45: Memory card
-
“Tama ba ‘tong ginagawa natin? Baka mapagalitan tayo.” Ani ni Jp, hindi na kasi kami umattend sa pangalawang activity at minabuting hanapin na lang si Thunder, medyo madilim na rito sa resort, masyado rin itong malawak kaya tiyak na mahihirapan kami sa paghahanap.
“Ayon. Si Thunder ba ‘yon?” Tanong ni Liam at saka tumuro sa mapunong bahagi ng resort. Agad kaming tumakbo papunta roon.
“Thundㅡ”
“What the fuck!” Sigaw nya, dahilan para magtaka ako pero kahit ganoon ay nakahinga ako ng maluwag dahil wala namang nangyari sa kanyang masama.
“Anong ginagawa mo rito?” Tanong ko nang tuluyang makalapit sa kinatatayuan niya.
“Sineset up ko ‘tong lugar. I’m going to surprise you, but what the hell. Bakit kayo nandito?” Tanong niya kaya nahampas ko na lamang ang braso niya habang naluluha.
“Akala ko kung napano ka na! Nakatanggap na naman ako ng sulat.” Sabi ko, dahilan para biglang mapalitan ng galit ang ekspresyon ng mukha niya. Natahimik kaming lahat hanggang sa biglang magsalita si Jin.
“M-may tao doon.” Agad naming sinundan kung saan siya nakatingin. Walang sabi-sabi, biglang tumakbo si Thunder at nagsisunuran naman kami.
Mabilis niyang nahawakan ang taong dahan-dahanng tumatayo mula sa likod ng puno. Naka-facemask siya at mabilis siyang ihiniga ni Thunder sa damuhan upang hindi makaalis.
“Sino ka ba?!” Sigaw ni Thunder at halos manlaki na lang ang mga mata namin ng tanggalin ni Thunder ang facemask sa mukha ng taong iyon. No way.
“A-amanda?”
“Teka. Ano bang nangyayari? Nagising na lang ako rito sa likod ng puno na may suot na facemask at sombreroㅡY-yung kamay ko.” Sabi nito at saka siya gumulong para maipakita sa amin na nakatali ang mga kamay niya sa likuran.
“Teka. May sugat ka.” Agad akong lumuhod nang mapansin kong may hiwa siya sa braso.
“Natatandaan ko, papunta sana ako sa function hall nang may bigla na lang nagtakip ng sako sa ulo ko.... Anong nangyayari, Rain? Pakipaliwanag sa’kin.” Nanginginig siya sa takot nang sabihin niya iyon. Lumapit naman si Liam para kalasin ang lubid sa kamay niya at alalayang tumayo.
“Tatawag ako ng puliㅡ” Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang may mali siyang nakapa sa bulsa, inilabas niya iyon at nakitang isa iyong bote.
“Akin na.” Marahas kinuha ni Thunder ang bote sa kamay ni Amanda at saka inilabas ang papel para mabasa.
“Ang hirap makipaglaro sa keen. Sino ng isusunod ko?” Basa ni Thunder bago niya nilukot ang papel. Kasabay noon ay ang biglang paghawak ni Amanda sa kanyang leeg at mawalan ng malay. Laking gulat ko na lang nang may makitang nakatusok sa bandang hinawakan niya, agad akong napalingon sa paligid, may iba pang taong rito bukod sa amin.
“Shit. Dalhin niyo siya sa duplex.” Nagmamadaling utos ni Thunder na agad namang sinunod nila Ramon.
“Kanina, may iba pang tao sa paligid natin. Sino bang gumagawa nito?” Kusang pumatak ang yung luha ko dahil sa frustration. Agad akong nilapitan ni Liam at saka tinapik-tapik ang likuran ko.
“Shh, mahahanap din natin ang taong ‘yon, stop crying.”
ㅡ
Kinabukasan, minabuti naming wag muna ipaalam ang nangyari sa ibang facilitator dahil ayaw naming mag-panic ang ibang estudyante.
Mapaparusahan dapat kami ngayon dahil sa ginawa naming hindi pag-attend kagabi pero dahil sa pagtatanggol sa amin ni Amanda ay hindi na iyon natuloy. Hanggang ngayon, palaisipan pa rin sa akin kung sino ang gumagawa ng lahat ng ito.
“Rain. Sure ka bang okay ka lang?” Tanong ni Zea, mukhang napansin nila na kanina pa ako balisa.
