41: Back stab
-
“Porn porn!” Sigaw ni Thunder nang isara niya ang pinto, dahilan para umalis si Liam sa ibabaw ni Ayesha.
“Nakapatong lang, porn agad? Hindi ba pwedeng na out of balance lang kaya nasa ibabaw niya ko?” Paliwanag ni Liam at napahawak na lamang ako sa dibdib ko. Akala ko kung ano na ang nangyari.
“Eh bakit ba kasi umaakyat ka sa balkonahe? Alam mo namang paranoid ako ngayon, eh.” Sabi ni Ayesha nang maupo siya sa kama.
“Sinisigurado ko lang na safe ka.” Sagot ni Liam.
“Sus. Breezy, pero teka bakit? Ano bang nangyari? Bakit ka napaparanoid?” Tanong ni Thunder. Hindi pa nga pala niya alam ang tungkol doon. Hinawakan ko siya at saka naupo sa kama ko habang kaharap namin sila Liam na nakaupo naman sa kama ni Ayesha.
“Naalala mo ba yung kwinento ko sa’yo noon na may napulot akong bote na may kulay asul na papel sa loob?” Tanong ko kay Thunder at tumango siya. “Nakapulot na naman ako kagabi at ang nakalagay sa sulat ay ‘Let’s start with your beb.’ Hindi ko ma-identify kung sino ang nagbibigay no’n dahil printed ang pagkakasulat, saka mukhang kakilala lang natin ang nagpapadala dahil alam niya ang endearment namin ni Ayesha, or worse baka isa pa sa mga kaibigan natin...”
“..At saka sure ako na kaya hindi hand written ‘yon ay dahil may possibility na makilala natin siya agad dahil sa sulat kamay niya. I mean, sinong mag-aaksaya ng ink ng printer para lang sa kapirasong sulat na ‘yon? Napakaeffort naman niya sa pananakot.” Dagdag ko.
“Saan mo napulot yung bote? Baka nakuhaan ng cctv kung sino ang naglagay no’n.” Napaisip ako sa sinabing iyon ni Thunder.
“Mag-aasikaso lang ako. After class kita-kita tayo sa tapat ng main building.” Sabi ko at tumango naman sila.
ㅡ
Kasalukuyan akong nasa keen’s lab at para akong artista dahil pinag-uusapan ako ng mga babae. Hindi siguro sila makamove on sa moment namin ni Thunder kanina sa girl’s dorm.
“Ang swerte niya no?”
“Oo nga eh, keen din naman tayo pero bakit may gano’n siyang kagwapong boyfriend?”
“Tapos naging temporary leader pa siya. I envy her so much.”
Napailing na lamang ako, kung alam lang nila. Oo swerte ako pero sure akong hindi nila gugustuhin na mabigyan ng death threat kagaya ko.
“Rain. Balita ko okay na daw kayo ni Thunder, ah.” Nakangiting sabi ni Amanda at tumango naman ako. So far maganda ang naging feedback sa kanya ng ibang keen. Mukhang okay din ang leadership niya.
“Oo. Mukha kasing nakapag-isip isip na siya, naging close minded kasi siya dahil sa nangyari.” Sabi ko at tumango lang siya. “Oo nga pala. Nandito ba si Axel ngayon?”
“Hindi ko pa siya nakikita.” Sagot niya at hindi na ako nagsalita pa. Mukhang nasa insolent siya ngayon. Sana magkaayos na sila ni Thunder.
Mabilis lumipas ang oras at tinatahak ko na ang daan papunta sa main building. Malayo pa lang ay natatanaw ko na ang dark demons at si Ayesha.
“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko kila Jin.
“May training kami, eh. Monday na yung ground zero.” Sagot niya at kusa na lang bumaling ang atensyon ko kay Thunder.
“Let’s date later tapos may training?”
“Sila lang magt-training dahil masyado na akong malakas, wag mo na kong awayin.” Sabi niya nang masahihin niya yung likuran ko. Napailing na lamang ako at sabay-sabay pumunta sa security office kung saan nakalagay ang mga records ng cctv.
