40: Bottle
-
Wala na talaga akong idea kung ano pa ang dapat kong gawin. Tinawagan ko si Zea ngunit hindi ako mahanap ng tamang salita na pwedeng sabihin sa kanya. Blanko ang isipan ko at tanging paghikbi lang ang tanging nagawa.
Lumipas ang oras at hindi ko na nagawang bumalik sa klase. Nanatili na lamang ako sa rooftop, tahimik akong nakaupo at sinusubukang wag isipin ang problema. Papikit na sana ako nang maramdaman kong may dumating.
“Nandito ka lang pala.” Hingal na hingal na sabi ni Jiro nang maupo ito sa harapan ko para magtama ang paningin namin.
“Jiro.” Iyon lang ang lumabas sa bibig ko bago niya ako tapik-tapikin ng marahan sa ulo habang nakangiti.
“Iiyak mo lang ‘yan.” Sabi niya kaya kahit pagod na sa pag-iyak ay tumulo na naman ang luha ko. Okay na rin siguro ito, kailangan ko talagang ilabas ang lahat ng sakit hanggang sa wala nang luha ang lumabas sa mga mata ko.
Hinimas himas niya ang likuran ko at maya-maya lang ay huminto na rin ako. Naupo siya sa tabi ko at panandalian kaming natahimik. Kahit hindi niya sabihin ay alam kong pinapunta siya rito ni Zea.
“Okay lang ba na ikwento mo ang mga nangyari?” Tanong niya kaya naman napalingon ako sa kanya.
Matutulungan niya kaya ako sa problema ko once na malaman niya? Wala naman sigurong mawawala kung susubukan ko kaya ikwinento ko sa kanya lahat, iyong mga sinabi sa akin ng papa niya mula sa kasal nila ni Zea pati noong nasa sa hospital.
Halata sa reaksyon niyang hindi siya makapaniwala na magagawa iyon ng daddy niya pero mas hindi siya makapaniwala sa ginawa ni Thunder nang ikwento ko rin sa kanya kung paano kami naghiwalay.
“I will talk to dad.” Sabi niya at bigla na lang siyang tumayo. Napatingala lang ako sa kanya, wala na rin naman magagawa iyon dahil wala na kami ni Thunder. Magbago man ang isip ng daddy niya, hindi iyon kasiguraduhan na magkaka-ayos kami ni Thunder.
ㅡ
Isang araw ang lumipas, saturday na bukas. Hindi pumasok si Thunder at Axel, tanging si Matthew at Jasper lang ang narito. And as expected, mabilis kumalat ang nangyari sa amin ni Thunder.
Sinubukan akong i-comfort nila Emerald at Tymee kahapon sa girl’s dorm ngunit gano’n pa rin. Nasasaktan pa rin ako sa paghihiwalay namin ni Thunder.
“Cutie pie.” Tawag ni Matt, dahilan para mapatingin ako sa kanya. Ang tagal na rin niya akong hindi tinatawag na gano’n. Malamang pag narinig siya ni Tymee ay malalagas na naman ang buhok niya dahil sa matatamo niyang sabunot.
“Gwiyomi gigigwiyomi.”
Napangiti ako nang gawin niya iyon
Napangiti ako nang gawin niya iyon. Na-appreciate ko na gusto nila ako i-cheer up at kahit papaano ay umeepekto naman iyon, mabuti na lang at wala kaming prof ngayon.
“Gwiyomi ba ‘yan?” Tanong ni Jasper kaya tinignan namin siyang dalawa ni Matthew.
Hindi ko napigilang matawa ng malakas kaya napangiti silang dalawa habang nakatingin sa akin
Hindi ko napigilang matawa ng malakas kaya napangiti silang dalawa habang nakatingin sa akin.
“Magiging okay rin ang lahat.” Halos sabay nilang sabi.
“Salamat.” Ngumiti silang pareho at ganoon din ako. Mabuti at nand’yan silang dalawa para pasayahin ako, dahil kung walaㅡbaka mabaliw na ako rito sa room.
Mabilis lumipas ang oras, wala namang kakaibang nangyari. Hindi ko rin nakita si Thunder buong araw. Namimiss ko na siya.
