Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 31

31: The deal

-

“Beb, okay ka lang ba talaga?” Tanong ni Ayesha. Nandito na ako sa kwarto namin at hindi na rin ako nag abalang magsorry pa kay Thunder regarding sa nangyari sa rooftop. Nawala lang siya kanina, may kahalikan na siyang iba? Aba’y gago pala siya eh, kaya pala ang tagal bumalik.

“Oo beb, okay lang ako... Nga pala, magkaaway pa rin ba kayo ni Liam?” napangiti siya ng malawak sa tanong kong iyon at saka ako tinabihan sa kama.

“Umamin na siya sa akin, beb. Omg talaga!” tuwang tuwa siya kaya automatic na nahampas niya ako sa braso ko. Ito na naman siya, nagiging mapanakit pag kinikilig.

“I can’t believe it, all this time pala ay may gusto rin siya sa’kin pero nag usap na kami kanina, pananatilihin namin ang friendship namin. Maybe 2 years from now, pwede na kaming pumasok sa serious relationship.” kwento niya at ngumiti ako naman ako.

“Masaya ako para sa inyo.” niyakap niya ako at saka sabay na nahiga. Mas pinili niyang dito manatili sa kama ko kaya naman magkatabi kaming natulog.

Kinabukasan, P.E namin. Nandito kami sa gym.. Ang strange lang sa feeling na parang hindi magkakakilala ang dark. I mean, hindi kasi sila nagpapansinan. Tanging si Axel at Jasper lang din ang nakakausap ko.

“Magkaaway ba kayo ni Thunder?” Tanong ni Axel.

“Hindi ba obvious?” Tanong ni Jasper. Para na naman siyang may regla. Ang init ng ulo.

“Let’s talk.” Napatingala ako nang lapitan ako ni Thunder. Walang sabi-sabi, agad na umalis ang dalawa para mabigyan kami ng privacy.

“Anong pag uusapan?” Bored kong tanong.

“Bakit ikaw pa yung galit ngayon? Ako na nga itong tinaboy mo kahapon. Mas kinampihan mo pa talaga si Jiro, bakit? Nagustuhan mo ba yung haliㅡ” hindi na niya naituloy pa ang masakit na salitang lalabas sa bibig niya. Alam ko naman kung anong itatanong niya kaya ipinakita ko sa mismong mukha niya yung picture na nakapost sa bulletin kahapon.

“Now tell me, Thunder. Nasarapan ka ba sa halik niya kaya ang tagal mong bumalik kahapon?” pilit komg kinontrol ang pag mlabas ng luha sa mga mata ko. Ayokong gumawa ng eksena lalo pa at narito ang mga kaklase namin. Ayokong isipin na tama yung sinasabi nila na isa lang ako sa laruan ni Thunder.

“Where did you get that?” kinuha niya iyon sa akin at hindi na ako nag abalang sumagot pa. Nabigla na lang din ako nang hawakan niya ako sa pulsuhan at hatakin palabas ng gym. Naramdaman ko naman ang pagsunod nila Axel, Jiro, Matthew at Jasper.

“Thunder! Anong ginagawa mo?!” Boses ni Jiro mula sa likuran.

“Saan mo ko dadalhin?” Tanong ko hanggang sa huminto kami sa isa pang gym kung saan nagpapractice ang mga cheerleader. Nanlaki na lang ang mata ko nang itapon ni Thunder ang lukot na picture kay Emerald, dahil doon ay napuno ng bulungan buong gym.

“Thunder! Respeto naman. Babae pa rin ‘yan kahit hindi halata.” pagsingit ni Jasper.

“Ano Emerald?! Masaya ka bang naset-up mo ko?” tanong ni Thunder pero mukhang nagseryoso na si Jasper dahil bigla niyang itinago si Emerald sa likuran niya.

“Umalis ka nga!” Sigaw ni Emerald nang itulak niya si Jasper. “So ano ‘to Thunder? Pagtapos mo kong landiin noon, ganun-ganun mo na lang ako itatapon ngayon?!”

Napapikit ako ng mariin at ginulo ang buhok sa sobrang frustration. Naririndi na ako, halos araw-araw, oras oras akong nakakarinig at nakakakita ng away. Nakakapagod.

“Pwede huminahon?!” Sigaw ko pero bigla na lang ako sinugod ni Emerald, mabilis namang nakaharang si Thunder at balak na sanang patulan si Emerald ngunit nabigla na lang ako nang suntukin ni Jasper si Thunder. Halos lahat ay natahimik.

