Nine years ago...
SUMMER TIME. Hindi alintana ng labing-anim na taong gulang na si Nicole ang init ng araw sa suot niyang itim na belo, itim na dress na hanggang sakong niya at itim na gloves na halos umabot sa may kili-kili niya. Sariling gawa niya ang mga suot niya at proud siya roon. Mas magiging masaya pa siya kung maiinis sa kanya ang soon-to-be step-father niyang si Paul para hindi na matuloy bukas ang kasal nito at nang mama niya.
Ngayon ang opisyal na paglipat nila ng mama niya sa mansion ng mga Hontiveros pero hindi siya masaya doon. Ginawa na niya ang lahat ng kaya niya hindi lang matuloy ang paglipat nila roon pero hindi pa rin nagpapigil ang mama niya. Labis niya iyong ikinasama ng loob. Nagalit din siya sa papa niya.
Tatlong taon nang hiwalay ang kanyang mga magulang at naiinis siya sa mga ito dahil kapwa nakahanap na ito ng mga bagong makakasama sa buhay. Ang tanging rason kung bakit naghiwalay ang mga ito: they fell out of love with each other. As simple as that and it pissed the hell out of her. She hated everything that happened in their family. She hated how her parents didn’t fight for their marriage. She hated that they both didn’t think about her. She hated her life!
Pabalik-balik siya sa bahay ng mama’t papa niya dahil may schedule ang mga ito para makasama siya. It would have been much better if they stick with each other in the first place. Wala ninuman sana sa kanila ang mahihirapan sa ganoong sitwasyon. Pero huli na ang lahat. Her father is so much in love with her step-mother Hanny—whom he met in a restaurant—while her mother had fallen deeply in love with Paul—whom she met at an art exhibit. Samantalang siya, hayun at napakamiserable ng pakiramdam.
“Honey, I bought you a sundress that you can change into,” sabi sa kanya ng mama niya nang lumapit ito sa kanya. Kababa lang nila ng kotse na naka-park sa front porch ng mansion ng mga Hontiveros.
“No, thanks, ‘Ma. I’m more comfortable with my dress. Do you think Paul will like it?” tanong niya sa kanyang ina saka ito nginisihan. Naiikot ng kanyang ina ang mga mata nito sa kanya.
“’Tito Paul’, Nicole,” pagtatama nito sa kanya. “Honey, I love him. Can’t you be happy for us?”
“No. I won’t ever be happy about this, ‘Ma. My life would be miserable after your marriage,” aniya rito sa tonong nangongonsensiya. Lumamlam ang mga mata ng mama niya at nakita niya ang lungkot doon. Nalulungkot din naman siya at sana’y maintindihan nito iyon.
“Nicole, I know where you’re coming from—“
“No, you don’t. If you really know, hindi ka magpapakasal kay Paul,” mariing sabi niya rito.
“Nicole...”
“Tita Freida!” anang boses mula sa kung saan. Kapwa nila nilingon ng mama niya ang pinanggalingan ng boses na iyon at halos mapanganga siya sa nakitang lalaki na kasama ni Paul.
Naramdaman niya kung paano bumilis ang tibok ng puso niya at halos tumigil sa pag-inog ang mundo niya. Tila-slow motion pa ang paglapit sa kanila ng lalaking ito dahilan para mapagmasdan pa niya ang buong profile nito.
He was wearing a white polo, sleeves rolled up onto his elbows, khaki pants and a pair of loafers. He looked refreshing and gorgeous. Basta napakagwapo nito. Iyon lang ang nakayanang sabihin ng utak niya. And then he smiled, dang! That got through her.
Please, sana hindi siya...
“Dwight, this is my daughter Nicole,” narinig niyang sabi ng mama niya sa lalaki.
Shit! He is the son of Paul. Damn it! He’s going to be my step-brother! naiinis na hiyaw ng isipan niya.
“Nicole, this is Dwight. Your Tito Paul’s only son,” anang mama niya sa kanya patungkol sa lalaki.
