Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 21

BAKIT MAY MGA TAONG GANOON? tanong ni Kareene sa sarili matapos niyang marinig ang kwentong iyon ni Darcangelo. Hindi naikwento ng buo ng kanyang ama sa journal nito ang buong pangyayari sa buhay ni Darcangelo. Kumbaga’y buod lang ng buong kwento ang naisulat nito noon kaya nagulat pa rin siya sa mga narinig niya mula rito.

Naawa siya rito. Gusto niyang aluin at konsolahin ito. He had been through a lot. Ang pinagdaanan pala niyang panunukso noon sa mga kaklase niya na ‘putok sa buho’ siya ay ‘mild’ lang kompara sa pinagdaaanan ni Darcangelo. Maswerte talaga siya dahil kahit na hindi kompleto ang pamilya niya ay minahal at inalagaan siya ng kanyang ina at ng ibang taong nakakakilala sa kanya. Hindi nito kailangang pagdaanan ang ganoon. He deserved to be loved like everybody else and she’s glad that her father had given him what he needed. She could only imagine his pain when her father died. Siya nga ay nasaktan ng labis, ito pa kayang nakasama halos buong buhay ang kanyang ama?

Pero ang ikinagulat talaga niya ay ang sinabi nito tungkol sa ama nito. Hindi niya alam kung paano magre-react doon. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya rito. Alam niyang mali ang lahat ng nangyari sa buhay ni Darcangelo pero...

“I’m sorry about Stacey,” aniya rito.

“Matapos ko silang isuplong noon sa mga pulis, I felt like a hero or something. I’ve avenged Stacey. At tumigil din ang bentahan ng droga sa lugar nila noon. Pero parang nagpahinga din lang iyon dahil nagkaroon ulit ng bentahan at nagpapatayan pa ang mga nagbebenta niyon dahil nag-aagawan sila sa mga customer. They pay Rogue to kill each other and right then, I wanted to kill them all. I wanted to kill every damn evil people in the world. But then, the very same advocacy I had in mind turned me into the monster I am now,” paliwanag pa ni Darcangelo.

“At least, iyon ang rason mo kung bakit pinapatay mo ang mga taong iyon,” aniya rito. Pagkuwa’y umiling ito at matamang tumingin sa kanya na para bang binabasa nito ang reaksyon ng mukha niya. So, she tried to keep a calm and straight face.

“Binabayaran nila ako para pumatay ng tao, Kareene,” sabi naman nito.

“K-kailan ka unang p-pumatay?” nag-aalangan pang tanong niya rito.

“When they told me to, in exchange for Professor’s life. And when you join Rogue, the only way out is for you to die. Isa pa, papatayin nila si Professor kapag hindi ko itinuloy ang ginagawa ko,” paliwanag nito.

He must really love and care for his father to do that for him. And to change him is going to be her way to pay for what he did to her father.

“S-sino-sino ang mga taong pinatay mo?” alanganing tanong niya rito.

“Most are goons; some are drug lords, businessmen and mercenaries. Being a mercenary is a different story but it’s really exciting. We get to be in a mission of finding and returning things like jewelries, painting and antiques that cost a fortune, even people. Personally, I’d prefer being a mercenary rather than an assassin,” sabi pa nito.

“Oka—y. And Sam even thought that my job is the most dangerous job in the world,” aniya rito. She heard him chuckle and it felt like it was the most beautiful sound she’d ever heard. She must really be going crazy. Dapat ay matakot na siya ngayon kay Darcangelo at lumayo rito—kahit papaano—pero hindi pa rin siya natakot dito. Actually, she wanted to show him more care and she wanted him to feel loved. Her love.

“Ano’ng nangyari sa nanay mo? Nakita mo ba ulit siya?” pagkuwa’y tanong niya rito.

“Yeah. When she breathed her last. Namatay siya sa sakit na AIDS. Pero alam mo, hindi man lang siya nag-apologize sa’kin. Hindi man lang niya ako tinawag na ‘anak’,” anitong may pait sa tinig.

“Let me guess, no one ever cared for you, no one ever loved you, no one ever said ‘sorry’ or ‘thank you’ to you except for my father, right?”

“Nagpapasalamat lagi sa’kin si Shaun,” anito.

“Binabayaran mo siya eh. Besides, niligtas mo siya ‘di ba? Paano nga pala nangyari ‘yon?” curious na tanong niya rito.

