Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 3

3: Worst Section

-

“Rain, mauuna na akong maligo ha? Nandiyan na rin sa lamesa yung class schedule mo.” Sigaw ni Ayesha mula sa loob ng banyo. Agad naman akong bumangon para tignan ang schedule ko. 7:00 a.m to 1:00 p.m ang oras ng pasok, pang second week na ito ng second sem ngayong araw, siguradong mahihirapan akong makisama sa mga magiging kaklase ko since magkakakilala na sila.

Freshman pa lang ako kaya wala pa akong masiyadong alam sa buhay college, sana lang ay maging masaya ang pag-aaral ko rito at sana makatapos ako ng maayos, hindi ko naman kasi alam kung ano ang rason ng biglaan kong paglipat ng school, isang araw nabigla na lang ako ng sabihing kasama ako sa exchange program na mangyayari sa school.

Ilang minuto ang nakalipas, tapos na rin akong mag-asikaso. Napansin ko na magkaiba ang uniform namin ni Ayesha, pareho namang kulay black pero kulay blue yung tatak ng logo sa uniform ko samantalang yung sa kanya ay kulay brown.

“Ayesha, bakit magkaiba ng kulay yung logo ng uniform natin?” Ignoranteng tanong ko habang nag-aayos siya ng buhok sa harapan ng salamin.

“Ah, hindi ko pala naexplain sa’yo kahapon. Brown symbolizes amiable, yung blue ay keen, red for robust, purple for probity at black naman yung mga insolent.” sabi niya habang nakaharap pa rin sa salamin. Tumango tango naman ako at inayos ang mga gamit ko. Mukhang organize na organize ang school na ito, nakakacurious tuloy ako kung sino ang nakaisip ng lahat ng ito.

“Ano nga palang section mo? Baka pareho tayo.”

“Hmm 1-A. Ikaw?” Bigla na lang niyang nabitawan ang hawak niyang lipstick at hinawakan ako sa magkabilang balikat. Nagtataka lang akong nakatingin sa kanya dahil sa naging reaksyon niyang iyon.

“You can’t be serious! Bakit nasa worst section ka?” Medyo may pagka-oa na tanong niya kaya mas lalo lang nagsalubong ang kilay ko.

“Worst section?” Tumango siya at hinatak ako para maupo. Ay grabe, makikipagkwentuhan pa yata siya sa akin. Quarter to 7:00 na kaya.

“Nandoon kasi ang dark kaya iyon naging worst section. Nako Rain, be careful okay? Wag na wag mong tatangkaing lapitan or kausapin sila. Isang suicide ‘yon.” sabi niya at napangiwi lang ako. May isa namang mabait sa kanila eh, that guy from last night. I’m sure hindi niya ako sasaktan. I know he’s different.

“Dito na lang Rain ah? Basta nasa 4th floor, kaliwang side yung classroom mo.” Paalala ni Ayesha nang ihatid niya ako sa tapat ng elevator.

“Noted po, salamat.” naghiwalay na kami at nagpunta na sa magiging classroom ko. Kinakabahan ako. Pagtungtong ko ng 4th floor ay nakakarinig na agad ako ng ingay and if I'm not mistaken ay galing iyon sa classroom na tinutukoy ni Ayesha which is yung magiging section ko.

Dahan-dahan akong lumapit doon at tama nga ako, dito nanggagaling yung ingay. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok pero hindi pa man rin tumatama ang kamay ko sa pintuan ay bumukas na iyon. Halos malaglag pa ang panga ko dahil sa bumungad sa akin.

The guy from yesterday. Ugh. Why so pogi?

“Dito ka?” Walang ekspresyong tanong nito habang nakasuksok ang isa niyang kamay sa bulsa at ang isa naman ay nakahawak sa sliding door.

“Ah oo.” tumango ako at tumabi siya sa pinto para bigyan ako ng daan. Ang gentleman naman, nginitian ko siya at pagpasok ko ay biglang natahimik ang buong classroom.

May prof naman pala pero bakit sobrang ingay nila? Ang dami pang papel sa sahig at gulo-gulo ang ibang upuan na parang akala mo’y dinaanan ng isang malakas na ipo-ipo.

“Okay guys! Maupo na kayo.” sabi ng lalaking nasa mid 40’s. Nagsisunuran naman ang mga estudyante sa sinabi ng prof. Base sa una kong tingin ay nasa 24 silang lahat at kung isasama pa ako ay bali 25 na. Kung hindi rin ako nagkakamali ay may tig-limang estudyante na Keen, robust, amiable, probity at insolent ang nandito. How nice of the school’s management. Organize na organize talaga.

