DEAR DIARY,
When I finally fell, I instantly felt my heart shatter on the ground. Walang sumambot, ‘kaasar! Wala akong ginawa kagabi kundi umiiyak. I know I was so stupid to cry over that pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. I’m a crybaby after all. Sa trabaho ko lang at kay Darc lang ako nagpapakatatag at nagpapakatapang. Pero lahat talaga ng bagay may downside. It felt like the biggest rejection in my whole life. Why can’t we be together?
I was trying to analyze everything last night. Pangit ba ako? Hindi ba niya nagustuhan ‘yong nangyari sa’min? Am I not good enough for him? Ayaw ba niya sa’kin dahil makulit ako at matigas ang ulo? Kasi kung ‘no’ ang lahat ng sagot sa mga tanong na ‘yan, may paraan naman para maging kami eh. I can change for him. Pero may isang parte sa sarili ko na nagsasabing magpapakatanga ako dahil iyong taong magiging rason ng pagbabago ko ay ayaw man lang magbago para sa sarili niya. What would be the point then? None.
Nakakainis ka, Darcangelo! Gusto kitang kalbuhin! Gusto kitang barilin! Gusto kitang lunurin sa dagat! Gusto kitang ibaon ng buhay! You’re a good fighter. Why can’t you fight for me? I hate you!
How could one beautiful moment end up the worst one? We were having fun one moment and we were scowling at each other the next. We were both happy one moment and sad the next. Sinusubukan ko namang intindihin siya, pero ako nga lang pala ang ‘sumusubok’. Palagi niyang sinasabi na hindi pwedeng maging kami, eh hindi pa nga namin sinusubukan. Hindi pa niya sinusubukan.
How could one strong and dangerous guy be afraid of a chance? How could a guy like him be afraid to even try? ‘If there’s a will, there’s a way’, sabi nga nila ‘di ba? At naniniwala ako sa kasabihang iyon. Naniniwala ako na may pag-asa pang magbago si Darc. Naniniwala ako na may ibang buhay pa para sa kanya katulad nang paniniwala ko na may nararamdaman din siya para sa’kin.
Yes. I can feel it. At hindi lang ako nagfi-feeling ha. Alam ko at ramdam kong pinipigilan lang niya ang sarili niya na mahulog ang loob sa’kin. At iyon ang mas masakit sa lahat. We can love each other but we can never be together. Saklap ‘di ba?
(Deep sigh) Bakit mo kasi agad sinabihan ng ‘I love you’, K? Dapat in-enjoy mo muna ang moment. Nasira tuloy. Haaaay. Pati sarili ko sinisisi ko na. This is one of the things I can’t understand then. Kahit na anong sabi ng isipan ko na layuan at matakot kay Darc, hindi ko pa rin magawa dahil tina-traidor ako ng puso’t isipan ko. Mas matindi ang nararamdaman ko na pagkagusto kay Darc. Mas matindi ang pag-aasam ko na matulungan at mapabuti siya. Nakikisimpatya ako sa nangyari sa buhay niya pero hindi ako naaawa sa kanya. Instead of pity, I care for him. I just hope he could care about himself too.
And no, I won’t stop from here. Nangako ako sa tatay ko na gagawin ko ang lahat magbago lang sina Darc at Cross. Hindi ako titigil dahil lang doon.
Yours,
Kareene
Pagkatapos magsulat ni Kareene sa diary ay tinungo niya ang pintuan ng kwarto niya habang dinadama ang mga mata niya dahil maga pa iyon sa pag-iyak niya nang nagdaang gabi. As much as she wanted to still sleep, nagugutom na siya. Pagbukas niya ng kanyang pintuan ay nakita niya si Darcangelo sa aktong kakatok na roon.
Napangiti siya sa kanyang sarili. Hindi talaga siya nito matiis. See? He cared for her.
“Be ready in an hour. Ibabalik na kita sa Maynila,” seryosong sabi nito sa kanya.
Shattered dreams! hiyaw ng isipan niya.
“Ano? Bakit?” maang na tanong niya rito.
“Safe ka nang bumalik. Tapos na ang kaso mo. Guilty sila. Wala nang magtatangka sa buhay mo ngayon,” anito sa kanya.