“He was beaten by a bunch of men in an alley. Mabuti na lang doon naka-park ang bike ko. Nakita ko sila at narinig ko kung bakit galit na galit ang mga lalaking iyon sa kanya. He tried to make a move on the leader’s girl. Kaya tinulungan ko siya. Ang pinakaayaw ko kasi sa lahat ay iyong may naaaping tao na wala namang kasalanan. And guess what, the woman who was the reason for his beating was now his wife,” nakangiting kwento ni Darcangelo.

See? She’s right. There’s goodness inside him.

“Wow. I didn’t know you’re capable of giving someone a happy ever after,” aniya rito. She wished he would have one too. With her.

Oh, shut up, K! Hindi ka magkakaroon ng magandang kinabukasan sa kanya! anang isang bahagi ng isipan niya.

What if I wanted him to be my future? nang-aasar na sabi pa niya sa sarili. Oh, right. This is really crazy. Parang gusto tuloy niyang kumanta ng kanta ni Britney Spears na “Criminal”. But mama I’m in love with a criminal.

“So, tapos na ba tayo dito?” ani Darcangelo.

“Hindi pa. Last question. Well, make that three,” aniya rito.

“Fine.”

“Ano’ng last name mo?”

“Cruz—iyon ang apelyido ng nanay ko,” anito sa kanya pagkuwa’y binago nito ang takbo ng kanilang usapan. “Siyanga pala, pwede mo bang tingnan kung may chip na nakasingit sa journal ni Professor? The journal was a private and personal thing for Professor kaya hindi ko siya ginalaw. Hinahabol ako ng Rogue dahil doon. Naglalaman kasi ‘yon ng listahan ng mga pangalan namin, ng mga kliyente ng Rogue at ng mga target namin. Namatay si Professor dahil doon. Ayaw niyang mapasakamay ‘yon ng Rogue,” seryosong sabi nito.

“Hindi ko pa nakikita ‘yon. So, isu-surrender na natin ang chip na ‘yon? Kina River. I’m sure alam niya kung ano ang gagawin do’n,” aniya rito. Kailangan niyang i-check mamaya ang journal ng tatay niya para sa chip na iyon.

“Ikaw lang ang makakagawa no’n,” anito sa kanya.

“Magiging ligtas ka na ba sakaling ibigay ko ‘yon kay River?” tanong niya rito. Napamaang ito sa kanya. “What?”

“Nothing. The chip also contains our group’s database that means, it has our picture, details and background,” anito sa kanya.

“Oh,” tanging nasambit niya. Nagtatalo ang kalooban niya ngayon kung magagawa ba niyang i-surrender ang chip na iyon sa mga kinauukulan gayong may posibilidad na makulong si Darcangelo. Ano ang mas mahalaga? Ang tungkulin niya bilang isang mabuting mamamayan o ang taong mahal niya?

Teka, ano? In love ka na sa kanya? kastigo niya sa sarili.

Oh my god! tanging sagot niya roon.

“So, ano ang second question mo?” tanong naman sa kanya ni Darcangelo.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. “Ilang taon ka na?” tanong niya rito.

“Thirty,” anito. Nag-calculate siya sa kanyang isipan kung ilang taon na ito sa “business” nito at nanlaki ang mga mata niya ng malamang halos kalahati na ng buhay nito ang ginagawa nito.

“You’re a really tough guy,” aniya rito.

“Last question?”

Muli siyang tumikhim. Ito talaga ang gustong-gusto niyang malaman tungkol dito. “Have you ever been in a relationship?”

He smirked at her. “Ano ‘to? Slum book?”

“Sagutin mo na lang! Peste!” sigaw niya rito. Nahihiya na nga siyang itanong iyon pagkatapos ay ganoon pa ang isasagot nito sa kanya. Ramdam niya ang pag-iinit ng buong mukha niya ngayon at alam niyang namumula na siya dahil sa hiya.

“I don’t do relationships, babe. But I do sex. A lot.”

I do sex. A lot, nagri-ring sa isipan niya ang sinabi nitong iyon. How would it feel like to have sex with him?

I bet he’s great in bed, anang pilyang isipan niya. Minura niya ang kanyang sarili at pilit na inalis sa isipan ang ideyang iyon. Mas nag-init ang buong mukha niya ngayon.

She must really stop reading erotic novels.

“So, tapos na tayo? Nasaan ang susi?” untag nito sa kanya. Kaunti na lang ay pwede nang magprito ng itlog sa mukha niya dahil sa init niyon ngayon.

