Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 17

17: Jealous

-

Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang party. Wala namang mali sa paligid maliban sa sarili ko.

Oo may mali sa akin, mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na maalis si Thunder sa isipan ko. Para siyang tumor na bigla na lang tumubo sa utak ko nang walang pasabi.

Gusto niya kong protektahan? Dahil lang sa salitang iyon, hindi ko na maalis sa isip ko kung totoo ba talaga yung sinabi niyang may gusto siya sa akin. Baka way nya lang iyon para pagtripan ako.

“Ulaaaaaaaaaan!” Sigaw niya sa akin. Bakit kasi siya pa yung naging kagrupo ko ngayon?!

“Sinabi ko nang wag mong tatagalugin yung pangalan ko eh!”

“Eh bakit kasi lutang ka?! Kanina pa kita kinakausap! Sino bang iniisip mo?!”

“IkaㅡYung activity!”

“Excuse me Mr. Cross and Ms. Celvero. Hindi lang kayo ang tao rito. Get out of this class!” Sigaw ni Ms. De Vera. Substitute prof namin siya ngayon. Geez! Mapapalabas pa tuloy ako ng wala sa oras.

“Ang lakas ng loob mong palabasin ako!” inis na sabi ni Thunder nang hampasin nito ang lamesa niya. Wala talagang galang ang isang ito.

“Tara na,” aya ko at sapilitan ko na siyang hinatak palabas. See? May mali talaga sa akin. Dapat hinayaan ko na lang siyang manatili sa loob. Bakit ko siya hinatak? Shit!

“Wow. Parang first time mong hawakan ang braso ko, ha.” mapang-asar na sabi ni Thunder. Inirapan ko lamang ito at agad umalis ngunit naramdaman ko na lang ang pagsunod niya sa akin.

“Wag mo kong sundan! Dahil sa’yo napalabas tuloy ako!” reklamo ko pero patuloy pa rin siya sa pagsunod. Alam na alam niya talaga kung paano at kailan ako b-bwisitin.

“Sure kang gusto mo na wag kitang sundan? Baka mamaya niyan may bigla na lang kumuha sa'yo at gawin kang human subject,” pananakot niya kaya agad akong napahinto sa paglalakad.

“P-pwede ba!” nagpatuloy ulit ako at balak na sanang pindutin ang button ng elevator ngunit bigla na lang siyang humaraang doon habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.

“Ulan, listen to meㅡ” tinignan ko siya ng masama. “Okay, Rain. Hindi na ako nantitrip, totoo na lahat ng sinasabi ko. Makinig ka, just stick to me. Gusto kong ma-assure ang safety mo,”

Why all of a sudden magiging ganito siya makitungo sa akin? Hindi ko na tuloy alam kung nagsasabi na ba siya ng totoo o hindi.

“Gusto mo talaga akong maniwala? Okay. Samahan mo ko sa Keen’s lab. Gusto kong makita yung X list na sinasabi mo. Pag nakita ko yung pangalan ko roon, magtitiwala ako sa’yo. Paniniwalaan ko lahat ng sinasabi mo,”

Pinanatili ko ang blangkong eskpresyon nang sabihin ko iyon at bahagya siyang ngumiti. Iyong ngiting ngayon ko lang nakita. Parang hindi na siya ang Thunder na una kong nakita noon.

“We need some time para makita yung X list. We need to plan everything,” sabi niya at tumango lamang ako.

THUNDER’S POV

I really don’t know what happened to me. In just one snapped, gusto ko na si Rain, or maybe noon pa lang ay gusto ko na siya. Ayaw ko lang aminin sa sarili ko dahil hindi naman ako yung tipo ng lalaking nagseseryoso sa babae.

Napacorny nito pero para akong pinana ni kupido. I don’t imagine myself saying those words, these words. There’s something about her that makes me feel likeㅡI want to protect her.

“Hoy kulog! Nakikinig ka ba? Tinatanong ko kung saan ko makikita yung X list,” tanong ni Rain. Magkasama pa rin kami ngayon at nandito na sa rooftop. We’re planning to steal the X list from Keen’s organization.

If I’m not mistaken, doon din nakalagay yung mga plano nila at kung anong klase ng experiment ang ginagawa nila.

“Bakit mo tinatagalog pangalan ko?” I asked. She really have the guts to talk to me in that way. Isa na siguro iyon sa mga dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Kaya ngayon, kahit paano pa siya makipag-usap sa akin, wala na akong nararamdamang galit.

Pakiramdam ko nababawasan na ang pagiging Insolent ko dahil sa kanya.

“Sino bang nag umpisa?” Tanong niya at hindi na ako sumagot. Ang hirap kausap ng babaeng ito. “Hoy ano ba? Siguro pinagtitripan mo lang talaga ako kaya hindi mo sineseryoso itong planㅡ”

Bigla siyang huminto sa pagsasalita kaya nilingon ko ito. Nakahawak siya sa bandang puson niya na tila may nararamdamang sakit.

“Anong nangyari? Okay ka lang?” Naupo ako sa harap niya at napakagat lamang siya sa labi. “Rain,”

“Kailan kong pumunta ng cr.” sabi nito nang tumayo siya kaya napatayo rin ako pero nang tumalikod siya ay may nakita akong dugo.

Red alert.

Agad kong hinubad ang blazer na suot at itinali iyon sa baywang niya nang sa ganun ay matakpan ang palda niyang may blood stain.

“A-anongㅡ”

“Bumalik ka na sa dorm, you have blood stains in your skirt.” sabi ko habang nakaiwas ng tingin sa kanya. Pakiramdam ko kasi ang awkward nito at mukhang tama nga ako dahil bigla na lang siyang tumakbo palabas ng rooftop. Sayang at hindi ko nakita kung paano mamula ang mga pisngi niya dahil sa hiya.

