Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 15

WHAT A DAY! Nakahinga ng maluwag si Kareene nang makasakay siya sa loob ng taxi mula sa Daily. Gabi na siya nakauwi dahil nagkaroon sila ng meeting at may ilang feature articles din siyang tinapos sa kanilang opisina. Napabuntong-hininga siya.

Pagpasok pa lang niya sa kanilang opisina kanina ay away na agad ang ibinungad sa kanya ni Jade. Sa kanya nito isinisisi ang pagka-terminate ni Geoff sa Daily. Tinawagan kasi niya nang nagdaang gabi si Sir Ranz at sinabi rito kung ano ang nangyari at iyon ang naging hakbang nito. Kaya naman pala ganoon na lamang ang naging reaksyon ni Jade ay dahil in love ito kay Geoff.

Sana lang magising na si Jade at makahanap siya ng lalaking worth it, piping dalangin niya para kay Jade. Pagkatapos ay iniisip pa niya ang kaligtasan niya dahil sa maaaring pagbaling ng mga tauhan ni Congressman Go sa kanya. Problems. How I hate them.

Nag-slouch siya sa upuan ng taxi dahil gusto niyang matulog kahit papaano. Nakatulog naman siya kahit papaano ngunit tumunog ang cell phone niya at kinapa niya iyon sa loob ng bag niya at sinagot ang tawag na hindi tumitingin sa screen. Pagmulat niya’y nasa street na pala sila kung nasaan ang bahay niya.

“Ipara mo ang taxi. I’m right behind you,” anang baritonong boses sa kabilang linya. Tila naging awtomatiko ang ginawa niyang paglingon at nakita niya ang isang black rider sa itim na big bike na nakasunod sa taxi na sinasakyan niya.

“Okay. Nakukumbinsi mo na akong stalker nga kita,” aniya rito sa phone.

“Right,” tipid na sagot nito na tila may iritasyon sa tinig. Na-offend ba niya ito? Pero kasalanan naman nito kung bakit nasabi niya iyon. Paano nito nalaman ang number niya?

“Manong, para na lang po sa tabi,” utos niya sa driver na agad namang sumunod sa kanya. Nang huminto ang taxi sa tapat ng isang street light ilang bahay malapit sa apartment niya. Nagbayad agad siya sa driver ng amount na nakita niya sa metro bago siya bumaba ng sasakyan at hinarap ang ‘stalker’ niya.

Jeez, K! Halatang excited kang makita siya. For all you know masamang tao pala siya, anang isang bahagi ng isipan niya sa kanya.

He saved me last night, remember? That made him a good one, sagot naman niya sa sarili. Alam niyang maliban sa pagka-crush niya rito ay hindi na siya dapat na nagtitiwala rito. Hindi niya rin maintindihan ang sarili niya. But there was something about him that made her trust him instantly. Or was it just her stubbornness?

Hinintay niyang makababa sa big bike nito ang lalaki. Katulad ng suot nito kagabi ay naka-overall black na naman ito. Black leather jacket, black shirt, black hunter boots with additional toys like that black helmet and his very own black Ducati. Black suits him well.

Napaawang ang mga labi niya nang mag-alis ito ng suot na helmet. The man was really breathtakingly handsome. Okay, hindi niya ito pinagkakatiwalaan at hindi dahil sa pagiging stubborn niya ang lahat ng ito. Curious siya rito at gusto niyang malaman ang lahat tungkol dito kaya gusto niyang mapalapit dito.

His grey eyes were looking directly at her. He moved out of his bike while holding her gaze. Damn him! He stared at her as if he’s seducing her. Gods, if he’s not sex, what is he?

Hayan ka na naman sa ‘sex’, K. Parang hindi ka virgin, kastigo sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

Virgin pa ako, but of course, aware ako sa sex, sagot naman niya sa sarili. Hindi niya lang talaga mapigilang isipin ang ‘sex’ tuwing naiisip niya ang lalaking ito. Kung malalaman lang ng mama niya kung ano ang tumatakbo sa isipan niya ngayon at kung nabubuhay pa ito ay tiyak na kurot sa singit ang aabutin niya rito.