Ngayon lang niya nakita ang lalaki. Obviously. Pero marami na siyang narinig tungkol dito dahil madalas magkwento ang mama niya tungkol sa mga Hontiveros at kung gaano kabait ang mga ito. Sinisisi niya tuloy ang kanyang sarili ngayon kung bakit hindi siya nakinig ng mabuti noon sa mga kwento ng mama niya. Hindi tuloy niya matandaan ang mga bagay na tungkol kay Dwight. Pero ang alam niya—base sa natatandaan niya—ay dalawampu’t isang taong gulang na ito.
She’s only sixteen!
So?
Five years ang age gap namin! Pero okay lang, age doesn’t matter naman eh, pagpapakalma niya sa sarili.
“Hi, Nicole! It’s great to finally meet you,” nakangiting sabi sa kanya ni Dwight saka walang anu-anong hinawi ang belo niya at hinalikan siya sa pisngi. She gasped at the sudden touch of his warm mouth to her now burning cheeks.
“Yeah. Me too,” tanging nasabi niya rito.
Wala sa sariling nasapo niya ang pisnging hinalikan nito. But she suddenly snapped when she heard Dwight chuckle. Bigla siyang nakaramdam ng hiya para dito. Tiningnan niya ang suot niya at namura niya ang kanyang sarili dahil doon. She would change into the sundress her mother bought her.
“Come. Lunch is served,” anyaya sa kanila ni Paul—Tito Paul. Hinawakan nito ang kamay ng mama niya at nagpatiunang pumasok sa loob ng mansion ang dalawa dahilan para maiwan silang dalawa ni Dwight doon.
“Are you mourning over someone?” curious na tanong sa kanya ni Dwight.
“No,” simpleng sagot niya rito. Stupid dress!
Dwight shrugged. “Then, change into something more...light. Baka ma-heat stroke ka sa tindi ng init ng araw. Naka-black ka pa,” anito sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pagtibok ng mabilis ang puso niya. Baka nga ma-heat stroke na siya maya-maya kaya mabuti pang magpalit na siya ng damit ngayon.
“Sige. Kukunin ko lang ‘yong dress na binili sa’kin ni mama sa loob,” aniya rito saka mabilis na binuksan ang kotse.
‘Asus! Love in a jiffy ang drama. I thought you’re supposed to act rebellious towards all of them? kastigo niya sa sarili. Pero ang plano niya ay agad na natabunan ng pagnanais niyang makuha ang atensyon ni Dwight. He changed her plan. He changed her mind in an instant.
Just one smile and she was so hooked on him.
What can I do? I’m just a girl...with a heart. I like him agad, kinikilig na sabi niya sa sarili.
Kahit na hindi sinabi ng mama niya sa kanya kung nasaan ang binili nito’y alam niyang iyon ay iyong nasa paper bag sa unahan ng kotse nito. Pagkakuha niya doo’y muli niyang hinarap si Dwight na nakangiti sa kanya.
“Let’s go? I’ll show you your room first. Para makapagpalit ka na do’n. Then, I’ll tour you around the house after lunch,” nakangiting sabi nito sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata dito dahil sa sinabi nito. Ito ang magtu-tour sa kanya sa buong bahay! Her heart jumped with glee. Labis na kilig ang nararamdaman niya. She was hoping if they could skip lunch and proceed to the touring.
“Thanks,” nakangiting sabi naman niya rito. Hinihintay niyang maglakad na sila papasok sa loob ng mansion pero nanatili lang itong nakatingin sa kanya. “Yes?” aniya rito dahil naiilang siya sa ginagawa nitong pagtitig sa kanya.
Hindi ito sumagot sa kanya pero nilapitan siya nito at hinawakan ang belo niya. Itinaas nito iyon at saka nito iyon tinanggal mula sa pagkaka-pin sa buhok niya. Ngayon ay nakikita na niya ng maayos ang mukha nito. But it only added a scorching tinge in her heart. Mas gwapo ito sa malapitan.
