Monstrous Academy 1: Gangster's Love Chapter 32

32: Join us

-

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyayari. Buong buo na talaga ang desisyon ni Thunder sa pagbuo ng Dark demons.

Kasalukuyan na kaming naglalakad papuntang cafeteria. Mabilis naging usap-usapan sa buong campus ang nangyari sa Dark. Yung iba ay ko ang sinisisi pero may iilan na nagsasabing dapat lang daw mabuwag ang grupo nila.

Tahimik lang si Thunder, wala rin akong makitang apat na lalaki na nakaupo sa usual place ng dark. Nakakalungkot. Wala talagang permanente sa mundo, sa isang iglap pwedeng magbago ang lahat.

“Samahan mo ako kay Liam.” sabi ni Thunder habang narito kami sa entrance ng cafeteria. Sa hindi kalayuan naman ay natatanaw ko si Ayesha sa usual place namin. She’s alone.

“Bakit? Mukhang wala si Liam ditㅡ”

“What do you want from me?” Sabay kaming napalingon sa likuran at doon bumungad sa amin si Liam habang nasa likuran niya ang tropang sisiw o mas kilala na ngayon bilang miyembro ng Dark demons. Ano bang kailangan nila kay Liam?

“Sumali ka sa gang na binubuo ko. Sa tingin ko naman may ibubuga ka.” sabi ni Thunder, dahilan para manlaki ang mga mata ko mapatingin kay Jin. Halatang ayaw niya iyong idea na kasama si Liam sa binubuong grupo ni Thunder. Ako rin naman ay ayoko.

“Bakit si Liam? Iba na lang, siguradong mag-aalala si Ayesha pag sumabak siya sa mga gang fight.” pagtutol ko. Tinignan naman ako ni Liam, ngumiti siya ng tipid at saka ibinaling ang atensyon kay Thunder.

“Ano namang mapapala ko kung sasali ako?” Tanong niya.

“Titigilan na ni Jin si Ayesha.”

“What? Wala kong sinasabingㅡ”

“May probkema ba ro’n?” tanong ni Thunder, napangisi naman si Liam at mukhang kakagatin niya yung offer.

“Paano naman ako makakasiguradong titigilan niya si Ayesha?”

“Ako mismo ang bubugbog sa kanya para sa’yo.” mabilis na sagot ni Thunder, natawa naman ng bahagya si Liam kaya hinatak ko siya palayo doon sa anim.

“Hindi mo naman kailangan pumayag eh.” sabi ko pero ngumiti siya ulit.

“Actually, matagal ko nang gusto sumali sa ganun. I want to try it.” sabi niya and for some reason, naalala kong naranasan na niya ang makipagbasag ulo noon kay Jin.

“Are you serious? Paano si Ayesha?”

“Maiintindihan niya ‘yon.” tumango na lamang ako at bumalik sa pwesto namin kanina. Wala talaga akong maitutulong pagdating sa ganitong sitwasyon. Boys talk, eh. Mahirap mangialam.

“Sige. Sasali ako.” ngumisi si Thunder at tinapik sa balikat si Liam matapos niya iyong sabihin.. Wala na, buo na talaga sila.

“Ulan, mag-uusap usap lang kami. Mauna ka ng kumain.” sabi ni Thunder sabay halik sa noo ko. Tumango lang ako at lumabas na sila para mag usap. Habang ako ay mas piniling puntahan muna si Ayesha.

“Beb, nakita ko yung asawa ni Jiro kanina. May kasama siyang new girl, teka. Nasaan yung boyfriend mo? Balita koㅡ”

“Beb. Samahan mo ako, saan mo siya nakita?” Nagmamadali tanong ko.

“Ha? Doon sa music room.” agad ko siyang hinawakan at lumabas ng cafeteria. Pagdating namin sa music room ay naroon nga si Zea kasama yung babaeng tinutukoy ni Ayesha.

“Zea.” tawag ko at agad niya kong nilapitan.

“Bakit Rain”

“Pwede mo ba akong tulungan? Nagkakagulo na kasi yung dark, baka sakaling may maitulong tayo para hindi sila tuluyang masira.”

“What do you mean? Ano bang nangyari?” Tanong niya at ikinwento ko ang mga nangyari. Nalaman na rin ni Ayesha ang pagsali ni Liam sa gang na binubuo ni Thunder. Gaya ng inaasahan, ay tutol siya roon.

