Maggie’s Diaries Series 2 Chapter 26

NA-TOUCHED SI KAREENE SA ginawang pagsalubong sa kanya ng mga katrabaho niya sa Daily. Nang muli kasi siyang pumasok sa kanilang opisina ay ipinagdiwang nila ang pagbabalik niya. Pinalipas muna nila ang isang araw dahil may mga reporter na gusto siyang ma-interview tungkol sa issue nila ng dating congressman pero pinili niyang manahimik na lamang. Idadaan na lang niya sa sulat ang lahat.

Hindi niya akalaing magpapakain pa si Sir Ranz para muling i-welcome siya. Pero hindi naman na iyon kailangang gawin ng mga ito dahil tama na sa kanya ang pag-aalala at suporta ng mga ito. Kahit si Jade ay nakangiting sumalubong sa kanya.

Pagkuwa’y pinapanood sa kanya ni Sir Ranz ang recorded videos ng mga balita tungkol sa kaso niya at kay Congressman Go. Mabuti na lang at ini-record iyon ng mga ito dahil wala namang signal ng cable villa nila sa Palawan. Hindi na siya nagtaka nang hindi niya makita si River na in-interview sa kahit na anong video dahil isa itong undercover agent at hindi ito maaaring humarap sa camera. Kaya ang boss nito sa NBI ang humaharap sa mga interview at nagpapaliwanag ng updates ng kaso.

Dahil sa ginawa nilang imbestigasyon ni River noon ay napatunayan nang nagkasala si Congressman Go at ang ilang tauhan nitong nahuli dahil sa drug trafficking. Ang tangkang pagpapatay nito sa kanya ay karagdagan lamang sa kaso nito. Napangiti din siya sa naging alibi ng NBI na nasa kustodiya siya ng mga ito. Marahil ay sinabi ni River sa mga ito na isa sa agents ng secret service agency ng mga ito ang nagbabantay sa kanya.

“Hindi naman sa dini-discourage kitang magsulat ng mga exposés o ng malalaking balita pero alam mo na, pagkatapos ng nangyari sa’yo—“

“Sir, dumadaan naman talaga siguro sa gano’n ang halos lahat ng journalist. May ilang na-kidnap pa nga ‘di ba? Kasama na sa trabaho natin ang panganib pero hindi naman ibig sabihin no’n ay titigil na tayo sa paghahatid sa mga tao ng balita, ‘di ba? And no, I won’t stop here. Actually, na-inspire pa ako lalo na magsulat ng exposés para makapagbayad ang mga dapat magbayad sa batas,” paliwanag niya kay Sir Ranz.

Bigla siyang nakaramdam ng guilt feeling sa loob niya. Tila bumalik sa kanya ang lahat ng pinag-usapan nila ni River noon. Paano niya nasasabing gusto niyang pagbayarin ang mga taong dapat na magbayad gayong ayaw niya mismong isuko ang isang taong mas nagkasala pa kaysa kay Congressman Go?

Nagbago na si Darc, Kareene. Alam mo ‘yon, sabi naman niya sa sarili.

“Sabi ko nga. Pero magpalamig ka muna ngayon, okay? Katatapos lang ng kaso mo at ayokong malagay ulit sa peligro ang buhay mo. Anyway, kumusta na nga pala si River? Narinig kong may umatake din sa kanya noon eh. Nai-kwento ba niya sa’yo?” pagkuwa’y tanong ni Sir Ranz.

Nakaramdam siya ng pag-aalala kahit na tapos na ang lahat. Inatake din ng mga tauhan ni Congressman Go si River? Bakit hindi nito iyon binanggit sa kanya? Alam ba iyon ni Darcangelo o ni Sam? And speaking of Sam, madalas pa naman itong kasama ni River. Kasama ba ito ni River noong may umatake dito?

Oh my god! To think na hindi ko man lang sila kinumusta pagbalik ko dito at palaging ako ang inaalala nilang dalawa, nagi-guilty na sabi niya sa sarili.

“Okay lang naman siya. Iyon pa, magaling na agent ‘yon eh,” sabi na lang niya kay Sir Ranz. Pagkuwa’y nagpaalam siya rito at bumalik na siya sa desk niya.

