11: Robust vs. Amiable
-
“Teka, ano bang nangyayari?” Tanong ko nang subukan kong kumalas sa pagyakap pero mas lalo niya pang hinigpitan ang pagyakap sa akin. Tumahimik lang ako at hindi na nagsalita pa.
Alam ko kasi na umiiyak siya sa mga oras na ‘to. Hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang sigurado ako. May kahinaan din pala ang gaya niya. Tinapik-tapik ko na lamang ang likuran niya at ilang segundo lang din bago siya kumalas.
“Okay ka na?” Tanong ko at tumango lang siya ng tipid. “Okay lang sa’kin kung mag k-kwento ka,” dagdag ko pa nang tignan ko siya. Mukha talaga siyang malungkot.
“Asa ka,” nakangising sabi niya. Wow! Just wow! Ang bilis naman mag-shift ng mood nito. Bumalik na naman ang black aura niya.
“May pa stay with me, stay with me ka pa tapos, susungitan mo lang ako,” bulong ko sa sarili ko pero mukhang narinig niya yata.
“Hindi kami magkapatid ni Jiro,” sabi niya kaya agad akong napalingon. “I’m adopted.”
Ewan ko pero nalungkot ako bigla dahil sa sinabi niyang iyon. Dahil doon ay lumapit ako ng kaunti at tinapik siya sa balikat pero bigla niya akong sinamaan ng tingin kaya lumayo ulit ako. May sapi ba ang isang ito?!
“Bumalik na tayo,” aya niya at bigla na lang siyang tumayo na parang walang kasama. Naiiling na lang akong sumunod sa kanya at sasakay na sana sa motor niya peroㅡ “Anong ginagawa mo?”
“Uhm, sasakay?”
“Mag commute ka,” diretsong sabi nito at bigla na lang nagmaneho paalis. Ugh! Akala ko pa naman ay bumait na siya. Nakakainis! Mag c-commute? Eh hindi ko nga alam kung nasaang lupalop ako.
Naglakad na lamang ako papunta sa may mainroad. Nagbabakasakali na mayroong sasakyan dito papuntang west district pero ilang minuto na ang lumipas, wala pa rin akong nakikita. Mag-aalasais na. Walangya talaga ang Thunder na ‘yon! Paano niya ako nagawang iwan?
“Miss,” tawag ng lalaking papalapit sa akin. Pagewang-gewang ito na parang zombie at may hawak na bote ng gin. Napaatras ako at nag umpisang tumakbo pero hindi ko akalain na makakabangga ko si Liam.
“Rain? Bakit ka tumatakbo? Anong ginagawa mo sa lugar na ‘to?” Tanong niya.
“Ha?” Wala akong ibang nasabi dahil wala na talaga ako sa sarili. Sobrang gulo ng nangyayari sa akin ngayong araw.
“Naliligaw ka na naman ba? Tara bumalik na tayo sa academy, tumakas lang ako, eh. Mag gagabi na,” aya niya at tumango na lang ako. Hindi ko na rin naitanong kung ano ang ginagawa niya sa lugar na iyon.
ㅡ
Kinabukasan. Sabado na, maagang nagpaalam si Ayesha na uuwi siya ngayong weekend kaya mag-isa lang ako ngayon dito sa kwarto.
Sumilip ako sa balkonahe ng kwarto at nakitang ang daming estudyante ang lumalabas ng campus para umuwi. Nakakainggit, kung may uuwian lang sana ako.
Nahiga na lang ako at nagbasa ng libro. Nakakaboring. Gusto ko man lumabas para pumunta ng mall ay hindi ko magawa. Wala naman kasi akong sapat na pera para gawin ang bagay na iyon.
“Aaaaaargh!” Napasigaw na lang ako at saka bumangon. Nasabi sa akin ni Ayesha na may indoor pool raw dito sa academy at pwedeng iyong gamitin tuwing weekend. Doon na lang siguro ako magpapalipas ng oras.
Kumuha ako ng mga gamit at kinuha ang mapa sa ibabaw ng lamesa ni Ayesha. Hindi ko pa rin kasi nalilibot ang buong campus. Masiyado itong malaki.
Pagdating ko sa indoor pool, walang tao. Sobrang tahimik. Naalala ko tuloy si Jiro, hindi ko pa siya nakakausap para humingi ng tawad tungkol sa nangyari kahapon.
I-text ko kaya siya? Wala sa sariling pumasok ako sa locker room at laking gulat ko na lang nang makitang may mga lalaki pala sa loob. Damn! Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presensya nila?
“S-sorry!” paghingi ko ng tawad at saka lumabas ng locker. Mga robust iyon, sigurado ako. Ugh! Nagdadalawang isip tuloy ako kung mag s-wimming pa ba ako.
“Miss teka!” Sigaw ng lalaking maliit at blonde ang buhok.
“B-bakit?” Nilapitan niya ako at may inabot siya sa akin. Yung u-undies ko, shit! Hindi ko namalayang nahulog ko iyon.
“Salamat,” mabilis kong inagaw sa kanya ang undies ko at nagmadaling tumakbo pero hindi pa man din ako tuluyang nakakalabas ay napahinto na ako dahil may pumasok na mga kalalakihan.
