WELCOME TO YOUR ISLAND, KAREENE, piping sambit ni Darcangelo sa sarili habang nakatingin siya sa inis na mukha ni Kareene. Kapapasok lang nila sa loob ng bahay sa islang iyon sa Palawan na pinaghatiran sa kanila ng chopper na nirentahan niya. Malaking villa iyon na Mediterranean style. Isang bahay sa isla daw kasi ang dream house ni Sylvia Monzales pero kung nabubuhay pa ito ngayon ay tiyak na magugustuhan nito ang library sa loob ng bahay.
Binili ni Professor ang islang iyon para sa mag-ina nito at tatlo lang silang may alam niyon. Ngayon ay sila na lang ni Shaun—na errand boy niya—ang nakakaalam niyon dahil ito ang nag-ayos ng mga papeles ng isla at ng pagpapagawa ng bahay doon.
Killing people makes you a lot of money, you know.
Tinanggal na rin niya ang rubber mask na suot niya at nakahinga siya ng maluwag. Iyon nga lang, masakit ang kanang tagiliran niya dahil nadaplisan iyon kanina nang nakikipagbarilan siya sa mga bata ni Congressman Go. Hindi naman malalim ang sugat kaya nakakaya pa niya ang sakit. Hindi iyon ang pinakamalalang nasapit niya sa isang shootout. Kailangan lang niyang linisin ang sugat.
“Shit!” narinig niyang mura ni Kareene kapagkuwan. Napangisi siya rito dahil iyon ang kauna-unahang mura na narinig niya mula rito. “’Wag na ‘wag mo na ulit akong pagsusuotin ng rubber mask na ‘yan! Allergic ako!” sigaw nito sa kanya na ikinailing lang niya.
Women. Kinuha niya mula sa kanyang backpack ang tube ng isang ointment para pangangati at iniabot iyon kay Kareene. “There’s always a solution to every problem, babe,” aniya rito.
Mataman siyang tiningnan nito bago ito sumimangot. Kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang palagi itong nakasimangot sa kanya kaysa nakangiti o hindi naman kaya’y nakatingin sa kanya na parang gusto siya nito. They’re both safer if they’ll both hate each other. He doesn’t know if that’s even possible in their situation now. But then, it was so hard to look at Kareene as if she’s an enemy.
Her heart-shaped face looked sweet and innocent. Her big brown eyes were always smiling and she have those inviting pouty lips he’s so trying hard not to kiss the very first time he saw her. Even now. Mas matangkad ito sa ordinaryong Filipina dahil alam niyang may lahi itong Amerikano. Filipino-American kasi si Colin katulad niya. Hindi niya alam kung alam ni Kareene na may lahi itong banyaga.
He remembered the feel of her thighs against his back and sides. Kareene’s thighs caressed his wounded side earlier. Kaya nakatagal pa siya hanggang ngayon. But she had woken up the needing ache inside him that’s even more painful for him. He imagined parting those thighs as he kissed his way through her—
Damn it, Darc! She’s Colin’s daughter. She’s a hands-off matter, paalala niya sa sarili.
“X!” sigaw sa kanya ni Kareene.
“What?”
“Where’s the bathroom? Gusto kong maligo. At saka—oh my gosh! Wala akong damit! Ano’ng susuotin ko dito? Hanggang kailan ba tayo dito? Kailangan kong tawagan sina Sam. Baka—“
Tinakpan niya ang bigbig nito. “You’re such a whiner and here I thought your best friend was the most exaggerating person in the world. Follow me,” utos niya rito. Umakyat siya sa second wing ng bahay at sumunod naman ito sa kanya. Mukhang bungalow ang bahay na iyon sa labas pero may second floor at attic iyon sa labas.
“Paano mo nalaman ang tungkol kay Sam?” tanong sa kanya ni Kareene.
“Dapat ngayon alam mo nang alam ko ang lahat tungkol sa inyo,” aniya rito.
“Well, since you’re Mr. Secretness, mahirap isipin kung paano mo nalaman ang lahat tungkol sa’min. So, stalker ba kita o private investigator ka o isa kang secret agent?” sunud-sunod na namang tanong nito. Sa totoo lang, mahirap itong kausap para sa kanya dahil napakakulit nito. At siya iyong taong ayaw sa makukulit na tao.
