10: Girl for rent
-
“A-ano?” Nauutal kong tanong, baka kasi mali ako ng rinig.
“Can you be my girl? For this day lang. Magpanggap ka na girlfriend ko.” Muntik akong mapanganga matapos iyon marinig. Wth.
“Tinanggal mo yung G sa salitang pag-asa.” bulong ko habang nakahawak sa dibdib ko at nakaiwas sa direksyon niya.
“Ano?” Tanong niya kaya naman umayos ako ng tayo at umiling-iling.
“Ah wala... Bakit? Para saan?” Tanong ko.
“Ipapakilala kita sa parents ko. I will introduce you as my girlfriend para hindi matuloy yung arrange marriage na sinet nila para sa’kin,” umalis si Jiro sa pagkakasandal at hinawakan ang kamay ko. “Please?”
Tinignan ko siya at nakitang hindi siya ganoon ka-cold tignan ngayon, sana ganiyan na lang siya palagi. “Ikaw lang kasi yung babaeng kakilala ko na hindi takot sa’kin.”
“Ganun ba? Sige payag ako,” nahihiya pa ko kunyare kahit sa totoo lang ay okay lang naman talaga. Ilang beses na niya akong niligtas tuwing napapahamak ako kaya pwede na siguro ito maging bayad sa utang na loob ko sa kanya.
“Talaga? Sige. See you later!” sabi niya nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat. Magsasalita pa sana ako kaso tumakbo na siya palayo. Hit and run? Pagtapos niyang mahit yung puso ko sa pagiging paasa niya ay tatakbuhan niya ako? Manhid naman niya.
ㅡ
Nandito na ako sa kwarto, nanghiram ulit ako ng dress kay Ayesha. Hindi ko na rin sinabi sa kanya kung saan ako pupunta.
Since weekend bukas, binibigyan ng oras yung mga estudyante para lumabas ng campus pero since friday ngayon, hindi ko alam kung paano kami makakalabas ni Jiro.
Alas tres na. Sabi niya sakin ay mamayang 4:00 yung alis namin. Mabuti na lang at naitago ko yung papel na binigay niya sakin noon kaya may contact ako sa kanya.
“Okay na ba yung istura ko?” Tanong ko kay Ayesha. Nakasuot lang ako ng simpleng white dress at flat shoes.
“Saan ka ba kasi talaga pupunta?” Tanong niya habang nakanguso.
“May blind date ako,” ayun na lang ang sinagot ko para hindi na marami ang itanong niya. Alam ko kasi na magwawala siya pag sinabi ko kung kanino ako makikipagkita mamaya.
Ilang minuto pa ang lumipas, quarter to 4:00 na, tumatawag na rin si Jiro. Kinakabahan ako.
“Hello? Saan tayo mag kikita?”
“Nandito ako sa tapat ng hell’s gate, dito nalang.”
“Okay sige, pababa na ako.” ibinaba ko yung tawag at umalis na, nakatulog na kasi si Ayesha. Mabuti na lang at walang masiyadong nag gagalang estudyante dito sa campus.
“H-hi,” nahihiyang bati ko nang makalapit ako kay Jiro. Ang gwapo niyang tignan sa suot niyang polo.
“Bagay sa’yo yung suot mo.” sabi niya at pakiramdam ko, ito na yung pinakamagandang sinabi niya ngayong araw. First time niya akong purihin. “Tara na?”
Pagka-aya niya ay tumango lang ako. Naglakad kami palayo sa hell’s gate pero bago ‘yon ay nahagip muna ng paningin ko si Thunder. Those eyes. Bakit natakot ako sa mga titig niyang iyon?
“Okay ka lang?” Tanong ni Jiro at tumango lang ako. Nagpunta kami sa parking lot at doon tumambad sakin ang pag karami-raming kotse. Ang yayaman talaga ng mga estudyante rito.
“This way!” sigaw ni Jiro, ang layo na pala niya. Ano ba siya ninja? Tumakbo ako palapit sa kanya at pinagbuksan niya ko ng pinto.
“Paano nga pala tayo makakalabas? Hindi pa weekend,” nag-aalalang tanong ko pagsakay namin.
“Trust me. Suot mong maigi yung seatbelt mo,” bigla niyang inilapit sa akin ang mukha nya. Sinuot niya yung seatbelt sakin at ramdam na ramdam ko ang kalabog ng puso ko.
“Uy! Naririnig mo ba ko? Sabi ko aalis na tayo,” bumalik ako bigla sa katinuan nang tapikin ni Jiro ang balikat ko. Napatango lang ako and darn! Napakabilis niyang magmaneho. Ni hindi na nga niya kinausap yung guard na lalabas kami, sapilitan tuloy umangat ang harang malapit sa guard house.
Bumubusina pa siya habang papalapit kami ng papalapit sa gate, napapikit na lang ako dahil sa pag aakalang babangga kami pero buti nalang at bumukas iyon bago pa man tumama ang kotse dahil inches na lang ang pagitan nito sa gate. That’s what you called thuglife!
“Woah,” ayun lang ang lumabas sa bibig ko paglabas ng campus.
“Natakot ka ba?” Tanong niya at ilang segundo bago ako makatango. Akala ko katapusan ko na.
“Sure ka ba rito? Hindi pa ako nag kakaboyfriend kaya hindi ko alam kung paano aarte, baka mabuko tayo,” tanong ko para hindi naman awkward dito sa loob, ang tipid pa naman niyang magsalita.
