Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 26

26: Official

-

Para akong binugbog sa sakit ng buong katawan ko. Halos hindi ko maigalaw ang kahit anong parte ng katawan ko. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Maliwanag. Nasa keen’s lab pa rin ba ako?

“Gising na siya.” sabi ng pamilyar na boses.

“Rain. Si Tymee ‘to. Anong nararamdaman mo?” Tanong niya pero may isang tao ang bigla na lang pumasok sa isipan ko.

“S-si Thunder?” Tanong ko at para bang nagkaroon ako bigla ng lakas dahil nagawa kong makabangon. Naluha ako nang maalala ko kung paano niyang sinalo ang bala na dapat ay para sa akin.

“Si Thunder nasaan?” Tanong ko ulit dahil hindi nila ako sinagot. Tanging si Matthew at Tymee lang ang kasama ko rito sa loob ng kwarto.

“Alam kong hindi ka maniniwala pero.... wala na siya.” para bang huminto ang pagtibok ng puso ko matapos iyong marinig kay Matthew.

“Baluga!” Nanggigigil na sabi ni Tymee habang sinasabunutan nito si Matthew. “Nagbibiro lang siya. Kakatapos lang matanggal ng bala sa braso niya kaya okay na siya. Nandoon siya sa kabilang kwarto kasama si Jiro.”

Agad na nagpeace sign si Matthew at nagtago sa likuran ni Tymee nang tignan ko siya ng masama.

Kahit paano ay nakahinga na ako ng maluwag at napangiti. Napahawak ako sa leeg ko at napansing wala na iyong kwintas na isinuot sa akin ni Jiro.

“Successful yung plano. Napanuod ng dean yung video. Nakakulong na rin si Ms. De Vera, habang yung keen’s leader nandito rin sa hospital dahil nabaril siya ng mga pulis. Wag kang mag-alala may bantay naman siya kaya hindi siya makakatakas. Pag nagising siya ay dadalhin na rin siya sa kulungan.” Paliwanag ni Matthew. Magsasalita pa sana ako kaso may biglang kumatok at pumasok ng kwarto.

“Ah sige. Bibili lang kami ng makakain.” paalam ni Tymee. Noong una ay ayaw pang umalis ni Matthew pero sapilitan na siyang hinatak ni Tymee palabas. Napailing na lang ako dahil sa dalawa, ang bilis nilang maging close.

“Kamusta?” Tanong ni Jiro nang maupo siya sa tabi ko. Mukhang nanghihina siya sa mga oras na ito. Naalala kong tinurukan nga pala siya ng pampatulog kanina sa keen’s lab, isa siguro iyon sa dahilan.

“J-jiro. Salamat..” hinawakan ko ang kamay niya at hinawakan naman niya iyon pabalik. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala siya, malamang ay natuloy na ang experiment sa akin. Siya rin ang nakasama ko noong walang si Thunder.

“Sabi ko naman sa’yo hindi kita pababayaan, eh.” sabi niya at ngumiti ako ng tipid. Gusto kong itanong kung kamusta si Thunder pero may nagtutulak sa akin na wag ko nang tangkaing itanong dahil masasaktan siya. Ayoko maging insensitive.

“Kung nag aalala ka kay Thunder. Okay lang siya. Sa braso lang naman siya natamaan ng bala kaya natutulog lang siya sa kwarto.” hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Mukhang napansin niya na hindi ako mapakali.

Bigla akong nakaramdam ng awkwardness pero agad iyong nawala nang magring ang phone ko na nasa bag.

“Sagutin mo, baka nag aalala na yung mga kaibigan mo.” sabi ni Jiro nang i-abot niya yung bag ko. Tinignan ko kung sino yung tumatawag at mabilis ko iyong sinagot.

“Bebㅡ”

“Beb, I heard what happened. Are you okay? May masakit ba sa’yo? Kamusta yung pakiramdam mo? Gusto mo bang puntahan kita diyan? Anongㅡ”

“Beb, calm down. I’m okay, wag ka masiyadong mag alala. Baka bukas makauwi na rin ako,”

“Sure ka ba? Dadalhan na lang kita ng damit bukas since weekend naman.”

“Sige, tawagan mo na lang ulit ako, ha? Pahinga ka...bye.” Pagbaba ko ng tawag ay agad kong tinuon ang atensyon kay Jiro na nakatingin sa akin sa mga oras na ito.

