Loving the Forbidden Charmer (Filipino) Chapter 30

“WHAT is your dream wedding, Lexie?”

Ilang beses kumurap ang dalaga habang pinagmamasdan ang tatlong pares ng mga mata na nakatitig sa kanya - si Esmeralda, si Aiden at ang wedding coordinator ng mga ito. There was an expectant look in Aiden’s gaze. Nang-aasar ba ito sa tanong nito?

“I-I have no idea,” kaswal na sagot niya. “Wala naman sa plano ko ang magpakasal. This is your wedding, right?”

“Esmeralda has no idea either. From a woman’s perspective, maybe you can help us out,” anang wedding coordinator na si Wendy.

Mukhang mali yata na sumama pa siya sa meeting na iyon. But Aiden demanded it. Perfectionist daw siya. Mas alam niya kung ano ang gusto nito. She knew what he wanted to achieve in that wedding.

“A simple Bohemian wedding,” nausal niya nang maalala ang proposal dinner sa kanya ni Aiden sa Tagaytay. “A gypsy dress for a wedding gown.”

“Pwede sigurong ganoon din ang sa akin,” sabi ni Esmeralda. “Simple lang.”

“No!” It was her dream wedding. Narito na nga ang lalaking mahal niya, pati ba naman ang dream wedding niya ay aagawin din nito. Nabahala ang anyo ng tatlo sa pagtutol niya. “You should have a fairy tale wedding. One like Cinderella’s. It must be grand. Pagkakataon ito ni Aiden para ipakilala ka sa lahat.”

Pumalakpak si Wendy. “I like the idea. Very apt. After all, you are like Cinderella in real life.”

She excused herself after that. She wanted to be professional but she was at her limits. Nagpaalam siya na kunwari ay may tatawagan lang. But she wanted to breathe. She wanted to scream in agony.

Natagpuan niya ang sarili na nakatayo sa puntod ng nanay ni Aiden. “Hanggang kailan po ako magpapakamartir para sa anak ninyo? I want to quit right now. Pero alam ko na kailangan niya ako sa tabi niya. Stupid, right?”

“Bakit nagpapaulan ka dito?” tanong ni Aiden na may dalang payong. Hindi niya napansin na umuulan na.

“I’m…. I’m just trying to visualize your wedding venue.” At pilit siyang ngumiti kahit na masakit sa panga niya.

“I appreciate your enthusiasm. Pero hindi ko gugustuhin na magkasakit ka. You are irreplaceable, Lexie.”

“Hindi mo kailangang iwan si Esmeralda sa loob. Importante na planuhin ang kasal ninyo,” pagtataboy niya. Please. Stop treating me like I am so special. Mas nahihirapan lang ako na dumistansiya sa iyo.

“I feel lost if you are not there. Mas alam mo kung ano ang gusto ko. Please help me out.”

Ayaw niyang bumalik sa loob para makasama sa pagpaplano ng kasal nito. She was at her limit. Ano bang kasalanang ginawa niya para maranasan ito?

Mabuti na lang at nag-ring ang cellphone niya kaya nakaiwas siya dito. “I just need to answer this. Bumalik na kayo, Sir.” Tinalikuran niya ito at sinagot ang tawag. “Hello.”

"So, you and my brother are getting married, Miss Santander. I can’t really say congratulations.”

Kumunot ang noo ng dalaga. "Sir Amadeus, where did you get that idea?"

Sekreto pa ang tungkol sa kasal nina Aiden at Esmeralda. Kahit ang abogado ng pamilya ay di pa nasasabihan tungkol doon.

"Nasa Tagaytay resthouse ngaon ang sikat na wedding coordinator. At alam ko na pakakasalan ka ng kapatid ko para makuha ang trust fund niya kay lola para maipatayo ang flower farm niya. Ayoko sa lahat kinakalaban ako, Miss Santander. Naalala mo ang pag-uusap natin dati…”

"Sir, nagkakamali po kayo."

Subalit may umagaw na sa cellphone niya. Si Aiden. Di pala ito umalis at narinig ang pag-uusap nila ni Amadeus. “Hello, brother. Yes, I am getting married soon. Please stop terrorizing my assistant. She won’t be my bride.” Humalakhak ang binata. “Be nice to her, brother. Wala akong planong iwan ang Brava International for now. Don’t worry. I’ll invite you to my wedding.”

