Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 17

“I REALLY love mornings. I specially love Tagaytay mornings. How about you?”

Tutulog-tulog pa si Lexieh habang bumibiyahe sila ng binata. Paghilig pa lang ng ulo niya sa sandalan ng car seat nito ay gusto na ng katawan niya na bumawi sa nabiting tulog.

Alas singko pa lang ng umaga ay sinundo na siya nito sa apartment para pumunta sa Tagaytay. Patulog na nang nakaraang gabi nang sabihin nito sa kanya. They usually visit properties to assess or meet up with investors.

Idinilat niya ng konti ang mga mata at ipinaling ang ulo dito. “Maggo-golf ba kayo ni Mr. Wang? Breakfast meeting sa Tagaytay Highlands?”

“I want you to meet someone important to me. She’s the number one girl in my life,” nakangiting sabi nito.

Bigla siyang napatuwid ng upo. Naglaho ang antok niya. “Number one girl? Masyado kayong malihim, Sir.”

“I am sure naikwento ko na sa iyo. Di mo lang siguro napansin.”

Mula nang ma-establish niya straight si Aiden ay naging aware na siya sa mga babaeng umaaligid dito mula sa mga empleyado ng Brava International hanggang sa socialites na nakakasama nito sa party at events. Hindi siya aware kung patago itong makipag-date.

Parang may kumukutkot sa kalooban ni Lexie. Business meeting ba talaga ang pupuntahan nila o alalay siya sa date nito? Bakit ba siya nasuot dito? Di pa man niya alam kung sino ang babaeng espesyal dito, she hated her already.

Pumintig ang sakit sa sentido ng dalaga. Gustong maghurumentado ang puso niya nang makatanggap siya text mula kay Nylana.

Nylanna: Kumusta? Napansin ba niya ang new look mo?

Nang malaman kasi ni Nylanna na pupunta silang Tagaytay ng binata ay hindi siya nito tinigilan hangga’t di nakakahanap ng damit na ipasusuot sa kanya. She must show her soft and feminine side. Di daw puro power dress ang suot niya. Hanggang hatinggabi sila namili ng damit at alas tres pa lang nang madaling-araw ay ginising na siya nito para ayusan. Her friend transformed her. He made her features softer and younger. Kinulot nito ang buhok niya at saka naka-pony nang maluwag. Natural din ang make up niya kaya mas mukha siyang bata. Walang komento na kahit ano ang binata sa kanya.

Lexie: Wala siyang sinabi. Ang aga-aga kong gumising para sa kanya tapos ipapakilala lang pala ako sa ibang babae.

Nylanna: Ginusto mo iyan, bes. You choose the boss over career.

Natigilan si Lexie. Parang nagseselos ang dating niya.

Lexie: You got it wrong. I’m not jealous. Akala ko trabaho ang pupuntahan namin at hindi ibang babae. Who won’t be pissed off by that? Sana natulog na lang ako.

She couldn’t imagine that she sacrificed her sleep for such a trivial matter. Magiging alalay pa yata siya sa date ng mga ito.

Nylanna: I know it hurts. Don’t worry. May kotse ka na next week. Doon ka na lang mag-emote next time. The things you have to sacrifice for career.

Lexie: Di nga ako nagseselos. Naiinis lang ako.

Nylanna: Kung sinunggaban mo na iyan dati pa, hindi ka na sana luluha pa.

Lexie: Shut up.

May ibang babae sa buhay nito. Ni hindi man lang siya nakahalata. When he kissed her, he even encouraged her. Alam niyang biro lang iyon pero paano kung sineryoso niya at may gusto pala itong iba?

“Sinong pinapatahimik mo? Di naman ako nagsasalita. Are you okay?” tanong ni Aiden sa kanya. Bakas ang pag-aalala sa mukha nito.

Gustong iumpog ni Lexie ang ulo sa windshield ng sasakyan. Napalakas ang pagkakasabi niya. Umiling siya. “Wala, Sir. ‘Yun lang pong kasamahan ko sa trabaho dati nangungulit pa rin na makipag-date sa akin.”

“I will talk to him if he bothers you.”

“Ano naman ang sasabihin ninyo sa kanya, Sir?”

“Na boyfriend mo ako kaya tigilan ka na niya.”

Pagak na tumawa ang dalaga. “Wala namang maniniwala na may boyfriend ako. Tapos katulad pa ninyo, Sir.”

“At bakit naman hindi? Maraming gustong manligaw sa iyo. But I told them not to mess up with you. Bago sila makalapit sa iyo, dadaan muna sila sa akin. Kapag di sila pumasa, hindi sila makakalapit sa iyo.”