“Seriously? Hindi ka pa nagkaboyfriend?” Nakangising tanong niya.
“Oo, mas inuuna ko kasi yung pag-aaral.” sagot ko at hindi na siya sumagot pa, may kung ano kasi siyang tinitignan sa side mirror. Nagbago bigla ang mood at yung aura niya. Bakit pakiramdam ko ka-aura niya si Thunder sa mga oras na ‘to?
“Okay ka lang ba JirㅡTHUNDER?!” Sigaw ko dahil bigla na lang siyang sumulpot sa labas ng bintana sa side ni Jiro. Nakasakay siya sa motor habang nakatingin sa amin.
“Hoy! Tumingin ka sa daan!” Sigaw ko kaya napatingin sa akin si Jiro. Nagpeace sign ako at bigla na lang niyang sinara yung bintana. Bakit ba bigla kong isinigaw ‘yon? Baka akalain niya ay concern ako sa kanya.
“Anong ginagawa nang kumag na ‘yon? Saan siya pupuntㅡ”
“Let’s not talk about him, Rain. You’re my girlfriend as of the moment, so focus on me..” malamig na sabi ni Jiro at nabigla na lang ako nang hawakan niya ang kamay ko habang yung isa niyang kamay ay nasa manibela. Nakatitig lang ako sa kamay naming dalawa. Yung puso ko, bakit pakiramdam ko ay lalabas na iyon mula sa dibdib ko?
“Relax. Akong bahala, hindi tayo mabubuko,” sabi niya at napatango na lang ako.
Ilang minuto ang lumipas, huminto kami sa isang napakalaking bahay. Kusang bumukas ang gate nang makita ng mga gwardya kung sino ang nagmamameho ng kotse. Kinakabahan ako, tama ba itong pinasukan ko?
“Rain. Relax,” sabi ni Jiro pagbaba namin ng kotse. Hinawakan niya ulit ang kamay ko at huminga muna ako ng malalim bago sumabay sa kanya sa paglakad papasok sa bahay. Pakiramdam ko ay mawawalan ako ng dugo sa nangyayari ngayon. Hawak niya yung mga kamay ko at ipakikilala niya pa ako sa mga magulang niya. Kahit pagpapanggap lang ay hindi ko pa rin maiwasang hindi sumaya.
“Oh sonㅡwho’s this beautiful lady?” Tanong ng magandang babae na lumapit sa amin. Binitawan ni Jiro ang kamay ko at hinawakan ako sa baywang. Geez! Sana hindi halata na tensyonado ako sa mga oras na ‘to. Baka namumutla na ako.
“Mom, this is Rain. My girlfriend,” pakilala niya at ngumiti naman ako ng pilit.
“Hello po,"?” ngitian niya ako pabalik at magsasalita pa sana pero biglang dumating yung dad ni Jiro. I guess?
“What? Girlfriend?” Tanong niya. Medyo kinabahan naman ako, nakakatakot siya. Parang sobrang estrikto niyang tatay.
“Yes dad,” tipid na sagot ni Jiro.
“Really? Then prove itㅡkiss her.” wait. What? nanlaki na lang ang mata ko sa sinabi niya. Tinignan ako ni Jiro at nginitian niya ako. Ano ‘to? Wala ito sa usapan namin.
Hinawakan niya ang baba ko at saka niya iyon inangat. Nakatingin lang siya sa akin na para bang nagsasabi na magtiwala lang ako sa kanya. Napapikit na lang ako pero agad din akong dumilat nang biglang bumukas ang pintuan sa gilid. Lahat kami ay napalingon at nanlaki ang mga mata ko.
“Thunder?” Tawag ko at hingal na hingal siya. Lumapit siya sa direksyon namin at hinawakan ako sa pulsuhan pero bago pa man niya ako mahatak ay nahawakan na ni Jiro ang isa ko pang kamay.
“Thunder, what are you doing?” Nagtitimping galit na tanong ni Jiro.
“Dad, stop controling Jiro’s life. Hindi na siya bata!” sabi ni Thunder nang tignan niya yung daddy ni Jiro. Wait! Daddy? Magkapatid sila? Pero paano? Magkaiba sila ng apelyido.
“Thunder, stop intruding! This is our personal business. You’re out of it!” Galit na sabi ng daddy nila.
“Yeah, I’m out of it! Pero hindi lahat ng tao mapapasunod mo sa personal mong kagustuhan. Mukha kang pera!” sigaw ni Thunder bago niya ako hatakin palayo. Laking gulat ko na lang nang makitang nakahiga na yung dalawang gwardya sa sahig.
Hindi ko na nagawang mag-react pa dahil sinuotan niya ako ng helmet at binuhat pasakay sa motor niya.
“Humawak kang maigi,” utos niya at mabilis siyang nagmaneho palabas kaya napayakap ako sa baywang niya. Pakiramdam ko, anytime ay lilipad na lang ako sa bilis niyang magpatakbo.
Maya-maya pa ay naramdaman kong may tumulong tubig sa braso ko. Hindi naman umuulan ah?
“Thunder? A-are you okay?” Tanong ko pero bigla na lang siyang huminto sa isang tahimik na park. Bumaba siya ng motor kaya bumaba na rin ako. “Umiyak ka ba?”.
Sabay kaming naupo sa wooden bench at wala akong nakuhang sagot sa kanya.. Bigla na lang niya akong hinatak at niyakap ng mahigpit.
“Stay with me,”