Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 15

15: Water splash festival

-

Ayesha’s POV.

Ilang araw ang lumipas, Water splash festival na. Ang event kung saan nagbabasaan ang mga tao. That’s one of the best event here at Monstrous academy, dahil bukod sa malaya kang basain ang kahit na sino ay after noon ay may party kinagabihan kung saan mamimili ang organizer ng prince and princess of the night. Sana nga lang si Liam ang maging date ko sa party na iyon dahil may dinner date ang kung sino mang mananalo.

Nakakahalata na ako pero ayoko na lang masiyadong isipin. Sana lang talaga mali ang hinala ko na may gusto si Liam kay Rain. Sana.

“Beb, gising na,” tinapik ko si Rain at agad naman itong nagising. “Mag asikaso na tayo, malapit nang magstart yung water splash festival.” aya ko at tumango naman siya bago bumangon.

Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin kami sa pag-aasikaso.

“Beb, una na ako sa baba, sunod ka na lang, ah?” Sabi ko at tumango lang ito. Napansin ko na parang wala siya sarili nitong mga nakaraang araw. Ano kayang nangyari? Minabuti ko na lang na wag siyang kulitin dahil mukhang seryoso ang problema niya. Hindi rin maganda kung mangingialam pa ako.

Inaayos ko ang buhok ngunit paglabas ko ng dorm ay may bigla na lang bumaril sa akin ng water gun.

“Yah! Ang daya. Hindi pa ko ready!” Sigaw ko kay Jin. Classmate ko. 50% amiable 50% robust.

“Eh bakit lumabas ka na? Oo nga pala, itatanong ko lang kung may date ka na mamaya. Wala pa kasi akong naaaya, kaya kung wala ka pang ka-date. Pwede ako na lang?” Tanong niya at tinaasan ko siya ng kilay. Baka kasi pinagtitripan ako nito, masiyado siyang friendly sa lahat to the point na nagiging flirt na siya. Masasabi ko rin na playboy itong si Jin.

“Hey, stop joking around. Ang dami mong kilalang girls dito. How is that possible na wala ka pang naaaya?” Tanong ko.

“Okay, ikaw talaga gusto kong makadate at sure naman ako na wala ka pang ka-date mamaya,” nakangising sabi niya. Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako dahil doon.

“How sure are you na wala pa nga akong ka-date?” Tanong ko at bigla na lang niyang hinawakan ang kamay ko.

“Wala ka pang flower bracelet.” agad kong binawi ang kamay ko. Tch, eh ‘di ako na walang ka-date! Bakit ba kasi ang manhid ni Liam?!

May nabigyan na kaya siya ng flower bracelet? Wala pa naman akong nakikita na may suot si Rain, so ibig sabihin wala pa siyang date mamaya. “Ano? Ayaw mo ba?” Tanong ni Jin.

“Pag iisipan ko.” sagot ko at saka siya nilagpasan. Bahala na.

Rain’s POV.

Nasaan na kaya si Ayesha? Nauna na siyang bumaba at ngayon hindi ko siya mahanap, hindi ko rin siya macontact dahil sira nga yung phone ko. Ang dami ng nagbabasaan sa paligid, ang saya-saya nilang tignan.

“Hey bitch!” Paglingon ko ay binato ako ni Emerald ng lobo na may lamang tubig at dahil sa bobo siya, pumutok na yung water balloon kahit hindi pa man tumatama sa akin.

“Sa susunod wag gas balloon yung gamitin mo dahil pwede mo lang siyang ibato na may layong 30 cm at mahirap ibato dahil mabilis ‘yon pumutok! Noob. ”sigaw ko sa kanya dahil medyo malayo siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay kaya iniwan ko na siya roon.

“Raaaaaain!” malayo pa lang ay nakikita ko na si Matthew, wala siyang pang itaas. Basang-basa pa siya.

