27: Giving up
-
Hindi na kami magtatagal pa rito sa hospital kaya hinantay ko lang ang pagdating ni Ayesha bago bumalik sa academy. Okay naman na ako at sa braso lang naman ang tama ng bala kay Thunder kaya oa naman kung mag i-stay pa kami rito ng dalawang araw gaya ng gusto niya.
“Monday na tayo bumalik.” pagpupumilit ni Thunder habang nandito siya sa kwarto kung saan ako naka-admit. Mabuti na lang at hindi kami nagkasakit ng maulanan kami kahapon, nakapagpalit kasi kami agad ng damit dahil may dala palang extra si Tymee.
“Bakit monday pa kung pwede naman ngayon? Tsaka, inaayos na ni Jasper yung bill natin.”
“Tss. Oo nga pala. Bukas na yung kasal ni Jiro. ‘Di ba katapusan na ng buwan bukas?” Tanong niya at napaisip ako bigla.
Kamusta na kaya siya? Bigla na lang kasi siyang umuwi kahapon. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga.. Lumapit ako sa bintana at doon nagpahangin.
“Iniisip mo ba siya?” Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Thunder mula sa likuran. Hinawakan ko naman ang mga kamay niya para alisin sa pagkakayap sa akin dahil gusto kong humarap sa kanya, ayokong mag-isip siya ng kung ano.
“Hindi ko maiwasan. Hindi naman siguro langad sa kaalaman mo na kahit papaano ay may nararamdaman siya para sa’kin ‘di ba?” Tanong ko at ngumiti lang si Thunder. Ngiting nagsasabi na magiging okay din ang lahat.. Na lilipas din ‘yon at mawawala.
“Kilala ko si Jiro. Hihinto ‘yon pag alam niyang talo na siya.” kinurot niya ang mga pisngi ko at nakipag nose to nose.
“Nakakaumay.” reklamo ni Jasper nang pumasok siya ng kwarto. Mukha naman siyang nagbibiro dahil nakakatawa ang itsura niya.
“Bakit ba ang bitter mo? Wala ka lang lovelife, eh.” pangaasar pa ni Thunder sa kanya. Naalala ko tuloy iyong nakita kong picture sa phone ni Jasper. Siguro kaya siya meron noon ay dahil gusto niya akong ipakulam. He really hates me, I guess.
“Beeeeeeb.” tawag ni Ayesha nang dumating siya. Natawa pa ako nang bigla niyang alisin si Thunder sa tabi ko para lang mayakap niya ako.
“Beb. Wait kalma.” natatawa kong sabi dahil halos hindi maipinta ang mukha ni Thunder sa mga oras na ‘to.
“Omg. Ang dami mong ik-kwento sa’kin. Doon ka magstay sa bahay namin ngayon, ah? Nakapagpaalam na ako kila dad.” masayang sabi ni Ayesha nang kumalas siya.
“Ano? Doon na lang kayo sa academy ngayong weekend.” pagsingit ni Thunder kaya naman narealize na ni Ayesha na may mga kasama akong gangster dito sa loob ng kwarto.
“Wait. Bakit kasama mo sila dito?”
“K-kwento ko na lang sa’yo lahat mamaya. Magpapalit lang ako tapos umuwi na tayo sa inyo.” sabi ko nang kunin ko ang paper bag na dala ni Ayesha.
“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder pero hindi ko na iyon sinagot.
ㅡ
“Hello po tita.” bati ko nang makauwi kami kila Ayesha. Agad akong sinalubong ng yakap ng mommy niya kaya napangiti ako.
“Ikaw ba si Rain? Feel at home okay? Ihahanda ko lang yung lunch.” sabi ni tita at nagpasalamat naman ako bago siya umalis.
“Beb. Tabi tayo matulog mamayang gabi, ah? Sure akong marami kang dapat ikwento.” hinila niya ako paakyat sa kwarto at kahit hindi niya sabihin ay alam kong excited siya.
Alam na rin niya na boyfriend ko na si Thunder. Habang nagbibihis kasi ako sa hospital kanina ay pilit siyang kinukulit nung kulog na ‘yon na sa academy na lang kami magstay, pero matigas din si Ayesha kaya hindi siya pumayag.
