12: If I stay
-
Isang linggo ang lumipas, isang linggo na rin kaming hindi nagpapansinan ni Thunder at ganun din kami ni Jiro.
Oo masakit na galit sa akin si Jiro pero tanggap ko. Kasalanan ko naman talaga kung bakit mas napabilis ang pagpapakasal niya. Kung hindi lang sana ako sumama kay Thunder noong araw na ‘yon, eh ‘di sana ay hindi matutuloy ang arrange marriage ni Jiro at hindi siya magagalit sa akin ngayon, next month na tuloy ang date ng kasal niya.
“Okay ka lang ba?” Tanong ni Liam habang kumakain kaming tatlo nila Ayesha sa cafeteria.
“Oo, may iniisip lang ako.” sagot ko at hinawakan naman ni Ayesha ang kamay ko.
“I know you’re not okay, pero kung ano man ‘yan. Magiging okay din ang lahat,” nakangiting sabi niya kaya naman ngumiti rin ako. “Let’s have an endearment... Beb na lang ang itawag mo sa akin at ganun din ang itatawag ko sa’yo.”
Mabilis niyang sinuot sa akin ang bracelet na kulay itim na mayroong nakalagay na forever. May ganun din siya pero always ang nakalagay. Napangiti ako, sa maigsing panahon, talagang napalapit na kami sa isa’t-isa.
“Sige, beb.” Nahihiya pa akong sabihin ‘yon kaya ngumiti ako ng pilit. Walang sabi-sabi, agad niya akong niyakap at nakalimutan na kasama nga pala namin si Liam.
“Ehem!” umubo siya kunyare habang magkasalubong ang mga kilay. “Ako ba wala? Ang tagal na nating magkaibigan pero never mo pa akong binigyan ng kahit anong may kinalaman sa friendship natin,”
“Yun nga eh, hindi ko kasi matanggap na friends lang tayo.” rinig kong bulong ni Ayesha. Nanlaki naman ang mata ko dahil doon.
“Anong binubulong bulong mo diyan? Tss,” reklamo ni Liam.
“Sa susunod na kita bibigyan sabi ko,” ngumiti ng pilit si Ayesha at tumango na lamang si Liam. Bakit biglang ang awkward ng sitwasyon?
ㅡ
Nasa loob na ako ng classroom para sa third subject. Tahimik lang akong nakikinig sa prof habang sinisipa sipa ni Jasper ang upuan ko mula sa likuran, nairita na ako kaya naman nilingon ko na siya.
“Anong problema mo? Wag mo nga sipain yung upuan ko!” bulong ko pero binelatan niya lang ako na parang bata.
“Ms. Celvero. Are you listening?” Biglang tanong ng prof kaya dali-dali akong humarap sa whiteboard.
“P-po?”
“What is the common name of pithecophagejefferyi?”
“Haribon po sir,” mabilis na sagot ko at nagpatuloy siya sa pagtuturo na parang wala lang. Nilingon naman ako ni Matthew at nag-thumbs up siya na para bang manghang-mangha siya, napailing na lamang ako.
“Pst!” tawag ko nang kalabitin ko siya sa balikat, lumingon naman siya ulit sa akin.
“Bakit?” Bulong niya kaya nilapit ko ng bahagya ang bibig ko sa tainga niya.
“Palit tayo upuan,” lumayo ako agad ako pagkabulong noon, buti na lang at pumayag siya kaya tumayo kaming pareho at nagpalit ng pwesto. Pag-upo ko, kinausap agad ako ni Axel.
“Bakit ka nakipagpalit?”
“Wala lang, para mas marinig ko yung sinasabi ni Sir,” tumango lang siya at hindi na ulit nagsalita. Sa totoo lang ay nakipagpalit ako dahil ang bigat sa pakiramdam ng pwesto ko. Isang oras ang lumipas ay dismissed na ang klase.
Nagmadali akong bumalik sa dorm para magpalit ng damit dahil gusto kong mag mmtry out sa baseball kasama si Ayesha. Saktong pagbihis ko naman ay dumating siya.
“Wait mo ko beb, ah? Magbibihis lang din ako,” sabi niya at tumango lang ako. Habang naghihintay sa kanya ay nagpunta muna ako sa balkonahe. Tanaw ko rito ang boys dorm at makita ko lang iyon ay parang may kulang sa araw ko.
“Tara na,” aya ni Ayesha at nagpunta na kami sa field. Marami na ring nanunuod at gustong magtry out. Nag fill-up muna kami ng form at saka naghintay na matawag ang pangalan namin.
“Goodluck sainyo,” sabi ni Liam nang makaupo siya sa tabi ko pero hindi na namin siya nagawang pasalamatan dahil tinawag na agad ang pangalan ni Ayesha, hinawakan niya muna ang kamay ko bago pumwesto sa gitna para sa pitch.
“Go Ayesha!” Sabay naming sigaw ni Liam. Pumalakpak naman kami ng makitang maayos ang pag kakabato niya sa bola. Maya-maya lang ay bumalik na siya sa pwesto namin at ilang minuto na ang lumipas, hindi pa rin ako natatawag.
“Ang tagal mo naman yata,” sabi ni Ayesha at nagkibit balikat na lamang ako. Habang naghihintay ay natanaw ko si Thunder. Isang malamig na tingin ang ipunukol niya sa akin at saka ngumisi.
“Rain Celvero,” tawag sa pangalan ko kaya agad akong tumayo. Sabay naman akong ginoodluck nila Ayesha at Liam. Ewan ko pero kinabahan ako bigla, sana maging maayos din ang pagkakapitch ko.
