Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 14

14: Fools

-

Inangat ko ang ulo ko dahil sa huling sinabi ni Thunder. Yung puso ko, bakit nagiging abnormal na naman ang beat nito? Sure naman akong niloloko niya lang ako.

“A-anong sinabi mo?” Nauutal kong tanong nang lingunin ko siya. Nakatitig lang siya sa akin habang natatakpan ng bangs ang kaliwang mata nito. Nakangiti rin siya sa mga oras na ito.

“Oh bakit? Naniwala ka ba? Eh di pinansin mo rin ako,” natatawang sabi niya kaya naiyukom ko ang mga kamao ko. “Asa ka namang magugustuhan kita.” dagdag pa niya sabay ngisi. Iniwas ko ang tingin sa kanya at saka tumayo para ma-ikalma ang sarili ko.

Pinagmumuka niya akong tanga dahil sa mga ginagawa niya. Hindi ko na talaga mapapalagpas ‘to. Sobra-sobra na ang mga trip niya! Hindi na nakakatuwa.

Nilabas ko ang phone ko at sinubukang kontakin si Ayesha pero wala na akong load! Bakit ba ang malas ko?! Itatago ko na sana yung cellphone ko nang biglang..

You gotta go and get angry at all of my honesty ♪

“Hello Jiro?” Sinagot ko ang tawag at saka tinalikuran si Thunder.

“Nasaan ka? Nakatanggap ka raw ng king of death kanina?”

“Oo pero okay lang naman ako. Nandito ako sa janitor’sㅡ”

“Anong problema mo?!” Sigaw ko nang biglang tabigin ni Thunder ang cellphone ko, dahilan para tumalsik iyon at mahati sa tatlo. Hindi niya ako sinagot at laking gulat ko na lang nang itulak niya ako pasandal sa pader habang hawak niya ang dalawang kamay ko na nakadikit din sa pader. “Ano ba?!”

“Tigilan mo na ang paglandi kay Jiro!” pakiramdam ko ay may napunit na parte sa puso ko. Ano? Nilalandi si Jiro? Ayun ba talaga ang tingin niya sa akin? Just wow.

“Bitaw,” utos ko pero hindi niya ako binitawan. “Sabi ko bitaw!”

Sigaw ko at parang nabigla siya dahil binitawan niya ako at lumayo. Tinignan ko siya ng masama at saka pinulot ang cellphone ko. Wala na, hindi na gumagana. Bwisit! Saktong pagtayo ko naman ay bumukas ang pinto.

“Rain,” tawag ni Jiro sabay tingin kay Thunder. Hindi ko na pinatagal pa ang moment na iyon kaya nagmadali akong lumabas. Ramdam ko naman ang pagsunod sa akin ni Jiro. Naiinis ako, sumusobra na talaga ang kademonyohan ng Thunder na iyon. Nakakasakit na siya.

“Rain, okay ka lang ba?” Tanong ni Jiro at tumango lang ako. “Ihahatid na kita sa dorm.”

Hindi na ako kumibo. Pakiramdam ko ay wala ako sa sarili ngayon. Bigla na lang akong nakaramdam ng hilo at muntik pang matumba, luckily nandiyan si Jiro na mabilis nahawakan ang braso ko.

“Okay ka lang ba talaga?”

“Oo okay langㅡ” hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil bigla siyang naupo sa harapan ko habang nakatalikod.

“Pasan,” nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa lingunin niya na ako. “Pasan na.”

Tumayo siya at sapilitan akong pinasan. Nakakahiya, pero ang komportable rito. Ang komportable sa likuran niya.

“D-dito na lang,” sabi ko nang makarating kami sa tapat ng girls dorm, pero laking gulat ko na lang nang pumasok siya sa loob.

“Si Jiro Villaruel ‘yan ‘di ba?”

“Bakit buhat niya ‘yang babaeng ‘yan?”

“Anong room number mo?”

“218,” tipid kong sagot dahil nahihiya na ako. Mabuti na lang at mabilis kami nakarating sa kwarto. Akala ko ay ibababa na niya ako pero bigla na lang niyang binuksan ang pintuan ng hindi man lang kumakatok. Insolent indeed.

“Bebㅡ” hindi na naituloy ni Ayesha ang sasabihin niya nang mapagtanto niyang pasan ako ng isang Insolent at member ng dark. Nakanganga lang siya sa mga oras na ito at mabuti na lang dahil inilapag na ako ni Jiro sa kama.

“Bantayan mo siya, painumin mo rin ng tubig dahil mukhang nahihilo..” malamig na bilin niya kay Ayesha at saka ibinaling sa akin ang tingin.