Dinner time kasabay ko sila Liam at Ayesha. Pati sila ay sinusubukan din akong i-cheer up. Last day ko na rito sa Monstrous bukas, gusto ko sanang makausap muna si Thunder at maayos ang lahat bago ako umalis. Okay na rin sa akin na hindi kami magkabalikan, basta magkaayos lang kami bago ako umalis.
Nang matapos kaming kumain ay pinauna ko na sila Ayesha na bumalik sa dorm dahil kailangan ko pang pumunta sa faculty at dean’s office para ipaalam na mag t-transfer ulit ako sa dati kong school.
Kasalukuyan kong tinatahak ang daan nang may biglang gumulong na bote sa harapan ko. Agad akong napalingon sa paligid ngunit walang tao.
Kinuha ko iyon at hindi maiwasang kabahan. Pamilyar itong bagay na ‘to kaya napahigpit ako ng hawak doon. Kinuha ko ang asul na papel sa loob at saka iyon binasa.
“Let’s start with your Beb.” Kusa kong nabitawan ang bote at saka nagmadaling tumakbo pabalik ng dorm. Paanong alam niya ang endearment namin ni Ayesha? Sino bang nagpapadala ng sulat na ‘to? Siguradong narito lang siya sa loob ng academy, pero sino? Damn it!
“Beb!” Tawag ko nang hingal akong pumasok ng kwarto.
“Oh beb. Bakit? Ang bilis mo naman?” Sabi niya kaya tumakbo ako palapit sa kanya para lang yakapin siya. Ayokong may ibang madamay pa sa problema ko. Hindi ko na ulit hahayaang may masaktan dahil sa akin. “May nangyari ba?”
Kumalas ako sa pagyakap at ipinakita sa kanya ang papel na kanina ko pa hawak. Nagkatinginan kami bago naisipang ipaalam kay Liam ang sulat na natanggap ko. Siya lang kasi ang naiisip kong pwedeng magbantay kay Ayesha.
Halos hindi ako makatulog, alas dos na ng madaling araw ngunit nanatili pa rin akong gising. Sinigurado kong nakalock ang pinto sa balkonahe dahil sa takot na may bigla na lang sumugod dito.
Kung sino man ang nagpadala ng sulat ay malamang kakilala ko lang din siya at siguradong malapit siya sa’kin.
ㅡ
Nagising ako dahil sa sigawan na naririnig mula sa ibaba. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at nakitang kakabangon lang din ni Ayesha. Nakahinga ako ng maluwag dahil walang nangyaring masama sa kanya.
“Anong meron?” Tanong ko at nagkibit balikat lang siya kaya bumangon ako para maghilamos at mag-toothbrush. Kahit shorts at oversized shirt lang ang suot ko ay lumabas pa rin ako habang si Ayesha ay nakasunod sa akin. Sobrang ingay sa lobby, may event na namah ba?
Hinawakan ko ang kamay ni Ayesha at nakasalubong namin sila Tymee at Emerald na pababa ng hagdan galing sa third floor.
“Anong meron sa baba?” Sabay nilang tanong at sabay lang din kaming nagkibit balikat ni Ayesha.
Pagdating namin sa lobby ng girl’s dorm ay ang daming babaeng nagkukumpulan na akala mo ay may artista. Hindi tuloy namin makita kung anong meron at nagkakagulo silang lahat.
“Pag hindi pa kayo tumabi babaliin ko mga buto niyo!” Biglang bumilis ang tibok ng puso nang marinig ang pamilyar na boses, at mas lalo iyong bumilis nang dahan-dahan nagsisialisan ang mga babaeng nakapalibot sa kanya.
Hindi ko tuloy naiwasang maluha lalo pa’t ngumiti siya sa akin habang naglalakad papunta sa kinatatayuan ko. I really miss him.
“Ehem. Tara girls, layo tayo. Moment nila ‘to, eh.” Sabi ni Tymee at bigla na lang silang umalis sa tabi ko.
“H-hi.” Nahihiyang bati ni Thunder nang makalapit siya sa akin. “Itatanong ko lang sana kung pwede kang maka-date? Balita ko kasi isang malaking gago raw yung ex mo, eh. Laking pagsisisi lang niya dahil sa mga ginawa niya sa’yo.”