Kinuha niya ang kanyang cell phone at i-t-in-ext sina River at Darcangelo para sabihing pumunta ang mga ito sa apartment niya mamaya. Naroon naman na kasi si Sam kaya hindi na niya ito kailangan pang sabihan. Gusto niyang maghanda ng espesyal na hapunan para sa mga ito bilang pasasalamat sa pag-aalaga sa kanya. At kailangan niya iyong gawin ngayong gabi dahil uuwi na sa Marinduque si Sam bukas ng umaga. Aaga na lang siya ng uwi mamaya para makapagprepara siya.

Pero nang araw na iyon, habang pinipilit niyang mag-concentrate sa kanyang ginagawa ay sumisingit pa rin sa kanyang isipan ang nangyaring pag-uusap sa kanila noon ni River at maging ang naging pag-uusap nila ni Sir Ranz kanina.

Napatunayan mo nang mabuting tao si Darc, Kareene. Kailangan mo na lang iyong patunayan sa buong mundo, anang isang bahagi ng isipan niya. At sumang-ayon siya roon. Iyon nga ang dapat niyang gawin.

Babasahin na sana niya ang nakalipas nilang articles sa kanilang web page nang biglang tumunog ang cell phone niya. Nagkakaroon na siya ng hinala na isa sa mga hindi habit ni Darcangelo ang pagte-text dahil palagi na lang itong tumatawag sa kanya tuwing may sasabihin ito.

“Hey!” bungad niya rito.

“Susunduin kita mamaya,” mabilis na sabi nito pagkuwa’y agad na tinapos ang tawag. Napailing na lang siya dahil doon pero napangiti din siya at ngayon pa lang ay hinihintay na niyang mag-uwian. Kung pwede lang hilahin ang oras para bumilis iyon.

PAGLABAS NI KAREENE SA KANILANG opisina ay nakita niya si Darcangelo na nakasandal sa isang itim na kotse at ipinagtaka niya kung kanino ang kotseng iyon dahil hindi naman iyon ang kotseng ginamit nila noong bumalik sila sa Maynila. Hindi siya mahilig magmaneho ng mga kotse at wala siyang alam sa mga model niyon kaya hindi niya alam kung ano ang model ng kotseng dala nito ngayon. Pero napatunayan niyang black talaga ang paborito nitong kulay dahil doon.

“Sino kaya ‘yong lalaking ‘yon? Ang gwapo. At ang gwapo din ng kotse niya,” ani Camille na kasabay niya paglabas.

“Boyfriend ko,” nakangiting sabi niya sa mga ito. Pagkuwa’y hinila niya ang mga ito palapit kay Darc. “Hot black car,” aniya kay Darcangelo ng makalapit siya rito.

“It’s yours,” anito na ikinalaki ng mga mata niya at ikinasinghap ng mga kasamahan niya. Pero mamaya na lang niya ito kakastiguhin tungkol doon.

“Okay. Darcangelo, mga katrabaho ko,” aniya rito at isa-isang pinakilala sina Camille, Jade, Queencie at Valerie. He shook each ladies hands like a real gentleman that made her smile.

“Kung magkakaroon ako ng ganito ka-gwapong boyfriend kapag muntikan na akong mamatay, okay lang,” eksaheradang sabi ni Queencie. Natawa na lang siya sa sinabi nito.

“Okay, girls. Mauna na kami. May naghihintay kasi sa’min sa bahay eh,” paalam niya sa mga ito.

“’Sus! Gusto mo lang siyang solohin,” biro ni Valerie.

“I have the right, you know,” pabiro ring ganti niya rito. Natawa lang sa kanya ang mga ito at nagpaalam na rin pagkatapos. Pagkuwa’y hinarap niya si Darcangelo at kinastigo. “Magkano ba ang kinikita mo dati? At nireregaluhan mo ako ng kotse?” tanong niya rito.

“Depends on the target and the mission. But ranges from half to a million dollar—“

“Seryoso ka?” hindi makapaniwalang tanong niya rito. Ibig sabihin ay hindi basta ang mga motor na gamit nito.

“Si Professor at si Cross ang gumawa ng kotse na ‘to kaya walang masyadong nagastos. It’s actually bullet-proof kaya safe ka d’yan. Pina-ship ito ni Shaun mula Canada,” simpleng paliwanag nito sa halip na sagutin ang tanong niya. Kaya siguro hindi rin niya mamukhaan ang kotseng ito ay dahil customized iyon. Mabuti na rin lang at may Shaun ito sa buhay dahil may bahay pala sa Maynila si Shaun at doon tumitira ngayon si Darcangelo.

“Ah, thank you,” aniya rito.