“Jasper!” sigaw ni Axel nang itulak niya 'ito palayo kay Thunder.

“Sumusobra na kasi, eh! Kasalanan mo rin naman! Masyado mo kasing pinaasa ‘tong tao. Hindi mo masisisi kung bakit nagkakaganyan ‘yan!” Pagtatanggol ni Jasper kay Emerald at hindi ko maitatanggi na may point siya doon, but still...

“Ang lakas ng loob mo!”

“Thunder tama na nga!” Pagpigil ko nang balak niya pa sanang sumugod.

“Bakit?! Masyado siyang nagmamagaling! Akala ba ng gagong ‘yan, hindi ko alam na may picture ka niya sa cellphone niya?! Bakit Jasper? Magkaaminan nga tayo rito! May gusto ka ba kay Rain?!”

“Eh ano kung meron?!” hindi ko na alam ang gagawin ko, nakagat ko na lamang ang labi ko. Gusto ko nang umiyak. Hindi ako sanay na nakikita silang ganito.

“Sa tingin niyo ba maayos ‘to kung magsisigawan kayo?” Pagsingit ni Matthew pero bigla na lang may isang babae ang lumapit sa amin. Kulay Pink ang laylayan ng kanyang buhok.

“Sandoval, pinapasabi ng leader ng Insolent na binibigyan ka lang daw niya ng isang linggo para makapagisip kung magpapaconvert ka o hindi.” lahat kami ay nagulat dahil sa narinig. Ilang segundo bago magsink in sa mga utak namin ang sinabi niya ngayon ngayon lang.

“Matthew, ano ‘yon?” Tanong ni Axel.

“Gusto ko ng magpaconvert bilang amiable.” diretso at walang paligoy ligoy na sagot ni Matthew. Mukhang buo ang desisyon niya at wala nang makakapigil pa noon.

“Napagusapan na natin ‘to ‘di ba?” tanong ni Thunder.

“May sarili akong desisyon.” tipid na sagot ni Matthew at nakita ko naman ang naging reaksyon ni Thunder. Hindi ko mawari kung nagagalit ba siya o nasasaktan. Hindi ko na lang pinairal ang pride ko kaya hinawakan ko siya sa kamay. Alam ko naman kasi na malaki talaga ang galit sa akin ni Emerald kaya baka set up lang talaga iyon at yung nagbigay sa akin ng king of death noon. Alam kong siya rin ‘yon.

“Ganun? Sige. Magpaconvert ka... Sa isang kondisyon.” Natahimik na naman ang lahat at naghintay sa sunod na sasabihin ni Thunder. “Talunin niyo ko sa Ground Zero. Pag may isa mang nakatalo sa akin, magkanya kanya na tayo. Bubuwagin ko na ‘tong Dark, tutal ako na lang naman yata ang nagpapahalaga sa grupo na ‘to, ‘di ba Jiro?”

Lahat ng tingin ay napunta kay Jiro at halatang hindi niya inaasahan na sa kanya mapupunta ang usapan.

“Hindi ba bumubuo ka ng bagong grupo? At kung hindi ako nagkakamali, pito kayo?” nanlaki ang mga mata namin dahil sa sinabing iyon ni Thunder.

Isang pagngisi lang ang isinagot ni Jiro doon. Hindi ako makapaniwala sa nangyayari, parang kailan lang ay may team work kami sa pagpapatalsik ng Keen’s org and all of a sudden. Mabubuwag na sila. Anong nangyari?

“Deal.” pagsangayon ni Axel, so ano ‘to? Gusto niyang mabuwag na talaga itong grupo? Hindi ba dapat ay hindi siya sumasangayon dito?

“Tara na.” aya ni Thunder at naglakad na kami palayo sa grupo. Nakatingin lang ako sa apat, walang kahit anong emosyon ang makikita sa mga mukha nila. Totoo ba itong nangyayari?

“Thunder..” tawag ko nang makalayo kami pero hindi ko inaasahan na sa paghinto namin ay makikita ko siyang umiiyak. Hindi naman ito ang unang beses na makita ko siyang ganito pero hindi ko pa rin maiwasang magulat. Agad akong nagpunta sa harapan niya at saka inalalayan ang ulo niya para tumingin sa akin.

