Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 11

NAGISING si Lexie nang tumunog ang alarm clock ng cellphone niya. Ibig sabihin ay oras na ng pag-inom ng gamot ni Aiden. Matapos pakainin ng hapunan nang nagdaang gabi ay mababa na ang lagnat nito at pinagpapawisan. In-off pa niya ang aircon sa kuwarto nito at pinabuksan ang bintana. Nakatulog siya sa divan sa kuwarto nito para di ito mahirapang gisingin siya kapag may kailangan ito.

Kinapa niya ang cellphone sa ulunan pero wala siyang makapa. Dumilat siya at bumalikwas ng bangon. Nagtaka siya nang makitang di na siya nakahiga sa divan. Sa halip ay nakahiga siya sa malambot na kama. Sa kama ni Aiden.

Wala sa tabi niya ang lalaki. Sa halip ay nakatayo ito sa may bedside table at hawak ang cellphone niya. “Go back to sleep. I got this covered,” anang lalaki. In-off nito ang alarm clock.

“Iinom kayo ng gamot, Sir,” sabi niya sa lalaki.

“Kaya ko na,” giit ng lalaki. “Nagtimpla na ako ng gatas at nag-toast ng bread. I think can fend-off my self. Just take a rest.”

Nakita niya na may gatas nga sa mesa nito at plato. Magaling na nga siguro ito at kaya nang mag-isa. Pero napansin niya na nakabukas ang laptop nito. Nawala nang tuluyan ang antok niya. Bumaba siya ng kama at dali-daling nilapitan ito. Nakabukas iyon sa isang document. Nahagip ng mata niya ang mga salitang proposal at backpacking.

“Sir, nagtatrabaho pa rin kayo kahit na may sakit kayo?” tanong niya sa mataas na boses. “Paano kayo gagaling niyan?”

“May sinilip lang ako,” palusot ng lalaki at dali-daling pinindot ang minimize button ng file.

Tumaas ang kilay niya. “Silip lang? Are you sure? Mabuti pa kainin na ninyo ang toast at uminom ng gatas para makainom na kayo ng gamot. Tapos ako na ang magsa-shut down ng laptop ninyo para sigurado.”

“You are so like Tita Florida. Kaya ka siguro kinuha ni Kuya Amadeus,” anang binata nang kumagat ng toast.

Gosh! Ganoon na ba katanda ang aura ko? Tita level na niya ako.

“Pasaway kasi kayo, Sir. Para kayong bata na maipilit ang gusto. Kailangan talaga ninyo ng magbabantay sa inyo,” sabi niya at pinindot ang save button saka isinara ang window ng file na binuksan nito. “And I am doing this out of the goodness of my heart really. Kaya kung ayaw ninyong mapagsabihan, umayos naman kayo, Sir.”

“Hindi talaga pwede kahit na silip lang?” apela pa rin nito.

Bumuntong-hininga siya dahil talagang hihirit pa ito. “Sir, makakapaghintay naman siguro ‘yang trabaho ninyo.”

Natigilan siya nang makita ang wallpaper ng laptop nito. Isang magandang babae na nakaupo sa isang hardin habang hinahangin ang mahabang buhok. Sa likuran nito ay view ng Taal Lake.

“My mom,” sabi agad ng binata at tumayo sa tabi niya. “Sa bahay namin iyan sa Tagaytay. She loved that place. Diyan din siya namatay seven years ago. Breast cancer.”

“Iyon din ang ikinamatay ng nanay ko. I was eighteen then.” Huminga siya ng malalim. “I miss her.”

“Ako rin. Maraming memories sa bahay namin sa Tagaytay. Marami siyang pangarap pero wala pa akong nagagawa kahit na isa.”

“Gaya ng…?”

May pag-aalinlangan sa mga mata nito nang pagmasdan siya. Bakit nga nito sasabihin sa kanya ang mga pangarap ng nanay nito kung pinaghinalaan niya itong bading? Hindi siya dapat pagkatiwalaan.

“She wants a flower farm. Iyon sana ang plano niyang itayo kung hindi lang siya maagang nawala. And I promised that I will build one for her.”

“Pwede bang makita ang iba pang pictures ng property ninyo?”

He opened a folder. Nakita niya ang iba pang pictures doon. “If I am not busy, I usually spend my weekends there alone.”

Malaki ang property na pag-aari ng pamilya nito. Nai-imagine na niya ang mga damuhan na mapapalitan ng greenhouse ng mga bulaklak. “How about you turn your place into a farm resort? Uso naman iyon. You have a prime location. You have a wonderful view. Add a really nice cafe, your place will be a hit.”

