Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 22

“HEY, MAKAKAALIS NA TAYO DITO.”

Mula sa binabasang libro ay nag-angat ng mukha si Kareene kay Darcangelo na komportableng nakasuot ng pantalon ang t-shirt. Hindi pa niya ito nakikitang mag-shorts at ipinagtataka niya iyon. Nasa bahay lang naman sila. May hawak itong dalawang bote ng rootbeer na paboritong inumin yata nito dahil ilang beses na niya itong nakitang umiinom niyon mula nang bumisita doon si Shaun. Mabuti at hindi ito lasenggo.

“Talaga?” tanong niya rito dahil sa ibinalita nito. Isang linggo na silang magkasama sa isla na iyon at may parte sa kanya na sana’y doon na lang sila habang-buhay. Malayo sa totoong mundong kinabibilangan nila. Malayo sa realidad. Nagsimula mag-‘mellow’ si Darcangelo sa kanya matapos nitong sabihin ang nakaraan nito sa kanya.

“Tumawag ako kanina kay River para sa update ng kaso mo. Sinabi niya sa’kin na nagsalita na daw ‘yong nahuli nilang tauhan ni Congressman Go at inamin na niyang inutusan nga sila ng congressman na patayin ka. Didn’t they know that it’s easier to work alone?” umiiling na sabi ni Darcangelo.

“Darc, pwede bang ‘wag muna nating pag-usapan ang patayan na ‘yan? Ahm, I just want to relax for tonight,” paliwanag niya rito dahil baka na-offend niya ito. Isinara niya ang librong binabasa at tinapik ang tabi niya sa sofa. “Upo ka,” yaya niya kay Darcangelo.

Buong araw siyang nagbasa ngayon sa mini-library ng bahay dahil masakit ang katawan niya sa self-defense physical combat na itinuro sa kanya kahapon ni Darcangelo. Nagpaturo siya dito dahil walang kwenta ang natutunan niyang self-defense noong college siya. Tinuruan din siya nitong humawak ng baril na ang buong akala niya’y magaan lang pero hindi pala. Para kasing kay dali lang dalhin iyon ni Darcangelo pero mabigat pala ang mga baril. Pero kung papipiliin siya kung ano ang mas gusto niyang gamitin, pipiliin niya ang humawak ng baril kaysa sa kutsilyo. Takot na takot siya kahapon na magbato at tumama sa target gamit ang kutsilyo dahil baka masugatan siya.

Inabot nito sa kanya ang isang bote ng rootbeer pagkatapos nitong buksan iyon. “Ano’ng gusto mong gawin?” anito.

Gusto sana niyang manood ng pelikula pero wala naman siyang nakitang kahit anong DVD doon kaya nagbasa na lang siya. Mabuti itong si Dwight dahil may pinagkakaabalahan itong mga armas nito na palagi nitong nililinis. Sasabihan na sana niya ito na magbabasa na lang siya at gawin nito ang kailangan nitong gawin nang mapatingin siya sa wala nang laman na bote ng rootbeer nito.

“Spin the bottle!” masayang sabi niya rito. Kinuha niya dito ang bote ng rootbeer mula dito at binitiwan niya ang librong hawak bago maupo sa sahig ng mini-library.

“Ano?”

“Masaya ‘yon! Come on. Silly questions lang ang itatanong natin sa isa’t isa. No serious talks. I swear. Para hindi naman tayo ma-bore dito. Since malapit na tayong umalis dito,” which I hope not.

Ano? Ayaw mo nang bumalik sa Maynila? kastigo niya sa sarili.

Gusto na niyang matapos ang kaso tungkol kay Congressman Go. Gusto na niyang bumalik sa Maynila. Pero gusto pa niyang makasama ng matagal si Darcangelo. Crazy but she really wanted to be close to him. As in, close to him.

“Pang-teenagers lang ‘yan,” tila nabo-bore na sabi ni Darcangelo.

“Eh, ‘di bumalik tayo sa pagkabata. Loosen up a bit, Darc. There’s no danger in here. Ako lang ‘to,” nakangiting sabi niya rito. Ini-extend niya ang kamay niya rito. “Come on.”

“You’re dangerous to me,” pabulong na sabi ni Darcangelo pero narinig niya iyon.

