Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 2

2: D.A.R.K

-

Hindi ko maisara ang bibig ko sa pagkamangha, sobrang laki ng cafeteria sa school na ito. Mukha siyang vintage café, may second floor at glass wall pa. Makaagaw pansin rin ang malaking chandelier sa itaas.

“Ang daming tao.” ayan ang una kong nasabi pagpasok namin sa loob, ang daming tao pero hindi napupuno ang cafeteria. Ganun siya kalaki, parang isang malaking food court.

“Tara doon tayo maupo sa usual place ko.” Hinatak ako ni Ayesha at itinulak pababa ang magkabilang balikat ko para maupo sa pwestong malapit sa glasswall.

“Just stay here okay? Mamaya may darating na lalaki rito, don’t worry he’s my bestfriend kaya wag ka mahihiya. Ako na oorder ng kakainin natin. Treat ko since it’s your first time here.” Nakangiting sabi niya. Grabe ang pagka-hyper niya, parang hindi siya nanggaling sa sakit.

Habang nag-aantay ay inilibot ko muna ang paningin sa paligid. Halatang mayayaman ang mga estudyante rito. Napansin ko rin na may ilang kalalakihan ang pilit iniiwasan ng mga estudyante.

Para silang mga VIP kung maglakad dahil talaga namang binibigyan sila ng daan, iyong tipong kusa na lang nagsisitabihan ang mga taong daraanan nila. Kahit malayo ay halatang may mga itsura sila. Those messy hair, ear piercings and blank expression makes them more hotter. No wonder kung bakit makalaglag panga ang reaksyon ng mga babae.

“Hi, nice too see you again. Bakit dito ka nakaupo?” Tanong nang lalaking tumulong sa akin kanina. Siya siguro iyong tinutukoy ni Ayesha.

“Oh hi, dito kasi ako pinaupo niㅡ”

“Hey Liam!” Bati ni Ayesha nang ilapag niya ang tray na may lamang dalawang pinggan na may kanin, chicken, dalawang juice at apple. So Liam pala ang pangalan niya. Inabot ko ang kamay ko sa kanya at ngumiti.

“Hi Liam, ako nga pala si Rain.” pakilala ko at nakipagkamay naman siya sa akin samantalang si Ayesha ay naupo na sa tabi ko.

“Do you know each other?” Tanong niya at marahan akong tumango.

“Siya yung tumulong sa akin kanina para mahanap itong school.” sagot ko at halos sabay kaming napangiti ni Liam. Maya-maya pa ay sumasabay na ako sa kwentuhan nilang dalawa. Mabilis lang din gumaan ang loob ko sa kanila dahil pareho silang mabait at friendly.

“So Probity ka pala. I can really trust you since you’re honest.” Sabi ko at nagtawanan lang kami pero agad akong natigil nang makuha nang apat na lalaki ang atensyon ko. Sila iyong mga lalaki kanina na pilit iniiwasan ng mga estudyante. Tatlong lamesa lang ang pagitan ng pwesto nila sa pwesto namin.

“Sino sila?” Hindi ko naiwasang itanong. Agad naman lumingon si Liam para sulyapan kung sino ang tinutukoy ko.

“Dark. Mga insolent, gangster ‘yang mga ‘yan so... As much as you can, stay away from them. Hindi sila mapagkakatiwalaan.” seryosong sagot ni Liam nang ibalik niya sa akin ang atensyon niya. Tumango lang ako ng tipid at ipinagpatuloy ang pagkain. Wala sa itsura nila ang pagiging delikado kasi naman ang g-gwapo nila.

Maya-maya lang ay biglang natahimik ang buong cafeteria at nabalot na lang ng mahihinang bulungan. Nakakakilabot tuloy. Tinatayuan ako ng balahibo, seryoso.