Pinanuod naming mabuti ang record kagabi sa may tapat ng main building kung saan ko napulot iyong bote.
“Ayun, may tao sa likod ng puno.” Sabi ni Ayesha at itinuro niya iyon. Pinause ng guard ang video at saka izinoom in, ngunit hindi pa rin namin makita ang itsura noon dahil nakasuot ito ng mask at sombrero tulad ng dati, idagdag mo pa ang dilim ng paligid kaya mas lalong mahirap makita ang mukha o kahit mata man lang.
“Ano nang gagawin natin? Paano natin hahanapin ang nagbibigay ng sulat?” Tanong ni Liam nang makalabas kami ng main building.
“Hindi ko pa alam sa ngayon. Basta ang mahalaga, mabantayan natin si Ayesha.” Sabi ko at tumango lang sila.
Ilang oras ang lumipas ay naisipan namin ni Thunder na wag munang mag-date kaya isinama na lang nila kami ni Ayesha sa lugar kung saan sila nagt-training ng dark demons. Isinama rin ni Jin yung nililigawan niya.
“Ikaw pala si Pink.” Sabi ko dahil siya iyong babae noon sa gym. Yung babaeng tumawag kay Matthew.
“Oo. Hello sa inyo.” Bati niya sa amin ni Ayesha at nagpakilala naman kami sa kanya. Maya-maya lang ay sumakay na sila sa kotse ni Jin habang kami ni Thunder ay naisip na mag-motor na lang.
Ilang minuto lang na byahe at nakarating kami sa isang lumang warehouse. Agad akong hinawakan ni Thunder at pumasok sa loob. Para itong hideout ng VipㅡLuma sa labas pero maganda sa loob. May mga gym equipment pa. Paano naman sila nagkaroon ng ganito rito?
“Gusto niyo ba ng makakain? O maiinom?” Tanong ni Jin pero kay Pink lang siya nakatingin.
“Beb. Inom tayo, kahit tig dalawang beer lang.” Aya ni Ayesha at agad nag-agree si Pink.
“Bilhan mo na lang kami ng anim na beer.” Utos ko at agad nagtinginan sila Liam at Thunder.
“Kayo lang?” Sabay nilang tanong.
“May training kayo ‘di ba?” Sabay din kami ni Ayesha kaya napailing na lang ang dalawa.
Hindi nagtagal ay umiinom na kami nila Pink habang ang dark demons ay parang tinamad mag-training dahil patingin-tingin lang sila sa amin habang pilit na nag-fofocus.
“Ugh. Bakit kasi nagt-training tayo? Dapat nagpapahinga na tayo para may lakas tayo sa monday, eh.” Reklamo ni Jimmy nang ibaba ang dumbell na hawak niya. Nagpunta pa siya sa pwesto namin at kumuha ng isang beer pero inagaw iyon ni Thunder at saka ininom.
“Bumili kayo. Mga isang case.” Utos niya at walang sabi-sabi, agad lumabas si Jp at Suga.
“Pawis na pawis ka. Wala ka bang dalang extrang damit?” Tanong ko nang maupo si Thunder sa tabi ko at bigla na lang naghubad. Pinunasan ko ang pawis niya sa likod at saka siya nagpalit ng itim na sando.
“Oo nga pala. Yung peklat d’yan sa braso mo, saan mo ba ‘yan nakuha? Naalala mo ba yung una tayong nagkita?” Tanong ko at tumango siya.
“Nakuha ko ‘to sa gangfight. Ewan ko kung anong problema ng kalaban namin noon, bigla na lang niya akong tinutukan ng basag na salamin.” Kwento nya at tumango lang ako. Maya-maya lang din ay dumating na sila Jp at isang case nga ang dala nila. Seryoso ba ‘to? Baka maamoy sila mamaya pagbalik namin sa academy.
“Wag ka naman masyadong uminom, magd-drive ka pa. Ikaw din Jin.” Paalala ko sa kanila ni Thunder at tumango naman sila bago inumpisahan ang pag-inom, medyo nagkakasiyahan na rin kami rito.
“Wag mo kong iiwan, ah?” Sabi ni Thunder nang isiksik niya ang ulo niya sa leeg ko. Ngumiti ako at saka tinapik-tapik ang ulo niya.