“Tara na,” yaya nito sa kanya. Inalalayan pa siya nitong makapasok sa loob ng kotse. Napangiti siya dahil nagbabago na talaga ito at ginagampanan nito ng maayos ang ‘boyfriend duties’ nito. “Kumusta nga pala ang come back mo?” tanong nito pagkasakay sa loob ng kotse.

“Nagpakain si Sir Ranz. Na-touched ako sa pag-welcome nila sa’kin. Pero pinagpapalamig muna ako ni Sir Ranz ngayon sa mga big news or exposés,” kwento niya rito.

“Tama siya. Kung ako ang tatanungin, sasabihin kong ‘wag ka nang—“

“Pwede bang ‘wag na muna nating pag-usapan ang tungkol sa trabaho ko o kung ano ang dapat kong gawin?” putol niya sa iba pang sasabihin nito. Pakiramdam niya’y naging matigas at mariin ang pagkakabanggit niya sa mga salitang iyon dito. Sumingit na naman kasi sa isipan niya ang pinag-usapan nila nina River at Sir Ranz. Pero naiintindihan na rin niya ngayon na hindi rin niya dapat ipilit kay Darcangelo na pag-usapan ang dating trabaho nito dahil mahirap pala iyon.

“May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Darcangelo.

“Wala naman. Nagi-guilty lang ako sa inasal ko kina River at Sam as if hindi ako nag-aalala sa kanila gayong inatake rin pala si River,” paiwas na sabi niya rito pero may katotohanan naman ang sinabi niya.

“Ah, so about sa kanila ang gabing ‘to?” ani Darcangelo. Mabuti na lang at kinagat nito iyon.

“Yup. Gusto ko silang pasalamatan. At siyempre, ikaw rin,” nakangiting sabi niya rito.

“You don’t have to,” sabi naman nito.

“Pero gusto ko so, shut up,” aniya rito.

“Whatever you say,” kibit-balikat na sabi nito.

“What a good boyfriend,” nakangising sabi niya rito. “Ano nga pala ang ginagawa mo ngayon?” tanong niya rito.

“Trying to be normal,” simpleng saad nito.

“Ano nga?” pangungulit niya rito.

“Nagte-training ako bilang maging country manager ng Fluffy Cakes,” anito sa kanya na ikinasaya niya.

“Talaga? Wow! Congratulations!” masayang sabi niya rito. Hindi niya napigilang yakapin ito kahit na nagmamaneho ito.

“Behave, K. Nagda-drive pa ako.”

“Right. Mamaya na lang,” nakangising tugon niya rito. “Wow! Masaya ako para sa’yo. Pero ano ang ginagawa ng isang country manager? Kaya mo ba?”

“You’re underestimating me, babe. Si Shaun mismo ang nagte-train sa’kin kaya ‘wag kang masyadong mag-alala. Hindi ko lulugihin ang negosyo niya. And just so you know, I’m doing this for you. The least you could do was to show me your appreciation,” anito na ikinangisi niya.

“Sure. I’ll show you my appreciation later,” pilyang sabi niya rito.

“Oh, shit! Not now, K. Please.”

“Wala naman akong ginagawa ah.”

“Explain this,” anitong itinuro ang ibaba ng tiyan nito. Napaawang ang mga labi niya at nanlaki ang mga mata niya. Pakiramdam niya’y sinilaban ng apoy ang mukha niya dahil bigla iyong nag-init nang makita niyang may ‘tent’ na naman si Darcangelo sa ilalim ng pantalon nito.

“Wala akong ginagawa,” painosenteng sabi pa niya rito.

“Tease,” anito sa kanya na ikinatawa niya lang.

NAPAPANGIWI SI KAREENE DAHIL tila hindi magandang ideya na pagsamahin sa iisang lugar sina Darcangelo at River. Kahit na civil ang mga ito sa isa’t isa ay mararamdaman mo pa rin ang malakas na tensyon sa pagitan ng mga ito. Silang dalawa lang ni Sam ang tila normal sa buong apartment niya. Pero ngayon na lang naman siguro magkakasama ang dalawa.

“Okay. Kain na tayo,” aniya sa mga ito matapos nilang maghain ni Sam para sa dalawang lalaki sa kanyang dining room.

“Para saan nga pala ang dinner na ‘to, Kareene?” tanong sa kanya ni River.