Nang tumapat sila sa kwarto nito ay binuksan niya ang pinto roon at hinila ito papasok doon. “Ito ang magiging kwarto mo. Hayun ang banyo mo,” aniya ritong itinuro ang isang pinto doon. “About your clothes, pahihiramin na lang kita,” aniya rito. When he hinted care in his voice, he cursed himself.
Wala akong pakialam sa kanya. Anak siya ni Colin at nangako ako sa kanyang aalagaan ko ang anak niya, paliwanag niya sa sarili.
“Ano? May damit pang-babae ka?” ani Kareene.
“Siyempre, wala. You’ll have to wear what I have,” sabi niya rito saka ito tinalikuran at tinungo ang daan papunta sa kwarto niya.
“Kung iniisip mo na susuotin ko ‘yong briefs mo, no way!” sigaw nito sa kanya.
“You have no choice, babe,” walang lingon-likod na sabi niya rito.
Pagkapasok niya sa kanyang kwarto ay agad siyang naghanap ng mga damit niya na maaaring kumasya kay Kareene. Nang kumirot ang sugat niya sa likod ay napamura siya. Kailangan na talaga niyang linisin iyon kaya ipinagpaliban niya ang paghahanap ng damit para kay Kareene. Kumuha siya ng mga bulak, alcohol, betadine, gasa at plaster sa drawer niya. Palagi niyang sinisiguro kay Shaun na may stock ng medicine kit sa bahay na iyon. Kahit ang backpack niya ay may lamang medicine kit din.
Pumasok siya sa loob ng banyo na naroon at humarap sa salamin doon. Hinubad niya ang itim na t-shirt niya—na hindi ipinapakita ang duguang bahagi—pagkuwa’y sinipat niya ang sugat niya sa kanyang tagiliran. Mahihirapan siyang maglinis niyon dahil nasa may likuran niya ang sugat. Kailangan niyang dumepende sa salamin para malinis iyon ng maayos.
Nilagyan niya ng alcohol ang isang bulak saka niya iyon dinampi sa dumudugong sugat niya. Napaungol siya dahil nakaramdam siya ng sakit.
Damn those bastards!
ANG TAGAL NIYA! ‘KAASAR! naiinis na sabi ni Kareene sa sarili habang nakaupo siya sa kama doon at hinihintay ang pagdating ni X. Nakaligo na siya—at mabilis lang iyon dahil napakalamig ng tubig—ay hindi pa rin ito bumabalik sa kwarto niya. Tanging ang kulay pink na tuwalya lang ang saplot niya dahil nalabhan na niya ang mga damit niya para bukas ay may suotin na siya.
This runaway is a disaster! sabi pa niya sa sarili.
Nang mag-stop-over sila kanina sa gasoline station ay pinapatay nito sa kanya ang cell phone niya. Ngayon naman ay mapula ang mukha niya dahil na-allergy siya sa rubber mask na pinasuot nito sa kanya. Kailangan daw kasi nilang magsuot niyon dahil hindi sila dapat makilala nang dalawang pilotong naghatid sila sa kanila sa islang iyon gamit ang isang helicopter. Hindi niya alam kung saan nakuha ni X ang perang pinambayad nito sa chopper rental na iyon pero sigurado siyang marami itong pera dahil hindi basta ang rumenta ng isang chopper.
Pero sa kabila ng inconveniency na nararamdaman niya ay may hindi siya maipaliwanag na gaan ng loob kay X. It’s not in her nature to trust someone that easily but with him, she felt safe.
Nang hindi na siya makatiis ay lumabas siya ng kanyang kwarto at tinungo ang kwartong nakita niyang pinasukan ni X kanina. Ang pinakaayaw niya sa lahat ay iyong pinaghihintay siya dahil mainipin talaga siya. Kumatok siya sa pintuan ng kwarto nito.
“X!” tawag niya rito.
“Shit!” narinig niyang sigaw ni X mula sa loob ng kwarto nito.