“I won’t bite you,” nakangising sabi niya rito.

“But you would make me bite you,” anitong may pilyong kislap sa mga mata.

Tinaasan niya ito ng isang kilay at ibinaba niya sa kanyang tagiliran ang nakalahad niyang kamay dito. Bumilis ang tibok ng puso niya. Carnal scenes flashed through her mind and she shoved it all away in an instant. Bakit ba nakakaisip siya ng ganoon lagi kay Darcangelo? Bakit hindi niya naramdaman iyon noon kay Geoff?

Who wouldn’t be that attracted to Darc? You’re the one who said S-E-X was written on his forehead. Besides, wala pa sa talampakan ni Darc ang appeal ni Geoff. No match, anang pilyang bahagi ng isipan niya. Napangisi siya sa isipin.

“What?” tanong sa kanya ni Darcangelo.

“Wala. What would make you agree in this little game?” tanong niya rito.

Mataman itong tumingin sa kanya. She felt herself blush. Her stomach churned and fluttered when he smiled and sat beside her. “Ako ang magbibigay ng consequence. Let’s give a twist to the usual ‘spin the bottle’ game, shall we?” anito. Hindi pa rin nawawala sa mga mata nito ang kapilyuhan. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at excitement.

“May twist at consequence na nga ‘yong ‘spin the bottle’ lalagyan mo pa ulit ng twist,” aniya rito.

“Oh, come on, Kareene. It’s gonna be fun,” he said mimicking her tone earlier. Naiikot lang niya rito ang kanyang mga mata.

“Fine. Ano’ng twist?” aniya rito saka nag-Indian seat sa sahig. Tumayo ito mula sa sahig at dinampot sa sofa ang binabasa niyang libro kanina na “Fantasy Lover” ni Sherrilyn Kenyon. Isa iyong paranormal romance na may halong Greek mythology. At hooked na hooked na siya. She always loved the Greek mythology and this one was a superb story.

“Ito ang twist. Tatanungin mo ako, ako naman ang magbibigay ng consequence. Whenever I—“

“Hey, that’s unfair! Hindi ka gagawa ng consequence at hindi ka magtatanong sa’kin? Unfair!” aniya rito.

“Alam ko naman na ang lahat ng tungkol sa’yo eh,” katwiran nito.

“Sige nga. Ano’ng favorite color ko?” nanghahamong tanong niya rito.

“Green,” agad namang sagot nito.

“Favorite food?”

“Anything seafood. Hindi na ako magtataka kung kakain ka rin ng pating kung sakali,” sarkastikong sabi nito sa kanya. “So, here’s the game’s mechanics. You shoot questions, I’ll answer. And everytime I answer, I will open this book and you’ll do or we’ll do whatever the scene is about. Okay?” paliwanag nito sa kanya.

“No! Definitely, no!” agad na sigaw niya rito. Pakiramdam niya ay isang bulking sasabog ang mukha niya sa sobrang init niyon. That book has a lot of sex scenes! Tinangka niyang kunin dito ang libro pero inilayo nito iyon sa kanya.

“Gusto mong gawin ‘to, ‘di ba? Eh, ‘di gagawin natin. My way,” anito sa kanya. Hindi ito nakangiti pero alam niyang sa loob-loob nito’y nakangisi ito.

Oh, come on, K. Don’t you want to do it with him? anang pilyang bahagi ng isipan niya.

Shut up! sabi niya sa sarili na kinakabahan na. Iyon iyong tipo ng kaba na hindi lang purong kaba kundi may kasamang excitement, curiosity at kilig.

“Alam mo ba kung ano’ng libro ‘yan?” tanong niya rito.

“Uhh, romance, obviously. It’s entitled Fantasy Lover. Of course, it’s romance,” anito. Muli niyang naiikot ang kanyang mga mata dito.

“Wala ka na bang ibang gustong itanong sa’kin? Magtanong ka. Kahit ano. Para naman may maipagawa din ako sa’yo,” aniya rito.

“At ano naman ang gusto mong ipagawa sa’kin?” anito sa kanyang may pilyong ngiti na sa mga labi ngayon.

“Sing or dance maybe,” aniya rito.

“No!” agad na tanggi nito.

