PAGKATAPOS GUMAWA NG REPORT ni Kareene tungkol sa isang bank robbery kaninang hapon ay tumungo siya sa Fluffy Cakes para dalawin si Darcangelo at tingnan kung ano ang ginagawa nito. Besides, gusto niyang makatikim ng libre. Ayon kasi dito’y libre daw siyang kumain doon anumang oras dahil sa ibinigay na pribelehiyo sa kanya ni Shaun. Idagdag pa na si Darcangelo ang country manager ng Fluffy Cakes.
Bilang country manager ay ito ang may responsibilidad sa lahat ng operasyon ng dalawang branch ng negosyo sa Maynila. Dati kasi ay nagpapabalik-balik daw si Shaun sa Maynila—maliban sa secret service nito na may kinalaman sa kanya—para i-check ang operasyon ng Fluffy Cakes. Nang humingi ng tulong dito si Darcangelo ay naisip nitong ito na lang ang gumawa ng trabaho nito roon.
Kaya kay Darcangelo na daw magre-report ang manager at supervisors ng dalawang branch at ito naman ang magre-report kay Shaun. Nakakatawa lang ang kinalabasan ng mga pangyayari kasi mag-boss sina Darcangelo at Shaun sa magkaibang bagay. Parang ang weird lang pakinggan. Pero natutuwa siya kay Darcangelo dahil sa mga pagbabago nito. He really is trying to be normal. For her.
“Good evening, Ma’am,” nakangiting bati ng isang lalaki sa kanya pagpasok niya sa Fluffy Cakes.
“Hello,” bati naman niya rito.
“Ikaw lang po ba, Ma’am?” tanong sa kanya ni ‘Edu’—nakita niya sa nameplate nito ang pangalan nito.
“Actually, I’m here for your boss,” nakangiting sabi niya rito.
“Kay Ma’am Angel po?”
“Hindi. Kay Darcangelo.”
“Ah, si Sir Darc po. Magkausap po sila ni Ma’am Angel ngayon. Dito po,” anito sa kanya saka siya iginiya patungo sa pinakadulong bahagi ng lugar kung saan niya nakita si Darcangelo na may kausap na unipormadong babae na nakatalikod sa kanya.
“Actually, kukuha na lang ako ng table. Mukhang busy pa sila. Sabihan mo na lang si Darc mamaya pagtapos nila,” aniya kay Edu.
“O, sige po, Ma’am...?”
“Kareene,” nakangiting sabi niya rito. Naglakad siya patungo sa hindi okupadong mesa sa may bintana at humingi ng menu card kay Edu.
Sa mga sumunod na sandali ay inabala niya ang sarili sa pagpili ng mga o-order-in niya. Siyempre, gagawa rin siya ng sarili niyang pancakes mamaya. Matapos niyang mamili ng mga o-order-in niya ay tatawagin na sana niyang muli si Edu nang sa pag-angat ng kanyang mukha ay nabungaran niya si Darcangelo.
“Hello, Sir! I’d like to order—“
“Bakit hindi mo sinabing pupunta ka dito?” tanong nito sa kanya pagkuwa’y tinawag si Edu.
“Gusto kitang i-surprise.”
“Nag-commute ka lang?”
“Yep. Pero galing lang naman ako sa bahay. Katatapos ko lang sa isang article at gusto kong mag-unwind dito,” aniya rito.
“You really should get your car from now on,” anito sa kanya pagkuwa’y binalingan ang kadarating lang na si Edu. “Edu, this is Kareene. Everything she’ll order would be in my account.”
“Akala ko ba libre ako ni Shaun?” aniya rito.
“Gano’n na rin ‘yon,” sabi naman ni Darcangelo.
“Okay. Then, I’ll abuse your credit,” nakangising sabi niya rito pagkuwa’y sinabi kay Edu ang mga order niya. Sinabi na rin niya rito ang preferred batters at toppings na gagamitin niya mamaya sa paggawa ng sarili niyang pancake.