“Of course,” aniya rito. Pagkuwa’y may inabot ito sa kanya. The irritating rubber mask. “Hindi ko na kailangang isuot ‘yan. Safe na ako, remember?” aniya pagkatapos ay isinara niya ang pintuan dito.
Take that, you twerp!
Pilit niyang pinigilan ang pagtulo ng mga luha niya pero hindi niya nagawa. Kanina pa kasi siya naiiyak. Their love story—or what she supposedly called “their love story”—started and ends there.
GUSTONG SAKTAN NI DARCANGELO ang kanyang sarili. Mula kaninang tinungo niya ang kwarto ni Kareene hanggang ngayong nakabalik na sila sa Maynila ay hindi pa rin sila nakakapag-usap. Nakasakay sila sa kotseng in-arrange ni Shaun para rentahan nila patungo sa apartment ni Kareene kung saan naghihintay sina River at Sam. Ang dalawa ang nag-ayos ng kaso ni Kareene laban kay Congressman Go at nagpapasalamat siya sa mga ito.
He knew what she’s sulking for but he just couldn’t give in to her. They cannot be together. She was heaven and he was hell. She was white and he was black. She’s light and he’s dark. Giving in would meant her safety and he didn’t want to risk anything. He didn’t want to risk her life. He was an assassin on a death run. Ayaw niya itong mapahamak. Heck, he shouldn’t have given in to his desire. Pero nangyari na ang nangyari.
Dapat nag-stick ka na lang sa paniniwala mo, Darc. Dapat hindi mo na lang hinayaang mangyari ang mga nangyari.
Hindi naman niya ito sinisisi at hindi niya pinagsisihan ang nangyari sa kanilang dalawa. Ang tanging pinagsisihan niya lang ay iyong mga nasabi niya rito na hindi nito nagustuhan. Pero kung hindi niya iyon ginawa ay aasa pa ito at ayaw niyang umasa pa ito na maaaring may bukas para sa kanilang dalawa dahil pareho lang nilang lolokohin ang mga sarili nila.
Hindi lang sex ang namagitan sa kanilang dalawa. It was the first time that he had ‘made love’ to a woman and he was happy that he did it with Kareene. It tasted like heaven. Iyon ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. He’s willing to trade his life for another dose of it. Heck, he’s willing to trade his life to love Kareene. But not her. He’s not willing to risk her safety. If being in the dark meant she’ll live, he would. If staying away meant her safety, he would. If killing meant her life, he would. He’d do anything for her. He’ll risk his life for her. But he just couldn’t take what she’s giving him.
If they ever get together would meant the end of both of them. May ibang Rogue pa rin siyang hindi napapatay. Kapag nalaman ng mga ito kung ano ang koneksyon niya dito, tiyak na papatayin ng mga ito si Kareene. At hindi niya hahayaang mangyari iyon.
“Kareene, I’m sorry,” hindi na niya napigilang sabihin dito. Hindi siya sanay na humingi ng tawad. Hindi niya iyon ginagawa, actually, kay Kareene lang. Ngunit hindi pa rin ito nagsasalita.
Nagmumukha siyang driver nito dahil sa back seat ito nakasakay. Baka nga magka-stiff neck na ito dahil sa iisang direksyon lang ito nakatingin ngayon.
“Pwede bang kausapin mo naman ako?” aniya rito. Hindi siya marunong makiusap at magmakaawa, kay Kareene lang. Ngunit wala pa rin siyang nakuhang sagot mula dito. “Hindi ka ligtas sa’kin, Kareene,” pagkuwa’y sabi niya rito.
Pero naramdaman niya kay Kareene ang sinasabi noon ni Professor—the power of ‘the one’. Madalas sabihin ni Professor noon sa kanilang tatlo nina Cross at Tanya na kapag nakilala na nila ang ‘the one’ nila ay hinding-hindi nila magagawang hindian ang mga ito. That’s the power of ‘the one’—you simply can’t resist them because once you meet them, they will instantly hold your heart. Kareene is his ‘the one’. Kaya hindi niya kahit na ayaw niyang gawin ay ginagawa pa rin niya. Kaya kahit na anong pigil niya sa kanyang sariling lumapit dito ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili niya.