“Ngayon ko lang napansin na bago yung phone mo.” puna niya.

“Ah...Oo nga pala, nasira kasi yung phone ko at yung mga text mo. Noong nakaraang araw ko lang nabasa. S-sorry.” nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi kong iyon at bigla na lang hinawakan ang kamay ko.

“You mean, kaya hindi ka nagrereply dahil sira yung phone mo? I thought ayaw mo sa’kin.” sabi niya at bigla na lang akong naguluhan.

“Ha?”

“Nung gabing nagstay ka sa hideout. Nagconfess ako sa’yo nun, pero wala ka man lang sagot. Wala rin tayong chance na makapag-usap ng tayo lang dahil nga sa problemang nangyayari at yung mga text ko na hindi mo nireplayan yung nagtulak sa akin para sumuko dahil akala ko ayaw mo sa’kin.”

Waitㅡwhat? Ano bang malay ko. Anong confess? Wala akong matandaan.

“Hindi ko na kayang itago ‘to. Nagseselos ako, Rain.”

“I like you Rain. And I care about you. Be safe.”

I cursed mentally. Naalala ko na, napahawak na lang ako sa noo ko at saka tumingin sa kanya. Hindi ako makapaniwalang nakalimutan ko iyon.

“H-hindi sa ayaw ko sa’yo, sa totoo nga nung una palang kita makita noon sa likod ng main building ay nagustuhan na kitaㅡ” agad akong napalingon sa pinto dahil parang narinig ko na sumara iyon. Wala namang tao kaya binalik ko ang atensyon kay Jiro at nagpatuloy sa mga sinasabi.

“...May nangyari lang kasi kaya parang naguluhan ako sa nararamdaman ko ngayon at saka ikakasal ka na. Ayokong makagulo sa inyo ni Zea.”

Alam kong alam niya na hindi na tulad ng dati ang nararamdam ko para sa kanya dahil bakas sa mukha niya ang dissapointment. Mukha namang alam na rin niya kung saan pupunta itong sinasabi ko.

Magsasalita pa dapat ako kaso may kumatok ulit at bumukas iyong pinto. Naisara ko na lang ang kamao ko dahil sa lalaking pumasok. Ang lakas ng loob niyang magpakita pa sa akin.

“Anong ginagawa mo dito? Traydor ka!” sigaw ko pero natatawa lang si Axel. Seriously?

“Mukha bang traydor ‘tong mukhang ‘to? Ang gwapo ko para maging traydor.” Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagawa niya pa akong asarin.

“Okay, sorry. That was part of the plan.” dagdag niya pa kaya nawala ang pagkakunot ng noo ko. Kumuha ako ng unan at saka iyon ibinato nang marealize ko kung ano ba talaga ang nangyayari. “Hindi namin sinabi sa’yo yung planong ‘yon dahil kailangan kong mapaniwala yung Keen’s org na kakampi nila ako...”

“...At yung tinurok na gamot sa’yo, wala ‘yon masiyadong epekto dahil hindi naman talaga ‘yon yung drugs na ginawa nila.” dagdag pa niya at nahampas ko na lang ang braso niya. Buong akala ko ay trinaydor niya kami.

“Galing ko umarte no?” Nakangiting sabi niya pero bigla na lang pumasok si Jasper na hinihingal pa.

“W-wala si Thunder sa kwarto niya.” Nagkalingunan si Axel at Jiro.

“Rain, dito ka lang. Hahanapin namin si Thunder.” Sabi ni Jiro at tumango lang ako pero pag-alis nilang tatlo ay tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin at saka dahang-dahan bumaba ng kama. Saan naman pupunta yung lalaking iyon?

Lumabas ako ng kwarto at saka nag umpisang libutin ang hospital, wala kong ibang maisip na puntahan kundi sa rooftop, baka nagpapahangin lang siya kaya umakyat ako roon. Makulimlim at mukhang uulan, halos mag gagabi na rin pala.

Tumingin ako sa paligid ngunit wala akong Thunder na nakita.

“Anong ginagawa mo rito? Bumalik ka sa kwarto.” Sabi ng pamilyar na boses kaya dali-dali akong lumingon sa likuran ko. Pakiramdam ko ano mang oras ay tutulo na ang luha ko.