“There. You looked prettier without that veil,” nakangiting sabi nito sa kanya nang matanggal na ng tuluyan ang belo niya. Pakiramdam niya’y tumigil sa pagtibok ang puso niya. It was just a simple compliment but it reached through her heart. Marami nang nagsabi na maganda siya pero ngayon lang niya iyon mas na-appreciate. Or maybe because it came from Dwight.
“Ahm, t-thanks,” nauutal na sabi niya rito. It was the first time she ever stammered in front of a guy. Usually, the guys were the ones who stammered in front of her. Now, it was the other way around. Ganoon talaga siguro kapag gusto mo ang isang tao.
“No big. So, let’s go?” yaya nito sa kanya. Nagpatiuna ito sa paglalakad at excited naman siyang umagapay dito.
Grabe ka, Nicole! Act like a lady, anang isang bahagi ng isipan niya na hindi niya inintindi.
You’re going to be siblings! Sabi naman ng isa pa na nakapagpatigil sa kanya. They are going to be siblings.
We’re going to be siblings! Nooooooooo! hiyaw ng isipan niya. Kailangan niyang makaisip ng paraan para hindi talaga matuloy ang kasal ng mama niya at ni Paul. Paano niya magiging asawa si Dwight kung magiging magkapatid sila?
Asawa agad? Kanina, crush pa lang ah, kastigo niya sa sarili.
Doon na rin ang punta no’n, agad na sabi niya sa sarili. She never had a crush before. Isang seryosong katotohanan iyon. Ngayon lang, kay Dwight. At hindi niya matatanggap na magiging kapatid niya ito.
“’Problem, Nicole?” baling sa kanya ni Dwight nang maramdaman nitong hindi na siya nakasunod dito.
“We’re going to be siblings,” sabi niya rito.
“Yes, we are,” nakangiting sabi ni Dwight.
Don’t smile! “We can’t!” sabi naman niya rito.
He chuckled. “Don’t worry, hindi naman tayo magkapatid by blood,” anito sabay kindat sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. She feels like she’s going to have a heart attack because of this guy. “Let’s go. Nagugutom na ako,” muling yaya sa kanya ni Dwight. And this time, he reached for her hand and they walked in the mansion hand in hand.
Does this mean...
YES. THIS SUNDRESS IS BETTER, sabi ni Nicole sa sarili. Naging komportable siyang gumalaw kaysa kaninang suot niya ang black dress niya. Pero hindi lang iyon. Nagustuhan niya rin ang sundress na iyon dahil pagkalabas niya sa kanyang kwarto kanina ay agad siyang pinuri ni Dwight. That got her stomach tumbling and churning.
“How do you find the house so far, Nicole?” tanong sa kanya ni Paul—Tito Paul niya. Kailangan niya palang masanay na tawagin itong “Tito Paul”.
“It’s huge and grand,” sagot niya rito bago sumubo ng pagkain.
The Hontiveros’ mansion was really huge and grand. Makikita naman iyon sa facade pa lang ng bahay ng mga ito. The mansion was a mixture of modern and Mediterannean style. Mayaman sila pero hindi kasing-yaman ng mga ito. Wala silang mansion na katulad ng mansion ng mga ito. She can only imagine what else the Hontiveros’ own.
“I’ll tour her around after lunch,” sabi naman ni Dwight na ikinangiti niya.
“Good. I hope you’ll like it here, Nicole,” anang Tito Paul niya.
“I sure will,” sabi naman niya rito.
Nakita niya ang bahagya nitong pagkagulat pero agad din naman itong bumawi at nginitian siya. She saw him hold her mother’s hand. Pero kung naiinis siya dati kapag nakikita niyang naghahawak-kamay ang mga ito, ngayon ay hindi na. Dahil sa presensiya ni Dwight.
“And I hope that the two of you would bond together,” sabi pa ni Paul.
“Of course, we will, dad. I’m so excited to bond with her,” masiglang sabi ni Dwight na mas lalo niyang ikinakilig. Tuwing napapatingin siya dito, tuwing nagsasalita ito, tuwing ngumingiti ito ay kinikilig siya.