“Oh, yes! Alam mo bang ‘yang librong ‘yan ay...oh, never mind. ‘Wag na lang nga tayong maglaro,” aniya rito.

“Fine. Let’s do it. Kung kanino tumapat ang bote, siya ang tatanungin,” ani Darcangelo. Pumwesto ito sa tapat niya at katulad niya’y nag-Indian seat din. Ipinatong nito sa may gilid nito ang libro at pinagsiklop ang mga kamay sa harap niya.

“Game on,” aniya rito kahit mabilis ang tibok ng puso niya.

Pinaikot niya sa sahig ang bote ng rootbeer at nanalangin siyang sana’y siya ang maituro ng bote dahil parang ayaw na niyang magtanong kay Darcangelo kung kukuha ito ng ipapagawa sa kanya sa “librong” iyon. Luckily, sa kanya nga tumuro ang bibig ng bote. Napapalakpak siya sa sarili.

“First question, what did you think of me when you first saw me?” tanong sa kanya ni Darcangelo habang matamang nakatingin sa kanya.

Shit! How clever could he get? ‘Asar! “Uhh, you’re tall,” pagsisinungaling niya rito pero totoo namang matangkad ito.

“Beyond tallness. So what if I’m tall? Elaborate,” anitong ginaya na naman ang pamosong linya niya rito.

Hala! Oh my god! Sasabihin ko ba sa kanya? ‘Hey, Darc. Sex. That’s what I first thought of you’. I’m gonna die of total shame!

“So?” untag nito sa kanya.

“Uhh, you’re gorgeous and...hot?” Not a pretty lie.

“Okay. So, ano’ng consequence mo para sa’kin?”

“Kumanta ka,” aniya rito dahil wala na siyang ibang maisip pang ipagawa dito. He’s really distracting. ‘Kaasar!

Huminga ito ng malalim pagkuwa’y nagsimulang kumanta sa mahinang boses pero sapat na para marinig niya. “And I’d give up forever to touch you. ‘Cause I know that you’d feel me somehow. You’re the closest to heaven that I’ll ever be and I don’t wanna go home right now. And all I could taste is this moment. And all I can breathe is your lies. When sooner or later it’s over, I just don’t wanna miss you tonight,” kanta nito.

Hindi ito ang pinakamagaling na singer sa buong mundo pero pakiramdam niya’y ang kantang iyon ay ginawa talaga para kantahin nito. She felt like that song was him. Gasgas na gasgas na ang kantang “Iris” na iyon dahil kahit sino yata ay alam ang kantang iyon at kahit sino’y ginagamit iyon para mangharana ng nililigawan nila. Pero ngayon lang niya iyon narinig na may puso. Alam na alam niya ang lyrics ng kantang iyon at alam din niya ang pinagdaanan ni Darcangelo. Ngunit bakit iyon ang napili nitong kantahin sa kanya? May ipinahihiwatig ba ito? Gusto rin ba nitong sabihin sa kanya kung ano ang lyrics ng kantang iyon? O wala lang talaga itong maisip na ibang kanta maliban doon?

Kung auman ang rason nito, naiiyak siya dahil doon. No. It’s not Darcangelo who’s singing a part of that song. It was his heart.

“Go on,” udyok niya rito. Yumuko siya para maitago ang namumuong luha sa kanyang mga mata at agad na pinahid iyon.

“Nah. Wala ka namang sinabing tapusin ko. Ang sabi mo lang, kumanta ako,” anito. Kinuha nito sa kanya ang bote at muling pinaikot iyon sa sahig. Muling tumapat sa kanya ang bibig niyon at napangiti na naman siya.

“Second question, what do you want to do with me the first time you saw me?” tanong nito sa kanya. She gaped at him. He sounded as if he’s fishing her. O alam lang talaga nito kung ano ang tumatakbo sa isipan niya nang una silang magkita?

Oh my god! hiyaw ng isipan niya. Naalala niya iyong sinabi nito sa kanya dati na may “hooded eyes like you want to have sex with me”. Shit! It was half-true. Since hindi naman niya inaamin sa sarili niya iyon.

“I wanted to runaway with you. Kasi ‘di ba ‘yong kay Geoff issue?” palusot na sabi niya rito.

He grunted at her. Nginisihan naman siya nito. “I can’t wait to have my take. So, ano ang gusto mong ipagawa sa’kin, mahal na prinsesa?”

