Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 18

18: The plan

-

“Ano?” Ayun lang ang nasabi ko pagtapos niyang sabihin na nagseselos siya. Oo keen ako, pero hindi gumagana ang utak ko sa ganitong sitwasyon. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok noon.

“Let’s talk some other time. Yung tayong dalawa lang,” sabi nito habang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko kung saan siya nakatitig at nang lumingon ako, nakababa na ulit si Thunder. May hawak siyang papel at ballpen.

“Rain tara,” aya niya sa akin at agad naman akong lumapit doon kung saan sila nakapwesto. Nagkumpulan kaming anim na para bang isa kaming team ng basketball at ang nagsisilbing coach ay si Thunder.

“Ganun ba talaga kaseryoso yung gagawin natin?” Hindi ko naiwasang itanong, dahilan para bigla na lang akong pitikin ni Matthew sa ilong “Aw! Ang sakit non ah!”

“Saglit, kausapin ko lang si Rain,” sabi nito at bigla na lang niya akong hinatak palayo doon sa apat. He’s acting weird.

“Bakit?” Tanong ko.

“Naaalala mo ba yung tinanong mo sa’kin noong water splash festival?” Tumango ako at inakbayan niya ako. “Ito yung dahilan kung bakit kami nagkakasira. I mean kung bakit nagkakaproblema sa grupo. Gusto kang protektahan ni Thunder and so am I, pero kontra roon si Jasper at Axel...”

“...Naniniwala kasi si Axel na malakas ang impluwensya ng Keen’s leader at isang malaking problema kung kakalabanin namin sila. Si Jasper naman, alam mo na yung dahilan. Ayaw niya kasi sa’yo,”

Napatango lang ako. Nakakahiya, bakit kasi kailangan madamay pa yung grupo nila sa problema ko? Hindi naman kailangan gawin ni Thunder iyon para sa akin.

“Kaya yung sagot sa tanong mo kanina. Oo ganun kaseryoso dahil buhay mo ang nakasalalay. Napalapit ka na sa grupo, hindi namin hahayaang mapahamak ka.” napangiti na lamang ako sa sinabi ni Matthew. Hindi ko akalain na magiging ganito sila sa akin.

Bumalik kami sa pwesto namin at inumpisahan na ni Thunder ang pagdiscuss sa magiging plano.

Unang plano namin ay yung kuhain ang X list, pangalawa ay sirain iyon, dahil naroon daw ang mga formula at eksperimentong ginagawa nila.

Napagdesisyunan din naming anim na ako at si Axel ang papasok sa Keen’s lab since pareho kaming allowed sa loob.

“What if magpanggap na lang ako na willing ako maging human subject? Para habang busy sila sa’kin, kikilos si Axel para patagong kunin yung X list?” Suhestiyon ko at lahat sila ay napatingin sa akin. Nabigla na lang din ako ng pitikin ako ni Thunder sa noo. Bakit ba ang hilig nilang mamitik? “Aray! Bakit na naman?”

“Hindi ko hahayaang mangyari ‘yon. You can’t risk your life. Stupid!”

“No. I think that’s a good idea,” sabi ni Axel at napangiti ako. Gumagana ang pagiging Keen niya. “As of now, tayong anim lang ang nakakaalam sa ginagawa ng Keen’s org dahil illegal iyon. Hindi ‘yon alam ng Amiable org, probity, robust at kahit ang Insolent ay walang alam sa pinaggagawang experiment ng Keen’s organization.”

“Wala bang ibang paraan para mas madaling makuha ang X list na ‘yon?” Tanong ni Jiro.

“Meron, pero lahat tayo ay magbubuwis ng buhay. Kailangan nating sugurin ang Keen’s org, but ofcourse we can’t do thatㅡSo we need to stick on Rain’s idea,” sabi ni Axel.

“How sure are you na hindi matutuloy ang experiment sa kanya kung sakaling ituloy natin yung planong ‘yon?” Tanong ni Matthew.

“Simple lang,” sabi ko at lahat sila ay napatingin sa akin.

