Nakatulog siya habang iniisip ang lahat ng banta na gagawin niya kay Aiden. Nagising siya nang tapikin ng binata ang balikat niya. “Lexie, we are here.”
Nang dumilat sila ay nasa harap sila ng isang Swiss villa. May mga pine trees sa paligid. “T-This is your vacation house,” usal niya. “Nandito ang special girl mo?”
“Yes. Let’s get inside.”
Pasimple muna niyang sinipat ang mukha sa compact mirror kung hindi ba siya oily bago binuksan ni Aiden ang pinto ng sasakyan. Malakas ang kaba sa dibdib niya nang alalayan siya nitong bumaba.
Isang matandang babae ang sumalubong sa kanila. “Si Manang Tonyang, ang caretaker dito sa bahay.”
“Nice meeting you po,” aniya sa matandang babae at kinamayan ito. “Ako po si Lexie, ang assistant ni Sir Aiden.”
“Bata ka pa pala at talagang maganda.”
“Manang, madilim lang po ngayon kaya po siguro di ninyo masyadong makita,” sabi ni Lexie at magaang tumawa.
“Naaamoy ko na ang bulalo,” sabi ni Aiden at huminga ng malalim. Hinawakan nito ang kamay niya. “Pumasok na tayo sa loob para makilala ka ni Honey.”
Gustong hatakin ni Aiden ang kamay niya pero hindi siya nito binitawan. Aiden, gusto mo ba talaga na maghurumentado ang girlfriend mo? If this is your idea of making her jealous, sana ipina-insure mo muna ako.
Papasok pa lang sila sa kusina ay isang matandang lalaki na ang yumakap dito. “Naku! Nandito na pala ang baby namin.”
“Honey, hindi na ako bata,” angal ni Aiden at sumimangot. “Hindi na ako baby.”
Tinaasan siya ng kilay ni “Honey”. “Sineryoso mo nga na magsasama ka ng babae dito. Ikaw siguro si Lexie.”
“K-Kayo po si Honey?” tanong ni Lexie nang kamayan ito. Hindi naman maganda at batang babae si Honey kundi matanda nang bading. Payat ito at blonde ang kulay ng buhok. Sa tantiya niya ay nasa fifty na ito.
“Ano ba ang sabi sa iyo nitong si Aiden? Na isa akong diyosa ng alindog?” anang si Honey at namaywang. “Hindi ba ako mukhang diyosa?”
“M-Mukha pong diyosa,” anang dalaga at pilit na ngumiti.
“Tama iyan. Magkakasundo tayo kapag ganyan. Magkape na muna kayo sa balkonahe,” sabi ni Honey.
Gustong tadyakan ni Lexie si Aiden lalo na nang ngingiti-ngiti pa ito habang nagkakape sila. “You are enjoying this.”
“Making you jealous? Akala mo si Honey ang special girl ko?”
“Hindi ako nagseselos, Sir. Pero sabi ninyo ipapakilala ninyo sa akin ang espesyal na babae sa buhay ninyo.”
“Makikilala mo siya.” Inilahad ng binata ang kamay sa kanya. “Come. Mas maganda na manood ng sunrise kasama siya.”
Tinahak nila ang path na may lamp post. Alas singko y media pa lang noon kaya madilim-dilim pa. Patungo iyon sa isang hardin na nakaharap sa Taal Lake. Nagulat siya dahil sa gitna niyon ay isang puntod. Nakasulat ang pangalang Rosal dela Merced - Aiden’s mother.
“Happy Birhday, Ma,” bati ng binata at nagtirik ng kandila na bulaklak.
Malungkot na ngumiti ang lalaki. “Ma, I want you to meet my assistant and my lavender girl - Lexie.”
Nahigit ng dalaga ang hininga. Nanay ito ang espesyal na babae sa buhay nito at hindi ibang babae. Naalala niya kung anu-anong scenario ang naisip kanina and how much she even hated the girl without meeting her first. Nanay pala ng binata.
“Ma’am, happy birthday po. Sorry kasi di naman po sinabi sa akin ni Sir Aiden na dito kami pupunta.” Walang selebrasyon ng birthday ng ina nito sa hotel di gaya ng nanay ni Amadeus at ang ama nito.