Nakapwesto na ako at nakabwelo na rin, balak ko sanang ibato ang bola pero laking gulat ko na lang na may bumato sa akin ng jacket. Humarang iyon sa mukha ko kaya agad ko iyong tinanggal at tinignan ng masama kung sino man ang bumato noon.
“Anong problema mo?!” Tanong ko kay Thunder.
“Nakikitaan ka,” malamig na sabi niya at saka umalis sa kinatatayuan niya. Hindi ko na nagawang magpitch pa dahil sinundan ko siya. Napatingin na lang ako sa direksyon nila Ayesha at Liam para magsabi na aalis ako.
“Akala ko ba gusto mong layuan kita? Eh bakit sinusundan mo ko? May gusto ka ba sa’kin?” Tanong ni Thunder paghinto namin sa tapat ng hell’s gate. Kapal naman ng mukha nito.
“Sasama ako sa’yo sa loob, gusto kong kausapin si Jiro.” Seryosong sabi ko at bigla na lang nagbago ang mood niya, mas lalo pang umitim ang aura nito at hindi na nagsalita pa. Naiiling na lamang akong sumunod sa kanya at pagdating sa loob ng hideout nila, walang katao-tao.
“Si Jiro nasaan?” Tanong ko pero hindi siya sumagot.
“Uy si Jiroㅡ” hindi ko na nagawang ituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong buhatin at ipatong sa lamesa. Nakatayo siya ngayon sa pagitan ng mga hita ko.
“A-ano bang ginagawa mo?!” Irita kong tanong nang itulak ko siya pero nahawakan niya ako kaya pagtumba niya ay nahulog na rin ako at pumaibabaw sa kanya..
Ang bilis ng tibok ng puso ko. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa hanggang sa dahan-dahan niyang ilapit ang labi niya sa labi ko, napapikit na lamang ako hanggang saㅡ
“Rain,” boses ni Jiro. Agad akong dumilat at dali-daling umalis sa ibabaw ni Thunder. Lumapit si Jiro sa akin at hinawakan ang kamay ko para makatayo pero laking gulat ko na lang nang bigla niyang suntukin si Thunder.
“Jiro!” Inilayo ko siya at hinawakan ang magkabilang balikat para pigilan. Tinignan ko naman si Thunder at nakitang tumayo ito habang nakahawak sa bibig niyang nagdudugo.
“Anong problema mo?!” Sigaw niya.
“Rain, umalis ka na rito. ‘Di ba ang sabi ko sa’yo wag ka ng babalik dito dahil delikado?” Seryoso at parang galit ang boses ni Jiro kaya wala akong nasabi. Hindi ko kasi alam kung pakikinggan ko siya o lalapitan si Thunder. “Rain,”
Tawag ulit Jiro. Tinignan ko muna siya bago lumabas pero bago pa ako tuluyang makalayo ay nagsalita na naman si Thunder.
“Stay.” madiing sabi niya na akala mo’y isa akong aso. Lumingon ako sa kanya at nanlaki na lang ang mga mata ko. Nawala na ang black aura na bumabalot sa kanya. Bakit pakiramdam ko ay gusto kong makinig sa kanya?
“Rain, just go.” sabi ni Jiro.
“Kung mag s-stay ba ako, hindi ka na mangiiwan?” tanong ko pero hindi niya ako sinagot. Naglakad lang siya palapit sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko. Hindi ko na nagawang magsorry pa kay Jiro dahil hinatak na ako ni Thunder palabas ng hell’s gate.
Hindi ko alam kung tama ba ‘tong ginagawa ko pero kahit papaano, gusto ko pa rin subukang baguhin si Thunder. I know kaya niyang magbago.
“Babe,” tawag ni Emerald nang makasalubong namin siya. Agad naman siyang pumulupot kay Thunder na parang ahas. Hinalikan niya pa ito sa leeg na akala mo’y sila lang ang tao sa mundo at wala sila sa public place. “Bakit kasama mo ‘yang babaeng na ‘yan?”
“Ah wala nakikisabay lang,” sagot ni Thunder at talaga namang nag-init ang dugo ko! Pagtapos niya akong hatakin, sasabihin niyang nakikisabay lang ako?! Anong ugali ba meron ang lalaking ito? Bakit ba kasi hindi ako nadadala?
“Uhm, excuse ah. Baka makaistorbo ako sa pag m-make out niyo,” inis na sabi ko at saka naglakad palayo. Nagsisisi na ako na hindi ako nakinig kay Jiro. Ano bang problema ng Thunder na ‘yon? Hindi ko siya maintindihan. Last na ‘to, ito na yung huling beses na papansinin ko ang lalaking iyon, sumosobra na talaga siya.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko nang makitang nakatayo si Liam sa tapat ng girl’s dormitory.
“Nag-aalala kasi ako sa’yo, bigla ka na lang sumama doon kay Thunder,” ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
“Okay lang ako. Si Ayesha? Nakuha ba siya?” Tanong ko at tumango naman siya. May gusto pa sana siyang sabihin pero ayaw niyang magsalita. “May sasabihin ka pa ba?”
“Next week na kasi yung water splash festival and after noon ay may party. Itatanong ko lang sana kung pwedeng ikaw ang maging date ko.” Hindi ko alam kung anong isasagot, hindi dapat ako ang inaaya niya kundi si Ayesha. Bakit hindi niya maramdaman na may gusto si Beb sa kanya?
“Ah anoㅡ”
“Sorry, pero ako na kasi yung date niya sa araw na ‘yon,” sabi ng pamilyar na boses at pag lingon ko.
“Matthew?!”