“Anong nangyari? Bakitㅡ”

“Shh.” tinakpan ni Ayesha ang bibig ko at bigla na lang tumaas ang kilay ko nang makita ang pagpasok ng lalake sa infirmary kanina. Nakasuot siya ng itim na sleeveless kaya kitang kita ang bandage na nasa braso niya. Kumikinang rin ang suot niyang mahabang hikaw, ang cool niyang tignan pero hindi noon maitatago ang pangit niyang ugali.

“Anong pangalan ng lalaking ‘yon?” Tanong ko nang ituro ko yung lalaki gamit lang ang nguso ko.

“Thunder Cross. Leader ng Dark, bakit? Crush mo?” Tanong ni Ayesha at agad akong umiling. Thunder, ang cool ng name niya kaso medyo may pagka-weird. Gangster? Uso pala talaga ‘yon sa school na ito.

“Ah hindi, siya kasi iyong tinutukoy ko sa’yo kanina na ginamot ko sa infirmary.” bigla na lang naibuga ni Ayesha ang juice na iniinom niya dahil sa sinabi ko, pareho naman silang nakatingin sa akin ni Liam ngayon na parang may ginawa akong masama o maling nasabi.

“Y-You mean, yung sugat na nasa braso niya. Ikaw yung nag gamot?" Tanong ni Ayesha at tumango lang ako ng marahan. Big deal ba iyon? Leader lang naman siya ng mga gangster eh, buti sana kung artista ‘yan. Ayun, big deal iyon para sa akin.

Tinignan kong mabuti iyong Thunder, papalapit siya ngayon sa mga kagrupo niyang gangster. May kung ano silang pinag-uusapan at maya-maya lang ay nahagip ako ng paningin ng isa sa kanila. Bahagya pa itong ngumiti bago ibalik ang atensyon sa mga kagrupo niya.

Wait, nginitian niya ba talaga ako? O baka imagination ko lang iyon?

“Tara na, bumalik na tayo sa dorm. Maaga pa tayo bukas.” aya ni Ayesha pagtapos naming kumain.

“Ihahatid ko na kayo.” Prisinta ni Liam at tumango lang kami. Paano pala yung uniform ko? Hindi ko pa ‘yon natatanong at saka yung class schedule ko.

“Bukas pa ba yung faculty ngayon?” Tanong ko habang naglalakad kami palabas ng cafeteria.

“9:00 p.m nagsasara yung faculty, quarter to 9:00 pa lang naman kaya bukas pa ‘yon. Bakit?” Tanong ni Liam.

“Ah, may itatanong lang ako. Sige na, mauna na kayo ni Ayesha.”

“Sure ka? May curfew ng 10:00 p.m kaya pagtapos ng gagawin mo, bumalik ka na agad sa dorm, ah?” Nag-aalalang sabi ni Ayesha. Ngumiti naman ako, first time kong makakita ng gaya niya. Wala pang 24 hours kaming magkakilala pero sobrang nag-aalala na siya para sa akin.

“Mabilis lang ‘to. Pahinga ka pagbalik sa dorm, ah? Ikaw din Liam, salamat.” sabi ko at naglakad na ako papuntang faculty.

Pagdating ko roon ay si Ms. De Vera ulit ang kumausap sa akin. Sinabi ko na sa kanya yung mga ipinunta ko rito at maya-maya lang ay may inabot siya sa aking dalawang pares ng regular uniform at isang pares ng P.E uniform.

“Yung schedule mo, ibibigay ko na lang before mag start ang class. You can go back to your dorm.” tinapik-tapik niya ako sa balikat at nagpasalamat naman ako.

Tahimik na rito sa buong campus, buti na lang ay may mga ilaw sa field kaya hindi masiyadong madilim sa dinaraanan ko.