“Ahm...” alanganing tumingin siya sa kanyang dibdib. Shit, K! Bakit kasi d’yan mo pa nilagay? Gamit ang isa niyang kamay ay mabilis niyang kinuha sa gitna ng dibdib niya ang susi. Ramdam niya ang tingin ni Darcangelo sa kanya lalo na sa kanyang dibdib.

Pagkuwa’y narinig niya itong umungol. Just when she’s about to unlock their cuffs, she saw the big tent in his sweat pants and all she could do was gape at him.

“Hurry so I could take care of this,” he snarled at her.

“Okay, okay. Sorry,” natatarantang sabi niya rito pagkuwa’y sinusian niya ang handcuffs nila para makagalaw na sila pareho ng malaya.

“The next time you do that, you’ll end up in my bed so you better think right,” ani Darcangelo bago ito tuluyang lumayo sa kanya.

Can we do it now? anang pilyang bahagi ng isipan niya.

Shit!

DEAR DIARY,

Darc finally opened up to me. After days of asking and asking and asking, he finally trusted me. (deep sigh) People could really be cruel. Darc didn’t deserve to be abused and neglected. Hiniling ko na sana nando’n ako ng mga panahong kailangan niya ng tulong at kailangan niya ng taong mag-aalaga sa kanya. He deserved to be loved. I wish I could ease out his pain. I wish he would let me take care of him, love him.

Darn, yes. I think I’m falling for him. Naloloka na yata ako. Alam ko na ngang masama siyang tao pero sumisige pa rin ako sa kanya. Crazy, right? I couldn’t believe myself either. But I really want to take care of him and love him. He deserves that. Hindi ko ito sinasabi dahil ‘kailangan’ niya ang mga ‘yon. It’s because I ‘want’ to and I feel like it.

I just wish I’d be enough for him.

Yours,

Kareene

“KAREENE MONZALES! BAKIT ngayon ka lang tumawag? Hindi mo ba naisip na mag-aalala ako sa’yo? Nasaang lupalop ka ng mundo? Susunduin kita d’yan. Wala akong tiwala sa sinasabi ng River Eduque na ‘to. Baka kung ano na ang ginagawa nila sa’yo d’yan. Baka patayin ka nila dahil binayaran sila ni Congressman Go. Oh my god! Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon! Sabihin mo sa’kin kung nasaan ka!”

Habang nagsasalita sa kabilang linya si Sam ay walang ginawa si Kareene kundi iikot ang kanyang mga mata sa pagka-exagge ng kanyang kaibigan. Pagkatapos nitong magsalita ay napangisi siya. Oh, well. She’s not Sam if she won’t be like that anyway.

“Kalma ka lang, Sam. Okay lang ako. Maniwala ka kay River—wait. Nasa Manila ka?” tanong niya rito. Gamit niya ang cell phone ni Darcangelo na may maliit na usb device na sabi nito’y gamit para i-tamper ang mga tracking device na maaaring makapagturo kung nasaan sila.

“Oo. Hindi ako mapakali sa Marinduque ‘no. No’ng tinawagan ako ni River, lumuwas agad ako. Kailangan kong malaman ang lahat tungkol sa kaso mo. But so far, wala pang pruweba laban kay Congressman Go na siya ang nag-utos na magpapatay sa’yo. Nag-iimbestiga pa si River. Kahapon nga ay may dinala sila sa NBI na isang lalaki na kakastiguhin daw nila. I wanted to beat the shit out of the man for him to speak. Pero hindi pa siya nagsasalita ngayon. Okay ka lang talaga? Sino’ng kasama mo? Ayaw sabihin sa’kin ni River eh. But I saw the crime pictures and it’s really bloody. Kung kaya niyang pumatay ng masasamang tao ng gano’n, then I think you’re safe with him. Ang ikinakatakot ko lang ay baka bayaran siya ni Congressman Go para patayin ka d’yan.”

“Safe ako, Sam. ‘Wag ka nang masyadong mag-alala. I assure you na wala siyang koneksyon kay Congressman Go. Pero hindi ko pwedeng sabihin sa’yo kung nasaan ako ngayon. Mag-ingat ka rin d’yan ha. Stay close to River. Baka bumaling sa’yo ang init ng ulo ni Congressman Go. Bakit kasi lumuwas ka pa? Alam mo namang magulo pa ngayon,” aniya rito.

“Nahihilo sila sa’kin sa bahay kaya lumuwas na ako. At least dito, ako agad ang unang makakaalam ng update sa kaso mo. Aayusin namin ni River ang kaso mo as soon as possible para makabalik ka na dito,” ani Sam sa kanya. Nasa hyper mode pa rin ito.

