Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 23

NAGISING si Lexie sa mumunting halik ni Aiden sa mukha niya. “Hey! Wake up.”

Sumiksik pa siya lalo sa katawan nito. “Ayoko. Inaantok ako.”

“Come on. Let’s watch the sunrise. Magandang manood ng sikat ng araw dito.”

“No. Ayokong lumabas dito. Baka mamaya ano pang gawin nila sa atin.”

“Gusto mo bang sayangin ang huling oras mo sa mundo nang nakakulong lang sa madilim na kuwartong ito? I want to see the sun. At kung paniniwalaan naman natin ang sinasabi ni Kap Andong, mababait ang mga tao dito.”

Hindi alam ni Lexie kung paanong nagagawang umakto nang normal ni Aiden sa sitwasyon nila. Their lives could be in danger. Pero ano pa nga ba naman ang mawawala sa kanila? She bravely gave herself to him last night. Why not watch the sunrise one more time?

Nasa labas na ng kanya-kanyang bahay-bahay ang mga tao pero kumakaway at bumabati lang ang mga ito sa kanila na parang normal silang bisita. There was no hostility. Parang di rin naalarma ang mga ito kung lumabas man sila ng kubo. May paringas na apoy si Kap Andong sa labas ng kubo at may nakasalang itong kaldero.

“Kap, pupunta lang po kami sa tabing-dagat,” pagpapaalam ni Aiden.

“Sasabay tayong mag-agahan kay Hamid pero naghahanda na rin ako ng dadalhin nating pagkain sa kanila,” sagot naman ng lalaki.

Naabutan nila ang mga bata na nasa tabing-dagat at naliligo. Nagsisimula na ring sumabog ang liwanag sa langit dahilan para magkaroon iyon ng iba’t ibang kulay.

“This is amazing,” usal ni Lexie. “Pinakamagandang sunrise na nakita ko.”

Niyakap siya ni Aiden mula sa likuran. “Yes. Not bad for our last sunrise.”

She closed her eyes and inhaled his scent. Di niya alam kung ano ang naghihintay sa kanila ng binata pero payapa ang kalooban niya. She was ready to face everything as long as she was with him.

Pinatatag ng dalaga ang kalooban nang pumunta sila ni Aiden sa bahay ni Hamid. Napansin niya na suot na ng mga bata ang ibinigay nilang mga damit. May mga libro at lapis din na hawak ang mga ito. Napansin din nila na nakasakit ang solar lamps na bigay nila sa mga bahay-bahay.

Nang dumating sila sa bahay ni Hamid ay umupo sila sa harapan nito. Nakahilera sa tabi nito ang tatlong asawa nito kasama na ang mga anak. Lumakas ang kaba sa dibdib ni Lexie nang makita ang hawak ni Hamid na lumang espada. Napahawak siya sa kamay ni Aiden. Alerto na rin ang binata. Ito na ba ang katapusan nilang dalawa?

Sa gulat niya at yumukod si Hamid sa harap ni Aiden at inalok ang espada. “Ito ay mula pa sa aking lolo na kasama sa pakikibaka ng sultan ng Brunei noong 1658. Tinalo mo ako sa labanan kagabi kaya dapat manatili sa iyo ang kasintahan mo at isa itong simbolo bilang pagkilala ko sa pagiging magiting mong mandirigma. Bilang pasasalamat din sa naibigay ninyo na tulong sa aming isla.”

Nagitla sila ni Aiden. Hindi nila inaasahan na iyon ang gagawin ni Hamid. “H-Hindi ko yata matatanggap ang ganyan kagandang pamana. Mula pa iyan sa mga ninuno ninyo. Dapat ipasa mo iyan sa magiging anak mo.”

“Ikwento mo ito sa magiging anak mo. Ninyo ng babaeng pakakasalan mo. Na minsan isang magiting na mandirigma ang nagapi mo para ipaglaban ang babaeng mahal mo. Hindi mo man nakuha ang isla, pinili mo pa rin ang totoong kayamanan sa buhay mo. Mapalad siya sa iyo,” sabi ni Hamid at yumuko rin sa kanya.

Lumapit si Fatima at inilagay ang gintong payneta sa ulo niya. “Hindi ka man naging isa sa asawa ni Hamid, sana di mo kami makalimutan.”

At bilang kapalit ng regalo nilang gamit sa mga ito ay binigyan sila ng mga South Sea pearls na sinisid pa mula sa dagat at mga hinabing tela ng mga ito. Nakangiti ang lahat nang ihatid sila sa bangka at naglayag sila palayo.

“I wish I could go back to help them out,” usal ni Aiden habang kumakaway sa mga bata na sinusundan pa ang bangka nila habang tinatalunton ang gilid ng dalampasigan.

“Hindi ka nakipag-bargain sa isla nang nakipaglaban ka kay Hamid kagabi,” nagtatakang sabi ni Lexie kay Aiden habang bumibiyahe sila pabalik ng Bugsuk.

“I still want them to preserve their culture. They go a long, long way back. Ayokong mawala iyon sa kanila. And you are my priority. Mas mahalaga ang buhay mo kaysa sa anumang isla,” sabi ng binata at isinandig ang likod niya sa katawan nito. Kinintalan nito ng halik ang noo niya.

“Salamat sa Diyos dahil buhay pa tayo,” usal niya. She was suddenly tired. Really tired. And relieved. Kagabi ay parang naputol na ang lahat ng pangarap niya. Ultimo ang paghinga niya ay binigyan na niya ng hangganan. Now, she could breathe and live again. Salamat din kay Aiden sa pagliligtas sa kanya.

Si Aiden na nagtanggol sa kanya. Si Aiden na pinagbigyan niya ng sarili niya. And she knew that he occupied a special place in her heart. Mas malalim na ang pinagsamahan nila kaysa dati.

Last night, she was desperate. She felt like she had nothing to lose. Pero paano na ngayong babalik na sila sa Maynila at babalik na sa normal nilang buhay.

“Where do we go from here?” tanong niya sa binata.

“Last night was beautiful,” he whispered that made her skin heat up.

“Like a dream,” usal niya at pumikit. Her breath hitched at the memory. As if she could feel him inside her still. Pero hanggang kailan siya mananaginip. She must wake up fast. Babalik siya sa pagiging assistant ni Aiden. “Would you kick me out of my job? I seduced you last night.”

“Do you want my brother to kill me? Hindi ako ang makakasagabal sa career mo. That would be unfair,” natatawa nitong tanong. “But I can’t’ deny that I want you. More than want you. We shared something deeper than physical, Lexie.”

Something like… love maybe? Gusto sana niyang idugtong iyon pero pinigilan niya ang sarili. What they had was a one-night stand but a part of her wanted more. Sa mundo na binuo nila kagabi, she felt like she was in love with him. Pero sa pagbalik nila sa normal na mundo, maari pa ba siyang patuloy na mabuhay sa maliit na mundong nilikha nila sa kubo na iyon?

Kumunot ang noo niya at tiningala ito. “Can we just forget about what happened last night?”

Nagulat ito. “Are you sure? It could be the start of something great between us.”

“A relationship? Hindi kaya nadadala lang tayo nang mga nangyari kagabi? We felt desperate. We were in danger. Sapat na ba iyon para ituloy natin ito? Paano kung pagbalik natin sa normal na buhay, hindi naman pala magwo-work out.”

“You think too much,” anang binata at pumalatak. “Magpahinga ka muna. But this discussion is not over.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.