“Buhatin pa kita? Bumalikㅡ” hindi ko alam pero gustong-gusto ko siyang yakapin sa mga oras na ito kaya agad akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“Bakit mo ko niyayakap? ‘Di ba si Jiro yung gusto mo? Simula pa lang nung una mo siyang makita?” Tanong niya, dahilan para mapakalas ako sa pagyakap sa kanya. Yung pagsara ng pinto kanina. Wag mong sabihing siya ‘yon?

“Narinig mo?” tanong ko at tinitigan niya ako ng walang emosyon at saka naglakad para dumungaw sa labas. Habang ako naman ay nanatili lang dito sa pwesto ko.

“Oo, totoo na si Jiro yung gusto ko simula palang nung una pero...pero wala na ‘yon.” sabi ko ngunit hindi man lang siya lumingon, nag uumpisa na ring umambon.

“Thunder, uulan na. Bumalik ka na sa kwarto. Mababasa yung sugat mo!” Sigaw ko pero hindi pa rin talaga siya lumilingon, Naiinis na ako. Para talaga siyang hangin kausap minsan. Wala na akong ibang naiisip na paraan para mapansin niya ako.

“Ikaw yung mahal ko!” Sigaw ko bago kagatin ang pang-ibabang labi. Nakakahiya.

“Ano?” Tanong niya nang lingunin niya ako habang nandoon pa rin siya sa pwesto niya.

“Bumalik ka na sa kwarto mo!” Sigaw ko dahil bigla na lang bumuhos ang napakalas na ulan.

Nang hindi siya umalis ay tumakbo na ako papunta sa kanya para hatakin ito pabalik pero hindi man lang siya humakbang ng hatakin ko. “Nababasa na tayo! Tara na!”

“Sabihin mo muna yung sinabi mo kanina!” Sigaw niya pabalik. Kailangan ko pa ba ulitin? Ang linaw na ng pagkakasabi ko.

“S-sabi ko. I-ikaw yung mahal kㅡ” Hindi ko na nagawang ituloy ang sinasabi nang bigla niya akong halikan. Akala ko sa pelikula lang nangyayari ito. Kissing in the rain.

Mas may roromantic pa ba doon? Ipinulupot ko ang mga braso ko sa batok niya at saka siya hinalikan pabalik.

Sa mga oras na ‘to, wala akong pakialam kung mabasa pa ako. Ang mahalaga lang sa akin ay nasabi ko na yung totoong nararamdaman ko. Kumalas kaming dalawa sa halik at sabay na sinandal ang noo sa isa’t-isa habang nakangiti.

“I love you.” sabi niya at kitang-kita ko kung paano siya ngumiti...at yung malaking boses niya. Shit. Bakit nakakakilig iyon?

“I love you too.” walang dalawang pag-iisip kong sagot.

“Nandiyan lang pala kayo. Anong kaartihan ‘yan?” Tanong ni Jasper. Sabay naman kaming napalingon sa may pinto kung saan siya nakasilong kasama sina Matthew, Axel at Jiro.

Dapat masaya ako dahil nasabi ko na yung totoong nararamdaman ko pero nang makita ko ang reaksyon ni Jiro... Parang hindi mapanatag ang loob ko.

“Kami na.” nakangiting sabi ni Thunder kaya napalingon ako sa kanya. Hindi ako nakapagsalita agad. kami na ba? Umamin lang naman ako sa nararamdaman ko, ah..

Hindi na lang ako kumontra dahil doon din naman ang bagsak naming dalawa. Parang ang bilis lang ng pangyayari. Oo hindi ko pa gaanon kakilala si Thunder, marami pa akong hindi alam tungkol sa kanya pero, isa lang ang masasabi ko, alam kong mahalaga ako sa kanya.

Sino ba naman ang matinong tao ang sasalo ng bala para sa’yo kung hindi ka naman importante sa kanya hindi ba?

Marami pang araw para kilalanin ang totoong Thunder Cross.

“Congrats. Masaya ko para sa inyo.” bati ni Jiro at saka nagthumbs up sa aming dalawa. Ngumiti ako ng mapait at dali-dali akong hinatak ni Thunder para sumilong na rin.

Nakakastress man itong araw na ‘to. Atleast kahit papaano ay mababawasan na ang mga gumugulo sa isip ko. My next mission will be... Oplan: Mas kilalanin si Thunder. ♥

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.