsido siya na bading ang lalaki ay wala siyang laban sa atraksyong nararamdaman niya dito. Paano kung direkta na siyang atakihin nito para patunayan ang pagkalalaki nito?

Inalis nito ang atensyon sa kanya at tiningnan ang piraso ng red lacy bikini na hawak pa rin niya. “Ah! Interesting piece of cloth.” Kinuha nito ang bikini mula sa kanya. Then he dangled it in front of her her face. “Will you wear it for me?”

Nag-init ang mukha niya at hinablot ang underwear mula dito. “N-No, Sir!”

The corner of his mouth kicked up. “Pero narinig ko na wala ka nang ibang damit. So, you will wear nothing.”

Lumunok si Lexie. Gusto na niyang mag-request ng blackhole para higupin siya at malampasan niya ang kahihiyang ito. “I mean, hihiram po sana ako ng T-shirt ninyo kung okay lang. Gusto ko naman po na maayos ang damit ko habang nandito, kundi ninyo mamasamain.” That is, kung hindi pa ninyo ako sisisantehin.

“I don’t really won’t mind whatever you will wear. After all, nakita mo na ang lahat sa akin.”

Mariin siyang pumikit at mahinang napaungol. That was torture. “Sir…” Don’t give me ideas. I am on my weakest state right now.

“Go get some clothes on my closet and change,” utos nito at naramdaman niya ang paglayo ng init ng katawan nito sa kanya.

Dumilat siya at nakitang nakatayo ito isang dipa mula sa sofa. Akala niya ay aatake ito nang aatake hanggang maging mahina siya. Hinamig niya ang sarili at tumayo. “Sir, gusto ko po sanang maging professional ang lahat sa atin.”

“Really? I really want to believe you,” sarkastikong sabi nito.

She deserved that. “I know what I did was uncalled for. Sinabi ko sa kaibigan ko na gay kayo. Hindi po iyon ipagkakalat ni Nylanna. At wala naman pong maniniwala. Everyone loves you. Pero kung aalisin po ninyo ako sa trabaho, naiintindihan ko po.”

Siguro nga ay mas mabuti na kung hahanap siya ng ibang trabaho. She was not herself when she was with Aiden. Hindi siya makapag-perform ng one hundred percent sa trabaho. Hindi marahil magiging maganda sa record niyang kung aalis siya sa kompanya at mawawalan siya ng magandang opportunity na agad-agad magkaroon ng kotse at mas mataas na sahod pero mapapanatili naman niya ang katinuan kung malayo siya kay Aiden.

“I like your coffee,” sa halip ay sabi ng lalaki.

“Sir?” Hindi tunog “You are fired” ang sinabi ng lalaki.”

“Gusto ko ang timpla mo ng kape. You are also efficient. I like how you organize my schedule and how you handle clients. Very professional.”

“A-Anong ibig ninyong sabihin, Sir?”

“I am not kicking you out of your job yet. May makakain ba diyan? I am famished. Gaano katagal bago mo ako maipaghanda ng pagkain?”

Natauhan siya bigla. Gutom na si Aiden at trabaho niya ngayon na alagaan ito para gumaling. “Give me ten minutes. Maupo po muna kayo,” sabi niya at pinaupo ito sa sofa. “Iiinit ko lang ang macaroni soup na iniluto ko kanina at garlic bread.”

Tuloy pa rin ang buhay niya kay Aiden. Binigyan pa rin siya nito ng chance para magtrabaho kasama nito. Bading man o hindi, kailangan niyang maging professional sa pagtrato dito. Wala na siyang pakialam sa gender preference nito. At kailangan din niyang kontrolin ang atraksyong nararamdaman dito.

Hinawakan nito ang lacy bra niya. “Nice color.”

Hinablot niya ang bra at isinalaksak sa bag niya. “Just don’t touch it.”

Kinuha niya ang bag at idinala papuntang kusina. Sinundan siya hanggang doon ng halakhak ng lalaki. She didn’t know if it was still a good idea to keep on working for him.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.