“Tapusin mo ang kanta mo,” aniya rito. Pinangunutan siya nito ng noo. “What? Favorite ko ‘yon eh,” katwiran niya rito.

Muli itong humugot ng malalim ng hininga bago nagsimulang kumanta. “And I don’t want the world to see me. ‘Cause I don’t think that they’d understand. When everything’s made to be broken, I just want you to know who I am. And you can’t fight the tears that ain’t coming. All the moment of truth in your lies. When everything feels like the movies, yeah, you bleed just to know you’re alive. And I don’t want the world to see me. ‘Cause I don’t think that they’d understand. When everything’s made to be broken, I just want you to know who I am.”

Karaniwan na niyang naririnig na kinakanta ng ibang tao ang “Iris” pero ngayon lang iyon tumagos sa puso niya. Ngayon lang iyon nagkaroon ng ‘meaning’ sa kanya. The song and the way Darcangelo sang it touched her heart.

“Hindi naman gano’n kasama ang boses ko ah,” anito sa kanya. Dumukwang ito sa kanya at pinahid nito ang kanyang mga luha gamit ang isang hinlalaki nito. His gesture touched her heart. Heck, he touched her heart.

Nginitian niya ito. “Thank you. Sorry. Nag-mellow lang ako. Favorite ko kasi talaga ‘yong kantang ‘yon,” aniya rito. Pagkuwa’y kinuha niya ritong muli ang bote at pinaikot iyon sa sahig. Sa pagkakataong iyon ay kay Darcangelo na tumapat ang bibig ng bote.

“Finally!” bulalas nito na ikinagulat niya.

“Okay. Here’s my question: bakit palagi kang nakasuot ng pantalon? I mean, nasa bahay lang tayo. Pwede ka namang mag-shorts lang,” aniya rito.

“Habit. Palagi kasi kaming on-the-go so, kaya lagi akong naka-pantalon. Boxer shorts lang ang shorts na mayro’n ako. And you won’t really like me in boxers,” anitong may pilyong ngiti sa mga mata.

“Right,” tanging sabi niya rito. Pinaikot niyang muli ang bote pero pinigilan iyon ni Darcangelo.

“Sino ang unfair sa’tin ngayon? Consequence mo na,” anitong may halong excitement ang tinig.

“Fine. Basta ‘wag kang mandaraya. Kakalbuhin kita! Isang buklatan per consequence lang,” aniya rito. Kinuha nito ang Fantasy Lover at binuksan iyon. Binasa nito ang isang pahina at napangisi ito.

Oh, shit. That grin. This is not good, aniya sa sarili. Mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso niya. At pakiramdam niya’y nawala iyon sa sistema niya ng biglang dumukwang si Darcangelo sa kanya. Inilagay nito ang isang kamay nito sa likod ng baywang niya at hinapit siya palapit dito hanggang sa madikit ang dibdib niya sa dibdib nito. Pagkuwa’y walang anu-anong hinalikan nito ang mga labi niya.

Magaan lang ang halik na iyon pero pinalalim pa nito. He gently nibbled her lower lip before his tongue slipped inside. Napasinghap siya. She didn’t know how he managed to be gentle and aggressive at the same time. Kakaiba ang halik na iyon sa unang naging halik nila. Puno iyon ng emosyon at parang nagsasabi iyon ng mga bagay na nalaman nila nitong mga nakaraang araw. She felt heady with an aching feeling deep inside. It was amazing how Darcangelo could woke those feelings inside her.

“You had sugar on your bottom lip,” pagkuwa’y swabeng sabi ni Darcangelo nang maghiwalay ang kanilang mga labi.

“Huh?”

“Iyon ang sabi sa libro,” katwiran nito. Ipinakita nito sa kanya ang tinupian nitong pahina at nanlaki ang kanyang mga mata sa nabasa. Ginawa nga ni Darcangelo ang ginawa ni Julian of Macedon sa libro kay Grace. At napanganga siya nang mabasa ang mga sumunod na pangyayari sa pahinang iyon.

“You’ve never had an orgasm, have you?” tanong ni Darcangelo sa kanya na literal na linya galing sa Fantasy Lover.

Napatanga lang siya rito.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.