Perks of having a crush on someone, aniya sa sarili.
“Good to hear that,” nasisiyahang sabi ng Tito Paul niya.
“Just a reminder, pupunta dito si Tiffany mamaya at magkakaroon tayo ng final fitting, okay?” anang mama niya na ang tinutukoy ay ang pamosong designer na kinuha ng mga ito.
Her mother’s second wedding would surely be grand. Alam niya kung gaano ka-excited ang mama niya roon. It’s like she had been preparing for this wedding like forever. Bina-bad vibes lang talaga niya ito palagi. But she had to commend her mother for being patient to her.
“Sure, Tita. I’m sure matatapos ang tour namin before Tiffany comes,” pag-a-assure ni Dwight dito.
“Bakit? Matatagalan ba ang tour?” tanong niya rito.
“Kailangan mong makita ang buong bahay,” ani Dwight sa kanya.
“Mansion,” pagtatama niya rito na ikinatawa nito pati na rin ng mama niya at ni Tito Paul.
“Ituring mo na ring sa’yo ito, Nicole. Besides, everything we have would be yours too,” sabi naman ng Tito Paul niya sa kanya.
She still has that part inside her that hates him. At naiinis siya dahil napakabait nito sa kanya. Pero hindi niya maikakaila na naa-appreciate niya ang kabaitang ipinapakita nito sa kanya.
Pagkatapos nilang kumain ay nagkanya-kanya na sila ng lakad. Ang mama at Tito Paul niya ay umalis ng bahay dahil pupuntahan daw ng mga ito ang venue para bukas. Kung siya lang ang tatanungin ay maaaring gawin ang kasal ng mga ito sa malawak na lawn ng mga Hontiveros pero hindi naman siya ang ikakasal.
Una siyang dinala ni Dwight doon sa lawn kung saan may tennis court na madalas daw nitong gamitin dahil paborito nitong sport ang tennis. She was already looking forward to seeing him play.
“Sayang. Hindi ako marunong maglaro ng tennis,” sabi niya rito.
“Don’t worry. I’ll teach you,” nakangiting sabi naman sa kanya ni Dwight.
“Talaga? Yay!” masayang sabi niya rito.
Sunod naman silang pumunta sa underground ng bahay kung nasaan ang bar, game room at garahe ng mga ito. Wala siyang ibang masabi kundi “wow” habang inililibot niya ang paningin sa buong lugar. Parang garahe ni Batman ang garahe ng mga ito. Napaka-cool maging ang bar at game room ng mga ito na pwede nang maging business venture kung tutuusin.
“Do you often use this?” tanong niya kay Dwight.
“Often. Kapag nagkakayayaan kami ng mga kabarkada ko,” anito.
“And I bet that ‘often’ was every weekend,” aniya rito.
“You bet,” natatawang saad naman ni Dwight na ikinatawa din niya.
“Are you really okay with this wedding?” pagkuwa’y seryosong tanong niya rito.
“Yes. And I know you’re not,” anito saka bumuntong-hininga. “I know where you’re coming from Nicole. Bata ka pa para maintindihan mo ang lahat pero kailangan mong malaman na mahal nila ang isa’t isa. They’re both old enough to decide for themselves and they’re really happy with each other. Nakikita mo naman ‘yon ‘di ba? Hindi ako nakikialam sa mga desisyon ng daddy ko pero kung hindi ko gusto ang mama mo, tututol talaga ako. Unfortunately, I liked your mother a lot for my dad. She makes him happy. My dad was never that happy since my mom died. And Tita Freida’s happy too. Sana maging masaya ka rin para sa mama mo,” ani Dwight sa kanya.
She didn’t know what happened but her plan and her mind had changed. Everything went upside down. All because of him.
“You know what, I like you,” pag-amin niya rito. Hindi na niya inalintana pa kung mapapahiya siya. She just couldn’t contain the feeling any longer. At hindi siya sanay sa ganoon.
He chuckled. “I’ve noticed. I like you too,” nakangiting sabi nito sa kanya.
Oh. My. God. My heart!