Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 24

NANININGKIT ang mga mata ni Amadeus habang pinagmamasdan ang mga perlas, hinabing makukulay na tela at maging ang espada at suklay na regalo kina Aiden at Lexie. Maaga silang pumasok ng binata sa opisina at hinarap agad si Amadeus para I-report ang resulta ng pagpunta nila sa Balabac.

“Aanhin ko ang mga ito?” angil ni Amadeus. “Alisin ninyo iyan sa harap ko. I want a contract or a guarantee that the island will be ours, Aiden. And this is what you will give me. Hindi ba sinabi ko na huwag kang babalik hangga’t hindi nakukuha at Kalunuan Island?”

Nag-aalala niyang nilingon si Aiden. He was cool before entering his brother’s office. Pero di na nito nagagawang ngumiti sa pagkakataong ito.

Dumukwang ito sa desk ni Amadeus at itinuro ang sariling mukha na may pasa pa rin at sugat. “Hindi mo ba nakikita kung ano ang nangyari sa mukha ko? I got this so we could get out of the island alive. Di ka na natuwa na makita kaming buhay ni Lexie, ‘yung isla na iyon pa rin ang iniisip mo. ‘Tang ina naman o!”

Di man lang natinag si Amadeus. “Gutter language. Not fit for a dela Merced.”

“E di fuck you! Masaya ka na? Is that classy enough for you?” humihingal sa galit na tanong ni Aiden. “Tao ka ba? Wala ka bang konsiderasyon sa mga taong nagtatrabaho sa iyo? At bakit kailangan mo pang ipagpilitan ang bilhin ang islang iyon? Nasa mga ninuno nila ang lugar na iyon wala pa ang mga Kastila. There is so much history there. Doon din nakalibing ang mga ninuno nila. Kahit mahihirap ang mga tao doon, di tama para sa akin na alisin sila sa lupa ng mga ninuno nila. Bakit di na lang ibang isla ang bilhin mo na kailangan mo pang ipain ang buhay ng ibang tao para sa ambisyon mo?”

“Sir Aiden,” usal ni Lexie at pinigilan ang braso ng binata. He was mad. Mas galit pa ito ngayon kaysa nang makipaglaban ito kay Hakim. At nakita niya kung paano nito muntikang mapatay si Hakim kung hindi lang sumuko. Aiden could be deadly and she was not sure if Amadeus had any idea what his brother was capable of. Aiden must keep his temper in check.

“Vision, Aiden. That’s how vision works. You need to make sacrifices,” kalmado pa ring sabi Amadeus. “Anyway, you are still alive. Congratulations! Siguro naman ngayong nakabuo na kayo ng rapport sa mga natives sa Kalunuan, pwede na kayong bumalik at magbigay ng mas magandang offer.”

“No! I am done here. If you want your precious island, go to Kalunuan yourself. Ikaw mismo ang humarap sa mga Mogpog. You are more than welcome. Pero hindi ako o ang team ko ang pupunta doon para sa iyo, kahit kailangan ko pang dalhin sa board of directors ang kabaliwan mo,” sabi ni Aiden at tuwid na tumayo.

Nakangiti na bumaling si Amadeus kay Lexie. “How about you, Miss Santander? Perhaps we can exploit the interest of the tribe chief for you. You will be very much compensated.”

Nahigit ng dalaga ang hininga at nanlamig ang dugo niya. She could see pure evil plus peso sign in Amadeus’ eyes. Tama nga siya. Kung kaya siyang ipaglaban ni Aiden kahit kapalit pa ang buhay nito, hindi naman mangingimi si Amadeus na ialay siya sa kahit sino kapalit ng pansarili nitong interes.

Hinapit ni Aiden ang baywang niya at sinibat ng matalim na tingin ang kapatid. Mas matalim pa kaysa sa espada na bigay ni Hamid dito. “Find another virgin sacrifice. Pero di ko patatapakin sa Isla Kalunuan si Lexie kasama mo. And this will be the last time that you will do this to us. Baka makalimutan kong kapatid kita.”

At iginiya siya ni Aiden palabas ng opisina ng kapatid nito. Nang isang beses pa niyang lingunin si Amadeus ay wala man lang pagsisisi sa mga mata nito. As if he was enjoying the spectacle.

Di niya mapigilan ang sarili na bigyan din ito ng galit na tingin si Amadeus bago sumara ang pinto. She was not simply a shark. Amadeus dela Merced was the devil himself. At tuluyan nang nawala ang paghanga niya dito.

“I should have punched his face when I still got the chance. Sobrang lapit na niya sa akin kanina,” anang lalaki pagsakay nila ng elevator at kinuyom ang palad.

“Check your temper. Kung magpapadala ka sa galit mo, sa palagay ko gagamitin lang niya iyan laban sa iyo. It could even ruin your chances to pursue your other goals.”

Humihingal pa rin ito sa galit. Kailangan niyang ngitian ang ibang kasabay nila sa elevator. Hindi sanay ang mga ito na makitang galit si Amadeus, isama pa ang mga sugat at pasa ng lalaki sa mukha kahit pa papawala na iyon.

“Let’s get away from here,” sabi niya sa binata. “Mas mabuti siguro kung sa Tagaytay ka muna at magpahinga.” Dapat talaga ay nagpapahinga pa sila dahil sa pinagdaanan nila sa Palawan. “I am driving.”

Hindi naman tumutol ang binata na siya na ang magmamaneho ng kotse nito. Madilim pa rin ang mukha nito. “Can both of us quit? Gusto ko nang mag-quit.”

“Will you sell your shares?” tanong niya sa binata at nilingon ito.

“No. My shares is tied up with my brother’s shares. I can’t sell it until I reach thirty. That sucks!” Bumuntong-hininga ang binata. “At mahalaga kay Papa ang hotel na iyon. Hindi ko basta-basta pwedeng iwan. I wish I could just resign from my post and live the way I want to.”

Tinapik niya ang kamay nito. “Alalahanin na binubuo pa lang natin ang magandang reputasyon mo para mas maging maluwag ang mga bangko para sa loan mo. You need the confidence of some of the shareholders your father is close to if you need a guarantor. Unfortunately, that won’t work. Mas may tiwala ang mga shareholders sa kay Sir Amadeus.”

No matter how evil he was, he was still a genius and a brilliant strategist. At di niya alam kung ilan sa mga shareholders ang handang patahimikin ang konsensiya para sa pera.

Hinubad nito ang coat at saka kinalas ang necktie. “Hindi na ako makahinga kay Kuya Amadeus. This is the last straw. He has his vision but I will never forgive him for not caring about our welfare.”

“Maybe he also pushed himself to the limit just to keep your hotel afloat before.”

“Like what? Short of selling himself to the devil?” Ngumisi si Aiden. “Baka naman akala niya nakikipaglokohan lang ako. Akala ba niya pa-cool lang ang engkwentro natin sa mga Mogpog? Na trouble lang babae kaya ako nakipagbabag sa head ng isla? He is nuts. If he really wants the island, siya na lang ang bumalik. I just want to quit. I want to tender my resignation soon.”

“Aiden, huwag kang padalos-dalos,” saway niya dito. “Are you sure you are ready for it? To be on your own?”

“Yes. I can make it if you won’t leave me. We can be partners.”

“In crime?” pabiro niyang tanong.

Ngumiti ang binata sa unang pagkakataon. “For life.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.