Mabilis lumipas ang oras. Halos buong hapon kaming nandito sa kwarto ni Ayesha, medyo masakit na nga ang braso ko dahil ilang beses niya akong nahampas sa tuwa noong ikwento ko ang mga moment namin ni Thunder. Yung about naman sa keen’s org, alam na rin niya dahil kalat na pala sa campus iyong nangyari.
“Beb wait nagriring yung phone ko.” paalam ko at saka dali-daling kinuha ang cellphone sa bag ko. Puro misscalled ni Thunder, hindi ko namalayan na tumatawag pala siya. Ang dami rin niyang message.
“Ulan. Kumain ka na ba?”
“Tumawag ako, bakit hindi mo sinasagot?”
“Tulog ka ba?”
“Ano ng ginagawa mo?”
“Nagpapamiss ka ba?😪” Habang binabasa ko ang mga message niya ay napansin ko na may isang text si Jiro.
“Rain. Can we talk? Kahit ngayon lang. I’ll wait for your reply. Susunduin kita kung nasaan ka.”
Napaisip ako bigla. Gusto ko rin naman siyang makausap para gumaan na rin ang pakiramdam ko. Hindi naman siguro magagalit si Thunder kung magpapaalam ako.
Lumipas pa ang ilang oras, 6:00 p.m na. Mabuti na lang at pumayag si Thunder. Nasabihan ko na rin si Jiro kung nasaan ako.
“Beb. Nandiyan na sya.” sabi ni Ayesha nang sumilip siya sa bintana. Tumango naman ako at dali-daling bumaba. Isang ngiti ang sinalubong sa akin ni Jiro at saka ako inalalayan pasakay sa kotse.
“Gusto sana kitang imbitahin sa kasal ko bukas.” panimula niya nang makarating kami sa isang café.
“Makakaasa kang pupunta ako.” nagngitian kaming pareho at panandaliang tumahimik. Ang awkward pa rin para sa aming dalawa.
“Gusto ko lang malaman mo na, masaya talaga ako para sa inyo ni Thunder. Natalo na ako. So I’m giving up. Tsaka tama ka, ikakasal na ako.” Gumaan ang pakiramdam ko nang marinig iyon. But still, nab-bother pa rin ako dahil alam hindi siya sincere.
“Masaya rin ako para sa’yo. Alam kong ayaw mo sa arranged marriage na ‘yon pero sa tingin ko naman madaling pakisamahan si Zea.”
“To be honest, kababata namin ni Thunder si Zea. Mabait siya pero ayoko talaga sa kanya. She’s annoying.”
“The more you hate the more you love.” sabi ko at bahagya siyang natawa. Proven and tested ko na ‘yon kaya alam ko na magugustuhan din niya si Zea.
Ilang minuto rin ang lumipas nang mapagdesisyunan na naming umuwi, marami kaming napag-usapan at kahit paano, nabawasan na ang pangamba ko.
“Salamat. Mag-ingat ka pag uwi.” sabi ko nang ihatid niya ako sa pintuan ng bahay nila Ayesha.
“Salamat din. See you tomorrow.” niyakap niya ako at mabilis ding kumalas. Matapos ngumiti sa isa’t-isa ay umalis na rin siya.
Kinabukasan, 9:00 a.m pa lang ay nakapag-asikaso na ako. May usapan kasi kami ni Thunder na susunduin niya ko rito dahil sabay kaming pupunta sa simbahan. Nakasuot lang ako ng simpleng white dress na pinadala ni Thunder kagabi. Mukhang alam niya na iimbitahin ako ni Jiro.
Napaisip tuloy ako kung nagkaayos na ba sila.
“Beb. Una na ko, ah? Kita na lang tayo bukas sa academy.” paalam ko nang yakapin ko siya.
“Sige. Mag-ingat ka, ah. Bye..” paglabas ko ng bahay nila ay sinalubong agad ako ni Thunder. May hawak pa siyang bulaklak.
“Anong drama ‘yan?” natatawa kong tanong ko nang i-abot niya sa akin ang bulaklak. Ngumiti ako at inamoy iyon.
