30: Brother’s conflict
-
Matthew’s POV
Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan, mabuti na lang at natanggap ko na ang message na hinihintay. Mabilis akong lumabas ng cafeteria at hindi na nag abalang magpaalam pa kila Rain.
“Seryoso ka ba talaga? Nakausap mo na ba sila?” Tanong ni Tymee nang salubungin niya ako sa harap ng main building. Pinakiusapan ko siyang samahan ako sa leader ng insolent. Gusto ko kasing itanong kung pwede akong magpaconvert bilang amiable. Alam kong tumanggi na si Thunder dito pero susubukan ko pa rin.
“Matagal ko na silang nakausap tungkol dito pero hindi nila alam na lalapit na ko sa Insolent’s leader para magtanong.” sagot ko at laking gulat ko na lang ng kinotongan niya ako.
“Very wrong.” iyon lang ang sinabi niya at saka nagpatuloy sa paglakad papunta sa quarters ng mga Insolent. “Paano kung payagan kang magpa-convert? May balak ka bang sabihin sa grupo mo?”
“Oo naman.” tipid kong sagot at hindi na ulit kami kumibo hanggang sa marating namin ang office ng leader.
“Sandoval. Anong kailangan mo?”
“Gusto ko itanong kung pwede akong magpaconvert bilang amiable.” hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa. Mukha namang walang problema sa kanya ang sinabi ko.
“Pwede naman, pero kinausap na ako ni Thunder tungkol dito. Alam kong may sarili kang desisyon pero hindi kita papayagang magpaconvert hangga’t hindi mo sila nakukumbinsi.” walang emosyong sabi ng leader ng ikinabigla ko.
“Wala naman silang kinalaman sa desisyon ko.”
“Meron. Isang grupo kayo Sandoval. Kausapin mo muna sila at saka ka lumapit ulit sa’kin.” naiyukom ko lang ang kamao ko at saka hinila si Tymee palabas. I can’t believe this.
“Hoy, mag relax ka nga! May point naman kasi yung leader.” sabi ni Tymee pero naupo lang ako ng makakita ako ng bench sa field. Agad naman niya kong tinabihan. “Talk to them. Siguro naman may dahilan si Cross kung bakit ayaw ka niyang payagan magpaconvert ‘di ba?”
Tumango lamang ako. Kahit naman kasi ilang beses kong kausapin si Thunder tungkol dito ay hindi pa rin siya papayag.
Rain’s POV
Patapos na ang break lahat-lahat, hindi pa rin bumabalik si Thunder.
Flashback/
Halos magkagulo na rito sa cafeteria. Patuloy sa pagsigaw si Emerald dahil ayaw siyang bitawan noong dalawang lalaki. Nakatingin lang ako sa kanila mula rito sa kinauupan namin nila Axel at Jasper.
“Pustahan tayo, nagseselos ‘yan si Rain oh.” pangaasar ni Axel. Hindi ko siya pinansin at pinanuod lang kung anong gagawin ni Thunder doon. May kung ano siyang sinabi sa dalawang lalaking nakahawak kay Emerald. Mukhang pinagbabantaan niya kaya bumitaw ang dalawa.
Mabuti naman at tumigil na sa kakasigaw itong si Emerald. Ang sakit sa tainga ng boses niya. Akala ko ay tapos na ang eksena pero hindi pa pala dahil bigla na lang siyang natumba. Tinignan ako ni Thunder at may kung ano siyang sinabi ng walang lumalabas na boses sa bibig nya.
“Babalik ako.”
Hindi na niya hinintay ang pagtango ko dahil bigla na lang siyang lumabas ng cafeteria habang buhat si Emerald. Okay naman. Okay naman ako.
End/
“Rain, tara na. Hindi na babalik ‘yon.” seryosong sabi ni Jasper.
“Hindi naman ikaw yung naghihintay so.... shut up na lang.” inirapan ko siya pero laking gulat ko na lang nang bigla niya akong buhatin na parang sako ng carrots. “Aray! Ibaba mo ko.”
Hinampas ko ang likuran niya ngunit hindi man lang siya natibag. Tinignan ko si Axel na kasalukuyang tumatawa sa sitwasyon. Problema ba ng dalawang ‘to?!