“Gabi na, hindi pa rin ba natin pababalikin ‘yang babaeng ‘yan sa Dorm?” Boses ni Jasper. Dinilat ko ang mga mata ko. Nakatulog pala ako. Dahan-dahan akong bumangon mula sa sofa at nakita silang naglalaro ng billiards. Hindi nila kasama si Thunder na siyang unang hinanap ng mga mata ko.

“Sabi ni Thunder dito muna si Rain, kung dati hindi siya safe rito dahil sa ibang insolent. Ngayon, ito na ang pinakasafe na lugar para sa sitwasyon niya ngayon.” rinig kong sabi ni Axel. Mukhang hindi nila ako napansin na bumangon kaya lumabas ako sa hideout nila para magpahangin sana ngunit hindi ko inaasahan na dito ko pala makikita si Thunder.

“Nagyoyosi ka pala,” puna ko nang makita kong nakasandal ito sa pader habang humihithit ng sigarilyo.

“Bakit? Ayaw mo ba sa lalaking ng yoyosi? Ititigil ko para sa’yo,” walang sabi-sabi, bigla niyang itinapon ang sigarilyong hawak kahit wala pa iyon sa kalahati. Seryoso ba siya? “Bakit lumabas ka? Malamig na dito. Pumasok ka sa loob,”

“8:00 p.m na at may curfew ng 10:00 p.m, kailangan ko nang bumalik sa dorm. Baka nag-aalala na si Ayesha sa’kin.”

“You will sleep here tonight. Babantayan kita.” dahil sa sinabi niyang iyon ay napahawak ako sa dibdib ko. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko at para bang nagsasabi naㅡitong lalaking kaharap ko ngayon ang dahilan. Well, sino pa ba.

“Thunder, hindi mo kailangan gawin lahat ng ito para sa’kinㅡ” hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang bigla niya akong hawakan sa magkabilang balikat habang nakatitig ng diretso sa mga mata ko.

“Kailangan Rain. Dahil gusto kita, at ayokong mapahamak ka.”

“Thundㅡ”

“I mean it.” pagputol niya ulit and the next thing I know? Palapit na ng palapit ang labi niya sa labi ko. Hindi ito yung moment na masasabi kong naaasar ako dahil alam kong romantic ito compared sa mga stolen kisses na ginawa niya sa akin noon.

Marahan kong ipinikit ang mga mata ko hanggang sa maramdam ko na ang paghinga niya pero...

“Rain,” boses ni Jiro. Agad akong lumayo kay Thunder at tinignan ito bago ibaling ang atensyon kay Jiro.

“B-bakit?” Nauutal kong tanong ngunit bigla na lang niya akong hinawakan sa pulsuhan at nang hahatakin na niya sana ako ay naramdaman kong hinawakan ni Thunder ang free hand ko. Pakiramdam ko ay bigla na lang humaba ang buhok ko. What K-drama is this?

“I need to talk to her,” walang emosyong sabi ni Jiro.

“Gabi na, bumalik na kayong apat sa boy’s dorm. Ako nang magbabantay kay Rain.” sabi ni Thunder at namuo na lang bigla ang tensyon sa dalawa.

“No. I will stay here,” matigas na saad ni Jiro kaya pwersahan ko nang binawi ang magkabilang kamay ko mula sa pagkakahawak nila.

“Ano bang problema niyong dalawa? Magkapatid kayo ‘di ba?” Tanong ko pero nagtinginan lang sila ng masama kaya kusa na akong pumasok sa loob at kinuha ang paper bag ko na hawak ni Matthew.

“Pagkain ko ‘to!” nag-pout siya sa akin at inilabas ko ang laman noong paper bag. May burger, pizza, salad, pasta at apple. Mukhang okay pa naman silang lahat kaya pwede pang kainin.

Sinimulan ko ng lantakan ang pagkain dahil na-i-stress ako sa nangyayari. Maya-maya lang ay pumasok na sila Jiro at Thunder. Agad naman nilang inutos na bumalik na ang tatlo sa boys dorm.