“Kaya pala inaaya ni Matthew si Marky kanina.” pagsingit noong babaeng kasama ni Zea. Marky, siya yung lalaking sinuntok ni Jiro kahapon. Kapatid ni Matthew, tekaㅡngayon ko lang naalala. Yung Marky na iyon, kasama siya sa grupo ng amiable noon. Sa may indoor pool, kaya pala pamilyar siya sa akin.

“Speaking of Marky. Kaano ano mo siya? Mukha kasing nagselos si Jiro kahapon.” sabi ko kay Zea.

“Selos? Imposible. Boyfriend siya nitong bestfriend ko na si Amethyst. Ewan ko ba sa Jiro na ‘yon, hindi ko siya maintindihan.” napapakamot na sagot ni Zea.

Hinayaan ko na lang at naisipang kontakin si Tymee, malapit siya kay Matthew. Baka sakaling makatulong rin siya para hindi tuluyang masira ang Dark.

Ilang minuto ang lumipas. May 20 minutes pa bago matapos ang breaktime, kasama na rin namin si Tymee dito sa music room.

"Kaya mo bang kausapin si Matthew? Pwede naman siyang maging amiable kahit hindi nagpapaconvert, eh. Parang si Axel. Insolent siya pero nakakapunta pa rin siya ng keen's lab kahit kailan niya gusto.” pagkumbinsi ko. Ewan ko ba, apektadong apektado talaga ako sa paghihiwalay nilang lima.

“Hmm, susubukan ko siyang kausapin. Sa ngayon kasi, gusto niyang mapag-isa.” sabi ni Tymee at naiintindihan ko naman iyong desisyon ni Matthew but at the same time, naiintindihan ko rin ang rason ni Thunder.

Kinabukasan, walang klase. May meeting kasi ang mga prof. Narito lang ako sa kwarto kasama si Ayesha at Tymee. Narito din si Zea at Amethyst, may naisip daw kasi silang idea, ayaw din kasi ni Amethyst payagan masali si Marky sa binubuong gang ni Matthew.

“What if i-set up natin sila later? After dinner. Sa may indoor pool.” suhestiyon ni Amethyst.

“Kakausapin ko si Jiro, ikaw naman Rain kay Thunder, si Tymee kay Matthew. Kayo ng bahala kung paano niyo sila mapapapunta doon mamaya.” sabi ni Zea.

“Eh paano si Axel at Jaspㅡ” hindi na naituloy ni Tymee ang sasabihin niya dahil may kumatok. Mabilis namang tumayo si Ayesha para tignan kung sino iyon.

Hindi ko alam kung ano dapat maramdaman, maiinis ba ako o mabibigla. “Emerald, anong kailangan mo? Wala ako sa mood makipagtaloㅡ”

“I’m here to apologize. Sorry for what happened.” pagputol niya sa sinasabi ko nang pumasok siya sa kwarto.

“Mukha naman siyang sincere.” sabi ni Tymee kaya tumayo ako para lapitan si Emerald, hindi naman ako iyong tipo ng taong mahirap magpatawad lalo na’t nakikita ko na pinagsisihan na niya lahat ng kasalanan niya.

I mean, hindi naman siguro siya pupunta rito ng mag-isa kung hindi talaga siya willing magsorry.

“Hayaan mo na ‘yon. Naiintindihan ko.” nginitian niya ko at saka niyakap.

“Than kyou. By the way, anong meron? Bakit ang dami niyo rito?” Tanong niya pero bago ko sagutin ang tanong niya ay ipinakilala ko muna siya sa mga kasama ko rito. Nakakatuwa lang kasi parami ng parami ang nakikilala ko.

Nang mapakilala ko na lahat at maikwento ang pinaguusapan namin ay nagpresinta siyang siya na lang ang kakausap kay Jasper.

“Ako na lang kakausap kay Axel. Sasabihin ko na lang na gusto siyang makausap ni Rain.” pagpiprisinta ni Ayesha. Mukhang okay naman ang naisip niya dahil kilala naman siya ni Axel.

“Ano ng gagawin natin pagnaset up na natin sila?” Tanong ni Emerald.