Hindi ba sila aware na pinagtitinginan na kami?! Paglabas namin ng cafeteria ay ibinaba agad ako ni Jasper. Hinampas ko lang ang dibdib niya at saka inayos ang sarili ko.
“Si Zea ba ‘yon?” Biglang tanong ni Axel habang nakatingin sa soccer field. Sinundan ko ang tingin niya at doon nakita si Zea na mayroong kasama. “Sino naman yung kasama nya? Akala ko sinundan siya ni Jiro.”
Nailing si Axel nang sabihin niya iyon. Balak ko na sanang ihakbang ang paa ko ngunit laking gulat ko na lang ng biglang tumakbo iyong dalawa papunta sa kinaroroonan ni Zea.
“Hoy!” Sigaw ko pero hindi man lang sila lumingon. Wala akong nagawa kung hindi ang sundan sila. “Ano ba kayㅡ”
Hindi ko naituloy ang sasabihin dahil sa sunod na nangyari. Hindi ko namalayan na nandoon pala si Jiro, mabilis niyang sinuntok yung lalaking kasama ni Zea. Sa hindi kalayuan naman ay nakita kong tumatakbo si Matthew papunta sa direksyon na ito habang kasama si Tymee.
“Ano ba?!” Sigaw ni Zea kay Jiro. Agad ko naman siyang nilapitan habang sila Axel ay nakahawak sa braso ni Jiro para pigilan ito.
Ano bang nangyayari?! Natapos nga ang problema sa Keen’s org. Ito naman ngayon.
“Marky!” Sigaw pa ni Matthew at saka inalalayan ang lalaking kasama ni Zea. Wait. They know each other? “Jiro. Anong problema mo?”
“Kaano ano mo ba ‘yan? At bakit kung makatitig kay Zea wagas.” nagtitimping saad ni Jiro na halatang nagseselos. Akala ko ba hindi niya gusto si Zea and now what?
“Kapatid ko! May problema ka ba doon?! Subukan mong saktan ulit si Marky. Ako na makakalaban mo. Treat your girl right kung ayaw mong makitang may ibang lalaki ang tumitingin sa kanya!” Sigaw ni Matthew na ikinagulat ng lahat.
Anong nangyari sa kanya? Parang hindi siya ang kilala kong Matthew na medyo may pagkaabnormal. Madalas kong napansin na hindi siya mapakalo nitong mga nakaraang araw. May kinalaman ba ‘yon sa sinabi niya sa akin noon?
“Okay guys, kalma.” pagsingit ko gulo pero mukhang walang silbi iyon dahil isa-isa na silang nagwalk out. Napasuklay na lamang ako sa buhok ko. Ang sakit sa ulo.
“Tara na Rain. Hayaan mo sila. Lalamig din yung mga ulo niyan.” aya ni Axel.
Ilang minuto ang lumipas, nakabalik na kami sa classroom. Lahat tahimik, hindi man lang kumikibo si Matthew at Jiro. Samantalang si Thunder ay kinain na yata ng lupa. Hanggang ngayon ay wala pa rin siya.
“Nasaan si Cross?” tanong ng prof at lahat ng kaklase ko ay napatingin sa akin.
“Hindi ko po alam sir.” sagot ko.
“Mukang isa lang siya sa mga laruan ni Thunder.”
“Baka hindi pang matagalan yung gayumang ginamit niya haha.”
Pumikit na lang ako dahil sa mga naririnig. Ayokong isipin ang mga sinasabi nila dahil alam kong hindi iyon totoo.
“Tara.” nanlaki na lang ang mata ko nang makitang hinahatak ako ni Jiro palabas ng classroom.
“Saan tayo pupunta?” Tanong ko pero hindi niya ako sinagot hanggang sa makarating kami ng rooftop. “Rain. Sorry..” napatingin lang ako sa kanya. Bakit siya nagsosorry? Hindi ba dapat kay Zea niya iyon sinasabi?
“Bakiㅡ” hindi ako nakakilos agad dahil sa ginawa niya. Nangyari na ito dati at hindi ko inakala na mauulit pa. Pilit ko siyang tinulak para kumalas sa paghalik sa akin pero hinatak niya ang baywang ko para siguraduhing hindi ako makakawala.