“Tungkol saan ‘yong bagong article mo?”
“Bank robbery sa may Quezon City. Mababasa mo ‘yon bukas sa Daily. Ipinasa ko na rin ‘yon kanina eh. It’s an urgent assignment,” paliwanag niya rito. Usual robbery case lang kasi iyon ng isang notorious bank robbers na sa wakas ay nahuli na ng mga pulis kanina. Hindi naman iyon umabot sa tipong may h-in-ostage pa ang mga magnanakaw pero nagkapalitan ng putok ng baril ang mga ito at ang mga pulis. Wala namang namatay sa insidenteng iyon.
“At nando’n ka habang nagnanakaw sila? Habang nagpapalitan ng putok ang mga magnanakaw at ang mga pulis?” tanong nito sa kanya.
“Late na nga akong dumating kaya hindi ko nakita ang buong kaganapan. Pero wala namang namatay sa insidente,” paliwanag niya rito.
“Hindi ka na nadala sa kaso mo—“
“Darc, I’m a journalist. Normal lang ang mga gano’ng pangyayari sa linya ng trabaho namin. And hey, I’m safe. That’s what matters most,” aniya rito.
“Safe ka ngayon. Pero paano sa susunod mong assignment? Can you just mellow down a bit? Pwede ka naman sigurong magsulat ng mas light na balita, ‘di ba? Nagiging normal na tao na ako, K. I won’t be there for you twenty-four-seven now. Hindi katulad no’ng ginawa kong pagbabantay sa’yo dati. Paano kung may mangyari sa’yo?” seryosong sabi sa kanya ni Darcangelo.
“’Wag kang masyadong mag-alala. Hindi naman exposés ang ginagawa ko ngayon kaya walang kilalang tao na magagalit sa’kin. Bank robbery is actually a light news in my line of work dahil nakikipag-coordinate lang kami sa mga pulis at sa imbestigasyon nila. Unlike the last exposé I did,” aniya rito.
“I think we need to buy a gun for you,” pagkuwa’y sabi nito.
“Fine with me. Tinuruan mo naman na ako kung paano gumamit ng baril eh,” sang-ayon niya rito. Ang mga senior writer sa kanila ay may-ari ng mga baril at ganoon din si Sir Ranz. Siguro nga ay kailangan na niyang magkaroon ng isa. Dahil katulad ng nangyari dati, hindi uubra ang self-defense niya sa isang baril.
Nang dumating ang order niya ay kumain agad siya samantalang nagsimula namang gumawa si Darcangelo ng sarili nitong pancake. Gumawa ito ng isang usual round-shaped pancake at nilagyan iyon ng mustache gamit ang nutella at whipped cream naman ang ginawa nitong mata. Pagkatapos niyang kumain ay nagsimula rin siyang gumawa ng sarili niyang pancake.
Dahil naka-easy-squeeze bottles ang pancake batters ay maaari siyang gumawa ng mga pangalan sa non-stick squared pan na nasa gitna ng mesa. Pero dahil hindi sapat ang buttermilk batter na paborito niya ay nakapos siya sa letra kaya naging “Darc” at “Kare” lang ang nagawa niya. Ang chocolate batter na lang ang pinanggawa niya ng heart-shaped pancake. Kaya nakabuo siya ng pancakes na nagsasabing “Kare hearts Darc”.
“Ha! Beat that,” nagmamayabang na sabi niya kay Darc.
“Okay,” nakangiting sabi nito pagkuwa’y pinagbaligtad nito ang mga pangalan nilang dalawa kaya naging “Darc hearts Kare” na ngayon ang ginawa niya.
“Hindi ka na ‘heartless’?” aniya rito.
“I was until you came along. Fuck! This is so cheesy,” tila nandidiring sabi nito na ikinatawa niya.
Oh, well. Some of his traits will still stay. Pero nagagalak talaga siya dahil iyong isipin pa lang na pinipilit nitong magbago ay malaking effort na para sa kanya.