Those erotic novels are really getting into me, aniya sa sarili. She made a mental note to herself to stop reading those novels now.

“Hop in,” utos sa kanya ng lalaki. Napataas ang isang kilay niya dahil nakaramdam siya ng iritasyon sa paraan ng pag-uutos nito sa kanya.

“No,” tanggi niya rito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para makilala niya ito. “Bakit naman ako makikinig sa’yo? Hindi ko pa nga alam ang pangalan mo eh.” Sinubukan niyang patigasin ang anyo niya pero kompara dito, siguradong mukhang baby lang siya.

“The moment you stopped the taxi. Now, hop in,” muling utos nito sa kanya.

“Bahala ka sa buhay mo. Hindi ko naman obligasyon na sumunod sa’yo,” nakasimangot na sabi niya rito saka siya naglakad palayo dito. Sana ay gumana rito ang arte niya na iyon.

“Ah, jeez! I forgot that you’re stubborn too,” narinig niyang sabi ng lalaki na ikinangiti niya. Narinig niya ang mga yabag nito palapit sa kanya at walang anu-anong pinangko siya nito patungo sa big bike nito.

“Ibaba mo ako!” sigaw niya rito.

“There. The leather’s more comfortable than the cement, don’t you think so?” sarkastikong sabi nito nang iupo siya nito sa bike nito. The man has arrogance dancing around his mouth.

“Sino ka ba talaga at ano’ng kailangan mo sa’kin?” seryosong tanong niya rito.

“I need you safe so I’m protecting you,” tipid na paliwanag nito.

“Elaborate,” utos niya rito.

“You don’t need to know the rest,” sabi naman nito.

“Yeah, right. Uuwi na ako,” aniya rito pero pinigilan siya nitong makababa sa big bike nito.

“You really don’t want to go home to a house full of goons,” makahulugang sabi nito.

“Ano?” naguguluhang tanong niya rito.

“You see, the moment you ruined Congressman Go’s reputation, it’s also the moment you cursed yourself to death. Inaabangan ka ng mga tauhan ni congressman sa bahay n’yo kanina pa,” anang lalaki.

“Paano mo nalaman?” nagtatakang tanong niya rito. What if, tauhan rin ito ni Congressman Go at nagbabalat-kayong mabait lang pero papatayin din pala siya nito mamaya?

“Kung gusto kitang patayin, matagal ko nang ginawa,” anang lalaki na tila ba nabasa kung ano ang iniisip niya.

“So, kanino ka nagta-trabaho? Kay River ba? Special agent ka rin ng NBI?” tanong niya rito.

“No, no, and no. I work for no one,” walang emosyong sabi nito. Kung hindi lang niya nararamdaman ang init na nanggagaling sa katawan nito ay iisipin niyang hindi ito tao. Looking at his eyes right now, he seemed soulless.

“Can you please stop the pretense and tell me who you really are?”

“I told you—“

“Then, screw that! I’m not a kid anymore, okay? I can take big news. Heck, I’ve even written one,” aniya rito.

“That almost led you to your death,” sabi naman nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama. Kung magsalita ito tungkol sa pagpatay ay parang normal na bagay lang iyon para dito. “Trust me,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya. His face still looked emotionless but his voice was less cold and hard this time.

“How can I trust a man who doesn’t even have a name?” sabi naman niya rito.

“X,” anito.

“Ano?”

“I’m X.”

“Does ‘X’ stands for something? Like Xander?”

“No.”

“Xena?”

“Hell, no. Just call me ‘X’, woman.”

“How can you ask me to trust you if you can’t even trust me your name?” aniya rito.

“Believe me, I’m just called ‘X’,” sabi naman nito sa kanya.

“Fine. Call me ‘K’ then,” naiinis na sabi niya rito pagkuwa’y natigilan siya nang maalalang alam nga pala nito ang totoong pangalan niya. “Ang unfair mo!” sigaw niya rito.