“Oo, okay lang ako. Tara na?” Tumango sila kaya lumabas na kam ng duplex at nagpunta sa labas para sa dalawa pang activity na gagawin ngayong araw. Nakasuot kami ng itim ngayon dahil gugulong daw kami sa putikan at kung ano-ano pa.
Pagdating namin sa obstacle course, agad kaming nagpunta sa kanya-kanya naming grupo. Si Jiro ang leader kaya sa kanya kami nakikinig.
“Rain sa likod kita, Axel sa likod ka ni Rain.” Utos niya at tango lamang ako ng tango. Pangatlong grupo pa kami kaya nakatayo lang kami rito sa gilid at pinanuod ang mga naunang grupo. Mukhang sasakit ang katawan namin dahil sa activity na ito.
“Ulan.” Biglang sumulpot si Thunder sa likuran ko kaya agad akong lumingon sa kanya.
“Bakit?” Pabulong kong tanong.
“Wala lang. Mag-ingat ka sa obstacle. I love you.” Mabilis niya akong ninakawan ng halik sa labi at saka nagmadaling bumalik sa grupo niya. Napailing na lamang ako, parang magkaka-diabetes ako dahil sa sobrang sweet niya.
Okay na sana ang lahat kung wala lang nagbabanta sa buhay ko at sa buhay ng mga mahal ko. Konting clue na lang ay malalaman ko na kung sino iyon.
“Group 3.” Tawag sa grupo namin kaya naman pumwesto na kami. Kasalukuyan akong nakahawak sa balikat ni Jiro habang si Axel naman ay nakahawak sa balikat ko na para bang isa kaming tren.
Pagpito ni Sir ay agad tumakbo si Jiro habang nakasunod ako, pwede ko lang tanggalin ang kamay ko sa balikat niya kapag nalagpasan na naming tapakan ang mga butas ng gulong na nakapila sa sahig.
Nang matapos ay gumapang na kami papasok sa tube at paglabas ay tumawid kami sa mga putol na sanga ng puno at umakyat sa net papunta sa kabila hanggang sa makapunta kami sa tuktok noon at magpadulas sa mudslide..
“Jusko, ang sakit ng katawan ko.” Reklamo ko habang nasa putikan kami at mag-unat ng braso, nagtawanan naman sila Jiro at Axel dahil doon.
“Tara. Magbanlaw na tayo.” Aya ni Axel nang i-abot niya ang kamay niya sa akin, saglit ko pa iyong tinitigan bago hawakan at hayaan siyang alalayan ako para makaalis sa putik. Kinuha niya yung hose na nasa gilid at saka itinapat sa akin para matanggal ang mga putik ngunit laking gulat ko na lang nang agawin iyon ni Thunder sa kanya.
“Tumabi ka do’n, ako na mag babanlaw sa inyo.” Walang emosyong sabi niya kaya hindi kumibo si Axel at sinunod na lang ang inutos sa kanya, tumabi siya sa akin at doon kami binuhusan ni Thunder para mawala ang putik sa katawan namin.
Lumipas pa ang ilang oras at sa wakas, babalik na rin kami sa Academy. Sobrang nakakapagod ang mga activities, idagdag mo pa ang nakakaantok na seminar.
“Anong sinulat mo sa capsule kahapon?” Tanong ni Thunder nang isandal niya ang ulo ko sa balikat niya. Kasalukuyan na kaming bumabyahe pabalik.
“Ba’t ko sasabihin? Secret ‘yon, tss!” Kahit hindi ko siya tignan ay alam kong nakangisi siya sa mga oras na ito.
“Matulog ka na. Alam kong napagod ka.” Sabi niya at pumikit lamang ako. Kahit ilang beses kong subukang wag isipin ang problema ay hindi ko magawa. Gusto ko mang ipakita kay Thunder na hindi ako natatakot, hindi ko kayang gawin lalo pa’t ano mang oras ay pwedeng saktan ng taong iyon ang mga mahal ko sa buhay.
Kailan ba ito matatapos?
ㅡ
Paggising ko, pakiramdam ko ay binugbog ako ng sampung maton, ang sakit ng buong katawan ko. Mabuti na lang at malambot ang kamang hinihigaan ko. Waitㅡkama? Nasaan ba ako?
“Masakit ba katawan mo?” Agad akong napalingon sa pinagmulan ng boses ni Thunder. Nakatayo siya sa malapit sa may bintana habang nakatingin sa akin.
“Bakit nandito ako? May nangyari ba?”
“Wala. Ang himbing kasi ng tulog mo sa bus kanina kaya dito na kita dinala sa hideout.” Sabi niya at saka lumapit sa akin. Bumangon naman ako pero parang may mali, nakatali ang mga kamay ko.