“Wow. Heto ako ngayon, buhay pagkatapos ng isang linggong pagsama sa’yo. We also had sex and here I am, not dead yet. Yeah. You’ll kill me. Kudos to you!” sarkastikong sagot nito sa kanya.
“Kareene,” sambit niya sa pangalan nito pagkuwa’y itinigil niya ang sasakyan sa gilid ng kalsada malapit sa apartment nito. Pero hindi naman iyon iyong pwesto kung saan nakipagbarilan siya sa mga tauhan ni Congressman Go isang linggo na ang nakararaan. Umibis siya ng kotse at tumabi dito sa likod.
“Hindi mo naiintindihan,” aniya rito.
“Hindi talaga kita maintindihan. Isang tanong, isang sagot, Darc. Gusto mo ba ako o hindi?” tanong nito sa kanya na may diin sa bawat salitang binibitiwan.
“Gusto kita, okay? Pero—“
“Do you care for me?”
“Yes. But—“
“Do you love me?”
“Pwede bang patapusin mo muna ako sa pagsasalita?” aniya rito.
“Ayokong marinig ang mga ‘buts’ mo. I don’t care about them,” parang batang sabi nito sa kanya pagkuwa’y humalukipkip itong humarap sa kanya sabay taas ng isang kilay. “Do you love me or not?”
“I’m getting there. But—“
“Then, no buts. Tayo na. Signed,” anitong lumapit sa kanya pagkuwa’y nilagyan nito ng imaginary ‘X’ ang tapat ng puso niya gamit ang hinlalaki nito. “And sealed,” anito pagkuwa’y binigyan siya ng isang magaang halik sa mga labi. Her lips were really the softest and sweetest.
Oh, God. Thank You for doing all of this. Thank You dahil nakaramdam ako ng saya at pagmamahal kahit papaano. Gusto ko po ang mga nangyayari pero kailangan kong gawin ang tama at dapat.
“Kareene, no,” matigas na sabi niya rito kahit na nahihirapan ang loob niya. Hindi niya dapat paasahin pa si Kareene.
“Nand’yan ka na naman sa kaka-‘no’ mo. I hate it,” nakasimangot na sabi nito sa kanya. How can she still be adorable in situations like this?
“You should really hate me. I—“
“You killed people and you’re not going to do it again. You saved people and that’s what you’re going to do for the rest of your life. Oh, and loving me too, of course,” ani Kareene.
“Kareene, I’m on a death run. There were still a few Rogues out there hunting me down. Papatayin nila ako oras na makita nila ako. Kaya hindi tayo pwede. I can’t let them kill you. You’re safer without me,” paliwanag niya rito na hiniling niya’y sana’y maintindihan na nito.
“Bakit ka nila hinahabol? Bakit ka nila gustong patayin?” tanong nito.
“It’s because of the fucking Black Chip!” aniya rito. Ibinalik niya rito noon ang chip.
“Iyon lang ba ang dahilan kung bakit ka nila hina-hunting? Ibigay na lang natin ‘yon sa kanila para tantanan ka na nila,” anito sa kanya.
Pero umiling siya rito. “Hindi pwedeng mapapunta sa kamay nila ang chip na ‘yon. Kaya siguro inilagay ng daddy mo ‘yon sa diary niya ay dahil gusto niyang ikaw ang magbigay no’n sa mga awtoridad. Para matapos na ang Rogue. You want to change me but you don’t want to change the world? Even if I’d stop working for Rogue, there will still be others like me out there. Hindi lang ako nag-iisa na ganito sa mundo, Kareene. So, if you want to help me, if you want to change me, give the chip to River. Coordinate with other countries and states to hunt down those assassins.”
“Paano ka?”
“I’ll live,” sabi naman niya rito. Wala pa siyang solidong plano sa buhay niya pagkatapos niyon. Pero babantayan pa rin niya si Kareene sa malayo. Ngayong maayos na ang lagay nito ay kailangan naman niyang hanapin si Cross. Kailangan niyang ipaliwanag dito kung anong nangyari kay Professor.
“No, Darc. We’ll work this out together. Hindi ka naman kasama do’n sa chip eh. Try this with me. Please?” anito. Hindi siya makapaniwala sa mga sinabi nito. Ano ba talaga ang mayroong utak ang babaeng ito? “I don’t normally do this so treat yourself lucky,” dugtong pa nito.
