MONDEMAR CLAN SERIES Chapter 37

Hindi na mapalagay si Juancho habang hinihintay niya ang tawag ng private detective na kakilala niya. Buong buhay niya ay ngayon lang siya nag alala ng ganoon at sa isang tao pa na wala naman talagang koneksiyon sa kaniya.

Jeez!

Naiinip na isinandal niya ang likod sa backrest ng upuan at patuloy na nagmasid sa labas ng kotse niya.

“My God, Suzy, ano ba ang pumasok sa isip mo at pumatol ka sa ganoong klase ng lalaki?” napailing siya at mayamaya ay napahinga ng malalim.

Kanina ay nagkita silang dalawa sa isang restaurant. May kasama itong foreigner na sa tantiya niya ay halos kaedad lang niya. Minsan na niya itong nakita sa hotel kaya agad na tinawagan niya ang assistant niya para ipabackground check ang lalaki.

Bakasyunista pala ang Australyanong lalaki na nagngangalang Janus Smith na nagmula pa sa Maynila. Kung tama ang hinala niya ay hindi lang sa hotel niya ito unang nakita. Dahil iba na ang kutob niya ay pasimpleng kinunan niya ito ng picture kanina at ipinadala niya sa kausap niyang private detective.

Sinabi niya sa PI na kailangan niyang makakuha agad ng impormasyon tungkol kay Janus Smith. Nangako naman ito na tatawag agad sa kaniya.

Pero nakaalis na ng restaurant ang foreigner kasama si Suzy at nakapasok na ang mga ito ng motel ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag mula sa PI. Nang tawagan naman niya ito ay hindi ito sumagot.

“Fuck!” napamura na siya nang makaramdam ng pagkainip. Wala pa namang limang minuto na pumapasok ng motel ang dalawa kaya alam niyang wala pang ginagawa ang mga ito.

Nang pumasok sa isip niya ang maiinit na tagpo na maaaring pagsaluhan mamaya ng dalawa ay parang gusto na niyang magwala sa galit. Muli ay hindi na naman niya maintindihan ang sarili niya.

Ganoon ba talaga katindi ang atraksiyon niya kay Suzy para umakto siya ng ganoon? Napahiya na siya nang tanggihan siya nito pero hayun pa rin siya at parang asong bumubuntot dito. Nang hindi na niya matagalan ang pagkainip ay mabilis ang mga kilos na bumaba na siya ng sasakyan at naglakad papasok ng hotel.

Isang receptionist ang nabungaran niya at nang mapansin siya nito ay natigilan ito at natatarantang nilapitan siya. Hindi na siya nagtataka pa sa naging reaksiyon nito dahil pinsan niya ang may ari ng motel.

“Anong room number no’ng lalaking foreigner na may kasamang maputing babae?” tanong niya.

“E-eh sir…. Bawal pong magbigay ng impormasyon tungkol sa mga customers. Pasensiya na po.”

“Shit!” inis na napamura siya at muling tinawagan ang PI na kausap niya.

Nakahinga siya ng maluwag nang sagutin na nito ang tawag niya. Nagimbal siya nang ipaliwanag ng PI ang totoong pagkatao ng foreigner na kasama ni Suzy.

Hindi pala totoong Janus Smith ang pangalan ng lalaki at tama ang hinala niya na minsan na niya itong nakita. Kasama pala ito sa mga lalaking pinaghahanap ng pulisya dahil sa kasong pagpatay at paggahasa sa isang menor edad sa Malabon.

Minsan nang naibalita sa TV ang grupo ng lalaki at ayon pa sa PI ay maraming lumitaw na mga rape victim at nagsampa ng kaso laban kay Janus Smith kaya nagtatago pa rin ito hanggang ngayon.

“Ibigay mo sa akin ang duplicate key ng kwarto ng putang inang lalaking iyon!” nanggigigil na sabi niya sa receptionist.

“P-pero sir…”

“Kunin mo na!” bulyaw niya dito.

“Mas importante pa ba sa'yo ang patakaran dito kaysa sa kaligtasan ng babaeng kasama niya?”

“S-sandali lang po,” nagmamadaling kumilos na ito at ibinigay sa kaniya ang susi.

Sinabi din nito sa kaniya kung anong floor at pang ilang kwarto dinala ni Janus Smith si Suzy. Pagkatapos niyang utusan ang babaeng staff na tumawag ng mga pulis ay patakbong umakyat na siya sa itaas para hanapin ang babae.

Nang makita niya ang kwarto ay mabilis na kumilos na siya at binuksan ang pinto gamit ang hawak niyang susi. Kulang na lang ay mawala na siya sa katinuan dahil sa matinding galit niya nang maabutan niya ang lalaki na nakaibabaw na sa babae at hinuhubad ang pang itaas na damit nito.

Malakas na napamura siya at malaki ang mga hakbang na lumapit siya sa kama at hinaklit ang kwelyo ng damit ng lalaki. Mas malaki at matangkad siya dito kaya kayang kaya niya itong isalya at bugbugin ng walang kahirap hirap.

“Who are you!” nahihintakutang sabi ng lalaki habang paulit ulit niya itong pinagtatadyakan sa tagiliran at sikmura.

Nakalupasay ito sa sahig at namimilipit sa matinding sakit.

Tuluyan nang nagdilim ang paningin niya at walang tigil na pinagsisipa ito. Kanina ay alam niyang may malay pa ang babae. Muli siyang nanggigil sa galit nang mapansin ang baso ng juice sa table. Sigurado siyang may inilagay ito na pampatulog sa iniinom ni Suzy para tuluyan na nitong maisagawa ang plano nito.

Alam niya ang strategy ng lalaki, kaya nito pinapatulog ang babae ay para makakasiping nito. Kukunan nito ng video at picture ang babae na nakahubad at saka iyon gagamiting pang blackmail para kahit anong oras nito gustuhin ay maaari nitong mahawakan sa leeg ang babaeng biktima nito.

Nang mapansin niya na hindi na gumagalaw pa ang lalaki ay hinihingal na tumigil na siya sa pagtadyak dito at nilapitan ang walang malay na si Suzy. Nahabag siya nang makita niya ang sitwasyon nito.

Halos nakalilis na pataas ang suot nitong palda at ang pang itaas na damit ay may punit na. Kung nahuli pa siya ng dating ay baka tuluyan nang nagtagumpay si Janus sa masamang plano nito.

Lumuhod siya sa kama at binuhat ang babae.

“Hey?” naaawang tinapik niya ang pisngi ni Suzy.

Hindi man lang ito kumibo o umungol. Tulog na tulog ito at walang kaalam alam na kamuntik na itong mapahamak. Tumayo na siya habang pasan pa rin niya ito. Nagsisikip ang dibdib na hinalikan niya ito sa noo.

“I’m here, love. Hindi ako papayag na may mangyaring masama sa'yo.”

Isang nakakainsultong tawa ang narinig niya. Nang lingunin niya ang pinanggalingan ng tinig na iyon ay napaatras siya nang makitang nakatayo na si Janus at may hawak na baril na nakatutok sa kaniya.

“You’ll pay for this, young man!”

“No!” iniyakap niya ang braso sa katawan ni Suzy para mas maprotektahan pa niya ito.

Ilang sandali lang ay nakarinig na siya ng ilang malakas na putok ng baril. Napaigik siya nang makaramdam ng hindi maipaliwanag na sakit sa binti at sikmura niya.

Ang mahinang mga ungol ni Suzy ang huling natatandaan niya bago tuluyang nagdilim ang paningin niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.