Kinabahan siya kaya kinatok pa niya ang pintuan nito dahil nag-aalala siya rito. Pero hindi pa rin nito binuksan ang pintuan. Nang tinangka niyang pihitin ang seradura ng pintuan ay nagulat siya dahil bumukas iyon. Kaya agad siyang pumasok doon. Nakita niya ang nakabukas na pintuan ng banyo nito at nakita niyang naroon si X. Wala itong suot na pang-itaas.
Dahil ang kaliwang bahagi nito ang nakaharap sa kanya ay nakita niya ang “X” tattoo nito sa braso nito roon. She hates men with tattoos but X is an exception to that rule. Hindi naman kasi naapektuhan ng tattoo na iyon ang image ng magandang katawan nito hindi katulad nang ibang lalaki na tinatadtad ng tattoo ang katawan para lang magpakalalaki o mukhang nakakatakot. Didn’t they know that they could still look manly without those tattoos? Well, mukhang mapanganib pa rin naman si X kahit may suot itong damit.
“May problema?” tanong niya rito habang palapit siya rito. Pagkuwa’y nanlaki ang mga mata niya nang makita ang nagkalat na mga bulak na puro dugo sa bathroom sink. “May tama ka! Bakit hindi mo sinabi sa’kin?” nag-aalalang sabi niya rito.
Umikot siya rito at tiningnan ang dumudugong sugat nito. Doon niya nakita ang malaking eagle tattoo sa likuran nito. Napangiwi siya sa kanyang sarili dahil ang akala niya ay isa lang ang tattoo ni X. Iyon pala’y may malaki pa sa likuran nito. Marami itong peklat sa katawan na mukhang galing sa mga tama ng bala. .
“It’s not that bad,” ani X. His face was stoic trying to hold his composure.
“The mere fact that you’ve cursed made it that bad,” sabi naman niya rito.
“Cursing is my hobby, babe.”
“Bakit ba kayong mga lalaki, ayaw na ayaw n’yong amining nasasaktan kayo? I mean, you’re just human. A single tear won’t ruin your macho image,” aniya rito.
X smirked at her. “I don’t do crying.”
“Everybody cries, X,” aniya. Nakita na niyang nalinis na nito ang sugat at ang kailangan na lang niya ngayong gawin ay lagyan iyon ng gasa na hindi nito magawa dahil nasa may gilid ng likuran nito ang sugat na iyon. Pinilit niyang paharapin si X sa salamin.
“Nando’n ‘yong cabinet ko. Humanap ka na lang ng damit na pwede mong suotin do’n. I don’t need your help,” malamig na sabi nito sa kanya.
“Of course you do,” sabi naman niya rito. Kumuha siya ng malinis na bulak at nilagyan iyon ng betadine saka iyon idinampi sa sugat nito bago niya iyon tinapalan ng gasa. Dahil wala siyang makitang gunting ay kinagat na lang niya ang plaster. “There. All done,” nakangiting sabi niya rito sa may salamin nang matapos niyang takpan ang sugat nito.
“Yeah,” tanging sabi nito. Kinuha nito ang nagkalat na bulak sa sink at itinapon iyon sa basurahan sa ilalim. Lumabas naman siya sa banyo habang naglilinis ito roon at hinintay niya ito sa kama roon. Hindi niya kayang makialam ng gamit nito kaya hihintayin na lang niya itong matapos sa loob.
Nang lumabas ito mula sa banyo ay muli na naman siyang napatitig dito. His rippling muscles—that were all in the right places—made her mouth water. If there is another part of his body that looks so inviting other than his lips, it’s his washboard abs. She could imagine her hands feeling those abs, imagine his arms holding her tightly. Now that she could see him clearly—and not in the slightest darkness—she saw how great his butt looks like when he came in front of her and turned around to open his wall cabinet to fish for some clothes.
See that? Now, tell me he’s not ‘sex’.
Ipinilig niya ang kanyang ulo sa mga naiisip pero imposibleng maitaboy niya ang mga ideyang gayon lalo na’t kaharap niya ngayon si X. Tumayo siya para tulungan itong maghanap ng damit na kakasya sa kanya pero sa pagtayo niya ay hindi niya namalayang lumuwag na pala ang pagkakabuhol ng tuwalya niya sa may dibdib niya. Nang tumayo siya ay bigla na lang iyong nahulog sa may paanan niya.