“Okay. Thank you, Sam. I’m sorry dahil ngayon lang ako nakatawag sa’yo. Pinapatay kasi sa’kin ni Darc ‘yong phone ko eh. Para hindi daw kami ma-track dito,” paliwanag niya rito.

And speaking of Darcangelo, naroon na naman ito sa labas at nagdi-drill. Nakikita niya ito mula sa may bintana na nakaharap sa likod-bahay nila. Pero kutsilyo naman ang pinagpapraktisan nito ngayon. He was every inch an alpha male. He was every inch a dangerous man. Pero hindi iyon ang mga bagay na pipigil sa kanya para magawa niya ang misyon niya. She loves danger anyway.

“Darc?” ani Sam sa kabilang linya.

“Siya ‘yong nagligtas sa’kin at kasama ko dito,” simpleng sabi niya rito. Hindi niya maaaring sabihin kahit kanino ang tungkol kay Darcangelo—maliban kay River dahil kilala na nito ang huli.

“Okay. So, ano naman ang ginagawa n’yo d’yan?” tanong nito sa kanya.

Teasing each other that is really pure torture. “Talking. Listen, I need to ask for an advice,” aniya rito.

“Okay. Ano ‘yon? Parang kinakabahan ako d’yan sa tono ng boses mo ah.”

“How could you make a man feel loved?” tanong niya rito.

“Oh my god! You’re in love with that Darc guy! Is he hot?” excited na tanong ni Sam.

“Sagutin mo na lang ang tanong ko!”

“Kailangan mo akong kwentuhan pagbalik mo! Okay. How to make a man feel loved? That’s easy. Have sex with him,” ani Sambee pagkuwa’y tumawa ito ng malakas.

“Sam,” nagbabantang sabi niya rito.

“Joke lang. Pero effective ‘yon ha. Anyways, take care of him. Show him tenderness and affection. Let him feel that you love him. Sa’yo naman kasi magsisimula kung paano mo siya mamahalin at kung hanggang saan ang kaya mong ibigay. It’s kind of automatic that when you love a person, it would only be natural for you to show your love for him,” paliwanag ni Sam.

Okay. That was easy. But how much do I love Darc?

“NAHANAP KO NA, DARC!” sigaw ni Kareene kay Darcangelo habang kumakatok sa pintuan ng kwarto nito.

Nang may makapa siyang kakaibang bagay sa back cover ng journal ng tatay niya—na noon lang niya nabigyan ng pansin dahil noon lang siya nakarating sa huling parte ng diary—ay agad niyang inalam kung ano iyon. It was the chip—na mukhang sim card lang o micro SD—na hinahanap ni Darcangelo.

“Ano ‘yon?” bungad nito sa kanya.

Ipinakita niya rito ang maliit na kulay itim na card or chip. “Nakita ko sa journal,” aniya rito. Kinuha nito iyon sa kanya at muling pumasok sa kwarto nito. Inilabas nito ang laptop nito mula sa “magical backpack” nito at pati isang card reader at mga kable ng wire. Binuksan ni Darcangelo ang laptop nito pagkuwa’y ipinasok nito sa reader ang chip habang magkatabi silang nakaupo sa kama nito.

Nang bumukas na ang laptop ay agad nitong binuksan ang laman ng chip at nanlaki ang mga mata niya dahil ang picture ng isang kilalang tao sa buong mundo bumungad sa kanila. Katabi ng mga “clients” ang litrato ng mga taong “target” at sunod naman sa mga litrato niyon ang mga litrato ng mga “Rogue”. Kapag pinindot mo ang isang pangalan ay lumalabas doon ang lahat ng impormasyon ng isang tao iyon—clients, targets o Rogues man. At sa gulat niya’y may ilan pang kilalang tao sa buong mundo na kasama sa listahan. Worldwide kasi ang operasyon ng Rogue.

“Wala ako dito. Pati sina Cross at Tanya,” ani Darcangelo habang nag-i-scroll sa buong file. Maging sa organizational chart ng Rogue ay wala rin doon ang sinasabi nitong Tanya at Cross maging ang litrato ng tatay niya.

“Ayaw mo ‘yon? Ligtas ka na. Makakapamuhay ka na ng maayos ngayon. You’re free,” aniya rito.

“No. I still have to know about the inactive Rogues. At kailangan kong hanapin si Cross at si Tanya,” seryosong sabi nito sa kanya. He looked like he was in the element of being a Rogue now.

“Okay. But take it easy, okay?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.