“Bakit nakatali ‘yung mga kamay ko?” Naguguluhan kong tanong at isang pagngisi lamang ang isinagot niya sa akin. Anong nangyayari? Bakit pakiramdam ko ay bumalik siya sa dating Thunder?
“Naalala mo ba ‘to?” Tanong niya at saka ipinakita sa akin iyong itim na facemask at sombrero.
“Anong ibigㅡ” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang may naramdaman akong tumusok sa tagiliran ko. Naluha na lamang ako nang makita kung paano lumabas ang dugo sa katawan ko dahil sa ginawang pagsaksak sa akin ni Thunder.
“B-bakit? Thunder.”
“BAKIT?!” Sigaw ko at naramdaman na lang na may kung sinong yumuyugyog sa balikat ko.
“Rain..”
“Hoy ulan. Gising.” Kusa na lamang akong napabangon at tila naubusan ng hininga sa katawan. Fuck! Panaginip!
“Anong nangyare?” Tanong ni Thunder at hindi ko nagawang kumibo, niyakap ko lamang siya dahil sa takot na nararamdaman. Anong klaseng panaginip ba iyon?
“A-ang weird ng panaginip ko. S-sinaksak mo raw ako.” Sabi ko nang kumalas ako sa yakap at tinawanan niya lang ako.
“Sinaksak ng alin? Pagmamahal?” Tanong niya pa pero hindi iyon nakakatuwa para sa akin. Hindi ko siya sinagot at lumabas na lang ng kwarto rito sa hideout.. Ang weird talaga ng panaginip na iyon.
“Uy galit ka ba?” Tanong ni Thunder nang habulin niya ako at yakapin mula sa likuran habang nakapatong ang baba niya sa balikat ko.
“Hindi. Babalik na ko sa dorm, medyo masama pakiramdam ko, eh.” Paalam ko at kumalas naman siya sa pagkakayap sa akin. Binuhat niya ang gamit ko bago ako inalalayan sa baywang habang naglalakad palabas.
Mag gagabi na pala. Kanina pa ba ako narito? Masyado yatang napahimbing ang tulog ko.
“Matulog ka ulit pagbalik sa dorm. Mukhang pagod na pagod ka.” Bilin ni Thunder at nang makarating kami sa tapat ng girl’s dorm ay agad kong kinuha ang mga gamit ko sa kanya.
“Bumalik ka na sa dorm. Mag-ingat ka.” Sabi ko bago pumasok sa loob.
Pabagsak naman akong nahiga pagdating sa kwarto. Namimiss ko na si Ayesha. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita kaya kinuha ko ang phone ko at naisipan siyang tawagan. May kailangan din kasi ako.
“Beb, napatawag ka?”
“Naiwan mo ba ‘yung laptop mo rito sa dorm? Pwede ko ba hiramin?”
“Ah, nandyan sa drawer sa may ibaba ng TV. kunin mo na lang.”
“Salamat Beb, kamusta na pakiramdam mo?” Tanong ko habang kinukuha ang laptop niya ngunit natigilan ako dahil may nahulog na memory card mula sa taas noon.
Ito ‘yung kinuha ni Jiro noon sa lalaking kumuha sa akin ng picture noong nasa banyo ako ng gym.
“Ah Beb, tawagan kita ulit mamaya.” Binaba ko ang tawag at saka pinulot ang memory card. Agad naman akong dumiretso sa kama para doon maupo at buksan yung laptop. Saktong nag-vibrate pa yung phone ko.
“Iloveliamandbeb yung pass Beb.” Text ni Ayesha at mabilis akong nag-reply para magpasalamat. Nang ma-open ko iyong laptop ay sinalpak ko agad yung memory card.
Ang tagal na nito, nakalimutan kong hiningi ko nga pala ito kay Jiro dahil gusto kong burahin yung kuha sa akin ng lalaking iyon. Napailing ako bago i-click yung files at nang makita ko ang mga pictures ay agad kong binura ang kuha ko roon na nagbibihis. Bwisit talaga yung manyak na iyon.
Ic-close ko na sana iyong mga images kaso naisipan ko munang tignan ang ibang pictures mula sa event mga school, ang ganda kasi ng kuha. Halatang professional.
Next lang ako ng next hanggang sa huminto ang paningin ko sa isang litrato. Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa nakita. Iyong gamit na maskara ng taong sumaksak kay Ayesha.
Bakit hawak ni Emerald? Posible kaya?