“Nandito na naman ang makulit na ‘to.” Bulong ko sa sarili.

“Bakit hindi ka pa basa?” Tanong niya nang makalapit sa akin, napansin ko rin na wala siyang hawak na kung anong may tubig kaya hindi niya ako mababasa.

“Wala pang bumabasa sa’kin eh,” kibit balikat na sabi ko at laking gulat ko na lang nang yakapin niya ako. “H-hoy! Anong ginagawa mo?”

“Binabasa ka,” tipid niyang sagot at nahampas ko na lang ang likuran niya kaya agad siyang kumalas at ngumiti. “Oh, ayan medyo basa ka na.”

Matapos noon ay hinatak niya ako papunta sa field kung saan bukas ang sprinklers at masayang nagsasayawan ang mga estudyante.

“Matthew!” Sigaw ko dahil medyo maingay ang mga tao at malakas din ang tugtog. Basang-basa na rin ako.

“Bakit?!” Nilapit niya ang bibig niya sa tainga ko para magkaintindihan kaming dalawa. Sobrang lakas talaga ng tugtog sa pwesto namin.

“May gusto akong itanong! Wag tayo rito!” Sigaw ko at medyo lumayo kami sa lugar na iyon. Hanggang ngayon kasi ay iniisip ko pa rin ang huling sinabi sa akin ni Jasper. Paanong ako ang dahilan kung bakit nasisira ang grupo? Ano namang kinalaman ko doon? May kinalaman ba iyon kay Jiro at Thunder o, may iba pang dahilan?

“Anong gusto mo itanong?” Naupo kami sa bench at doon nag-usap.

“Nung nakaraan may sinabi sa’kin si Jasper. Ako raw ang dahilan kung bakit nasisira yung Dark. Anong ibig sabihin noon?”

“Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ‘to, pero kasi gustoㅡ” hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may biglang nagbuhos sa kanya ng tubig.

“Kanina ka pa namin hinahanap,” bored na sabi ni Thunder, dahilan para masira ang buong araw ko.

“Ah, sige Matthew. Mamaya na lang tayo mag-usap.” tumango lang siya kaya naman tumayo na rin ako pero bago ko pa malagpasan si Thunder ay pinigilan niya ako.

“Don’t touch me,” tinabig ko ang kamay niya at saka nagpatuloy sa paglakad. Sakto naman dahil nakita ko na rin si Ayesha. Kasama niya si Liam at mukhang nagtatalo sila.

“Beb.. Liam!” Tawag ko habang tumatakbo palapit sa kanila. Medyo nilalamig na ako. “Nag aaway ba kayo?”

“No.” Sagot ni Liam kaya kumunot ang noo ko

“As far as I know probity ka. So I will repeat my question, nag-aaway ba kayo?” Pag-ulit ko sa tanong ko kanina. Sure naman akong magsasabi siya ng totoo.

“Konting pagtatalo lang. Ayaw niya kasi maniwala sa’kin na babaero yung Jin na ‘yon pero ayun at pumayag pa rin siyang makadate ang lalaking ‘yon.” napapakamot na sagot ni Liam. Balak ko pa sanang magsalita pero may humatak na sa akin palayo sa kanila.

“Ano ba? Bitawan mo nga ako!” Sigaw ko kay Thunder at nakita ko naman ang paghabol nila Ayesha at Liam sa amin.

“Guys! Okay lang ako!” sigaw ko dahil medyo malayo na kami. Sinubukan kong kumawala sa pagkakahawak ni Thunder pero masiyado siyang malakas.

Kasalukuyan naming tinatahak ang daan papuntang keen’s lab. Ano naman kaya ang binabalak ng lalaking ‘to?!

“Sinabi ko nang bitawan mo ko ehㅡAno ba? Ibaba mo ko!” Sigaw ko dahil bigla na lang niya akong binuhat na parang sako ng carrots. Hinampas hampas ko ang likuran niya pero hindi niya pa rin ako binababa hanggang sa bigla niya kong i-upo sa isang bench. Laking gulat ko na lang nang hubarin niya ang suot niyang damit.