“You’re the exchange student?” Tanong ng prof at nahihiya naman akong tumango habang nasa harap ng buong klase. “Go and introduce yourself.”

Mas lalo akong lumapit sa gitna kung saan nakita ko ang pag-upo ng lalaking tumulong sa akin kagabe. Nahagip din ng paningin ko si Thunder na ang sama ng tingin sa akin ngayon. Ano bang problema niya sa akin? Hanggang ngayon ba ay may sanib siya?

“Hi, goodmorning. I'm Rain Celvero. Niceㅡ”

“It’s not nice to see you.” pagputol ni Thunder sa pagpapakilala ko. Nagsalubong lang ang kilay ko dahil doon at tumingin na lang sa prof para sa susunod niyang instruction.

“Occupy the vacant chair between Mr. Cross and Mr. Villaruel.” sabi nito at isang suicide iyon panigurado dahil iisa lang ang bakanting upuan na nakikita ko rito sa loob ng classroom. Ramdam kong natuyo ang lalamunan ko habang nakatingin sa dalawa.

Swerte dahil katabi ko sa kanan si pogi at malas naman dahil katabi ko sa kaliwa si Thunder. Mukhang nakatadhana yatang magtagpo tagpo ang buhay namin.

Nasa akin lahat ng atensyon habang naglalakad ako papunta sa magiging upuan ko. Hindi naman nawawala ang masamang tingin sakin ni Thunder, kung nakakamatay lang ang tingin niya, malamang ay kahapon pa ako nakaburol.

”Okay, graded recitation tayo ngayon.” sabi ng prof na ikibinagsak ng balikat ko. Nagsimula ulit mag-ingay ang mga kaklase ko habang ako, ito. Nganga. Isa ito sa mga rason kung bakit sinubukan kong tanggihan maging exchange student. Mahirap mag-adjust.

“It is a financial ratio used to gauge a company's liquidity.” nag taas ako ng kamay at lahat sila ay nakatingin na naman sa akin. Nakakairita na. “Yes Ms. Celvero?”

“Quick ratio.” Tipid na sagot ko at biglang lumingon sa akin iyong lalaking nasa harapan ko. Siya yung lalaki kagabe na hindi ko alam kung nginitian ba ako o hindi.

“Nice!” Nag-thumbs siya sa akin kaya napangiti ako ng pilit.

“How do you calculate working capital?” Nagtaas ulit ako ng kamay dahil alam ko ang sagot, napag-aralan ko na kasi ito, ilang beses na kaya kabisado ko na.

“Current assets minus current liabilities.” sagot ko at nakatanggap na ako ng death glares mula sa ibang keen na narito sa loob. Dahil doon ay hindi na ako nagtaas ng kamay sa sumunod na questions dahil baka hindi na ako makalabas ng buhay sa classroom na ito.

“Masiyadong pabida.” rinig kong bulong ni Thunder kaya naman nilingon ko ito.

“Bakit?” Maangas na tanong niya at umiwas lang ako ng tingin sa kanya. Iiwas ako sa gulo, iiwas ako sa mga kagaya niya, pakikinggan ko na lang ang mga payo ni Liam at Ayesha sakin. Bago pa lang ako rito kaya hindi magandang ideya kung babanggain ko ang leader Dark. If I wanna survive here, kailangan kong iwasan itong lalaking nasa kaliwa ko. As long as I can, iiwas ako. “Hey stupid. I’m talking to you!”

“Hindi ka ba pwedeng tignan?” Hindi ko napigilan ang sarili at itinanong iyon. Bigla na lang siyang ngumisi. Nab-bwisit na ako sa presensya niya, kahit naman ganito ako ay marunong pa rin akong lumaban pag alam kong sumosobra na.

“What makes you think that you can talk to me that way?” Tanong niya. Aba, siraulo pala ang isang ito, eh. Nagagalit siya pag hindi ko sinagot yung tanong niya tapos ngayon, magagalit siya pag nagtanong ako sa kanya. Kakaiba.

“What’s happening there?” Tanong ng prof at umayos naman ng upo si Thunder.

“Bakit Sir? Gusto mo makisali?” Walang modong tanong nito nang ipatong niya yung mga paa niya sa lamesa ng upuan niya. Anong klaseng ugali ba meron ang lalaking ito? Hindi na nga niya ginalang yung prof, binastos niya pa. Sarap turuan ng leksyon nito.

