Present time...
“NAPKIN, PLEASE. I think I’m drooling.”
Naiikot lang ni Nicole ang kanyang mga mata sa sinabing iyon ng kaibigan niyang si Charmaine—ang dakilang side kick ng buhay niya. Nasa isang police station sila sa Pasay. Napaaway kasi sila ni Charmaine sa isang bar sa Makati kanina at magba-bar hopping pa sana sila sa may Seaside kung hindi sila hinarangan ng grupo nina Zinia—ang nakaaway nila kanina sa bar—sa EDSA. When Zinia got out of her car, she knew she’s going to be in trouble.
Zinia accused her of stealing her boyfriend when in fact her boyfriend hadn’t actually met her standards. So, they ended up slapping and pulling each other’s hair out until a policeman got in between them. And they caused traffic. That merely summed up everything that happened.
Now, her too good of a brother—step-brother for that matter—whom she didn’t even consider a brother nor a family stepped into the picture and saved her and Charmaine’s asses. Wala na siyang ibang choice kundi ang tawagan ito. Wala siyang masyadong kaibigan—kaaway, oo. Madami. Ngunit hindi niya kailangan ng kaaway sa mga oras na iyon. May kasama na siyang ibang kaaway sa kulungang iyon na ayaw na niyang madagdagan pa. Sa susunod na lang.
Kaya napilitan siyang tawagan ang lalaking ito para piyansahan sila ni Charmaine. Kasama nito ang abogado nitong si Brennan na umayos sa lahat ng gusot nila. Wala kasi ang Mama Freida at Tito Paul niya—ang step-father niya—dahil nasa Bahamas ang mag-asawa para sa anniversary ng mga ito. Pati naman ang paternal father niyang si Papa Beni ay wala roon sa Maynila dahil may negosyo daw itong dapat asikasuhin sa Cebu. Ang itinuturing niyang matalik na kaibigan namang si Enrique ay wala sa bansa ngayon dahil may tour ito sa States.
Isa pa’y hindi naman niya akalaing malalagay sila ni Charmaine sa ganoong sitwasyon. It was both their first time to be in jail. Madalas silang mapaaway sa mga bars pero ngayon lang sila humantong sa kulungan. Well, dahil sa bar ay mabilis silang nakakaalis. Who would get away in traffic like EDSA’s anyway? Not to mention, in a bitch’s claws too?
“I’m going to nail him tonight,” narinig niyang sabi ni Zinia. O sadya nito iyong ipinarinig sa kanila ni Charmaine.
Palagi silang nagkakabangga ni Zinia. Simula yata ng magkakilala sila tatlong taon na ang nakararaa’y naging mortal na silang magkaaway nito. Hindi naman niya ito inuurungan. Siya si Nicole Beatriz Santos at sinuman ay hindi niya uurungan. Kahit na anong laban pa iyan.
“He’s mine!” Charmaine snarled at her. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa sinabing iyon ni Charmaine. Pero pinili na lang niyang magsawalang-kibo.
“Who is he, by the way?” curious na tanong sa kanya ng kampo ni Zinia na si Cerah.
“He is...none of your fucking business,” sabi niya rito saka ito tinaasan ng isang kilay bago pairap na ibinaling niya ang tingin sa “man of the hour”.
Who wouldn’t be freaking curious about this guy? Dwight Hontiveros. His name sounds gentle but he’s dangerously attractive. Any woman would want to nail him down, come to bed with him, be obsessed to him, marry him—except her. Definitely not her.
Oh, really?
Fine. Except me. Now, sabi niya sa sarili na binigyang diin ang huling salitang naisip.
Even in his white t-shirt, faded jeans and plain sneakers, Dwight still looked insanely irresistible, delicious even. From his towering height of more than six foot tall, his
well-toned body, his brooding aura and strong character, he would definitely get every female species hooked on him. Even the cats at home. It would always be like that with Dwight. He would always get girls’ hopes up. He would always make every girl fantasize and dream about him. He would always get in every girls’ heart.
Always. Trust her, always. But he would just leave you hanging in the end.
“Why didn’t you tell me you have a guy like him?” pabulong na tanong sa kanya ni Charmaine. Ang tanging kilala nitong lalaki sa buhay niya—na hindi niya nakilala sa isang bar—ay si Enrique.
Bumuntong-hininga siya. Nakatingin pa rin siya kay Dwight. At nang ibabaling na sana niya ang kanyang tingin kay Charmaine ay doon naman niya nakita sa sulok ng kanyang mga mata ang biglang pagtingin ni Dwight sa kanya kaya parang magnet na muli siyang napatingin dito. May nabasa siyang hirap at sakit sa mga mata nito.
Bakit? Para kanino? Dahil sa kanya?