Hinawakan niya ang braso ng binata. “Sir, nag-aalala ako sa pwedeng gawin ng kapatid ninyo. It is not wise to antagonize him.”

“Don’t worry. I can handle this. Hindi niya mapipigilan ang pagtatayo ko ng flower farm at hindi ako mapipigilan sa pagpapakasal kay Esmeralda.”

“Of course,” usal niya. Kahit siya ay di hahadlang dito.

“WOW! Pinangangatawanan mo na talaga pagiging martir, friend. Pati mga laruan at libro ng kapatid niya, ikaw pa ang taga-shopping. Di pa sapat ang pagiging taga-shopping mo nung bride at ginawa ka pang make up artist at stylist at wedding consultant. Pati nga wedding gown ikaw pa namili.”

Nagpasalamat sa waiter na nag-serve ng cake at kape nila si Lexie bago hinarap ang kaibigang si Nylanna. Katatapos lang nilang mamili ng mga gamit nina Jeremy at Esmeralda ayon na rin sa utos ni Aiden. Nasa Tagaytay na ang binata habang kababalik pa lang niya sa Manila. Patuloy pa rin ang trabaho niya kahit na alas siyete na ng gabi.

“Kawawa naman kasi si Jeremy. May leukemia ‘yung bata. Isa pa, nahihiya si Esmeralda na gumastos para sa kanila. ‘Yung pagkain, tutuluyan at pampagamot lang ng kapatid niya mahalaga na sa kanya,” paliwanag niya dito. Kung tutuusin mas maswerte pa rin siya kumpara sa pingdadaanan ng magkapatid.

“Pero natubos ang lupa nila sa probinsiya at naipa-renovate pa ang bahay,” gagad ng kaibigan.

“Maliit na bagay para sa naitulong sa pangarap ni Aiden.”

“Masaya ka ba sa ginagawa mo?” malungkot na tanong ng kaibigan.

“If it makes Aiden happy. Ganito ang magmahal, hindi ba? Parang tanga lang,” sabi niya at uminom ng tubig para di mapansin ni Nylanna ang pamamasa ng mga mata niya. “Iniisip ko trabaho lang. Walang personalan.”

She was discovering a lot about herself today. She was stronger than she thought. She could endure a lot of pain for love. Minsan gusto niyang sabihin sa sarili niya na umalis na lang at iwan si Aiden. Pero parang ayaw na niyang mawala sa tabi nito. She’d rather feel the pain than feel nothing.

“Sige na. Dakila ka na. Hanggang kailan ka ganyan?”

Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa kaibigan. Nag-ring ang cellphone niya. Sinagot niya iyon. “Hello, Ma’am Florida.”

“You have two urgent assignments. Gusto ni Sir Amadeus na asikasuhin ninyo ang purchase ng island sa Balabac. He wants both the Pink Island and the neighboring island. He wants a joint island resort. He wants you to go to Koh Samui to talk to Dewey McMillan, an investor that Amadeus had been courting since last year. Naka-book na ang flight ninyo ni Aiden. I’ll send you the itinerary later.”

Sumakit ang batok ni Lexie. “Yes, Ma’am. Thank you.” Napilitan siyang tawagan si Amadeus at putulin ang weekend nito kasama si Tagaytay. “Sir, we have an urgent trip. Mamayang madaling-araw na po ang alis natin papunta sa Thailand para kausapin ang isa sa potential investors doon. Matapos po iyon pupunta tayo ng Palawan. We have to finalize the purchase of the islands in Balabac.”

“How long will we be gone?”

“Two weeks or so.”

“Damn. Sakto sa panahon na nandito rin si Kuya Amadeus para magbakasyon. Sinadya niya ito. May plano siya para di matuloy ang kasal namin ni Esmeralda. I just can’t leave her alone.”

“Pauwiin mo muna siya sa San Luis. She’s safer there. Ako na rin ang mag-eempake ng bagahe mo. Let’s meet up at your condo.”

“Thank you. I really don’t know what to do without you.”

Ngumiti siya. “I’ll see you later.” Nahuli niyang nakatitig sa kanya si Nylanna. “What?”

“Wala lang. Two weeks kayo ni Sir Aiden na magkasama. Walang bride. Walang Esmeralda. Di mo ba naiisip na akitin siya? Tapos pakasalan mo siya.”

“Sana ganoon lang kasimple ang lahat.” Hindi niya gugustuhing gumawa ng kahit ano na makakasira ng samahan nila ni Aiden.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.