PARANG nasa limbo si Lexie at parang robot na pumasok sa loob ng apartment. Umiyak siya nang umiyak kanina mula nang umalis sa condo ni Aiden. Wala nang kulay sa paligid niya. Ilang beses nga siyang binusinahan ng mga galit na motorista dahil hindi siya umuusad kahit berde na ang traffic light. Monochrome na ang paligid niya. Her heart die that day.
Excited na lumabas si Nylanna ng kusina. Graveyard ang shift nito kaya naghahanda na itong pumasok. “Lexie, okay na ba ang kasal ninyo ni Sir Aiden?” Natigilan ito nang mapagmasdan ang itsura niya. “Bakit umiiyak ka?”
Hindi niya agad nasagot ang tanong nito dahil sinugod na niya ito ng yakap at umiyak sa balikat nito. “Ikakasal na siya sa iba, Nylanna. Sa isang babaeng noong isang araw lang niya nakilala. Ayaw na niya sa akin.”
Ikinuwento niya dito ang kasunduan nina Aiden at ni Esmeralda. Kahit na sabihin pang makakatulong si Aiden para pagalingin ang kapatid ni Esmeralda ay masakit pa rin sa loob niya ang lahat.
“This is my fault,” aniya sa pagitan ng hibik. “Kung pumayag na sana akong magpakasal, hindi na sana ako masasaktan ngayon.”
“Pagkatiwalaan mo na lang si Aiden sa anumang desisyon niya. Alalayan mo siya sa mga plano niya. One year lang naman silang ikakasal.”
“Paano kung ma-in love siya kay Esmeralda? Paano na ako?” Ngayon pa nga lang ay gusto na niyang mamatay sa selos.
Bumuntong-hininga ito. “Kapag nagmahal ka, gumapang ka sa lusak. Kailangang magmahal ka pa rin kahit gaano kasakit,” paliwanag nito.
“Magre-resign na lang ako kaysa gumapang ako sa lusak.” Hindi niya matatagalan na makitang ikakasal si Aiden sa iba. “Ako ang bahala sa makeover ni Esmeralda para maging perfect wife kay Sir Aiden. Ako ang magmo-monitor sa kasal nila, hahanap ng wedding coordinator, etc., I don’t think I can do this.”
“Tutulungan kitang isabotahe ang kasal nila,” malditang sabi ni Nylanna.
“I can’t do that to Aiden.”
“Ako ang gagawa para sa iyo.”
“Baliw ka talaga!” Niyakap niya ang babae. “Thank you for. Kaya ko ito. Sabi mo kailangang magsakripisyo ang taong nagmamahal. Kailangan ako ni Aiden sa tabi niya. Hindi ko siya iiwan.”
"KAILANGAN ko bang isuot lahat ng ito. May mga damit naman ako," sabi ni Esmeralda habang iniisa-isa ang laman ng closet nito sa guestroom ng resthouse ni Aiden sa Tagaytay. Doon ito pinatuloy ng binata kasama ang kapatid na si Jeremy.
Poker face lang si Lexie dahil niyang ma-offend ang babae kapag tumirik ang mga mata niya. Siya na mismo ang namili niyon. Bukod sa trabaho sa opisina, kailangan din niyang I-coordinate ang mga pangangailangan sa ospital ng kapatid ni Esmeralda, ang paghahanda sa kasal ng mga ito pati personal na pangangailangan ng mga ito.
"Those are hideous, Esmeralda. Hindi na ikaw ang probinsyana na okay lang magsuot ng duster at pupunta ng bukid para mamitas ng gulay pangtanghalian ninyo. Ikaw ang babaeng pakakasalan ni Aiden dela Merced. Certain things are expected from you."
Yumuko ito. "P-Pasensiya na. Hindi ako sanay sa ganitong bagay. Simpleng tao lang kasi ako. Hindi ako sosyal na katulad mo."
Mabait si Esmeralda sa kanya. She wanted to be bitchy to her most of the time. Pero nakakakonsensiya. Bakit ba di na lang ito naging maldita? Para mas madali para sa kanya na maging mataray din dito. She didn’t ask much. Si Aiden ang nag-o-offer dito nang higit sa naunang kasunduan ng mga ito pero si Esmeralda na ang tumatanggi. Pati magagandang damit at pamamasyal, mas inuuna nito ang kapatid kahit na hindi ito ang makinabang. How could she hate such a woman.
And she found herself helping her on her own accord. Gusto niyang maayos ito kapag ihinarap ni Aiden sa mga tao. Trabaho pa rin niya iyon. Hindi niya alam kung paano niya nagagawang magtrabaho kahit na laging parang may lagare na humahati sa puso niya.
Nilagyan niya ito ng blush on. "Lahat napag-aaralan, Esmeralda. Walang ipinanganak na sosyal o eleganteng kumilos. May mga make up tutorial sa internet. Pati paano ang pagsasalita ng may kompiyansa pwedeng ma-practice. Parte ito ng trabaho mo. Hindi simple ang trabaho mo bilang asawa ni Aiden. You represent him. Kung anuman ang imahe mo, magre-reflect iyon sa kanya."
“Ang totoo, hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang pinili niyang pakasalan samantalang mas bagay naman kayong dalawa. Nakatapos ka pa ng pag-aaral. Eleganteng kumilos. Di siya mapapahiya kapag ihinarap ka niya sa ibang tao.”
Mapait siyang ngumiti. Hindi nito kasalanan kung ito ang piniling pakasalan ni Aiden sa huli. “I have my own place in Aiden’s life. Hindi bilang pansamantalang asawa niya. Ang hihingin ko lang, tulungan natin si Aiden para maabot niya ang mga pangarap niya. Iyon lang ang mahalaga.”
Nang lumabas siya ng silid ay nakaabang na si Aiden sa kuwarto. Dadating ang wedding coordinator na kinuha niya para sa mga ito.
Naging mabuway ang hakbang ni Esmeralda at maagap naman si Aiden sa pag-alalay dito. “O! Dahan-dahan lang.”
"Nalulula ako sa mataas na takong,” nahihiyang sabi ng babae.
"Kailangan mo nang mag-aral kung paano maglakad sa high heels, Esmeralda.” Maraming damit ang mas bagay dito nang naka-high heels.
"Get her some flats. I don't know why you women want to kill your feet for fashion," sa halip ay sabi ni Aiden.
"Yes, Sir,” pormal na sagot ni Lexie. Nakatitig pa rin siya sa kamay ni Aiden na nakaalalay sa baywang ng babae. She could feel jealousy coursing through her veins. Gentleman si Aiden pero di siya sanay na masyadong malapit ang ibang babae dito.
She will be his wife, for Pete’s sake! Natural lang na dapat silang masanay sa isa’t isa. It is all an act. Pero nananatili ang takot sa puso ni Lexie. Paano kung mas lumalim pa ang samahan ng mga ito?
"Hindi. Aaralin ko na lang. Iyan yata ang uso dito. Nakakahiya naman kung may ipipintas ang ibang tao sa iyo dahil sa akin,” sabi ni Esmeralda.
Aiden looked satisfied. Bumuka ang labi nito. “Thank you.”
Ngumiti siya at maging ang puso niya ay masaya sa simpleng pasasalamat nito. Pathetic. It is pathetic to fall in love. Masaya na ako sa ganito.
If only she could stop loving Aiden.