“Pipilitin natin silang mag-usap usap. Open forum.” si Zea ang sumagot at tumango ako, sana lang ay magwork itong mission namin. Oplan: Pag-ayusin ang Dark.

Habang patuloy kami sa pag uusap ay nagring ang phone ko. Agad ko namang sinenyasan ang girls na wag silang maingay.

“Ulan ko.”

“Bakit? Miss mo na ko?” Tanong ko habang pilit na nagpipigil ng tawa. Eh kasi naman yung mga reaksyon ng kasama ko rito, para silang bitter na ewan.

“Oo. Mukhang busy ka, eh. Hindi mo ko nirereplyan. Puntahan mo ko dito sa parking lot. Kasama ko yung dark demons.”

“Anong meron?”

“Basta. Baba ka na rito, I’ll wait for you. I love you.”

“S-sige. I love you too.” pagbaba ko ng tawag ay sabay akong hinampas ni Zea at Ayesha. Dahil doon ay hindi ko tuloy maiwasang mapayakap sa sarili.

“Shit ang haba ng buhok. Kayo na sweet.” nakangusong reklamo ni Zea. Tumawa na lang ako dahil hindi ako sanay.

“Pupuntahan ko lang si Thunder.” paalam ko at tumango lang sila. Dali-dali akong bumaba at nagpunta sa parking lot. Mabilis ko namang nakita sila Thunder. Saan sila pupunta? Bihis na bihis sila.

“Anong meron?” Tanong ko nang lapitan niya ako

“Anong meron?” Tanong ko nang lapitan niya ako.

“Sama ka samin. Pupunta kami sa pag gaganapan ng ground zero.” sabi niya at mabuti na lang ay nakaligo na ako kanina. Mukha namang okay na itong suot ko kaya pumayag na akong sumama.

Bilang girlfriend ni Thunder, gusto ko siyang suportahan at tulad nga noong sinabi ko na oplan: mas kilalanin si Thunder. Ito na siguro iyon. Kailangan kong alamin ang buhay na meron siya as a gangster, kahit hindi sangayon ay kailangan ko siyang suportahan dahil iyon na siya bago ko siya makilala.

“Liam. Nakausap ka na ba ni Ayesha?” Tanong ko habang nasa byahe. Mabilis kaming nakalabas ng campus dahil ang galing mangbanta ni Thunder. Minsan nga kinakabahan na ako sa kanya, he’s really scary.

“Hindi pa kami nagkakausap, eh.” nagkibit balikat siya kaya tumango lang ako.

“Hindi mo kilala yung iba sa kanila ‘di ba?” Tanong ni Thunder at tumango ako. Tropang sisiw. Hindi ko sila kilala, si Jin lang.

“Siya si Ramon.” pakilala niya roon sa lalaking kulay pink ang buhok. I don’t want to be rude, pero iyon ba talaga ang pangalan niya?

“Si Jimmy.” tinuro niya iyong orange ang buhok.

“Si Suga at Jp.” pakilala niya nang tapikin niya ang balikat noong green ang buhok at yung lalaking wagas makangiti sa akin. He’s cute.

“Hello.” bati ko sabay ngiti ng pilit. Maya-maya lang ay huminto na ang kotse at huminto kami sa isang maliit na abandonadong gusali. Pumasok kami sa loob at nanlaki na lang ang mata ko nang magpunta kami sa cr.

“Anong ginagawa natin dito? Pinagtitripan niyo ba ako?” Tanong ko pero natawa lang sila, lalo na si Liam.

“Mas magugulat ka rito.” sabi ni Thunder sabay flash doon sa inidoro, dahilan para manlaki ang mata ko. Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay at lumingon sa pinanggalingan noon. Halos malaglag ang panga ko dahil may secret passage rito papunta sa underground.

“Cool, isn’t it?” Nakangiting tanong ni Thunder pero hindi ako sumagot dahil hindi ko alam ang sasabihin.

Bumaba kami sa hagdan, madilim dito pero may kaunting ilaw na nakabukas. Talagang hindi aakalain na may ganitong lugar sa gusaling ito.

Nang makababa kami ay hinawakan ni Thunder ang kamay ko at sabay kaming pumasok sa nag iisang pinto na narito.

Hindi ko inaasahan na siya ang unang mahahagip nang pangin ko at noong mga kasama niya. Don’t tell me...

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.