“A-anongㅡ” ibinato niya iyon sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin. Kailan ba siya magiging gentleman?!

“Isuot mo ‘yan. Nakikitaan ka.” agad kong tinakpan ng braso ko ang dibdib ko bago nagmadaling tumalikod para isuot ang damit na ibinato niya sa akin. Nakalimutan kong puti nga pala yung damit ko kaya manipis lang iyon.

“Tara, sumunod ka sa’kin. I have something to show you.” sabi niya at hindi man lang niya ako hinintay na pumayag bago siya maglakad palayo. Wala naman akong nagawa kaya sumunod na lang din ako.

Nagpunta kami sa likuran ng keen’s laboratory at may kung ano siyang sinisilip doon kaya nakisilip na rin ako. May babaeng nakahiga at may kung anong itinutusok sa kanya.

“Anong meron diyaㅡ” bigla na lang niya akong isinandal sa pader at tinakpan ang bibig ko. Masiyado siyang malapit.

“Shh.. Shut your mouth,” bulong niya at naramdaman ko na lang na may nagbubukas ng bintana. Tinignan ako ni Thunder at hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong hinalikan.

Yung feeling na wala siyang suot na damit, nakasandal ako sa pader at magkadikit ang labi namin. Damnit, I can’t imagine myself doing this in public. Sana may magbuhos sa akin ng tubig ngayon dahil hindi ako makagalaw.

“Hey. Stop making out here!” Boses ng lalake. Bigla naman kumalas si Thunder sa pagkakahalik at lumingon doon sa lalaking nakasilip sa bintana.

“Tss,” ayun lang ang isinagot niya at hinatak ako palayo. Hindi ako makapagreklamo, ang tanging nagawa ko na lang ay ang tignan ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko. Hindi ko na naman mapigilang hindi hawakan ang labi ko. Ano na bang nangyayari sa akin? Dapat ay nagagalit ako ngayon. Ninakawan na naman niya ako ng halik.

“Buti na lang at hindi tayo nahuli,” sabi ni Thunder habang patuloy siya sa paghila sa akin. “Pag nahuli tayo, malamang ay katapusan na natin.”

Huminto siya sa paglakad at humarap sa akin. “Hoy! Nakikinig ka ba?”

Bakit ganun? Parang wala lang sa kanya yung ginawa niya sa akin kanina? Na parang walang nangyari at hindi niya ako ninakawan ng halik.

“B-bakit mo ko hinalikan? Napakamanyak mo!” Wala na akong masabi.

“Kung hindi ko ginawa ‘yon, malamang ay nakita na nilang nakasilip tayo.”

“Ano bang ginagawa nila sa babae? Pinag-eexperimentuhan?” Tanong ko at hindi siya sumagot hanggang sa mapansin ko na lang na magkahawak pa rin pala ang kamay namin, agad naman akong bumitaw dahil doon.

“Bumalik ka na sa dorm, nilalamig ka na.” tumango lang ako pero hindi ko pa rin magawang umalis sa pwesto ko. Nacurious ako bigla, ano kayang ginagawa sa babaeng iyon?

“Gusto mo bang buhatin pa kita kung paano ka binuhat ni Jiro papunta sa dorm?” Kunot noong tanong ni Thunder kaya nagsalubong ang kilay ko.

“Paano moㅡibaba mo ko!” Sigaw ko dahil bigla niya akong binuhat na parang bagong kasal.

“Subukan mong mag pumiglas, hahalikan kita.” huminto ako sa pagpadyak at tumahimik. Kahit ilang beses kong subukan na wag siyang tignan, hindi ko magawa hanggang sa magsalita siya ulit.

“Yung sinabi ko sa Janitor’s room...Totoo ‘yon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.