Hindi nagtagal at bigla na lang namuo ang tensyon dito sa loob. Kahit nasaan ako ay lapitin pa rin talaga ako ng gulo. Tama nga yung sinabi ni Ayesha sakin noon na pag lumapit ako sa Insolent, it’s either mamalasin ako o masasaktan.
“Hoy!” sigaw ng lalaking kulay pula ang buhok, kinabahan naman ako dahil doon. Balak ko na sanang ituro ang sarili ko kaso biglang nagsalita ang lalaki sa likuran ko. Yung nag-abot ng undies ko.
“Naturingan kayong amiable pero bakit kung umasta kayo ay para kayong Insolent?” Shit. Napapagitnaan na naman ako ng dalawang grupo.
“Oo, Amiable kami kaya nga kami nandito. Tinatanggap namin yung hamon niyo.”
“A-ano. T-teka, p-pwede bang lumabas muna ako?” Tanong ko pero ni isa sa kanila ay walang sumagot. Palapit ng palapit ang dalawang grupo sa isa’t-isa kaya minabuti ko ng ihakbang ang paa ko peroㅡ
“Diyan ka lang,” utos ng lalaki mula sa Robust kaya huminto ako. Napahigpit na lang ako ng hawak sa mga dala kong gamit. Uh, anong gagawin ko?
Walang sabi-sabi ay sabay na sumugod ang dalawang grupo kaya napaupo na lamang ako at nagtakip ng ulo. Ilang segundo pa ang lumipas bago ko subukang tumayo pero wrong move! Nabangga ako ng dalawang nag-aaway pero mabuti na lang at sa pool ang bagsak ko.
Ito na ang pinakasafe na pwesto sa mga oras na ito. Hindi ko magawang alisin ang tingin ko sa mga lalaking nag-aaway hanggang saㅡ
“Hoy!” Isang malakas na boses ang pumaalinlang sa loob ng indoor pool, napahinto ang mga nag-aaway kaya napatingin ako sa pinagmulan ng boses.
Si Thunder. Nakatopless na naman siya. Tss. Proud na proud siya masiyado sa katawan niya.
“Kung gagawa kayo ng gulo, doon kayo sa loob ng hell’s gate! Lumabas kayo! Mag s-swimming ako!” Sigaw niya at nagsisunuran naman ang mga lalaki. Mukhang freshman lang din sila at takot sila kay Thunder. Wow! Just wow!
Paahon na sana ako nang biglang i-abot ni Thunder ang kamay niya sa akin. Nagsalubong naman ang kilay ko dahil doon. He’s acting nice again, don’t let him fool you, Rain.
“I don’t neer your help,” tinabig ko ang kamay niya at saka umahon sa pool. Baka akala niya ay nakalimutan ko na ang ginawa niyang pag-iwan sa akin kahapon.
Pagtapos kong mag-stay sa tabi niya at damayan siya. Pagtapos kong iwan si Jiro? Iiwan niya lang din ako ng ganun? Tss. Wala akong balak makipagbutihan sa mga kagaya niya.
Pinulot ko ang mga gamit kong nagkalat sa sahig. Mabuti na lang at naihagis ko ang mga ito bago ako mahulog sa pool kanina. Nang mapulot ko na lahat ay naglakad na ako papunta sa shower room para mag banlaw sana.
“Bakit ang sungit mo? May regla ka ba?” Napahinto ako sa paglalakad dahil sa tanong ni Thunder. Nilingon ko siya at nilapitan. Napakawalangya talaga ng isang ito!
“Wag na wag mo na akong kakausapin! Ayoko sa mga gaya mo!” tinulak ko siya sa pool pero nahatak niya ako kaya ang ending? Pareho kaming nahulog. Great.
“Bwisit ka talaga!” Sigaw ko at saka siya sinubukang hampasin pero napigilan niya ang kamay ko. Tinignan ko lang siya ng masama habang hawak niya pa rin ang mga kamay kong nakataas.
“Sorry,” nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at ramdam kong unti-unting nawawala ang pagkunot ng noo ko. Nag sosorry siya? Tama ba ako ng rinig?!
“Bitawan mo na ko,” malamig na sabi ko habang nakatitig pa rin kami sa isa’t-isa.
“Sabihin mo muna na pinapatawad mo na ako.” Napangisi ako dahil sa sinabi niyang iyon. Nakakainis talaga ang ugali niya.
“Wag na tayong magplastikan dito Thunder,” tinabig ko siya at akmang aalis pero lumangoy siya papunta sa harapan ko para harangan ako. Ang gwapo niyang tignan. Ang mga tubig galing sa buhok niya ay pumapatak sa dibdib niya. Ugh! Galit na ako sa kanya pero nagagawa pa rin ipagsigawan ng isip ko kung gaano siya kagwapo ngayon.
“Nag sorry na ako. Ano pa bang gusto mo?” Iritang tanong niya.
“Stay away from me,” mabilis kong sagot sa tanong niya at kusa na lang siyang umalis sa pagkakaharang. Walang mabuting idudulot ang pagdikit ko sa kanya at kahit gaano ko pa kagustong baguhin ang mga gaya nya, imposible. Sino ba naman ako para makapagpabago ng isang bad boy na tulad niya? He’s too hard to handle.