Napanganga siya nang lingunin ang lalaki. “Tinatakot mo ang mga lalaki na nagkaka-interes sa akin?”

“Aren’t you glad? Hindi ka mahihirapan na itaboy sila katulad ngayon. Alam ko naman na hindi mo sila type.”

Tumaas ang kilay niya. “At ano naman ang alam ninyo sa type ko, Sir?”

“Well… that’s... Ah! Gusto mong kumain muna ng bulalo?” pag-iiba nito sa usapan. “May madadaanan tayong twenty-four hours na bulaluhan mamaya.”

“Ibang klase din kayo, Sir. Sa busy ninyo sa trabaho, may oras pa talaga kayong makialam sa love life ko.”

“Concern lang ako sa iyo. Marami sira ulo sa mundo. Hindi ka ba natutuwa na pinoprotektahan kita?”

Humalukipkip siya. “Hindi ako sanay nang may nagpoprotekta sa akin. Kaya kong I-manage ang sarili kong love life, Sir.”

Itinigil nito ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Pumaling ito sa kanya. “Let me protect you. Mas kabisado ko ang likaw ng bituka ng mga lalaking iyan. Aakitin ka lang nila at paaasahin.”

“Because they are so much like you? It takes one to know one.”

“Oo na. Alam ko naman di maganda ang reputasyon ko sa iyo. Pa-fall, paasa, but I deeply care for you. So just give me the phone.”

Dumukwang ito at sinubukang hablutin ang phone sa kanya. No! Hindi nito pwedeng makita ang huling text message niya kay Nylanna. Iisipin nito na assumingerang frog siya na gustong akitin ito. That would be awkward, lalo na’t ipapakilala nito ang babaeng gusto nito sa kanya.

Sa pagkataranta ni Lexie ay naisuksok niya sa pagitan ng bra niya ang cellphone. Akmang susundan iyon ng kamay ni Aiden pero natigilan ito. “Subukan mo lang,” banta niya dito at pinanlakihan ito ng mata.

Akala niya ay uurong ito pero idiniin nito ang palad sa windshield sa gilid niya at lalo pang lumapit sa kanya. He was crowding her personal space. There was a devilish glint in his eyes. “You shouldn’t play games like this, Lexie. You will get burned,” he said in a low, raspy voice that caressed her skin.

She was suddenly frozen. Would he really try to get the cellphone from her? Napatingin siya sa dibdib niya. She was not overly generous on that department. Umaapaw ang biyaya ng ibang babae sa department na iyon.

Niyakap niya ang sarili. Tumawa naman ang binata at bumalik sa kinauupuan nito. “So, gusto mo ba ng bulalo?” Bago pa siya nakasagot at may pinindot ito sa cellphone. Nakita niya na nag-reflect sa screen ng car radio nito ang pangalang “Honey” na tinatawagan nito. “Yes, honey. We are on our way. I am suddenly craving for bulalo. Nagluluto ka na mula hatinggabi? Ah! Yes, I am bringing my assistant. Is she pretty?” Lumingon sa kanya si Aiden at isang pilyong ngiti ang sumilay sa labi. “Yes, she is.”

“Sir!” saway niya sa lalaki. Bakit naman sinasabi pa nito sa “honey” nito na maganda siya? Gusto ba nitong makaaway ang babae?

“O! Huwag kang iiyak. Selos ka naman. Hindi ko ipagpapalit ang bulalo mo.”

Pasimple niyang dinukot ang cellphone sa loob ng damit. Sobrang kahihiyan na ito. Paano pa siya nito makakaharap sa nobya ng lalaki? Inilalagay siya ng lalaki sa alanganin. Hindi siya umiiyak. Kahit iwan sila ng tatay niya at nang mamatay ang nanay niya ay pinigilan niya ang sarili na umiyak. She wanted to be strong. Wala rin namang mangyayari sa luha niya.

Pero sa pagkakataong ito ay gusto na lang niyang humagulgol ng iyak. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi siya nagseselos. Pero bakit parang di siya makahinga habang naririnig si Aiden na tinatawag na “Honey” ang babae.

She must not feel like this. It was unreasonable. It was insane. Just like love.

Ipinaling ni Lexie ang mukha palayo sa binata at pumikit. Nagkunwari na lang siyang natutulog. Kulang lang ako sa tulog. Hindi ito selos kundi inis. Kapag inaway ako ng Honey na iyan, kakalbuhin kita, Aiden dela Merced. I don’t care if I won’t get a car and I would be out of my job.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.