“Promise. Hindi na.”
“I love you. Rain.” Tinignan niya ako at saka hinalikan sa noo.
“I love you, too. Thunder.”
Third person’s POV
Masayang nag-iinuman ang grupo ni Thunder kasama sila Rain, ni hindi na nga nila namalayan ang oras.
“Tama na ‘yan.” Suway ni Ayesha kay Liam. Ganoon din naman ang ginagawa ni Rain kay Thunder at ilang minuto pa ang lumipas bago sila huminto sa pag-inom at maubos ang case.
“Mag-aalasais na.” Paalala ni Pink ngunit bagsak na ang mga lalake sa sobrang kalasingan.
“Hayaan muna natin sila magpababa ng tama.” Saad ni Ayesha.
“Ayusin muna natin ‘tong mga kalat nila.” Tumayo si Rain at marahang isinandal si Thunder sa sofa. Niligpit nila ang mga boteng nagkalat sa lamesa ngunit parang may kakaibang naramdaman si Rain na naging dahilan para mabitawan niya ang boteng hawak niya at mabasag iyon.
“Beb. Okay ka lang?” Nag-aalalang tanong ni Ayesha. Tumango si Rain at naupo para pulutin ang mga bubog ngunnit agad din niyang binaba ang basag na bote nang masugatan siya.
“Rain.” Tawag ni Pink at saka siya lumapit para ibigay ang panyo.
“Salamat.” Agad pinunasan ni Rain ang dugo sa kanyang daliri at pinagpatuloy ang pagliligpit.
Ilang oras pa ang lumipas at mukhang bumaba na ang tama ng pitong lalake. Naisipan nilang magpunta sa isang coffee shop dahil may tatlong oras pa naman bago mag-curfew sa academy.
“Ano pa lang nangyari d’yan sa kamay mo?” Tanong ni Thunder nang mapansin niya ang sugat ni Rain.
“Nahiwa sa bubog kanina. Okay lang ako. Hindi naman malaliㅡ” Tila natigilan si Rain sa pagsasalita nang mapansin niya ang pamilyar na pigura sa labas ng coffee shop.
“N-nandito siya.” Kinakabahang sabi ni Rain, agad siyang tumayo at lumabas, dahil doon ay nagsisunuran ang mga kasama niya ngunit pagdating niya sa punong pinagtataguan ng misteryosong taong iyon ay tanging bote na lang ang nakita niya.
Agad iyong kinuha ni Thunder dahil sa inis na nararamdaman niya sa mga oras na ito.
“Should I start now?” Basa nito sa nakasulat sa asul na papel at tumingin silang lahat sa paligid.
“Lumabas ka! Sino ka bang hayop ka?!” Sigaw ni Thunder pero wala iyong nagawa, nasipa na lamang niya ang bote dahil sa frustration na nararamdaman.
“Si Ayesha? Nasaan si Ayesha?” Tanong ni Rain nang mapansin nitong wala ang kaibigan sa paligid. Halos hindi sila mapakaling lahat sa kakahanap hanggang sa makita nila si Ayesha sa hindi kalayuan kung saan may isang taong nakamaskara sa likuran nito.
Bakas sa mukha ni Ayesha ang takot dahil sa banta ng misteryosong tao na iyon na kapag gumalaw siya ay sasaksakin niya ang dalaga.
Nakatingin lamang si Ayesha kung nasaan ang mga kaibigan. Hindi nito alam ang gagawin hanggang sa makita niyang gumalaw si Liam at walang alinlangang lumapit sa dalaga.
Sinubukan ding lumapit nila Rain ngunit huli na ang lahat dahil nasaksak na ng taong nakamaskara ang likod ni Ayesha. Mabilis itong kumaripas imsa pagtakbo nang makitang kumilos ang dark demons para habulin siya.
Samantalang si Liam naman ay napaluhod sa harap ni Ayesha na may tama ng kutsilyo sa likuran. Sinubukan pang magsalita ng dalaga ngunit tuluyan itong nawalan ng malay.
“Ayesha!!”