“Excuse me, hindi ka ba tinuran ng magulang mo kung paano makitungo sa mga matatanda?” tanong ko at parang nabigla ang lahat. Para bang may mali sa sinabi ko, wala na akong pakialam kung ano ang mangyayari sa akin. Sumosobra na talaga ang isang ito, I can’t stand his attitude.

“Ah, Ms. Celveroㅡ” tawag ng prof sa akin pero pinutol iyon ni Thunder.

“Ulitin mo nga yung sinabi mo.” ibinaba niya ang mga paa niya at tumayo sa harapan ko habang nakabulsa ang mga kamay niya. Oo kinakabahan ako, natatakot ako pero wala, nagalit ko na yata siya. Wala ng atrasan ‘to.

“Malinaw naman yung pagkakasabi ko. Gusto mo bang englishin ko pa para mas maintindihan mo?” lakas loob kong tanong sa kanya kahit sa totoo lang ay nanghihina na ang mga tuhod ko. Isang nakakakilabot na tawa ang pinakawalan niya kasabay ng bigla niyang pagseryoso at paghawak sa leeg ko.

Lahat tahimik at walang umiimik, maging ang prof ay wala man lang nasabi sa ginagawa sa akin ng lalaking ito. Wala man lang bang tutulong sa akin?

“Thunder.” tawag ng pamilyar na boses at kahit hindi ko lingunin ay alam kong si pogi ang tumawag sa kanya. I smiled internally.

“Wag kang mangialam dito, Jiro.” Cold na sabi ni Thunder. Pinilit kong wag ngumiti, Jiro pala ang pangalan niya.

Sinamaan ko nang tingin si Thunder hanggang sa unti-unti na niyang higpitan ang paghawak sa leeg ko. Gusto kong maiyak, hindi na ako makahinga. Balak ko sana siyang sipain sa precious balls niya kaso bigla niya akong binitawan dahil hinawakan ng isang lalaki ang sugat niya.

“Damn Axel! Ano ba?!” Sigaw ni Thunder at tumawa lang iyong lalaking tinawag niya na Axel. Hindi ko namamalayan na hatak-hatak na pala ako ni Jiro. Hinila niya ako hanggang sa makalabas kami ng classroom.

“S-saan mo ako dadalhin?” Tanong ko pero marahas niya akong binitawan at saka siya humarap sa akin. Naghintay ako sa sasabihin niya pero ni isang letra ay wala siyang sinabi at basta na lang umalis.

Hinawakan ko ang leeg ko dahil nararamdaman ko pa rin ang mga kamay ng demonyong iyon. Paano niya nagagawang manakit ng babae? Pati yung prof ay takot sa kanya. Tss! Dapat sa mga gaya niya ay kinikick-out eh.

“Keen ka ‘di ba? Dapat alam mo kung saan ka lulugar.” Sabi ng babaeng nagsalita, nilingon ko naman kung sino iyon. Isa siya sa mga kaklase ko. Ang nag-iisang may kulay green na buhok sa classroom. Robust, doon siya nabibilang.

“Pasensya ka na, hindi kasi ako iyong tipo na tumatahimik lang pag alam kong may mali sa paligid.” Sabi ko habang hinihimas himas ang leeg ko. Ngumiti siya ng bahagya at inabot ang kamay niya sa akin.

“Tymee.” Pakilala nito. “Rain right?” Dagdag niya bago ko pa maipakilala ang sarili ko. Tumango na lang ako at nakipagkamay sa kanya.

“May isang advice lang ako. Kung gusto mong makatagal dito, wag na wag mong babanggain yung grupo ni Thunder. And another thing, yung dating nakaupo sa inuupuan mo kanina, she tried to commit suicide dahil sa pambubully ng dark at ngayong nagkapalit na kayo ng kalagayan, it’s better if you will stay away from them.”

Naglakad na siya palayo at para bang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan, ganun ba talaga kalala yung grupong iyon? Tsk. Wrong move. Kailangan ko na yatang itikom ang bibig ko at magbulag-bulagan sa paligid. Kung hindi, baka ako na yung sunod na mag tangkang magcommit ng suicide.

Pag nagkataon, hindi ko na makikita si Jiro. He’s cold as ice but damn! Gusto ko na siya! I meanㅡPosible ba ‘yon? Like at first sight? Ugh, pull yourself together Rain!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.