Hindi na niya alam kung mabuti ba ito o hindi.
Ah, heck! This is crazy. “Fine. Let’s try,” aniya rito. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili. He reached for her and kissed the top of her head. When she smiled, he felt like he had a taste of heaven. Again.
“Let’s go home,” anito sa kanya. Tinanguan niya ito bago siya umibis ng sasakyan at bumalik sa driver’s seat. Napailing siya ng bumaba din ito ng sasakyan at tumabi sa kanya sa unahan. Pagkuwa’y pinaandar na niya ang kotse patungo sa bahay nito.
Nadatnan nila doon ang isang owner type jeep na mukhang cheaper and smaller version ng isang Hummer. Mukhang pinagawa mismo iyon ng may-ari para maging kakaiba. He actually liked it because of it’s hard texture and look.
“Nandito nga sina River. Baka nasa loob sila. May susi kasi nito si Sam eh,” ani Kareene sa kanya.
Sabay sila nitong umibis ng sasakyan at pumasok sa loob ng apartment nito. Pagpasok pa lang nila roo’y pakiramdam niya’y nagulo na ang mundo niya dahil sa pagiging “exaggerated” ni Sambee. Nakita niya si River at tinanguan siya nito. Gusto na sana niya itong kausapin tungkol sa kabuuan ng nangyari sa kaso pero hindi siya makapag-concentrate dito dahil sa ingay ni Sam.
“Oh my god! Alalang-alala ako sa’yo, K, alam mo ‘yon? Mukha kang haggard. Ano’ng nangyari sa’yo? Sinaktan ka ba nila? May masakit ba sa’yo? Kumain ka na ba? Oh my god! Kausapin mo ako!” dire-diretsong sabi ni Sam kay Kareene. Naalala niya tuloy noong unang dating nila sa isla sa Palawan. Ganoon din ang naging reaksyon ni Kareene noon. Magkaibigan talaga ang dalawa.
“Kung hahayaan mo siyang magsalita at kung hindi ka puputak kahit isang segundo lang, kakausapin ka niya,” sarkastikong sabi dito ni River.
Tiningnan ng masama ni Sam si River pagkuwa’y hinila nito si Kareene patungo sa kwarto ng huli. Nagpapaumanhing ngumiti naman sa kanila ni River si Kareene.
“Mga babae nga naman,” naiiling na sabi naman ni River. Mukhang hindi magkasundo ang mga ito.
“Sinabi mo pa,” aniya rito.
“Salamat nga pala sa pag-aalaga at pagliligtas kay Kareene,” ani River sa kanya.
“It’s my obligation,” and want and need to take care of her.
“Ano’ng nangyari sa Palawan?” kunot-noong tanong ni River sa kanya sa tonong parang may ipinahihiwatig at alam niya kung ano ang ibig nitong sabihin.
“She was stubborn,” aniya rito.
“At sinamantala mo naman. Damn you! Hindi ka bagay sa kanya! Hell, she’s not safe with you!” galit na sigaw sa kanya ni River. Nakakuyom ang dalawang kamao nito sa tagiliran at halatang gusto na siya nitong atakihin. Nagtataka nga siya kung bakit hindi pa nito ginagawa.
“Tama ka pero ligtas siya. At kung anuman ang mayroon kami, wala ka nang pakialam do’n,” seryosong sabi niya rito.
“Ipapahamak mo lang siya lalo. Sana pala hindi na ako nagtiwala sa’yo,” ani River.
He smirked at him. “Hindi ko naman sinabi sa’yong pagkatiwalaan ako.”
“Right. Kaya simula ngayon, lumayo ka na sa kanya,” mariing sabi nito sa kanya.
“Sino ka para sabihan ako ng ganyan?” malamig na sabi niya rito. Kung tsismoso lang siyang tao, iisipin niyang may gusto si River kay Kareene.
“Kaibigan niya ako at nag-aalala ako para sa kanya,” anito.
“Well, I’m a level higher than you. Boyfriend na niya ako ngayon. Kaya ‘wag kang mag-alala, mas aalagaan ko siya ngayon. Hindi ko hahayaang may mangyaring masama sa kanya. I promise,” pangako niya rito.
And he didn’t break promises. Katulad ng pangako niyang ‘try’ kay Kareene.