RAIN’S POV

Gusto kong lumubog sa lupa. Nakakahiya ang nangyari sa rooftop! Bakit naman ngayon pa? At bakit kailangan sa harap mismo ni Thunder iyon mangyari?!

Buti na lang at last subject na si Ms. De vera kaya nanatili na lang ako rito sa dorm at naghintay sa pagdating ni Ayesha.

Nilabhan ko na rin ang Blazer ni Thunder para hindi nakakahiya sa kanya peroㅡjusko kaya ko pa bang humarap sa kanya pagtapos niyang makita ang bagay na iyon?

Nahiga na lamang ako at iniinda ang sakit ng puson ko. Ang hirap maging babae, gusto kong sumigaw sa sakit pero bago ko pa man maibuka ang bibig ko ay may kumatok na sa pintuan.

Napatingin ako sa orasan at 12:00 p.m pa lang, napaaga yata ng isang oras ang pagbalik ni Ayesha?

Nakahawak pa rin ako sa puson ko ngunit dahan-dahan ko iyong inalis nang mapansing may mali. Bakit kakatok pa si Ayesha? Eh hindi naman niya alam na nandito ako at isa pa, mayroon siyang susi ng kwarto. That’s strange.

Binuksan ko ang pintuan at isang lalake ang bumungad sa akin. Siya yung lalake sa Keen's lab noong water splash festival.

“Ano pong kailangan nila?” Tanong ko habang nakasilip lang ang ulo ko sa naka-awang na pinto.

“You’re the exchange student, right? And if I’m not mistaken, ikaw yung babaeng nakikipag make out sa likod ng Keen’s lab noong may event.” napangiwi na lang ako nang marinig ko ang salitang make out.

Stolen kiss iyon! Ano bang malay ko na bigla pala akong hahalikan ni Thunder.

“The Keen’s organization wants to see you. Responsibilidad ka namin and what you did was inappropriate,” dagdag nito at kumunot na lamang ang noo ko. Something’s not right. Bakit ngayon lang niya ito sinasabi sa akin? Ilang araw na ang lumipas.

“Come with me,” utos nito ngunit bigla akong napalingon sa likuran. Nanlaki na lamang ang mata ko nang makitang umaakyat na naman si Thunder sa balkonahe.

Agad kong binalik ang atensyon sa lalake at ngumiti.

“Okay, susunod po ako. Magbibihis lang.” sabi ko at tumango lamang ito. Hinintay ko muna itong makalayo bago ko isara ang pinto at harapin si Thunder na mayroong bitbit na paper bag.

“Ano na namang ginagawa mo rito?” Tanong ko at bigla na lang niyang inabot sa akin ang paper bag na hawak kaya tinignan ko ito. “Ano ba ‘yan?”

“Basta, kunin mo na lang. Sino yung kausap mo?” Tanong niya nang kuhain ko ang paper bag sa kanya. Pagbukas ko noon ay parang naubusan ako ng laway at hindi nagawang sagutin agad ang tanong niya.

Binilhan niya ako ng heating pad at pagkain. Seryoso ba ito?

“Y-yung lalake sa Keen’s lab noon. Gusto raw ako makita ng Keen’s organization,” sabi ko habang nakatingin pa rin doon sa binigay niya ngunit laking gulat ko na lang nang hatakin niya ko papunta sa balkonahe. “B-bakit?”

“Bababa tayo. Magtago ka sa Hideout,” sabi nito at agad kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya. Ito na naman siya sa pabigla bigla niyang pagkilos. “Nag-uumpisa na sila, Rain. Listen, mauuna akong bababa para masalo kita.”

“Waitㅡare you serious?”

“Ito na ang pinakasafe na daan. Sigurado akong nag aabang na sa harap ng girl’s dorm yung Keen’s org,” napaisip ako saglit sa sinabi niyang iyon hanggang sa hawakan niya na ang kamay ko. “Trust me,”

Wala sa sarili akong napatango at bahagyang ngumiti. Dahil sa ginagawa ni Thunder, pakiramdam ko tuloy ay nagugustuhan ko na siya.

Marahan niyang binitawan ang kamay ko at nag-umpisang maglakad sa makapal na sanga ng puno na nasa tapat ng balkonahe. Nakasilip lang ako sa kanya at saktong pagbaba nito ay may kumatok sa pinto. Kinabahan ako dahil doon.

“Rain. Gawin mo yung ginawa ko. Sasaluhin kita,” mahinang sabi ni Thunder pero sapat na para marinig ko. Marahan akong pumatong sa sanga at dahan-dahang gumapang. Hindi naman ganun kataas kaya mababalian lang ako kung sakaling mahuhulog ako. “Talon na,”

Napalunok ako sa sinabi niyang iyon. Huminga muna ako ng malalim bago tumalon gaya ng inutos niya. Nasalo nga niya ako pero natumba kaming pareho.

“May masakit sa’yo?” Agad na tanong niya habang nasa ibabaw niya ako. Mabilis akong tumayo at ganun din siya. Umiling lang ako. Hanggang ngayon hawak ko yung paper bag na bigay niya. “Tara!”

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na nakapagreklamo dahil hinatak na niya ako papunta sa Hell’s gate. Nang makarating kami sa hideout nila, naroon yung apat. Lahat sila ay nakatingin sa aminㅡSa kamay namin actually, kaya agad akong bumitaw.

“Dito muna si Rain, kumikilos na yung Keen’s org,” sabi ni Thunder at bigla na lang itong umakyat sa taas habang si Jiro naman ay bigla akong hinatak at dinala kung saan malayo kami sa tatlo.

“B-bakit?” Tanong ko at tinignan naman ako nito nang diretso sa mata.

“Nagseselos ako,”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.