“Akala niya magde-date kami,” biro ni Aiden at ngumiisi sa kanya.
“Sabi mo may special na babae kang ipapakilala sa akin.”
”That is my mom. Ma, naalala mo po ‘yung project namin para sa Lavender Hotel? Na-approve na ng board of directors. Si Lexie po ang tumulong sa akin. At siya rin ang tutulong sa atin para maitayo namin ang pangarap ninyong flower farm.”
“Bakit dito siya inilibing? Bakit hindi sa tabi ng papa mo?”
“Mas gusto ni Mama na natatanaw ang Taal Lake.”
“Maganda nga dito. Nakaka-relax. Matatahimik ang puso mo.”
Parang may gustong sabihin ang binata pero pinili na lang ipinid ang bibig. Bumalik sila sa villa para mag-agahan pero kasama ang mga kawaksi. Hindi na iba ang trato nito sa mga tao doon. He didn’t have that “senyorito” vibes. Kahit sa hotel ay di ibang tao ang turing nito sa mga empleyado. As if they were not his subordinates.
“Ang ganda dito,” usal niya habang pinagmamasdan ang view. Ipinasyal siya ni Aiden sa gagawin nitong flower farm. “I mean, this is a prime property. Perfect for a flower farm. Pwede kang mag-supply sa Brava Hotel. He must make the most out of it. “Bakit hindi pa payagan ni Sir Amadeus na ipatayo ang farm? I mean, business is business,” aniya at nagkibit-balikat.
“The same reason that he doesn’t want budget hotels under the company umbrella. It reminds him of my mother.”
“Anong problema niya sa nanay mo?” tanong niya.
Huminga ng malalim ang binata. “We don’t have the same mother. assistant ni papa si mama. Let’s say that my mother was young and beautiful. They had an affair while Amadeus’ mother was dying of cancer.”
Nasapo niya ang dibdib. “Oh!”
“To make matters worse, pinakasalan ni papa si mama after three months na namatay ang first wife ni papa. At matapos ang anim na buwan, ipinanganak ako. Kaya ganoon na lang ang galit sa akin ni Kuya Amadeus. Malayo ang loob niya sa amin ni mama. He never considered himself as part of the family no matter how much we reach out to him,” malungkot na kwento ng binata. “Pakiramdam siguro niya inagaw namin ni mama ang lahat ng para sa kanya.”
Hindi niya mapigilang makadama ng simpatya sa magkapatid - kay Amadeus dahil nawalan ito ng ina sa napakasakit na paraan at parang nawala na rin ang ama nito at kay Aiden na nadadamay sa kasalanang di nito nagawa. Bakas sa mukha nito ang guilt kahit na inosente ito sa nanyari.
Hinawakan niya ang kamay nito. “It is not your fault.”
“I know. And I am not proud of my parent’s actions, I am telling you. Pati ibang tao mababa ang tingin sa amin ni mama. Mga social climber ang tingin nila sa amin. Kaya hindi ko siya masisi kung hindi man pumayag si Kuya Amadeus na ilibing si Mama sa tabi ni papa. At naiintindihan ko kung bakit di niya ako matanggap na kapatid hanggang ngayon.”
Tumayo siya sa harap nito at hinaplos ang pisngi nito. “You are a good brother. Mas iniisip mo pa ang kapatid mo kaysa sa sarili mo.”
“I just want my brother to appreciate me. Na malaman niyang di niya ako kaaway. Aaminin ko na gusto kong makawala sa kanya noong una. Gusto kong lumayo. Gusto kong maging independent. Ayoko ng pakiramdam na nandoon lang ako sa hotel dahil isa akong dela Merced. The unwanted child. Kaya aaminin ko, gumagawa ako ng paraan para si Kuya Amadeus mismo ang magsawa sa papalit-palit ko ng assistant at hayaan na niya ako sa flower shop na gusto ko.”
“Now it makes sense. You tried to seduce me.”
“And I love teasing you.” Kinudlitan nito ang pisngi niya nang matalim niya itong tingnan. “Don’t worry. We are cool now. Ikaw ang tutulong sa akin na mapatunayan kay Kuya Amadeus na magaling din ako. Na pwede rin akong magkaroon ng sarili kong business. “How about your story?”