MONDEMAR CLAN SERIES Chapter 25

Galit na galit si Suzy nang malaman niya ang masamang plano ng dalawang kuya niya para tuluyan nang mapunta sa mga ito ang carnabal na pag aari ng may sakit nilang lolo. Masyadong tuso ang dalawa niyang kapatid kaya dapat lang na hindi siya magpatalo sa mga ito.

Ang tanging paraan para maipamana sa kaniya ng lolo niya ang carnabal ay ang magbuntis siya at mabigyan na ito ng apo. Pero papaano niya gagawin iyon kung wala naman siyang boyfriend?

Isang paraan lang ang naiisip niya, makikipagtalik siya sa lalaking hindi niya kilala at kapag nagdalangtao na siya ay tapos na ang problema niya. Si Miguel Mondemar ang katuparan ng plano niya. Hindi niya ito personal na kilala pero base na rin sa mga katangian nito ay gusto niya na ito ang maging ama ng magiging anak niya.

Ginawa niya ang lahat ng strategy na alam niya para makuha ang atensiyon ni Miguel. Pero hindi niya magawang magtagumpay sa mga plano niya dahil palaging nakikialam ang kapatid nitong si Juancho Mondemar. Nagbanta pa ang lalaki na isusumbong siya kay Miguel dahil alam daw nito ang tungkol sa plano niya.

Daig pa niya ang niyanig ng malakas na lindol dahil sa biglang pagsulpot ni Juancho. Sa tuwing sumusulpot ito sa harap niya para pigilan siya sa plano niya ay parang gusto nang magbago ng isip niya. Parang gusto niya na si Juancho na lang ang maging ama ng anak niya. Kahit palagi itong mukhang madungis dahil sa porma nito ay hindi niya mapigilan ang panlambutan ng mga tuhod kapag kaharap na ito.

Pwede nga kaya na ito na lang ang maging daddy ng baby niya? Pero papaano naman niya gagawin iyon kung nabuking na siya nito?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.