“Duck!” sa halip ay sigaw nito sa kanya.

Mabilis na tumalon ito sa likuran ng big bike at hinila rin siya roon. Mga putok ng baril ang sumunod. Nilukob ng takot ang kanyang dibdib. Napapikit siya ng mariin dahil sa takot. Pero naramdaman niya ang pagtayo ni X mula sa tabi niya at narinig niya ang sunud-sunod na naman na putok ng baril.

“Shit! I guess this is the second sign that I need to use cars from now on. Damn! Didn’t they know how much Triumph bikes cost these days?” tila galit na wika ni X nang tumigil ang putukan ng baril. Pero napakunot ang noo niya rito dahil tila mas importante pa rito ang Triumph nito kaysa sa ibang bagay. “It’s safe now,” anito sa kanya habang tinutulungan siya nitong makatayo mula sa sementadong kalsada.

Pagkatayo niya ay napanganga siya nang makita ang isang itim na kotseng nakahinto malapit sa kanila. May ilang butas ng bala sa windshield niyon at nakayukyok ang driver sa manibela nito samantalang dalawang lalaki ang nakahandusay malapit doon habang dalawang lalaki naman ang nakahandusay malapit sa kanila. Lahat ay patay.

“Paano mo nagawa ‘yon?” tanong niya kay X. Half amazed, half scared.

“I shoot, they die,” tila proud pa na sabi nito at mukhang hindi rin ito apektado kung ilang tao ang napatay nito ngayon.

But why does that sound like something else? anang pilyang bahagi ng isipan niya.

Stop with that kind of thinking, K! saway niya sa sarili. Kakastiguhin pa sana niya si ng magmura ito at mabilis na iniabot sa kanya ang isang helmet na agad naman niyang isinuot bago siya sumakay sa bike nito. Mabuti na lang at nakapantalon siya. Pagkasakay niya ay agad na pinasibad ni X palayo roon ang bike nito.

“Marunong ka bang humawak ng baril o mag-drive ng bike?” tanong sa kanya ni X.

“Parehong hindi,” kinakabahang sabi niya rito.

“Ano’ng alam mong gawin?”

“Marami akong alam gawin pero hindi ako marunong pumatay ng tao,” naiinis na sabi niya rito dahil parang sinasabi nitong wala siyang kwenta.

“Just so you know, if you won’t shoot, they will,” anito sa kanya. Hindi na niya makita ang mga dinadaanan nila dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni X. Pero nang makarinig siya ng isang putok ay sinabihan pa niya ito na bilisan ang takbo.

“Kapag namatay ako ngayon, ikaw ang unang-una kong mumultuhin,” pananakot niya kay X. Naidalangin niya na sana’y traffic sa daraanan nila para hindi makasunod sa kanila ang mga tauhan ni Congressman Go.

“Yeah. As if, that’ll scare me. I fear nothing, babe,” sabi nito sa kanya. She winced at the endearment he gave her. Alam niyang gasgas na ang “babe” sa mga magkasintahan at feeling magkasintahan pero nang marinig niya iyon mula kay X, tila bagong salita lang iyon na natutuhan niya.

You’re in the middle of your death run and yet you’re still thinking about cheesy stuffs. For goodness’ sake, K! Focus! sigaw sa kanya ng isang bahagi ng isipan niya.

“Traffic!” masayang sigaw niya. Sa kauna-unahang pagkakataon ay natuwa siya sa traffic. Sumingit si X sa gitna at gilid ng mga sasakyan at hindi na nakasunod sa kanila ang mga taong humahabol sa kanila. “Okay. So, ano’ng gagawin natin ngayon?”

“Kailangan kitang mailayo dito,” seryosong sabi ni X.

“Saan tayo pupunta?” curious pa ring tanong niya rito.

“Far, far away,” sarkastikong sagot nito sa kanya.

“Paano mo pa nagagawang magbiro gayong nasa death run nga tayo?” singhal niya rito. She felt the rumble of his laugh on his chest and it tickled her arms.