“Bakit?” Tanong ko at gaya ng dati ay niyakap niya lang ako. Ayaw niyang makita ko ang mahinang Thunder kaya hinimas himas ko lang ang likuran niya para pakalmahin. “I’m sorry.”

Mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakap sa akin at ilang minuto bago siya kumalas. Ngumiti ako ng tipid bago siya hinatak ko para maupo sa lilim ng malaking puno.

“Yung nangyari sa amin ni Jiro at sa inyo ni Emerald. Kalimutan na natin ‘yon. Alam naman nating dalawa na aksidente ‘yon at hindi natin ginusto. Baka nadala lang tayo kaya medyo nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan.” sabi ko nang hawakan ko ang kamay niya. Kahit paano naman ay tumigil na siya sa pag-iyak.

“Sa ngayon, pag usapan muna natin yung Dark. Naguguluhan kasi ako, napalapit na ako sa grupo, kailangan ba talagang humantong pa sa ganun?” Tanong ko at ilang segundo bago siya makasagot.

“Makasarili ba ako kung hindi ko papayagan si Matthew sa gusto niya? Mahalaga sa akin yung grupo, lumaki ako ng malayo sa pamilya at hindi man kapanipaniwala pero mahalaga sa’kin yung Dark. Pamilya na ang turing ko sa kanila at isa pa, ayokong mangyari samin yung nangyari sa ViP noon.” paliwanag ni Thunder at bakas sa boses niya ang lungkot.

“Yun lang ang naiisip kong paraan para hindi tuluyang mabuwag ang dark. Sisiguraduhin kong hindi nila kao matatalo sa ground zero.” sabi niya at hindi ko maiwasang malungkot.. Sa isang iglap lang ay masisira ang lahat.

“Ano ba yung ground zero na ‘yon?” Tanong ko dahil narinig ko na ang salitang iyon dati sa tropang sisiw. Nacurious ako.

“Underground fight ‘yon ng mga gangster. Binubuo ng lima hanggang pitong myembro sa isang grupo.” pagpapaliwanag niya.

“So meaning bubuo ka ng grupo mo para dito? Kailangan ba talagang daanin pa sa dahas? I mean kailangan ba talagang may masaktan?” Nagaalala kong tanong. Hindi ko kasi ma-gets kung bakit kailangan pang magbugbugan. Wala bang ibang solusyon?

“Ito lang naman yung nakikita kong paraan at saka isa pa, plano naman na ng dark na sumali sa ground zero. Mangyayari ‘yon pero ang isa’t-isa na ang makakalaban namin.” tumango na lamang ako kahit hindi ako sangayon sa gusto niyang mangyari.

Ayoko namang makitang nasasaktan si Thunder, pisikal man o emosyonal pero wala akong magagawa, ito naman na yung buhay na meron siya bago pa kami magkakilala. Wala rin naman akong karapatan mangialam dahil problema iyon ng grupo nila. Gusto ko man makatulong, alam kong wala iyong silbi dahil buo na ang desisyon nilang lahat.

“Gagawin ko naman ‘to para din sa grupo.” dagdag pa niya.

“So.. Anong ng balak mo?"Tanong ko.

“Bubuo ng grupo.” Sabi niya nang bigla na lang siyang tumayo. Sinundan ko ito ng tingin at nakitang papunta siya doon sa mga tropang sisiw na nakakaupo sa bench.

“Hoy.” Maangas na tawag ni Thunder sa lima, kasama doon si Jin. Agad silang nagsitayuan at humarap sa amin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapahawak sa damit ni Thunder.

“May pangalan kamㅡ”

“Wala akong pakialam.” Pagputol ni Thunder. Okay wait, bumalik ba yung pagiging 200% insolent niya? “Gusto niyo bang sumali sa ground zero?”

“Pinagtitripan mo ba kami?” Tanong ng lalaking kulay berde ang buhok.

“Bumubuo ako ng grupo para doon, but this is just temporary.”

“Seryoso ka ba?” Natatawang tanong noong lalaking kulay orange naman ang buhok.

“Mukha ba kong nagbibiro?” Seryosong tanong ni Thunder. Iyong aura niya, pamilyar na pamilyar sa akin. Mukhang bumabalik na siya sa dati, kinikilabutan ako.

“Anong itatawag sa grupo natin?” Tanong ni Jin na nagpapatunay na gusto nilang sumali sa binubuong grupo ni Thunder. Legit na talaga ito, kailangan maghanap ng pansamantalang grupo ng dark para sa deal na iyon.

“Dark Demons.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.