Sinubukan ko siyang itulak ulit pero may humila sa kanya. Sinubukan kong pigilan si Thunder ngunit huli na ang lahat dahil nasuntok na niya si Jiro.
“Thunder!” Sigaw ko pero nagumpisa na silang magsuntukang dalawa.
“Ano ba!” Sigaw ko ulit at saka naglakas loob pumagitna sa kanila. Kailan ba sila magkakaayos? Nakakapagod nang makita na lagi silang nag-aaway.
“Thunder, huminahon ka nga muna.” sabi ko nang lingunin ko siya.
“Ano?! Naririnig mo ba ‘yan sinasabi mo? Paano mo nasasabi na huminahon ako pagtapos kong makita kung paano ka halikan ng gagong ‘to?!” Sigaw niya sabay turo kay Jiro. Alam kong mali ‘yon pero alam kong may dahilan.
Kahit naman ako ay naiinis dahil pakiramdam ko ay napakababa kong babae, na basta-basta na lang hinahalikan ng ganoon.
“Kakausapin ko si Jiro. Umalis ka muna.” sabi ko nang hindi nakatingin sa kanya.
“Ano?” Hindi makapaniwalang tanong ni Thunder pero hindi ko na ‘yon sinagot pa. Hinintay ko na lang na umalis siya at nanatiling nakaiwas ng tingin dahil ayokong makita ang ekspresyon na meron siya sa mga oras na ito.
Nang maramdaman kong nakaalis na siya ay humarap ako kay Jiro at saka ito sinampal. “Raiㅡ”
“Bakit Jiro? Bakit mo ginawa ‘yon?”
“Naguguluhan ko. I wonder if it still the same. Yung araw na hinalikan kita dito sa mismong lugar na ‘to, gusto kong malaman kung pareho pa rin yung mararamdaman ko.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“Everything has changed at ayokong tanggapin ‘yon. Noong makita ko si Zea that day, when I saw her beautiful smile while walking in the aisle, pakiramdam ko iyon na ang pinakamagandang nakita ko sa buong buhay ko.” sabi na nga ba. The more you hate the more you love.
“...And that makes me want to hate her more.”
“Magpakatotoo ka Jiro. Nasa huli ang pagsisisi.” iyon lang ang sinabi ko at iniwan ko na siya roon. Siya lang din naman ang mahihirapan kung patuloy niyang kaiinisan si Zea kahit na alam nkyang may nararamdaman na siya sa tao.
Pati ba problema nila ay sakop ko rin? Nagmadali na lang akong bumalik ng classroom pero pagdating ko doon ay walang prof kaya sobrang ingay. Parang noong unang pasok ko, magulo ang mga upuan at ang daming papel na nagkalat sa sahig.
Lalapit sana ako kay Thunder pero biglang tumayo si Jasper at kinwelyuhan si Axel. Ano na naman ba ‘to?!
“Problema mo?” Tanong ni Axel. Lahat ng kaklase ko ay natahimik, habang si Thunder at Matthew ay parang walang nakikita.
“Itigil nyo nga ‘yan. Pati ba naman kayo?” Tanong ko sa dalawa.
“Mukhang mainit ang mga ulo ng tao ngayon, eh. Nakikiuso lang.” seryosong sabi ni Jasper habang si Axel ay halatang nagpipigil ng tawa.
“Bwisit!” Sigaw ko at saka dali-daling lumabas ng classroom. Ano ba namang araw ‘to?! May mas lalala pa ba sa sitwasyon ko ngayon? Kahit saan ako magpunta sinusundan ako ng gulo at negative vibes.
“Ayan na siya.”
“Sabi ko naman sa’yo eh, laruan lang ‘yan ni Thunder.”
“Sino ba kasing magseseryoso sa bababeng ‘yan?”
Habang palapit ako ng palapit sa bulletin ay palakas ng palakas ang bulungan na naririnig ko. Na-curious naman ako dahil baka may picture na naman ako doon pero hindi...
Napahawak lang ako sa dibdib ko nang makita ang litrato ni Thunder at Emerald na magkahalikan. What the hell?