“I am not sure if I can share my home with strangers,” sabi ng lalaki. “But I will consider your suggestions once I start working on that project.”

“Bakit hindi pa rin ninyo nagagawa, Sir?” tanong niya dito.

Malungkot itong ngumti. “Busy ako sa hotel. My brother needs me. At hindi rin ganoon kadali na mag-put up ng business. You need a huge amount for that.”

“You are a dela Merced. Siguro naman pwede kayong suportahan ng kapatid ninyo sa project ninyo.”

Mariing nagdikit ang mga labi nito. “Let’s say that my brother is not ready to trust me with a huge business venture yet. Gusto daw muna niyang makita na mag-improve ako sa pag-handle ng responsibilidad ko sa hotel.”

Nakita ang frustration sa mukha ng lalaki. Para makapagtayo ng negosyo, kailangan nito ng kapital at si Amadeus dela Merced ang magiging guarantor nito. At di rin biro ang magtayo ng negosyo kahit pa sabihing may masters degree ang binata sa Business. Gusto sana niyang I-push para ituloy ang proyekto nito pero siguro ay ito naman ang mas nakakaalam kung kailan ang tamang panahon. After all, he needed his brother’s approval.

Ipinagsalin niya ng tubig ang lalaki at ipinainom dito. “Sir, sabihin lang po ninyo sa akin kung may maitutulong ako sa plano ninyong flower farm.”

“This has nothing to do with Imperial Hotel, Lexie,” paglilinaw ng lalaki. “Unfair naman kung pagawain kita ng trabaho na walang kinalaman sa job description mo.”

“Well, I like people who has vision. Ganoon din kasi ako. I would really love to share my ideas with someone. Don’t worry. I am not charging you with anything.”

Pakiramdam niya ay buhay na buhay siya. Bumabaha ng ideas ang utak niya. Interesado siyang makatrabaho at makapalitan ng ideas ang mga tao na may goal sa buhay. Ayaw niyang puro papers at dokumento lang ang kaharap niya o kaya ay naghihintay lang ng ididikta sa kanya. She wanted to know how she could help a company or someone to fulfill their vision.

Ngumiti ang lalaki. “Bumabawi ka sa akin?”

“Call it whatever you want. Let’s say that while you work on your dream, I am working on my own dream. Wala namang mawawala sa inyo kung makikinig ka sa mga ideas ko, tama?”

Tumango-tango si Aiden. “I will keep that in mind.”

“Matulog na kayo, Sir,” sabi niya at tuluyang isinara ang laptop nito.

Umungol ang lalaki. “I thought you understand my dreams…”

“Yes. Kaya kailangan ninyong magpagaling. Your dreams can wait.”

“Sige. Pero sa isang kondisyon.”

Tumirik ang mata ni Lexie. “May kondisyon pa.”

“You have to take the bed. Hindi ako papayag na sa divan ka matulog. Sa guestroom ka na matutulog.”

“Di kita iiwan mag-isa dito. Baka buong magdamag ka na namang magtrabaho at mabibinat ka. Pati ako pagagalitan ni Doc Lopez.”

“Magtatabi tayo sa kama kung ganoon,” nanunuksong sabi ng binata. Bago pa siya nakakontra ay ihinarang nito ang isang unan sa pagitan nila. “To make you feel safe, ihinarang ko na. I hope this will make you feel better.”

Natameme siya. Ito pa talaga mismo ang naglagay ng barrier sa pagitan nila. “Di ko naman kayo gagapangin, Sir.”

“Defensive much?” tanong ng lalaki at humiga sa side nito. Humiga rin siya sa kabilang side nito pero vigilant pa rin. Hindi yata siya makakatulog nito. “Thanks for sharing your thoughts about the flower farm. Hindi ko talaga pinagsasabi iyon dahil pinagtatawanan nila ako.”

“Ano naman ang nakakatawa sa pangarap ninyo ng nanay mo?”

“Well, for one thing it is different from the hotel business. At kung mangangarap man ako, sana daw tapatan ko ang nagawa ng kapatid ko o tatay ko.”

“Huwag ninyo silang pansinin, Sir. May mga taong naniniwala sa inyo. Ako.”

Gusto nitong I-honor ang nanay nito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng flower farm. Hindi rin nito gustong mabuhay lang sa anino ng mas sikat na kapatid nito na si Amadeus dela Merced.

“Thanks, Lexie. I owe you.”

He owed her nothing. Pero may kilig na hatid sa puso niya dahil ni-recognize nito ang ideas niya. Gusto pa niyang makita na matupad ni Aiden ang pangarap nito. Sana lang ay matagal pa silang magkatrabaho.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.