So ano ito? Silang dalawa ang matitira rito kasama ko?! Sinasadya ba nilang mapunta ako sa awkward na sitwasyon? Noong una pa lang ay gusto ko na si Jiro pero ngayon naguguluhan na ako sa nararamdaman ko para kay Thunder. Idagdag mo pa ang tensyon sa kanilang dalawa.

“Pagtapos mong kumain, umakyat ka na sa taas. Dito kami magbabantay sa ibaba.” Malamig na utos ni Thunder at napatango na lamang ako. Mukhang wala siya sa mood ngayon.

Pagtapos kong kumain ay sinunod ko agad ang utos niya. Nahiga ako sa kama at ipinatong ang heating pad sa puson ko. Sana maging maayos na ang lahat. Hindi ko alam kung bakit ako nasa ganitong sitwasyon pero sana magwork ang plano namin. Sana lang.

Ilang oras ang lumipas, hindi pa rin ako makatulog at curfew na. Saktong pagbangon ko naman ay bumukas ang pinto.

“Rain, kailangan kong umalis. May emergency sa bahay. Gustong kitang bantayan ngayong gabi kasoㅡ”

“Jiro, okay lang. Hindi mo ko kailangan alalahanin,” sabi ko nang maupo siya sa tabi ko.

“I like you Rain. And I care about you. Be safe.” hinalikan niya ako sa noo at bigla na lang umalis. Para akong naging yelo dahil hindi ako nakagalaw pagtapos niyang sabihin iyon.

“Hindi ka makatulog?” Tanong ni Thunder nang mapansin niya akong bumaba.

“Hindi eh, pwede ko bang mahiram yung phone mo? Kailangan ko lang tawagan si Ayesha. Baka nag-aalala na yun, eh.” sabi ko nang maupo ako sa harapan niya. Inabot naman niya sa akin ang phone niya at tahimik na uminom ng kape.

Naalala ko tuloy iyong unang pasok ko sa klase. Yung nilapag niya ang phone niya sa mesa ko para kuhain yung number ko. Pinagtripan ko siya noon at nilagay ang delivery number ng Jollibee imbis na ang numero ko.

“Bakit ka nakangiti? May nakakatuwa ba sa wallpaper ko?” Tanong niya at napatingin ako sa kanya.

“Hindi ako nakangiti at saka hindi ko pa nabubuksan yung phone mo.” Inirapan ko siya at ibinalik ang atensyon sa cellphone niya.

Nanlaki na lang ang mata ko nang makitang ako yung nasa wallpaper nya. Ito yung araw na nagpitch kami ni Ayesha. Halos mabitawan ko ang cellphone niya dahil doon, seryoso ba ito?!

“Oh nakakakita ka ba ng multo?” Tanong niya sa akin at sinamaan ko naman ito ng tingin.

“Anong trip ‘to? Delete mo nga!” reklamo ko pero umiling lang siya kaya tinawagan ko muna si Ayesha, alam ko naman kasi na hindi niya susundin ang sinabi ko. Malamang ay lalo lang niya akong pagt-tripan.

“Hello, who’s this?” Tanong ni Ayesha nang sagutin nito ang phone niya.

“Beb. Ako ‘toㅡ” hindi ko pa man natatapos ang sinasabi ay bigla na lang kinuha ni Thunder ang cellphone niya at pinatay ang tawag. Napa-awang na lang ang bibig ko dahil doon. “Ano ba?!”

“Akala ko ba si Ayesha ang tatawagan mo? Eh ano yung beb?"?” Taas kilay niyang tanong nang lumapit siya sa akin. Nababaliw na talaga itong lalaking ito.

“Tawagan namin ‘yon! Gusto mo i-loud speaker ko pa, eh. Akin na!” kinuha ko ulit ang phone niya at kunot noong dinial ang number ni Ayesha.

Tinalikuran ko siya dahil nairita ako bigla sa kanya, ngunit laking gulat ko na lang ng i-back hug niya ako ng walang pasabi.

“Hey.... Can I say something crazy?” mahina niyang sabi. “I love you,”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.