Ipinaparamdam talaga nito sa kanya na mahalaga siya at mahal siya nito—kahit hindi nito sabihin.
Nang mag-out si Darcangelo sa Fluffy Cakes ay nagtungo naman sila sa bahay nina Shaun kung saan ito tumutuloy. Gusto kasi niyang makita ang bahay na iyon.
Namangha pa siya dahil remote controlled ang gate ng bahay. Excited na siyang mag-tour sa bahay dahil maganda at malaki iyong tingnan sa labas. Ngunit pababa na sila nang bigla na lang umulan.
“May dala kang payong?” tanong sa kanya ni Darcangelo.
“Wala. Pero sabi nga nila, you have to learn how to dance with the rain,” aniya rito na ikinakunot-noo nito. Natawa na lang siya maging sa kanyang sarili. Wala palang sense ang sinabi niya. Pero may ideya naman siyang nakuha doon. “Have you tried dancing under the rain?”
“No. I don’t have someone to dance with,” ani Darcangelo.
“Now you have. Tara,” yaya niya rito. Lalabas na sana siya pero pinigilan siya nito. “First time natin pareho ‘to. It’ll be special,” nakangiting sabi niya rito.
“Magkakasakit ka.”
“So? Magkakasakit tayo together. It will be romantic,” nakangising sabi niya rito.
“You’re really stubborn.”
“At minahal mo ako dahil do’n,” sabi naman niya rito.
Nauna siyang bumaba sa kotse at itinaas niya ang kanyang mga kamay para damhin ang mga patak ng ulan saka siya pumikit. Hindi naman kasi masyadong malakas ang ulan. Pagkuwa’y naramdaman niya ang paglapit sa kanya ni Darcangelo. Nang magmulat siya ng mata ay inilahad nito ang isang kamay sa kanya saka nag-bow. He acted like a Prince Charming. Nakangiting ipinatong niya ang isang kamay niya rito at hinapit naman siya nito palapit sa katawan nito.
The rain’s coldness was nothing to his body’s warmth. Humilig siya sa dibdib nito. Ipinatong niya ang isang kamay niya sa balikat nito samantalang ang isang kamay naman nito’y pumulupot sa baywang niya. He then, started to sway leading her. Naramdaman niyang ipinatong nito ang panga sa tuktok ng ulo niya.
“Spin the bottle and now this. You really have a way to make me do silly stupid things,” pagkuwa’y sabi nito sa kanya habang sumasayaw sila.
“This isn’t silly and stupid,” sabi naman niya rito.
“Sumasayaw tayo pero wala namang tugtog,” anito pero tuloy pa rin naman ang indak nito kaya natawa na lang siya.
“We’re dancing to the rhythm of your heart beat and mine,” aniya rito pagkuwa’y napangisi siya dahil alam niyang mako-kornihan na naman ito.
“Oh, man, this is cheesy!” bulalas nitong mas ikinatawa niya. Binitiwan niya ang kamay nito at yumakap siya sa leeg nito. Ito naman ay niyakap siya sa baywang. “But I won’t ever regret this. Having you this close to me, loving you,” masuyong sabi nito sa kanya.
“Iyan ang pinakamaganda mong sinabi sa’kin. Thank you,” nakangiting sabi niya rito.
“No. Thank you, K,” anito pagkuwa’y bumaba ang mukha nito at hinalikan ang kanyang mga labi. Hinawakan niya ito sa batok at tumugon sa halik na ibinibigay nito sa kanya.
His tongue lashed inside like a knight’s sword fighting an enemy, but it was gentler. It was dark as his strong personality yet sweet as if saying he has a part like that too. Sa una ay banayad at magaan lamang ang mga halik ni Darcangelo pero nang tumagal ay naging marubdob at mahanapin na ang mga labi nito. His tongue worked its wonders as it thrust deep through her mouth igniting an aching desire inside her. Ah, his kisses were addictive.