Nahampas ko na lamang ang dibdib niya habang umiiyak. Hinawakan naman niya ang palpulsuhan ko at saka ako hinatak para yakapin ng mahigpit.
“Sorry ulan ko. Usap tayo?” Sabi niya at tumango ako. Kumalas kami sa pagyakap at saka lumabas ng dorm. Dinala niya ako sa hideout nila at doon napiling mag-usap. Mukhang kumalma na rin siya sa wakas.
Naupo siya sa sofa at saka niya ako hinatak kaya napaupo ako sa hita niya. Sinubukan kong tumayo ngunit hinigpitan niya ang pagyakap sa baywang ko.
“Sorry. Sorry. Sorry. Hindi ako nag-iisip. Masyado akong nadala ng galit at sakit. Naging childish ako, I’m sorry...”
“...Hindi ko man lang hinintay ang paliwanag mo. Naging sarado yang utak ko. Patawarin mo ko, Rain. Wag ka na umalis please? I will talk to dad. Hindi ko na alam gagawin ko kung pati ikaw mawawala pa sa’kin.”
Marahan akong tumayo para harapin siya at hawakan ang mga kamay niya habang nakangiti.
“Sorry kung hindi ko sinabi sa’yo, natakot kasi ako na baka totohanin ng papa mo yung banta niya sa’kin... Anong dapat nating gawin?” Tanong ko at bigla na lang niya kong hinila palabas ng hideout ngunit hindi pa man kami tuluyang nakakalabas ay hinarang na kami ni Zea at Jiro.
“Saan kayo pupunta?” Nakapamewang na tanong ni Zea, Mukhang okay na okay na talaga siya. I’m happy for her.
“Pupuntahan ko si Dad.” Simpleng sagot ni Thunder at isang pagngisi lang ang isinagot ng mag-asawang nasa harapan namin.
“No need. I already threatened your father.. Actually, sinabi sa’kin ni Jiro yung dahilan ng pag-alis ni Rain, so we came with the idea na i-blockmail yung dad mo na kapag sinubukan pa niyang bantaan si Rain. Makikipaghiwalay ako kay Jiro, but of course your dad won’t allow that kaya namanㅡ” Hindi na naituloy ni Zea ang mga sasabihin niya dahil agad ko siyang niyakap.
“Salamat Zea, Jiro.” Kumalas ako saka sila nginitiang pareho. Hinawakan naman ni Thunder ang kamay ko habang nakangiti ng matamis.
“Buti at natauhan ka.” Walang emosyong sabi ni Jiro habang nakatingin kay Thunder.
“Buti nalang talaga, s-salamat sa tulong.” Tumango lang si Jiro at saka inalalayan si Zea.
“Let’s go, magpahinga ka na sa dorm.” Agad silang nagpaalam sa amin at umalis.
Huminga ako ng maluwag at hindi maiwasang mapangiti sa kawalan. Salamat at nabawasan na ang bigat na nararamdaman koㅡAyoko talagang umalis dito at isa pa, ayokong iwan ang lalaking mahal ko.
“Naiinis ako sa sarili ko. Argh! Maligo ka, aalis tayo.” Agad akong napalingon kay Thunder. Nababaliw na naman ba siya?
“May special class ho kaya tayo ngayon at saka isa pa, may favor akong hihingiin... Pwede bang magkaayos na rin kayo ni Axel?” Tanong ko ngunit hindi siya sumagot. Hinila lang niya ako palabas hanggang sa makarating kami sa tapat ng girl’s dorm.
“Let’s date after class. Gusto ko bumawi.” Sabi niya at tumango lang ako habang nakangiti. Hahalikan na sana niya ako sa noo pero bigla na lang kaming nakarinig ng isang malakas na sigaw mula sa loob girl’s dorm. Kinabahan ako at agad bumitaw kay Thunder para tumakbo papasok.
“Rain!” Sigaw niya at naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.
“Si Ayesha ‘yon!” Sigaw ko pabalik. Pakiramdam ko ano mang oras ay hihiwalay na ang puso ko dahil sa kaba. Wala naman sanang nangyaring masama sa kanya.
Pagdating ko sa tapat ng kwarto ay mabilis kong binuksan ang pinto at kusa na lang akong napaatras dahil sa nakita ko.