“Pahinga ka,” tumango lang ako at nagpasalamat. Paglabas niya ng kwarto ay agad naupo sa tabi ko si Ayesha.

“Beb, nahilo lang ako at pinasan niya ako. Ayun lang ‘yon kaya alisin mo na ‘yang creepy mong ngiti.” sabi ko bago mahiga sa kama.

Gabi na ng magising ako at pagbangon ko, wala si Ayesha. Saktong pagtingin ko naman sa orasan ay 8:00 p.m na. Nagmadali akong magbihis para magpunta ng cafeteria. Tama naman ang hula ko dahil kumakain na sila Ayesha at Liam sa usual place namin.

Kumaway sila nang makita ako pero napahinto ako sa paglakad nang mahagip ng paningin ko ang pwesto ng Dark. Kumpleto sila at mukhang busy dahil may pinag-uusapan silang seryoso. Hindi ko naman maiwasang hindi mainis dahil ang daming babaeng nakatingin sa akin. Hindi pa rin ba sila makaget over dahil sa nakita nila kanina?!

“Beb, sorry hindi na kita ginising. Ang himbing kasi ng tulog mo,” bungad sakin ni Ayesha nang maupo ako sa tabi niya.

“Okay lang,” ngumiti ako ng tipid at saka sinulyapan si Liam. Mukhang problemado siya, aish. Baka inaasahan niya pa rin na papayag ako sa inaalok niyang maging date ako.

Nung araw kasi na inaya niya ako ay bigla akong hinatak ni Matthew palayo kaya hindi ko na siya nasagot pa. Paano ko ba siya tatanggihan? Gusto siya ni Ayesha at hindi naman yata tama kung papayag ako na si Liam ang maging ka-date ko.

“Uy beb, naririnig mo ba ako? Sabi ko malapit na yung water splash festival. May nag-aya na ba sa’yo para maging date ka sa party?” Nabulunan ako bigla dahil sa tanong ni Ayesha. Agad naman tumayo si Liam at tinapik tapik ang likuran ko.

Ugh! Liam. Anong ginagawa mo?! Napatingin ako kay Ayesha at nakitang nakatingin ito kay Liam.

“L-liam. Okay na ako. Bumalik ka na sa upuan mo,” nahihiyang sabi ko pero inabutan niya pa ako ng tubig.

“Liam! Maupo ka na nga, ako nang bahala kay Rain,” iritang utos ni Ayesha.

“Ano ba kayo, okay lang ako. Nasamid lang naman ako. Mag ccr lang muna ako.” paalam ko at saka nagmadaling lumabas. Bakit ang awkward?

Paglabas ko ng cr, agad akong hinarangan ng tatlong lalake.

“Nasa kabila yung cr pang lalake.” sabi ko nang akma ko silang lalagpasan pero marahas akong hinatak ng lalaki sa gitna. Ano na naman ba ito? Hindi na ba talaga ako malalayo sa kapahamakan at gulo?

“May problema ba kayo sa kanya?” Tanong ng malalim na boses. Agad naman akong lumingon para tignan kung sino iyon.

“J-jasper.” tawag ko rito pero nginisian niya lang ako. Bumitaw naman sa akin ang lalake at humarap kay Jasper.

“Wag kang mangialam dito pogi,”

“Okay.” Mabilis na sabi ni Jasper habang nakataas ang dalawang kamay na tila sumusuko. Nanlaki na lang ang mata ko nang bigla siyang tumalikod. Pababayaan niya ba ako? Grabe talaga ang isang ito. Alam ko naman na ayaw niya sa akin pero ano ba naman yung tulungan niya akong maka-alis sa sitwasyon na ‘to.

Napangisi lang ang tatlong lalake pero laking gulat ko na lang nang biglang sipain ni Jasper ang lalaking nasa gitna. Base sa tindig niya, halatang marunong mag taekwando si Jasper. Hindi na naman nakakabigla iyon. Tumakbo ako palayo at balak pa sanang humingi ng tulong kaso mabilis lang napatumba ni Jasper ang tatlong lalake.

“Salamat ah,” ngumiti ako ng tipid nang makalapit ako sa kanya.

“Alam mo bang ayoko sa’yo? I really hate you. Puro gulo lang ang dulot mo sa grupo namin.” marahas niyang hinawakan ang braso ko habang nakatapat ang bibig niya sa tainga ko.

“Dahil sa’yo nasisira yung grupo.” dagdag niya at saka naglakad palayo. Napahawak naman ako sa braso ko kasabay nang paglingon ko sa kanya.

Anong ibig niyang sabihin na dahil sa akin ay nasisira yung grupo?!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.