Napasigaw siya sa gulat. Before she knew it, she saw X’s gaze raking all over her body. Mabilis siyang umupo at kinuha ang tuwalya niya saka iyon itinabon sa sarili. Napakabilis ng tibok ng puos niya at hiniling niyang sana’y bumuka ang sahig at kainin siya niyon ng buhay.
“Talikod!” sigaw niya kay X. Ramdam na ramdam niya ang pag-init ng buong katawan at mukha niya dahil sa nangyari. Oh my god! It did not just happen!
“Come on, babe. It’s not like it’s something I want to see,” sabi sa kanya ni X saka ipinatong nito sa kama ang isang brief, boxer shorts at malaking t-shirt.
“Sana pala binuksan ko na lang ‘yong sugat mo at nilagyan ng asin. I hate you! And stop calling me ‘babe’!” naiinis na singhal niya rito pagkatapos niyang ibuhol ulit ang tuwalya sa katawan niya. Kinuha niya ang mga damit na ibinigay nito at walang lingon-likod na lumabas sa kwarto nito.
Now, I hate his guts! aniya sa sarili habang hindi pa rin panatag ang paghinga niya.
Parang ganyan din ‘yong sinabi mo kanina. But then, you ended up thinking about sex because of him again, sabi naman ng isang bahagi ng isipan niya na ikinainis na naman niya.
Bakit ba pagdating kay X ay nagiging bipolar siya? She would hate him one time, then the next moment, she’ll like him again. Ano bang mayroon si X na nakakapagpagulo ng isipan niya?
Maybe his body?
She grunted. Isinuot niya ang mga damit na pinahiram ni X pagkuwa’y kinuha niya sa bag niya ang diary ni Maggie. Mula nang magsulat siya doon nang nagdaang gabi ay hindi na niya iyon iniwan sa kanilang bahay.
DEAR DIARY,
Let me make a rundown of what happens today. First, Geoff got terminated because of what he did to me last night. Nagalit sa’kin si Jade dahil may gusto pala siya kay Geoff. Second, I met my saviour from last night again and this time, he gave me his name—X. Third, we’ve been attacked by Congressman Go’s goons. Pero napatumba sila lahat ni X. Ain’t he great or what? Fourth, nagsuot ako ng rubber mask na nag-cause ng allergy ko ngayon pero kailangan kong suotin dahil sabi ni X. Sumakay kami sa chopper at nandito na kami sa isla na hindi ko alam kung saang lupalop ng Pilipinas. Fifth, tinulungan kong gumamot ng sugat niya si X dahil nadaplisan siya ng bala kanina. Sixth, X saw my body! (SHIT!) Seventh, I’m wearing his clothes. Take note: even his briefs as an underwear! Eighth to ten, I turned out to hate him!
Nagha-hyperventilate ako sa sobrang inis ko kay X. I mean, yes, thankful ako sa kanya dahil dalawang beses na niya akong niligtas at niri-risk niya ang buhay niya ngayon para lang protektahan ako at siguraduhing safe ako. Pero kung ipagpapatuloy niya ‘yong pagka-arogante niya, baka mapatay ko siya. (Breathe in, breathe out.) Okay. Hindi ko kayang pumatay ng tao. Pero kaya kong lagyan ng asin ‘yong sugat niya.
And the most irritating part was, the more I wanted to hate him, the more I liked him. It’s all because of his body! Ang bottomline nito? Sa sarili ko pala ako naiinis at hindi kay X dahil hindi ko makontrol ang mga tumatakbo sa isip ko tungkol sa kanya—na dati ay madali ko namang nagagawa. Ilang beses ko nang sinabi sa sarili ko na dapat ay mainis ako sa kanya pero hindi ko pa rin magawa. Ilang beses ko na ring naitanong sa sarili ko kung bakit nagtiwala ako sa kanya gayong hindi ko pa siya kilala ng lubos pero wala pa rin akong magawa dahil tinatraidor ako ng isip at katawan ko na nagsasabing magtiwala ako sa kanya. Hence, I ended up in this island trusting him. What is wrong with me?
You know what? I think I need to defile his body so I wouldn’t think easy on him. Ugh!
Yours,
Kareene