Ang inaasahan niya’y magagalit ito sa kanya pero bakit ganoon ang nabasa niyang emosyon sa mga mata nito? O, hindi lang siya marunong magbasa kung ano ang sinasabi ng mga mata ng isang tao? Pero ito nga pala si Dwight Hontiveros. Kahit kailan ay hindi niya maiintidihan ang mga ikinikilos nito. Kaya nagbawi siya ng tingin dito at bumaling kay Charmaine.
“He’s not mine,” sabi lang niya kay Charmaine saka siya tumayo at inayos ang sarili. Nang makita niyang palapit sa kanila sina Dwight at Brennan ay nginisihan niya ang grupo nina Zinia. “I won again, Zin. So sorry for you,” pang-aasar niya kay Zinia.
“I will win next time, Nicole and you’ll regret the day that you’ve come my way,” asik naman sa kanya ni Zinia.
“Ooh, the bitch rhymed for the first time. An improvement. I’m a proud enemy, Zin,” sabi niya rito saka niya ito nginisihan pa. Tangkang aatakihin siya nito ng bigla na lang may malalakas na brasong humigit sa kanya palayo kay Zinia. His grip was firm yet gentle.
She smelled a man. A real hard man. Then, she looked up at him and she wished she hadn’t. His intimidating gaze was all over her. Hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Pero pakiramdam niya’y guguho ang depensang inilagay niya sa kanyang puso laban dito.
“Nicole,” sambit nito sa pangalan niya. His voice was deep and husky.
“Hey, there. I think I haven’t met you before. I’m Zinia,” pakilala ni Zinia kay Dwight. Nag-alok ng kamay si Zinia kay Dwight pero si Brennan ang tumanggap niyon.
“I’m Brennan and they’re leaving,” ani Brennan na ang tinutukoy ay sila.
“Are we good to go?” kaswal na tanong niya kay Dwight.
“Yeah. Let’s go,” anito sa kanyang hindi pa rin binibitiwan ang braso niya.
Nang ma-realize niya iyon ay siya na mismo ang kumawala mula sa pagkakahawak nito. Nilapitan niya si Charmaine at hinila niya ito patayo.
“Laters,” nang-aasar na paalam niya sa grupo ni Zinia. Hinila na niya si Charmaine palabas ng presinto at nakasunod naman sa kanila sina Dwight at Brennan. Nang makita niya ang kanyang kotse ay agad siyang lumapit doon pero naalala niyang wala nga pala ang susi niya sa kanya dahil na-confiscate iyon ng mga pulis sa kanya kanina kaya nilingon niya sina Dwight.
“About getting home...” ani Dwight.
“What?”
“Si Brennan ang magdadala ng kotse mo pauwi at siya rin ang maghahatid kay Charmaine. You’re going home with me,” ani Dwight.
“Thank you for saving our asses back there but I can manage from here,” aniya rito saka siya lumapit dito at inabot ang susi dito.
Humugot ng isang buntong-hininga si Dwight bago nagsalita. Hindi pa rin binibigay sa kanya ang susi ng kotse niya. “You need proper guidance, Nicole. Not spoiling,” anito.
“I’m not spoiled,” tanggi niya rito. Irritation is now building in her system.
“You’re twenty-five years old, unemployed but you can buy anything you want and you still play silly games. Yeah. You’re not spoiled,” sarkastiko na namang sabi nito sa kanya. Naikuyom niya ang kanyang dalawang kamao dahil sa inis dito.
It’s because of you! ngali-ngaling sabihin niya rito. She had been the bad girl she was right now because of Dwight. Inilayo niya ang kanyang sarili sa Nicole na nakilala nito dati para hindi na niya maalala pa ang nakaraan.
“Strike two from Mr. Hotness,” nasisiyahang sabi ni Charmaine. Muli siyang bumaling dito at pinanlisikan ito ng mga mata. “Sorry, babe. He’s just so...hot and gorgeous,” ani Charmaine na titig na titig kay Dwight.
“Fine. Whatever. My keys?” aniya kay Dwight saka muling hiningi ang susi niya rito pero hindi siya nito pinansin. Sa halip ay bumaling ito kay Brennan at Charmaine. Nanlaki ang kanyang mga mata ng ihagis ni Dwight ang susi ng kotse niya kay Brennan. “What the hell?”
“Sa’kin ka sasabay pauwi. Sinabi ko na ito kina Tita Freida at daddy. They both agreed to me. I’m going to teach you a lesson of proper behavior, Nicole. And we’ll start with your swearing,” kalmadong sabi ni Dwight sa kanya. But you would hear conviction together with his voice.