“Namiss kasi kita. Tara na, baka naghihintay na yung mga kupal.” sabi niya at napailing na lang ako nang makita ko ang motor niya. Hindi ba siya aware na nakadress ako?
“Sakay na. Don’t worry, ready ako.” sabi niya nang hubarin niya ang suot niyang suit. Inabot niya iyon sa akin at saka kami naglakad papunta sa motor niya. “Patong mo ‘yan sa hita mo. Kumapit ka mabuti.”
ㅡ
Nang makarating kami sa simbahan ay naalala ko ang daddy ni Jiro, pinakilala niya ako noon na girlfriend niya at ngayon, girlfriend na nga ako ng anak niya pero hindi si Jiro kung hindi ni Thunder. Ano kayang magiging reaksyon niya? Okay kaya ako para sa kanya?
Pagpasok namin ni Thunder sa simbahan ay tumabi agad kami sa tatlo. Hindi naman maiwasan na mapagusapan si Thunder.
“Siya yung adopted child ng Villaruel ‘di ba?”
“Oo. Kaya nga hindi siya ang ipinakasal dahil hindi naman siya yung tunay na anak.”
“Gusto niyo pa bang makalabas ng buhay sa simbahan na ‘to?” Tanong ni Thunder nang lingunin niya ang mga babae sa likuran namin. Hinawakan ko na lang ang kamay niya para pakalmahin.
“Hindi naman kayo parte ng Villaruel, so shut up na lang kayo.” pagsingit pa ni Jasper. Medyo nakikita ko na rin ang pagkaabnormal niya at kahit paano ay mukhang hindi na siya galit sa akin.
Maya-maya lang ay dumating na si Zea. Suot ang napakagandang wedding gown, habang si Jiro naman ay nakaabang sa harap ng altar. Bakas sa mukha niya na hindi niya gusto ang nangyayari samantalang si Zea, parang ang tagal niya iton hinintay. Unang tingin palang, alam ko nang mahal niya si Jiro.
“Naiinggit ka ba? Wag ka mag alala magsusuot ka din ng ganiyan.” bulong ni Thunder kaya naman naibaling ko ang atensyon sa kanya. Hindi naman siya nakatingin sa akin kundi kay Jiro kaya napatingin din ako.
Nakatingin siya sa amin, para siyang si Jiro na una kong nakita noon sa cafeteria. Walang emosyon.
“Mag-uumpisa na yung seremonya.” sabi ni Thunder kaya iniwas ko na ang tingin ko kay Jiro.
Ilang minuto lang ang lumipas at natapos na ang seremonya. Babalik kami ngayon sa academy para kumuha ng damit dahil sa beach daw ang reception at bukas pa ang uwi namin.
“Congrats.” bati ko nang madaanan ako ni Zea. Nginitian naman niya ako at saka sumakay sa kotse. Binati ko rin si Jiro pero mukhang hindi niya ako napansin.
“Ulan, let’s go.” tawag ni Thunder. Nagmadali naman akong lumapit sa kanya pero nahagip ng paningin ko ang daddy nila ni Jiro. Nakatingin siya sa amin. Tingin na nanghuhusga.
“Thunder!” Tawag ng dad niya kaya naman dali-daling bumaba si Thunder sa motor. Lumapit siya sa amin kaya kinabahan ako.
“Dad. Si Rain, girlfriend ko.” pakilala ni Thunder. Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko, hindi ako ready.
“Hello pㅡ”
“Thunder. Tulungan mo kong asikasuhin yung party, mauna na tayo sa reception.” pagputol nito sa pagbati ko sana.
“Dad, babalik pa kami ng academy para kumuha ng damit.”
“Sige na. Sumunod ka na lang. Papasama na lang ako kay Axel..” bulong ko. Tinignan naman niya ako na may pag-aalala. Alam kong hindi ganoon kaganda ang relasyon niya sa dad niya kaya ayokong maging dahilan para mas lalong lumala iyon.
“Sure ka ba? Magtetext na lang ako, ah? Pupuntahan ko lang sila Axel para sabihan.” sabi ni Thunder at tumango lang ako. Pag-alis niya ay nilapitan ako ng daddy niya. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito.
“Nice to see you again and I hope this will be the last..”