Tahimik akong naglalakad pabalik sa dorm ng may narinig akong kaluskos sa hindi kalayuan. Parang nanggagaling ‘yon sa likod ng main building, kahit gusto ko man na hindi na pansinin iyon ay hindi ko magawa dahil hindi umaayon ang mga paa ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa likod ng main building at pagdating ko doon ay bigla ko na lang nabitawan yung mga dala ko, dahil doon ay naagaw ko ang atensyon ng mga lalaking nag-aaway. Nandito yung Dark na sinasabi nila Liam kanina at meron pang isang grupo.

“Sino ka?!” Tanong ng lalaking galing sa kabilang grupo. Hindi ako nakakibo dahil sa takot, kinakabahan ako. Wrong move talaga ang pagpunta ko rito, ano ba kasing pumasok sa isip ko?

“Hoy! Wag mo siyang intindihin. Ako yung bigyan mo ng pansin.” sabi ni Thunder at bigla na lang niyang sinapak ang lalaking ‘yon. Napahawak na lamang ako sa bibig ko.

Kahit ilang beses kong subukan ihakbang ang mga paa ko paalis sa lugar na ito ay hindi ko na magawa. Ngayon lang ako nakakita ng ganito. Ngayon lang ako naging malapit sa isang engkwentro, parang may magnet ang sapatos ko dahil hindi na nito kayang gumalaw. Para akong napako sa mismong kinatatayuan ko habang pinapanuod ang sobrang lapit na gulong nangyarari.

“Hi miss, ang sexy mo ha. Bago ka ba rito? At saka bakit ka nandito? Delikado rito. Tara sumama ka sa’kin para ‘di ka mapahamak.” naramdaman ko na lang na may braso ang umakbay sa balikat ko. Nanginig ang tuhod ko dahil doon.

“B-bi-bitawan mo ako.” sinubukan kong tanggalin ang pagkakaakbay niya sa akin pero bigla na lang niya akong hinawakan sa baywang at tinangkang halikan pero mabilis ang reflexes ko sa ganitong sitwasyon kaya nasampal ko siya. Ginamit ko ang pagkakataon na iyon para itulak siya.

Tatakbo na sana ako pero hindi pa man ako nakakatatlong hakbang ay napaupo na ako sa damuhan dahil nabangga ako ng lalaking humarang sa daanan ko. Tumingala ako at nanlaki na lang ang mga mata ko. Si Thunder, nakasuksok ang mga kamay nito sa loob ng bulsa at nakatingin siya sa akin ng masama.

Napatingin ako sa paa niya dahil dahan-dahan niya iyong itinaas. Napapikit ako dahil sa gagawin niyang pag sipa sa akin pero imbis na masaktan ako ay nakaramdam lang ako ng malakas na kalabog mula sa likuran.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at tumingin sa likuran. Nakabulagta na doon yung lalaking nagtangkang humalik sa akin and the next thing I knewㅡtumutulo na ang luha ko, sobrang natatakot ako sa nangyayari. Bakit hinahayaan ito ng school?

Nilagpasan ako ni Thunder at ganun din ang iba pa niyang kasama pero may pares ng sapatos ang biglang huminto sa harapan ko. Naupo ito para mag tama ang mga mata namin. Ah, ang gwapo ng isang ito.

“Miss, delikado ng mag pagala-gala sa campus pag ganitong oras. Bumalik ka na sa dorm.” walang ekspresyon na sabi nito nang i-abot niya sa akin ang mga plastic na nahulog ko kanina. Napatango lang ako ng tipid at laking gulat ko na lang nang i-abot niya sa akin ang kamay niya.

Noong una ay nag-alangan pa ako pero hinawakan ko parin iyon at dahan-dahan niya akong inalalayan para tumayo, pagtapos noon ay nilagpasan na rin niya ako. Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti sa kanya habang pinagmamasdan siyang maglakad palayo.

Hindi ko na rin hinintay na magising pa ang mga lalaking pinatumba nila kaya nagmadali na rin akong tumakbo pabalik sa dorm. Ano kaya ang pangalan ng lalaking iyon?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.