“Ha! As if, papayag ako—“
“I volunteer! Ako na lang,” singit ni Charmaine sa kanila. Bumaling siya rito at pinandilatan ito ng mga mata. “What?”
“Charm, you’re not helping,” sabi niya rito bago muling bumaling kay Dwight. “I would never go with you,” mariing sabi niya rito. Lumapit siya kay Brennan at hiningi dito ang susi ng kotse niya pero itinuro nito si Dwight.
“You don’t want to ride my car? Fine. We’ll ride yours for your comfort,” sarkastikong sabi sa kanya ni Dwight. His car was a red Ferrari. Sino ang ayaw sumakay sa Ferrari? Her. Sasakay lang siya sa isang Ferrari kung hindi si Dwight Hontiveros ang nagmamay-ari niyon.
“Not going to happen,” sabi pa niya.
“Well, you’re leaving me no choice,” ani Dwight na lumapit sa kanya saka walang anu-anong pinangko siya patungo sa Ferrari nito. Narinig niyang tumunog ang sasakyan nito at maya-maya pa’y nakita niya ang sariling nakasakay na sa passenger seat nito. “Just enjoy the ride, princess,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya.
If Dwight’s serious face was irresistible enough, you would have to shield your heart with a wall greater than the Great Wall of China if you see him smile.
Princess? She smirked at what he called her. He used to call her that.
At nami-miss mo na ang tawag niya sa’yong iyon, nanunuksong saad ng isang bahagi ng isipan niya. Isang bagay na agad niyang itinanggi sa kanyang sarili.
Sinubukan niyang buksan ang pintuan ng kotse pero naka-lock na iyon. Nakita niyang muling kinausap ni Dwight si Brennan saka ito nakipagkamay kay Charmaine. Nakalimutan na niyang ipakilala ang kaibigan kay Dwight dahil na-distract na siya sa presensiya nito.
Distraction. Big effect, tila nang-aasar na sabi ng isang bahagi ng isipan niya sa kanya na ikinaasar niya.
“Your friend says she’d be waiting for updates,” sabi sa kanya ni Dwight nang makasakay ito sa kotse. Inirapan niya lang ito. “Ganyan ka na ba talaga katigas ngayon, Nicole? What the hell happened to you?” seryosong tanong nito sa kanya.
“Hell,” aniya ritong may double meaning. “Ikaw pa talaga ang magtuturo sa’kin ng ‘proper behavior’, ha?”
“Sorry. But seriously, Nicole, what happened to you?”
“I saw things,” makahulugang sabi niya rito. Hindi niya magawang bumaling dito. Ayaw niyang maging emosyunal sa harapan ni Dwight. Tapos na siya doon. Matagal na siyang tapos, actually. Kay Dwight.
“What things?” tanong pa rin ni Dwight.
“Can we grab something to eat. Nagugutom na ako,” pag-iiba niya ng usapan.
“May madadaan tayong McDo pauwi. Would that be okay?” tanong ni Dwight sa kanya.
“Hmmm. I could use a French fries,” aniya rito.
“Great!”
I need to think of a great plan to escape, aniya sa sarili.
DIRE-DIRETSO ANG GINAWANG pagsubo ni Nicole sa French fries na in-order nila ni Dwight sa McDonald’s drive thru na nadaanan nila. Hindi iyon dahil gutom siya kundi para hindi niya masagot ang mga tanong ni Dwight tungkol sa kung ano daw ang nangyari sa kanya. bakit daw siya nagkaganoon, etcetera. Kanina pa ito tanong ng tanong sa kanya pero ni isa sa mga tanong nito’y ayaw niyang sagutin dahil ayaw na niyang balikan pa ang nakaraang masakit alalahanin.
“I guess you and Enrique are still together, huh?” pagkuwa’y tanong nito. Iyon ang isang tanong na pinili niyang sagutin para mas maging kapani-paniwala ang pag-arte nila ni Enrique limang taon na ang nakalilipas.
“Yes,” as the best of friends.
Hindi kaya gusto mo lang siyang pagselosin? kastigo niya sa sarili.
As if naman magseselos siya, sa loob-loob niya.
So bitter ka, gano’n? anang isang bahagi ng isipan niya.
Oh, shut up!
“Ideal. It had been what? Five years?” anito.
“Yes,” thank you for making it happen.
“Congratulations, then. Nag-propose na ba siya?” tanong pa nito.
“Yes,” tanging sagot niya rito.
“So, kailan ang kasal?”
“Malapit na. Don’t worry. Padadalhan namin kayo ng invitation ni Jullah,” sarkastikong sabi niya rito.
“Thank you. But I don’t think Jullah will like it,” sabi naman nito.
“Why? We’ll be happy to have you there. Besides, you made mine and Enrique’s love story possible,” sarkastikong sabi niya rito.