Shit! Not now hormones, please.

“You’ve trusted me now, remember? Then, trust me with this. It’s somewhere safe and it’s a promise,” sabi lang nito sa kanya pagkuwa’y tumigil sila sa isang gasoline station.

“Ano’ng gagawin natin dito?”

“We need to put on a disguise,” anito sa kanya.

“Really? Katulad no’ng mga napapanood ko sa action movies? Are some of those gadgets real too?” excited na tanong niya rito.

“Yes,” tipid na sagot nito sa kanya. Napasimangot siya dahil sa naging sagot nito. In a short period of time, she realized that X only has two sides and moods—the arrogant one and the cold one. And he can’t do anything nice or say anything nice other than saving her.

Sabay silang pumasok ni X sa ladies room sa gasoline station na iyon at wala itong pakialam kung may ilang taong tumingin sa kanila.

“May mga nakakita sa’tin na pumasok tayo dito,” aniya rito.

“So?”

“’So?’ Ano sa tingin mo ang iisipin nila? Baka isipin nila na may ginagawa tayong kababalaghan dito. Oh my god! I won’t stand that kind of humiliation,” aniya rito.

“Oh, trust me. You’re not my type and they’ll know that,” anito sa kanya na ikinataas ng isang kilay niya.

“Good. Because I don’t like you either,” inis na sabi niya rito.

“I doubt that.”

“Ano?”

“You should’ve seen your reaction last night when you first saw me.”

“A-anong reaction ko?”

“You wore those hooded eyes that told me you want to have sex with me. But don’t worry. You’re not the first. You’re the...oh, I lost count already.” Kumulo ang dugo niya dahil sa sinabi nito. Naikuyom niya ang magkabilang kamao niya. Kung hindi siya nito niligtas at kung hindi siya nito tinutulungan ay kanina pa niya ito nasuntok.

“You’re the most infuriating man I’ve ever met!” naiinis na sigaw niya rito.

“Okay, fine. Say ‘oooooh’ and ‘aaaaaah’,” pagkuwa’y sabi nito.

“Bakit ko naman gagawin ‘yon?”

“Para maniwala sila na may ginawa tayo dito,” anito na ikinalaki ng mata niya.

“Bastos!”

Wow, K. Mahihiya siya sa’yo ‘pag nalaman niya kung ano ang iniisip mo tungkol sa kanya, anang isang bahagi ng isipan niya na mas ikinainis pa niya. Minura niya ang kanyang sarili kung bakit nagustuhan pa niya ang lalaking ito.

“That’s the nicest thing I’ve ever heard from you,” he said, mocking her. Pagkuwa’y may sumilay na ngiti sa mga labi nito. Ngiti na alam niyang pang-asar lang sa kanya.

“’Akina ‘yong rubber mask,” inis na sabi niya rito. Ibinato naman nito sa kanya ang isang isang malambot na material. Hindi pa niya mamukhaan kung ano ang hitsura ng maskarang iyon pero hindi na siya magiging choosy ngayon. Agad niya iyong isinuot at inayos sa mukha niya. “Makati siya!” singhal niya rito.

“Tiisin mo. Kailangan natin ito para makaalis tayo dito sa Maynila,” anito sa kanya. Isinuot naman nito ang rubber mask nito. Napangisi siya. Hindi nito kasing-gwapo ang hitsura nito ngayon pero mas gusto niya iyon para makapag-isip siya ng maayos.

“Sana hindi mo na huhubarin ‘yang maskara mo,” aniya rito.

“Bakit?”

“It’s more tolerable to look at.”

“Yeah. And I wish you won’t take off yours too.”

Naitaas niya ang kilay niya—nang maskara pala—bago siya humarap sa salamin. Nanlaki ang mga mata niya at napahiyaw siya dahil sa mas matinding inis dito nang makita ang hitsura niya ngayon. From the frizzy hair and super red full lips up to her chubby freckled cheeks and thick eyebrows, she looked like a mess.

“I hate you,” aniya kay X.

“I know.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.