Hindi ito nag-aksaya pa ng oras. Binuhat siya nito patungo sa may bahay at agad nitong binuksan ang pintuan niyon saka sila dire-diretso pumasok sa isang kwarto doon habang nitong hinalikan pa rin siya nito. Bahagya pa siyang natawa nang maramdaman niyang muntikan na silang matumba dahil nabangga nila ang kung anong bagay sa loob nang magkahinang ang mga labi nila. Pero tila walang pakialam doon si Darcangelo dahil abala ito sa pagdama at paghalik sa kanya.
Hinubad niya ang suot nitong basang polo at ganoon din naman ang ginawa nito sa damit niya nang sandaling maghiwalay ang kanilang mga labi. Pagkuwa’y ipinulupot nito ang dalawang paa niya sa baywang nito at hinalikan na naman siya nito na para bang wala nang bukas. The next seconds were full of tongue-duelling kisses and burning hot-touchings. She felt her world hot and numb. Numb from all other solid things except for Darcangelo’s body. Nakaramdam lang siya ng ibang solidong bagay nang lumapat ang katawan niya sa kama.
Hindi katulad noong unang beses nila, hindi nito minamadali ang lahat ngayon. He was all loving and tender now. At alam niyang hindi na mangyayari noon pagkatapos nila dahil alam na nila pareho ngayon na mahal nila ang isa’t isa. He touched, glorified and burned every delicate part of her body. His lips trailed down her body. She arched her body to give him more access, moaning for she can’t contain the pleasure inside.
“Please,” anas niya. Hindi niya rin alam kung ano ba ang gusto niya at kung bakit siya nagsalita ng ganoon.
“We’ll do it slowly this time, babe,” sabi naman sa kanya ni Darcangelo.
Hinayaan niya itong gawin ang anumang gusto nito dahil sigurado naman siya na magugustuhan din niya iyon. This is not just sex now. This is called making love.
Her heart raced in anticipation as he nudged her legs apart and she felt his hot gaze all over her body and she knew she was more than ready for him. He grasped her hips and slowly entered her. Pagkuwa’y pinagsiklop nito ang dalawang kamay nila na nakapagparamdam sa kanya ng pag-aalala at pagmamahal nito sa kanya. Naipikit niya ang kanyang mga mata habang dinadama ang mabagal na paggalaw nito sa ibabaw niya.
With their hands and body intertwined as one, they both reached the peak of the moment. And it was the most beautiful thing that happened in her entire life. Much better than the first.
DEAR DIARY,
This day ended up with a heart. (smiles) Nakaka-touch lang ang mga pagbabago ni Darc lalo na kung alam mong nagbabago siya para sa’yo. Ang sweet ‘no? I really appreciate it with all my heart. Nakakatuwa at nakaka-overwhelm din siya. Ramdam na ramdam kong mahalaga ako para sa kanya at mahal niya ako—na hindi na niya pinipigilang maramdaman ngayon. ; )
Isa sa mga bagay na mabuting ginawa ni Darc noon ay ang pagtulong niya kay Shaun—dahil tinutulungan din siya nito ngayon. Parang mag-best friend nga sila eh. And I’m so glad Shaun is always there for him. Parang si Sam lang sa’kin.
Nakakaramdam lang ako ng guilt lately dahil sa mga naging pag-uusap namin ni River at ng boss kong si Sir Ranz. Hindi lang ang mga paniniwala ko ang natsa-challenge kundi maging ang pagtitiwala at pagmamahal ko kay Darc. Nagi-guilty rin ako dahil nakakaramdam ako ng gano’n kay Darc gayong alam ko namang nagbago na siya. Pero pagkatapos ng araw na ito, nawala na ang lahat ng alalahanin ko tungkol sa mga iyon dahil alam kong nagbago na si Darc. Kailangan na lang namin iyong patunayan sa ibang tao—lalo na kay River.
What can I say? A heart that loves is stronger than a mind that thinks...rationally. Sabi nga nila, the most hard-working part of the body is the brain. It works twenty-four-seven, three hundred sixty five days a year. Until you fell in love.
Yours,
Kareene