“Why? What’d we do?” maang na tanong nito na para bang wala itong nagawang masama noon sa kanila ni Enrique.
“Nothing. I was just kidding. Can we go home now? Inaantok na ako,” sabi na lang niya rito.
“What happened before?”
“Nothing,” pinal na sabi niya rito saka niya ito tinalikuran. Humarap siya sa bintana ng kotse nito.
“I’ll get my answers next time, Nicole,” narinig niyang sabi ni Dwight ngunit hindi niya ito pinansin. “Sa bahay na ulit ako titira starting tonight,” anito sa kanya na ikinalaki ng mga mata niya. Napaharap siya rito.
“You can’t!” sigaw niya rito.
“Oh, yeah? Sue me for wanting to live in my own house,” Dwight told her mockingly.
“Dwight—“
“Ah, it’s good to hear my name from your lips again, princess,” nakangiting sabi ni Dwight sa kanya bago nito muling paandarin ang sasakyan nito. Did she ever say that Dwight’s smile is more irresistible than his serious face?
Her heart raced and her thoughts, shattered.
Shit! I need to keep that friggin’ diary! aniya sa sarili na ang tinutukoy ay ang diary ni Maggie—ang babaeng nakilala niya isang taon na ang nakararaan sa parking lot sa Milandia mall sa Ortigas.
She was crying then because she and her friends watched a local romantic movie. Hindi malapit sa istorya niya ang istorya ng pelikulang iyon pero dahil sensitive siya’y naiyak siya roon. Ramdam kasi niya ang sakit na naramdaman ng heroine sa pelikula. Hindi pa man tapos ang pelikula noon ay umuwi na siya dahil hindi na kinaya ng puso niya ang mga iyak ng bida. Kaya maaga siyang nagpaalam sa mga kaibigan niyang kasama niyang nanood. Dumiretso siya sa parking lot at doon siya nakita ni Maggie.
She ended up telling Maggie her whole love story. Na-appreciate niya ang pagiging tahimik ni Maggie habang nagkukwento siya kaya naman hindi na niya ito kinontra pa ng bigyan siya nito ng isang diary. Her heart went out for her when she told her she’s sick. Kaya tinanggap niya ang diary nito at ang charm bracelet nitong palagi niyang suot na makakatulong daw para mahanap ang “the one” niya.
Since then, Maggie and her diary had been her best friend—aside from Enrique. Hindi man niya nakikita si Maggie ay sinisigurado niyang palagi siyang nakakapagpadala ng mga pagkain at bulaklak dito. Ngayon ay alam niyang lumalaban pa rin si Maggie sa sakit nito. At ang diary naman nito’y naglalaman ng mga pinakatatago niyang sikreto na hindi dapat malaman ni Dwight kaya kailangan niyang itagong mabuti ang diary na iyon.
DEAR DIARY,
This night had been all fucked up. I caused a helluva traffic in EDSA. Imagine? A traffic! Just because a friggin’ bitch slapped me and pulled my hair out. Papayag ba naman akong maapi? Siyempre, hindi. So I fought back...and we ended up in jail. Hooray! It’s one of the best highlights of my bitch days. Ha-ha!
Fortunately, an irresistible demigod my step-brother saved mine and Charmaine’s asses. You can imagine Zinia and her gang’s faces when we stepped out of prison ‘cause my too good of a step-brother saved the day. Unfortunately, (I know, in contrast siya, but who cares?) seeing him again means I have to build a greater shield. Oh, shit! Why am I saying this? I just have to ignore him, right?
Yeah. That’s it. I just have to ignore him. Another unfortunate thing for me, dito na siya ulit titira sa bahay. Torture! Paano ako kikilos ng maayos kung nand’yan lang siya Oh, yeah. Ignore, ignore, ignore him.
May the gods bless my ass.
Yours,
Nicole
Nang makontento si Nicole sa mga naisulat niya sa diary ay humiga na siya sa kanyang kama. Nagpabiling-biling na siya roon pero hindi pa rin siya makatulog. Ilang tupa na ang binilang niya pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Ayaw niya ng ganoong mga panahon dahil kapag ganoong wala siyang magawa o maisip ay tiyak na makakaalala lang siya at iyon ang ayaw niyang mangyari.
Pero parang tukso namang bumalik sa kanyang isipan ang mga alaala ng nakaraan. Lalo na’t alam niyang nasa kabilang kwarto lang si Dwight. Hanggang ngayon ay malaki pa rin ang epekto sa kanya ni Dwight. Katulad noon.
“Fuck, no!” mura niya sa kanyang sarili pero huli na ang lahat dahil nauna nang pumatak ang isang luha niya. And the memories flashed back like lightning...