“Ah, gusto ko lang kayong pasalamatang tatlo. Maraming maraming salamat sa inyo! Kung wala kayo, hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa’kin ngayon,” aniya sa mga ito. “Sam, palagi mo na lang akong inaalala at inaalagaan. Alam mong palagi akong thankful sa’yo dahil lagi kang nand’yan para sa’kin,” nakangiting sabi niya sa matalik na kaibigan pagkuwa’y kay River naman siya bumaling. “River, napanood ko ‘yong recorded videos ng mga balita at ‘yong statements ng NBI. Maraming salamat dahil pati si Darc ay niligtas mo rin. Narinig ko rin ang tungkol sa naging atake mo. I’m sorry kung hindi man lang ako nagpakita ng pag-aalala sa’yo. Kung nalaman ko lang sana—“

“Tapos na ‘yon, Kareene. Wala namang nangyaring masama sa’kin eh,” sabi naman ni River.

“I’m glad,” nakangiting sabi niya rito. Pagkuwa’y humarap naman siya kay Darc at simpleng nginitian ito bago niya hinawakan ang kamay nito. Then, she mouthed ‘thank you’ to him.

“Tama na ang drama. Kainan na!” sigaw ni Sam.

Kumain na sila ng matiwasay kahit napapansin niyang tila gusto nang umalis ng dalawang lalaki sa lugar na iyon. Sila lang ni Sam ang nag-uusap habang kumakain. Napangiti na lang siya sa inaakto ng dalawang lalaki. Para itong dalawang batang lalaking hindi magkasundo sa isang bagay. Pero hindi naman niya sinisisi o pinagbabawalan si River na umakto ng ganoon dahil alam niya kung saan ito nanggagaling.

Pagkatapos nilang kumain ay muli siyang kinorner ni River. Habang nagliligpit sa kusina sina Sam at Darcangelo ay kinausap siya nito sa may sala. Hindi kasi siya nito magawang kausapin kanina dahil abala sila sa kusina ni Sam.

“Binura mo ba ang file niya sa Black Chip na ‘yon? Bakit wala siya doon?” seryosong tanong nito sa kanya.

“Hindi, River. Kung ano ang nabuksan mong file, gano’n din ang nakita ko do’n. At maniwala ka sa’kin na hindi ‘yan nahawakan ni Darc dahil hindi rin niya alam kung nasaan ‘yan dati hanggang sa nakita ko ‘yan sa journal ng tatay ko. Nakapaloob siya sa leather case nang journal,” paliwanag niya kay River.

“Pakiramdam ko ay hindi na kita kilala, Kareene,” pagkuwa’y ani River sa kanya. Mahahalata ang matinding frustration sa mukha nito.

“Trust me here, River. Please,” pakiusap na naman niya rito.

“Babantayan ko pa rin ang mga kilos niya, Kareene,” seryosong sabi ni River sa kanya pagkuwa’y nagpaalam na itong umalis. Hinatid niya ito sa labas ng apartment niya bago siya bumalik sa kusina kung kailan naman saktong natapos na maghugas sina Sam at Darcangelo.

“Something wrong? Mukha kang haggard sa araw na ‘to. May binigay na naman bang bagong assignment sa’yo? Hindi ka ba pwedeng magpalamig muna?” tanong sa kanya ni Sam. Tahimik lang si Darcangelo sa isang tabi pero mataman siya nitong tinitingnan.

“Okay lang. Kinausap ko lang si River tungkol sa lahat ng nangyari,” sabi niya kay Sam.

“Alam mo, masyado siyang seryoso,” komento nito.

“Marami lang siyang iniisip kaya gano’n,” aniya.

“Whatever. Anyway, mag-aayos na ako ng gamit ko. Maiwan ko na kayo dito. Behave,” pabirong bilin pa nito sa kanila ni Darcangelo bago sila nito iwan doon.

“Okay. Ano talaga ang problema?” tanong sa kanya ni Darcangelo pagkaalis ni Sam.

“Tinanong lang ako ni River kung bakit wala ang file mo do’n sa Black Chip. Ang sabi ko sa kanya, gano’n na ‘yon nang mabuksan ko,” aniya rito.

“Kareene, kung nahihirapan ka sa ganito, ‘wag mo nang ipilit. I could—“

“Ngayon pa ba naman kita isusuko, Darc? Nagbago ka na. Kailangan na lang nating patunayan iyon sa kanila. We’ll do this together, right?” aniya rito.

Hindi ito nagsalita. Sa halip ay niyakap siya nito ng mahigpit at naramdaman niya ang paghalik nito sa tuktok ng ulo niya. She found the gesture sweet and it calmed her whole system. She felt at peace with him. The thing she most needed right now. She just hoped it will last.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.